Chapter 94

Javen Flair's POV

Alam ko kung saan hahanapin ang Dreadful Gang nasisiguro kong nando'n pa din sila sa dati.

Sorry nalang ang matamaan ng aking kamay at paa dahil maghihingalo sila!

Walang takot kong pinasok ang mataas at madilim na building na iyon. Tiningnan ako ng mga nakabantay pero ngisi lang ang ginawa ko pagkatapos ay mabilis ko silang sinugod gamit lang ang kamay ko ay natumba na ang sampung nagbabantay.

Tiningnan ko ang mga nakamaskarang ngayon ay nakahandusay na.

'Di niyo nga pala natatanong mahusay ako sa Martial Arts, sa Deadly Martial Arts kaya kung ako sainyo magtago na kayo! Sinabi ko na sainyo na 'wag ang girlfriend ko pero ang tigas ng ulo niyo!

Alam ko kung saan papatamaan ang kalaban upang patulugin, mamilipit sa sakit o ang pinakadelikadong parte para mamatay ang kalaban pero 'di ko ginagamit 'yon dahil ayaw ko naman pumatay huli kong ginamit ang deadly martial arts ay pinagsisihan ko dahil nalumpo ko yata ang kalaban.

Pagbukas ko sa isang malaking pintuan ay nakita ko ang mga miyembro ng dreadful gang. Ang iba ay nagsusugal, nag-iinuman at meron ding nagkwe-kwentuhan kahit gaano sila karami ay wala akong pakialam. Nanatiling wala akong emosyon. Good thing nakatanggal ang mga maskara nila mapapadali ang buhay ng nanakit sa girlfriend ko.

Nagtawanan sila nang makita ako pero ngumisi lang ako. Ang dibdib ko ay punong-puno ng galit kaya hindi ko nararamdaman ang kahit na anong kaba o takot dahil wala sa bokabularyo ko alin man do'n.

"Sumugod ka ng magisa? Hahaha" sabi ng isang may hawak na bote ng alak.

"Magpapakamatay ka ba?" sabi naman ng isang may hawak na baraha.

Tumawa sila at ang iba ay umiiling-iling pa. Sige lang maliitin niyo ako kahit 'di pa nagsisimula ang laban.

"Sino sa inyo ang pumalo sa ulo ng girlfriend ko?" taas-noo ngunit wala kong emosyong sabi.

"Ako hahaha" tumayo ang isang nasa likuran.

"Ako, bakit may angal ka?" sabi ng isa pang may katangkaran.

"Ako din, hahaha hina ng girlfriend mo kala ko pa naman malakas" sabi pa ng isang may katabaan.

May mga tumayo pang lima pero pinakatitigan ko lang ang mukha nila. Isinaulo ko ang bawat parte ng mukha nila. Tingin ko magpapaalam na sa mundo ang mga ito.

Tumawa sila nang sobrang lakas. Pinaglalaruan nila ako tingnan natin kung mabuhay pa sila sa laro ko.

"Hay nako! Umuwi ka nalang dahil mag-isa ka lang" nagtawanan nanaman sila.

"Sino namang may sabi sainyong mag-isa lang siya?" napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Kean at Rev na pumwesto sa tig-kabila kong gilid.

Sinamaan ko ng tingin si Kean.

"Diba sabi ko bantayan mo si Zeal?" naiinis kong sabi.

Ngumiti si Kean sa akin.

"Iniwan ko kay Lance at Taxon alam kong 'di nila siya pababayaan. 'Di ko rin kasi kayang pabayaan ang pre namin" kumindat si Kean sa akin.

Kahit kailan 'di ko naramdamang iniwan ako ng dal'wang kolokoy na ito lalo na ni Kean kahit nga noong pinalabas ako ng room dahil sa COR sumama siya.

"Pres are pres" nakangising sabi ni Rev.

"Naiinip na ako!" sigaw ni Kean.

Nagtawanan muli silang lahat pero natigilan nang walang anu-ano'y sinipa ko na ang maaabot ng paa ko. Hinanap ko na kaagad ang mga taong nagsalita na sila daw ang pumalo kay Zeal.

Sinipa ko na agad ang isa pang pasugod upang marating ko ang isa sa mga target ko. Nang mahawakan ko siya ay nakahanap ako agad ng baseball bat sa 'di niya inaasahan ay napalo na siya kaagad, bumagsak at nangisay, Isa.

Mabilis ako kumilos upang sipain ang mga lumalapit. Suntok sa tiyan, mukha, dibdib, at wala na akong pakialam kung saan sila tinatamaan. Nakita ko ang pangal'wang target. Hinawakan ko ulit ang baseball bat na ibinato ko kanina sinuntok ko muna ito bago ko paluin ng baseball bat, dalawa.

Umikot ako upang harapin ang pangatlong target at walang awang hinampas ng baseball bat sa ulo.

Madugo ang gabing ito. Kung may magpapaalam man sa mga taong ito ay ikatutuwa ko.

