"Dare para masaya" nakangiting sabi ni Flair.
"Hmm. Mukhang mahihirapan tayo marunong siya sumayaw, kumanta, talented!" sabi ni Kean na nakatingin kay Clench at Rev parang nanghihingi ng tulong.
"Sige 'yon nalang!" maya maya ay sabi ni Kean at saka tumingin kay Flair. "Kagatin mo daw tainga ni Elle hahahaha"
Tumawa sila nang tumawa.
"What no!" sabi ko at lumayo kay Flair.
Ngumisi si Flair sa akin at akmang hahabulin ako pero sinipa ko siya.
"Subukan mong lumapit!" sabi ko.
Tawa sila nang tawa habang pinapanood kami. Parang demonyo ang tawa ni Flair nakakainis!
"Tagal naman" naiinip nanamang sabi ni Taxon.
"Pakagat ka na kasi" nakangising sabi ni Lance.
"No wa--Aray!!!!" sigaw ko nang 'di namalayan ang paglapit ni Flair kaya nakagat niya ang tainga ko. Sinuntok ko siya nang sinuntok.
"Hahahaha" walang hanggang tawa nilang lahat na kahit ang tatlong Baider ay tumatawa din.
"Ikaw!" turo ko kay Kean nanlaki ang mga mata niya. "May araw ka din sa akin!" masamang tingin ko sa kaniya, tumawa naman siya nang sobrang lakas.
"Mga buset!" sigaw ko sa kanila dahilan para lumakas pa ang tawa. Hinawakan ko lang ang tainga ko ang sakit ng kagat ni Flair! 'Di ko nga siya pinansin.
"Sorry na, baby. Katuwaan lang" sabi niya at nakangising tumingin ulit sa tainga ko. "Gagawin ko ulit 'yon masarap pala" sabi niya kaya hinampas ko ang braso niya.
Gagong 'to!
Inikot na ulit ang bote ang natapatan ay si Arah at Kil.
"Ayieeeee" sigaw ni Carme.
"Truth or dare?" nahihiyang tanong ni Arah.
"Truth. I hate those dare pinagkakatuwaan lang hahaha" nakangiting tumingin si Kil kay Arah.
"May--ahm-- mahal ka na ba--ahem ngayon?" halos 'di maituloy ni Arah ang tanong.
Nag-isip saglit si Kil at tumingin kay Arah.
Kinakabahan ako sa sagot niya baka kung ano ang sabihin niya. Alam naman ng girls na may gusto si Arah kay Kil.
"Wala pa, eh. Naghahanap nga ako. Gusto mo ikaw nalang?" Nakangising tanong niya kay Arah.
"Ayiiiieeeee" bigla ay nag-iba ang atmosphere napalitan ng kilig ang paligid. Nakita ko ang pamumula ni Arah.
"Wait! Wait! May nagseselos" tumingin si Ali kay Clench agad naman itong ngumiwi.
"Yuck! Ali! May nurse ako!" tanggi agad ni Clench.
"Defensive" tinusok-tusok ni Carme ang baiwang ni Clench.
"Ano na, Arah?" muling inagaw ni Kil ang atensyon naming lahat.
Tinitigan ni Kil si Arah.
"Di na masama kung ikaw hahaha" parang inaalaska lang ni Kil si Arah kainis 'to!
"Pag-iisipan ko" namumulang sabi ni Arah. Natigilan si Kil dahil 'di niya alam na seseryosohin iyon ni Arah pero 'di na rin nagsalita.
"Okay! Next!" inikot ni Flair ang bote.
Ang natapatan ay si Rev at ako. Yari na! Maloko ang isang ito.
"Truth or dare?" nakangisi niyang tanong.
Baka kapag truth kung ano itanong nito about sa amin ni Kean kapag naman dare ewan ko lang.
"Dare" kinakabahan kong sabi.
"Kiss mo si Kean hahahaha"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Woaaaahhh" sigawan nila.
Si Kean ay nag-iwas ng tingin.
"Hoy, Rev umayos ka! Malalagot ka talaga sa akin!" sigaw ni Flair.
"Seloso mo naman sa pisngi lang! Hahaha" sabi ni Rev.
