Chapter 89

Third Person POV

"Ano na ang nangyari sa ating paghihiganti?" tanong ng lalaking nakaupo sa wheelchair sa kaniyang bunsong kapatid.

Napakamot sa noo ang kaniyang kapatid at nangapa ng sasabihin.

"Puro pangbababae nanaman ba ang inaatupag mo? Ayusin mo ang pagtratrabaho mo! Kung kailangan mong gumamit ng ibang tao para makaganti sa lalaking 'yon gawin mo! Wala tayong usad!" nakatiim ang bagang sabi ng lalaki sa wheelchair.

"Kuya 'wag natin idamay ang iba wala naman silang kasalanan" tanggi ng kaniyang kausap at nag-iwas ito ng tingin.

"Ilang taon natin siyang hinanap! Dapat may mangyari! Wala akong pakialam kahit sino pa ang madamay!"

Bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki.

"Mukhang mahihirapan tayo, master" sabi nito at tiningnan ang magkapatid. "Maraming sagabal. Hindi sila basta-basta. Ang babaeng 'yon ay mabilis at malakas maaring no'ng kikidnapin namin siya ay pagod lang siya at 'yong lalaking tumulong sa kaniya ay hindi maitatanggi ang galing niya sa flying kick, isang sipa lang ay nakatulog na ang mga tauhan"

"Gawin niyo ang lahat! Wala akong pakialam kahit pa anong paraan! At ikaw?" turo niya sa kapatid. "Mag-isip ka!"

"Hindi sila mahina at lalong 'di natin sila pwedeng maliitin! 'Wag tayong magpadalos-dalos" tiningnan din niya ang panganay na kapatid. "Aalamin ko ang kahinaan nila"

Naglakad na ito palabas ng pinto pero tumigil bago tuluyang lumabas.

"Ako ang bahala. Magtiwala ka lang, kuya. Pagbabayarin natin ang lalaking 'yon"

Elleina Zeal's POV

"Tabi-tabi nalang ulit matulog ang girls!" sabi ni Carme at saka umupo sa tabi ko.

Nasa mansyon kami ngayon ng mga Baider. Kumpleto ang barkada at lahat kami naka-pajama. Dahil sa pagkapanalo ko ay binalak ni lolo ng isang engrandeng party pero ayaw ko kaya sabi ko mag-pajama party nalang kami ng mga kaibigan ko buti nalang pumayag.

"Duh, as if I'm going to sleep with you, guys? Dami-daming kwarto dito tapos magtatabi-tabi pa kayo" mataray na sabi ni Diamond.

"Edi 'wag kang tumabi" mataray din na sabi ni Carme.

"Mga boys dating gawi tabi-tabi ulit!" masiglang sabi ni Clench at tumingin kay Taxon at Kil. "Ano tatabi kayong dal'wa?"

"Yes! Mukhang masaya 'yon!" sabi ni Kil at tumingin kay Taxon. "Ikaw, kuya?"

"Of course not, what kind of trip is that?" masungit na tanong ni Taxon.

Malaki kasi ang mansyon pero dahil sanay na kaming magkakaibigan na nagsisiksikan tuwing mago-over night ay lagi namin 'yon ginagawa dahil masarap matulog ng magkakatabi parang sulit na sulit kahit sa pagtulog.

"Masaya kaya 'yon!" sabi ni Clench.

Lumapit ako kay Taxon at umakbay. Si Flair naman ay tumingin nang masama.

Don't tell me pati pinsan ko pinagseselosan niya? Ang corny niya.

"Why don't you try different things?" tanong ko kay Taxon.

"I hate that. Masikip at mainit" sabi niya.

"Sige na" pamimilit ko.

"Okay" isinuko pa niya ang kamay. "Diamond, do'n ka din sa mga girls" utos niya kay Diamond.

"No way!" nag-roll eyes pa siya at pinag-cross ang mga braso.

"No way ka pa dyan! 'Wag kang tatabi talaga mamaya sisipain kita!" mataray na sabi ni Carme.

Ganiyan silang dal'wa nagtatarayan.

"Oh, ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Kean.

"Spin the battle para masaya wala ng tubig-tubig mga mandurugas, eh" sabi ni Rev.

"Tara!! Woah!!" sigawan namin.

"Guys, what's spin the battle?" tanong ni Diamond na nakakunot pa ang noo.

"Madali lang 'yon" mahinahong sabi ni Arah.

"Di mo alam? Kawawa ka naman" sabi ni Clench.

"Do I need to ask question if I know?" mataray niyang sabi.

"Watch and learn" sabi ni Clench at kumindat pa kay Diamond.

