"Pre, una na ko" nakuha naman ni Flair ang gusto niyang iparating at saka ito nag-drive na ng kotse palayo.
"Sa park tayo" malamig na sabi ni Kean.
Nagugulat ako dahil 'di naman siya ganito. Ano bang problema?
Nang makarating kami sa park ay lumuhod siya sa harapan ko.
Is he proposing? Wahh!
"Elle" nahihirapan siyang magsalita.
Kinikilig ako sa ginagawa niya. Tell me, my handsome you want to marry me! Ngumiti ako nang malapad.
"I'm not happy" sabi niya habang nakatingin sa malayo.
Gano'n nalang ang bigla ko na parang nalaglag ang panga ko sa pagkaka-nganga at awtomatikong nawala ang ngiti ko. What does it mean? Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
"I'm not happy with my relationship.. with you" Gano'n nalang ang hirap at bigat ng sinasabi niya para hindi niya mabigkas iyon ng 'di gumagaralgal.
Biglang kumunot ang noo ko at tumulo ang isang kapiraso ng luha ko sa kanang mata ko.
"I need space" seryosong sabi niya, walang emosyon at parang hindi nasasaktan. "I'm sorry.. but.. I.." humugot siya ng oxygen at hirap na hirap sa sasabihin.
"I never loved you" nagunahang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Kumikibot-kibot ang labi ko at hindi ko magawang magsalita. Hindi niya ko minahal? Bakit? Ano nalang ang pinapakita niya? Wala lang 'yon?
"I realized that, when I asked you if you want to be my girlfriend" humugot muli siya ng oxygen at parang may nakabara na kung ano sa lalamunan niya. "I'm sorry but.."
Umiling-iling ako at gano'n nalang ang hirap ko para pigilan ang iyak ko at ang hirap kong paghinga, pati ang lungs ko ay nahihirapan.
"No! Mahal mo ko diba?" Lumuhod din ako para magpantay kami at niyakap ko siya habang humagulgol na sa balikat niya. "Mahal mo ko.. hu tell me!" Kinurot ko ang likod niya pero wala siyang pinakitang kahit na ano na nasasaktan siya sa kurot ko.
Bigla ay naging manhid siya. Oo nga pala, hindi siya umiiyak! Hindi niya pinapakita ang tunay niyang nararamdaman kapag nasasaktan siya.
Inilayo niya ako sa kaniya at itinayo ako.
"Let's.." tumingin siya sa mga mata ko para makita ko na hindi man lang siya nasasaktan. "Let's break up" nahihirapan niyang sabi. "I'm sorry" sabi niya habang umiiling-iling pa.
At saka siya naglakad palayo pero hinabol ko siya at niyakap ko ang likod niya habang todo pa rin sa pagtulo ang luha ko.
"No! hu please? Ayaw mo ba na sobrang sweet ako? Ayaw mo ba na clingy ako at yumayakap nalang bigla. Sabihin mo kung ano ang mali at babaguhin ko. 'Wag ka lang makipaghiwalay. Sabihin mo sa akin, my handsome. Promise aayusin ko! Ayusin natin 'to. Mahal na mahal kita hu" Hinigpitan ko ang yakap sa likod niya. "Ayaw ko, hu ayaw ko--my handsome please ayaw ko mawala ka 'di ko kaya, don't do--hik this to me. Please?" sabi ko.
Wala akong pakialam kahit magmukha pa akong tanga ang gusto ko ay siya lang at wala ng iba.
Ang sakit sakit! Gumuguhit ang kirot sa dibdib ko at nanunuot sa buo kong sistema. Ayaw ko! Masyado ko siyang mahal para palayain. Niyakap ko siya nang sobrang higpit para 'di niya ko iwan pero tinanggal niya iyon at iniharap ako sa kaniya.
"Suntukin mo ko" kinuha niya ang kamay ko at pinagpapalo sa dibdib niya. "Sipain mo ko! Do everything that you wanted to remove the pain in you!" sigaw niya na parang pinipilit akong gawin iyon.