Maloko talaga!
"Isa.." pagbibilang ni Flair. "Dalawa tat--"
"Okay!" tumingin si Rev sa akin. "Kiss mo nalang si Jave para masaya na si kupal"
"Ayieeeee" pang-aasar nila.
Tiningnan ko si Flair at ang loko ay lapad nang pagkakangiti. Napakamot ako sa ulo ko at humalik ako sa pisngi niya pero hinawakan niya ang batok ko at dinala ang mukha ko sa labi niya.
"Ayieeeeeeee" sigawan nila.
"Rated SPG!!!" sigaw ni Rev.
Ang OA nila dampi lang naman 'yon! Nakita kong namula ang mukha ni Flair. Natawa nalang din ako.
Sunod na pag-ikot ng bote ay tumapat kay Taxon at kay Rev ang bote. Si Taxon ang magtatanong kaya naman napalunok si Rev.
"Yari ka ngayon! Mapang-alaska ka huh?" nakangisi kong sabi kay Rev.
"Patay ka!" iwinawagayway pa ni Kean ang hintuturo kay Rev.
"Sige dare, oo na, talo na ako" nakasimangot na sabi ni Rev.
"Makipag-break ka kay Ali" nakangising sabi ni Taxon kaya napatayo agad si Rev.
"Walang ganyanan" Halata ang takot sa kaniya at namutla pa kaya tawa kami nang tawa.
"Karma!" sigaw ni Carme.
"Kidding" sabi ni Taxon at tumingin sa akin parang nagtatanong kung ano ang ipapagawa. Nag-isip naman ako.
Tumawa ako sa naisip at binulong iyon kay Taxon. Tumawa rin siya bago nagsalita.
"Lusot ka sa ilalim naming mga boys hahaha"
"Hahahahahaha" tumawa silang lahat at excited na tumayo.
Pumila sila at binuka ang mga hita para makadaan si Rev. Kawawang Rev hahaha.
Nagsimula ng gumapang si Rev nang madaanan niya si Kean ay pinalo pa nito ang pwet niya hahaha mga baliw. Hahaha tawa lang kami nang tawa.
"Ang sama niyo! Tangina ka Kean! Makakaganti din ako saiyo!" sabi ni Rev habang hirap na hirap gumapang.
Nang kay Kil siya dumaan ay inipit nito ang ulo ni Rev kaya malakas ang tawanan namin. Dumaan siya kay Taxon pero inipit din siya nito talagang pinagtripan na siya.
"Ibuka mo nang malaki para makapasok ako! Hina mo! Virgin!" sunod-sunod na sabi ni Rev kay Clench nang doon naman siya lumusot.
Nang kay Lance siya lumusot ay inupuan siya nito.
"Aray ko ang bigat ng testicle mo Lance. Ang liit naman!" sabi ni Rev kaya kinotongan siya ni Lance bago dumiretso.
"Grabe na ang sakit na ng katawan ko huhuhu!"
Lahat nalang ng daanan ni Rev ay may sinasabi siya kaya naman ang tawa namin ay grabe.
"Buti walang umutot mamamatay na ako, eh" sabi ng pilyong si Rev.
Ang last ay kay Flair habang dumadaan siya ay pinalo siya nang pinalo sa pwet kaya naman ang tunog ng tawa ni Flair.
"Gago kang Jave ka! Sasapakin talaga kita! Maga na pwet ko!" inis na sabi ni Rev kay Flair.
Pagkatapos niya ay pagod na pagod siyang tumumba.
"Ang lupit ng karma" hingal na hingal niyang sabi. "Hoy! Alissandra Abegail San Miguel, hug!" tawag niya kay Ali kaya lumapit ito at yumakap sa kaniya.
Doon na natapos ang gabi namin at kaniya-kaniya ng ayos ng higaan. Napakasaya puno ng tawanan kahit papano ay 'di namin naisip ang mga gawain sa school.
"Baby, magpahinga ka na" sabi ni Flair at yumakap sa baiwang ko. "I love you" bulong niya sa tainga ko.
"I love you more" sabi ko.
Humalik siya sa noo ko at ngumiti.
"Sleep well, cherish"