Lumapit si Flair at kinuha na ang kamay ko sa pagkaka-akbay kay Taxon. Humawak siya sa baiwang ko at ipinatong ang mukha sa balikat ko.

"Hoy! Spin the battle, hindi landian!" binatukan ni Rev si Flair.

Tiningnan siya ni Flair nang masama.

"Lakas mo mangbatok 'no?" inis na sabi ni Flair. Kinuha ko nalang ang kamay niya at inupo siya.

Nag-spin the battle na kami. Ang unang natapatan ay si Diamond at Rev.

"Woaaah" sigawan namin.

"Yari ka sa akin ngayon" sabi ni Rev. Nag-roll eyes lang si Diamond.

"Kapag pinili mo truth tatanungin ka tapos sasagutin mo dapat totoo. Kapag naman dare may ipapagawa saiyo" paliwanag ni Clench.

"Okay. Whatever" umirap pa si Diamond

"Truth or dare?" tanong ni Rev

"Dare?" nag-aalangang sagot ni Diamond.

"Woaaahhh!!" sigawan nanaman.

"Okay! Ayos!" nakangising sabi ni Rev. Mukhang masama ang balak niya. "Tanggalin mo ang make up mo in front of us"

"What? No!!!!!!" sabi ni Diamond at awtomatikong tumayo. "You're insane!"

Nagtawanan kami. Para namang ang hirap hirap no'n. Napaka-big deal talaga ng make up niya.

"Hahaha tamang-tama, Rev" sabi ni Kil at umapir pa kay Rev.

"Ayaw mo? Kami nalang magtatanggal hahaha" pang-aasar ni Flair.

"Ugh!" walang nagawa si Diamond. Kinuha niya ang make up remover at galit na galit na tinanggal ang make up niya.

"Wala ka palang kilay hahaha" pang-aasar ni Clench.

"Gandaaaa!!" sigaw ni Kean na lalong kinainis ni Diamond.

"Trip niyo ako! Duh!" mataray niyang sabi.

Ang kaartehan niya talaga ay 'di na nawala.

"Okay, next na!" excited na sabi ni Kil.

Next na natapatan ay si Clench at Taxon.

"Woaaahh!!" sigawan nanaman.

"Napakaswerte puro Baider" nakangising sabi ni Clench at pinagkiskis pa ang mga palad.

"Dare" walang ganang sabi ni Taxon.

"Seriously?" sabi ko.

"Baby, hayaan mo siya minsan lang, eh hahaha" sabi ni Flair.

"Okay!" sabi ni Kean at bumulong kay Clench.

Papansin ang mga ito. Pinagtutulungan ang mga pinsan ko.

"Hoy! Anong binulong mo?" tanong ni Ali.

Nakita kong bumungisngis si Arah. Narinig niya siguro dahil katabi siya ni Kean.

"Hahahahahahaha sigurado ka?" tawa nang tawa si Clench bago tumingin kay Taxon. "Baka suntukin ako?" tanong ni Clench kay Kean.

"Di 'yan akong bahala" kumindat pa si Kean kay Clench.

"Ikaw ang bahala ako ang kawawa" sabi ni Clench at bumungisngis pa.

"Tagal naman" naiinip na sabi ni Taxon.

"Sige hahaha ito na. Sumayaw ka ng budots"

"What the fuck!?" sigaw ni Taxon.

Natawa kaming lahat sa sabi niya. Gosh! 'Di ko naisip na sumasayaw si Taxon no'n 'di ko nga rin alam kung marunong siya sumayaw or what!

"Bilisan mo, Taxon" sabi ni Flair.

"Inuutusan mo ba ako?" masungit na sabi niya.

Tawa nalang ang ginawa ni Flair.

"Bilisan mo na!" tinulak ko siya patayo. Tiningnan niya nalang ako ng masama.

Kinuha ni Kean ang cellphone niya at pinatugtog ang budots. Tumayo si Taxon at tiningnan kami nang masama.

"Kaya mo 'yan, bro! Hahaha" pang-aasar ni Kil.

"I can't believe this" sabi ni Diamond.

"Woaaahh!!!" sigawan namin.

Nang magsimula siyang sumayaw ay 'di na nawala ang masama niyang tingin kaya lahat kami ay tawa nang tawa sa kaniya. 'Di siya marunong sumayaw para siyang bulateng ewan.

"Hahahahahaha" nangibabaw ang malakas na tawanan namin.

Imagine, Taxon Ken Baider sumasayaw ng budots? Nakakatawa!

"Next na" sabi ni Arah.

Sunod na natapatan ay si Kean at Flair.

"Woaaah!" sigawan nanaman.

"Truth or dare?" tanong ni Kean.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.