"Saktan mo ko hangga't gusto mo pero.." umiling-iling siya. "Hindi kita kayang mahalin--naguluhan lang siguro ako sa nararamdaman ko--pero 'di kita mah--"
'Di ko siya pinatapos, sinipa ko ang bibig niya gamit ang binti ko at tiningnan siya nang sobrang sama. Saktan kita hanggat gusto ko? Okay fine! Kahit naka-fitted dress ako ay wala akong pakialam kahit ano pang makita niya masipa ko lang siya!
Inihaya ko ang kamay ko sa kaniya na parang susuntok ako anumang oras. Tinanggal ko ang heels ko. Humugot ako ng oxygen at pinalis ang luhang patuloy sa pagpatak kahit ang mukha ko ay matapang na ang tingin sa kaniya.
Inambahan ko siya na para kaming magkalaban sa boxing.
"Fine" sabi ko at saka siya plinying kick dahilan para matumba siya at dumugo ang gilid ng labi.
Tumayo siya at naghihintay sa sunod kong gagawin. Lumapit ako pero 'di ko kinaya. Nayakap ko ulit siya at patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.
Kean...
"Sabihin mong minahal mo ko, my handsome. hu kahit ano gagawin ko 'wag mo naman akong iwan! 'Wag mong gawin sa akin 'to!"
"I'm sorry" pilit akong inaalis ni Kean sa pagkakayakap.
Hinigpitan ko ang yakap ko kahit wala akong makuhang yakap pabalik. At saka lakas loob kong tinanggal ang luha sa mata ko at sinuntok siya sa pisngi nang sobrang lakas, natumba siya sa sahig.
"Okay! Once you remove the rope I walk away" seryoso kong sabi. "Don't you dare run to hold me again it will never gonna happen"
Tiningnan ko siya, nakayuko pa rin siya at nakaupo sa sahig.
"Pinili mong umalis 'wag ka ng bumalik dahil.." humugot ako nang lakas ng loob. "Wala ka ng babalikan" matapang kong sabi.
"Someday" ngumiti ako sa kaniya at tumingala naman siya para salubungin ang mga mata kong nagagalit. "Someday, someone's gonna take your place and I forget about US"
"Bye, Mr. Handsome"
Tinitigan ko siya, kung nakamamatay lang ang mga mata ko ay patay na siya.
Gano'n nalang ang pagpipigil ko para hindi siya pakyuhan tulad ng ginagawa ko kay Flair. Tumalikod ako at naglakad pero huminto at bumaling sa gilid ang mukha.
"GAGO" malutong at tagos puso kong sabi sa kaniya.
At saka ako mayabang na naglakad palayo sa kaniya. Nang makalayo ay napahawak ako sa dibdib ko. Napaluhod ako at niyakap ang tuhod ko. Wala na akong paki kahit pa lumabas ang kung anong parte ng katawan ko dahil sa suot kong damit at naka-paa pa. Ang ganda ng buhay! Sobrang ganda!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Clench.
Yeah, he's my superman. I won't second thought to shout his name because I know he'll come anytime, anywhere.
Clench answer the phone!
Habang humahagulgol ako ay hawak ko ang cellphone sa tainga ko.
Bakit ganito kasakit, Kean? Minahal lang kita! Ang akala ko totoong mahal mo ko! Akala ko ikaw na..
Akala ko lang pala..
Patuloy sa pag-agos ang luha ko hanggang sa may tumigil na sapatos sa harap ko at naglahad ng panyo sa harap ko.
Tiningala ko siya at lalong tumulo ang luha sa mga mata ko.
Kasabay ng pag-patak ng ulan.
Ang ulan na nagpapa-alala sa akin sa pagibig na akala kong pang-habang buhay na.
Ang ulan na nagsabing may dahilan para magmahal pero
Gano'n nalang ang ibinigay na kabiguan sa akin para sa pangal'wa kong pagibig.
Kean...
Lumakas ang ulan pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko pati na rin ang lalaking nasa harapan ko. Nakatingin lang sa akin at walang sinasabi.
At saka siya yumakap ng sobrang higpit.
Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya. Hinigpitan niya pa ang yakap at hinaplos ang buhok ko.
Ang sakit! Ang sakit sakit!