Nakita ko si Kean na gigil na gigil ang pagsipa. Mabilis siyang tatayo upang manipa ulit at kaawa-awang tumitilapon ang mga natatamaan niya.

Si Rev ay tawa pa nang tawa habang pinaglalaruan ang kalaban dahil hindi man lang makatama saka niya ibabalibag. Nakita ko ang paghawak ng isa sa likod niya pagkatapos ibalibag at mamilipit sa sakit.

Hinanap ko ang ika-apat na target. Nakita ko siyang may hawak na baseball bat. Tamang-tama 'yan ang gagamitin ko saiyo. Lumapit ako sa kaniya at nahawakan agad ang baseball bat. Inis siyang tiningnan ako.

"Ano? Ipapalo mo din sa akin 'yan?" nakangisi niyang sabi.

"Oo" hinampas ko iyon sa ulo niya kaya umagos ang dugo.

"Jave!" sigaw ni Kean sa akin.

'Di ko namalayan ang isang lalaki na lumapit na pala may dalang kutsilyo naka-iwas ako pero nadaplisan sa may baiwang. Tiningnan ko ito ng masama at hinampas sa ulo ng baseball bat. Napangiti ako nang makitang siya ang ikalima.

"Kahit patayin mo kami 'di ka pa rin panalo dahil wala dito si master" sabi ng ika-anim na target ko.

Mabalis ko siyang sinugod at sinakal.

"Sumusu..nod-" medyo niluwagan ko ang pagkakasakal ko upang makapagsalita siya. Sa tingin ko ay may gusto siyang sabihin.

"Sumusunod lang kami sa utos ng master namin dapat hindi kami ang binabalikan mo kung hindi siya!"

Napaisip ako sa sinabi niya na kung tutuusin ay tama siya. Sino naman ang gagong iyon? Binuwag ko na noon ang gang na ito. Bakit muling nabuo? Sino ang tao sa likod nito?

Sinakal ko muli ang lalaki.

"Sino ang master mo?!"

Umiling siya. "Di..ko alam"

Mas diniin ko ang pagkakasakal.

"Sino!? Sumagot ka kung hindi mamatay ka!"

Wala na ako sa sarili ko hindi ko na kontrolado ang galit ko. Masyado ng matindi at wala dito ang taong kayang palambutin ang nagagalit kong puso kaya hindi ko alam kung papano ko aayusin ang sarili ko at kokontrolin ang sarili kong emosyon.

"Ma..ni..wala ka..'di ko a..lam.naka..mas.ka..ra..siya" sabi niya pero mas lalo ko pa siyang sinakal.

"Jave!" tawag ni Rev at Kean.

Kean Patrick's POV

Kaya namin sinundan si Jave dahil nakikita na namin sa kaniya ang tindi ng galit niya. Kitang-kita iyon sa mga mata niya. Hindi siya papipigil kapag galit na siya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa leeg ng lalaki dahil anumang minuto ay malalagutan na ito ng hininga. Pilit kong inaalis ang kamay niya.

"Pre, baka mapatay mo" nagpa-panic kong sabi.

"Pre, pakinggan mo ko" sabi ni Rev at pilit din inaalis ang kamay ni Jave.

"Pre!!!" wala kaming magawa kung hindi ang tawagin siya dahil nakatiim ang bagang niya at umaapoy sa galit ang mga mata.

"Pre, naririnig mo ba ako?" pilit kong inaagaw ang atensyon niya. "Kapag napatay mo 'yan magagalit saiyo si Elle" bigla ay lumuwag ang pagkakahawak niya dito.

"Diba sabi mo kanina kakain kayo sa street foods pagising niya?" unti-unti kong nakita ang pagkalma niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan niya na itong bitawan at itinapon lang sa kung saan. Napasabunot siya sa buhok niya.

"Fuck!" tumulo na ang luha niya pero pinalis niya agad.

Lumapit kami ni Rev upang damayan siya.

"Di ko maintindihan kung bakit kailangan paluin nila sa ulo! Kung ako ang hinahanap ng master nila handa akong makipag-one on one pero nandadamay pa sila! Putangina!" sunod-sunod na sabi niya at pinagsisipa ang mga nakahandusay na dreadful members.

"Tangina niyo! Bumangon kayo! Harapin ninyo ako! Mga duwag kayo ginagamit niyo pa ang girlfriend ko! Ang liit ng utak niyo kung hanggang doon lang ang kaya niyong gawin! Ako ang saktan niyo! Ako ang labanan niyo!" mabilis niyang pinagtatapakan ang mga nakahiga ng mga lalaki.

Tumingala si Jave at may tiningnan sa itaas. Tiningala ko rin iyon at nakita ko na isa iyong CCTV camera. Itinaas ni Jave ang dal'wang kamay at nag-dirty finger.

"Fuck you! 'Wag ka magpapakilala sa akin dahil sisiguraduhin kong uuwi ka ng gumagapang at hihilingin na sana namatay ka na lang"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.