Chapter 40

"This way Over--este Zeal" sabi niya sa tonong mangaasar pa habang inilalahad ang kamay papunta sa upuan ko.

Pero imbes na samaan ko siya ng tingin ay nginitian ko nalang siya ng sobrang lapad dahilan para mapatitig siya sa akin.

Nakangiti pa rin ako habang umuupo. Nasan ba ang Mr. Handsome ko? Siguro may surprise pa siya! Can't wait.

Nagplay si Flair ng music sa piano. Ang sarap sa tainga, marunong pala siya magpiano. Ang tunog ay Kalawakan by: Music Lover. As I expect dahil 'yon ang team song namin ni Kean.

Napapikit ako habang nakikinig sa tugtog niya. 'Di siya kumakanta.

Mamaya pa ay aligaga na si Flair sa pagbalik-balik sa gilid at nagpipindot ng cellphone at saka inilalagay sa tainga.

Anong problema? Napakunot ang noo ko habang tinitingnan siya.

'Di siya mapakali at 'di alam ang gagawin.

"Flair, is there something wrong?" naagaw ang atensyon niya at tumingin sa akin.

'Di ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ah-hihi nothing" sabi niya at pilit na ngumiti.

"Where's my handsome?" sabi ko sa kaniya habang lumilinga-linga pa ako para tingnan kung nasa paligid lang siya pero wala akong nakita.

I'm expecting that the lights will off and after that Kean will sing something or what pero hindi gano'n ang nangyari.

Tiningnan ko ang relo ko.

8:40 pm.

What the? Sa sobrang excited ko at sa sayang nararamdaman ko nawili ako sa kakatingin sa mga rose at sa tunog ng piano na pinapatugtog ni Flair na wala namang lyrics hanggang sa tumigil siya at magpipindot nga sa cellphone.

"Flair?" 'Di ko na napigilan at lumapit na ako sa kaniya. "Baka may nangyari kay Kean?" sabi ko.

"Ah-- ano" kinuha niya ang kamay ko at hinila ako sa lamesa at pinaupo. "Let's eat!" masigla niyang sabi pero halatang peke.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Malungkot ang mga mata at parang may itinatago.

"Si Kean ang date ko diba?" mahinang tanong ko sa kaniya.

"Ano--kasi may emergency daw kaya 'di siya makakarating" tumulo ang luha ko sa mga mata ko.

Emergency? Na 'di man lang nagsabi sa akin?

Pilit kong inintindi baka nga sobrang emergency. Ngumiti ako. Alam kong magpapaliwanag siya kapag nagkita kami at magsosorry. Naiintindihan ko, my handsome. I love you.

Pinilit kong maging positive thinker. Pinasaya ko ang sarili habang kumakain kami ni Flair. Maya maya pa ay niyaya ako ni Flair na sumayaw.

Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Ahm--sayang kasi, so, if you don't mind tayo nalang ang magsayaw" ngumiti si Flair ng sobrang pogi.

Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at saka ako ngumiti.

Oo nga naman sayang! Sigurado naman akong may dahilan si Kean kaya wala siya ngayon.

Inihawak ko ang kamay ko sa kamay niya. Napabitaw ako bigla ng may maramdamang kung ano sa kamay naming magkahawak at saka ako tumitig sa kaniya pero nakabawi din ako kaagad at pinilit kong hawakan ang kamay niya.

Pumunta kami sa gitna ng resto. Inilagay ni Flair ang kamay ko sa balikat niya at sa baiwang ko naman ang kamay niya.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

Dug.dug.dug

Parang kinakabahan yata ako.

Tiningnan ko rin ang mga mata niya. Nakita ko ang halo-halong emosyon na nababasa ko sa kaniya. Malungkot, masaya, galit, at--inlove?

What the?

I shook my head to ease the content of my mind.

That's Impossible!

Girlfriend ako ng bestfriend niya!

With A Smile

By: Eraserheads

Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way

Dug.dug.dug.

Bakit 'yon ang kanta? Masyadong romantic. Sumayaw kami ng mahinhin.

Lumapit siya sa tainga ko.

"Everything to you is beautiful" napakahina at halos paos ng sinabi niya iyon.

Napakagat ako sa labi ko at lalong kinabahan. I'm not cheating, right?

Inilayo ko si Flair at saka ko tiningnan ang mukha niya.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakangisi siya.

"Syempre joke lang 'yon haha" sabi niya habang tumatawa.

Inis kong hinampas ang braso niya at tatalikod na sana pero hinila niya ako.

"Ito naman masyadong seryoso" sabi niya at muling ibinalik ang kamay namin sa kung saan man dapat ilagay upang magpatuloy sa pagsayaw.

"Mukha kang clown sa make-up mo, ang kapal ng kilay mo, ang pula ng labi mo at may nose line ka pa kala mo ba bagay?" tumatawa siya nang malakas.

Nagdilim ang mukha ko! The hell? Wala ba syang ibang gagawin kung hindi igood time ako?

Itinaas ko ang middle finger ko at pinakyuhan ko siya sa mismong mukha niya. Gano'n nalang ang gulat ko nang halikan niya ang middle finger ko at saka tumawa nang malakas.

"Epal ka, eh, 'no?" Sabi ko habang inis na nakatingin sa kaniya at pinupunas ang middle finger ko sa damit ko. "Your saliva is dirty, full of bacteria" sabi ko at tumawa naman siya nang sobrang lakas.

"What makes you laugh so hard? Impakto" sabi ko sa kaniya habang sumasayaw pa rin kami.

"You look over melanin that's the thing that makes me laugh every time I see you" nakangisi niyang sabi.

"Well, you don't care about my Filipina beauty" nakataas ang kilay na sabi ko at saka hinawi ang buhok ko.

Ngumiti nalang siya nang sobrang laki habang nakalabas pa ang mapuputi niyang ngipin. Duh! Wala man lang plaque! Alaga ng dentista! Yaman ni kuya mo!

"Why you always tease me?" sabi ko sa tonong nagtataray.

"Because.." tumingin siya sa akin at tumawa.

"Happy?" sarkastiko kong sabi.

"Because you look funny, those expressions of yours are genuine and automatically makes me--ahm--happy" sabi niya.

Dug.dug.dug.

"Expressions? Duh!" Inirapan ko siya at inalog-alog pa ang ulo ko.

"See? " tumawa siya ulit.

Ba't parang sobrang saya naman ng isang 'to? Nakalaklak ng enervon? Happy everyday? Tsk

Nang matapos ang kanta ay nagpahinga lang kami saglit at ihahatid niya daw ako.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay nagulat ako ng makita si Kean do'n.

Bumaba agad ako ng sasakyan ni Flair at tumakbo kay Kean at saka ito niyakap.

"My handsome" hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

Alam kong mage-explain siya sa akin ngayon kaya niya 'ko hinintay.

Ilang segundo na akong nakayakap pero 'di niya 'ko niyakap pabalik.

Lumayo ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya.

"What's wrong?" sabi ko sa tonong nagaalala.

"Can we talk?" sabi ni Kean na tumitig pa sa mata ko. Malakas ang pagkakasabi niya no'n para bang pinapaalis si Flair.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.