Chapter 93

Javen Flair's POV

"Sorry ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin"

Agad gumapang ang kirot sa dibdib ko. Ang takot ay nagpanginig sa buo kong katawan.

Baby! No wayyyyyy!!!!!

Huminto ang pagtulo ng luha ko at wala akong narinig kung hindi ang iyakan ng mga kaibigan namin. Si Kean ay malakas na pinagsusuntok ang pader dahilan upang awatin siya ng mga tao.

Nag-slow motion ang mundo at parang huminto na rin sa pagtibok ang puso ko.

Zeal! Hindi! Hindi ito pwede!

Napaluhod ako at humawak sa dibdib ko.

Baby!

Paulit-ulit na pagtawag ko sa isip ko. Pumasok sa isip ko ang mukha niyang nakangiti. Ang mga ala-ala naming pinagsaluhan. Ang labi niyang masarap halikan. Ang pabango niyang 'di ko pinagsawaang amuyin. Ang paghampas niyang kahit masakit ay hinahanap-hanap ko. Ang pagpaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!

Gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman ko. Ang galit ay nagtitindi. Ang pagmamahal ko ay lalo kong nararamdaman.

Hindi ko kaya! Mahal na mahal kita! Higit pa sa buhay ko. Higit pa sa kahit anong bagay sa mundong ito.

Baby...

Natulala nalang ako at nakatingin sa pinto ng emergency room.

"Jave" lumapit si Rev at tinapik ang balikat ko.

Maging siya ay umiiyak. Do'n na tumindi ang pag-iyak ko. Kabadingan pero hindi ko kinakaya ang nararamdaman ko.

Paano ko kakayanin kung ang lakas ko ay wala na? Paano ako lalaban kung ang ipinaglalaban ko ay wala na rin?

"Doc! The breathing was revived. The heart pumps again!" sigaw ng isang nurse.

Napahinto ako at tiningnan iyon. Nagmadaling pumasok ulit ang doctor sa ER.

Lumalaban siya! Lumalaban ang mahal ko kaya dapat ako din!

Ang natitirang pag-asa sa puso ko ay nabuhay. Oo nga pala siya si Zeal na Suarez at si Shine na Baider wala siyang kinatatakutan dahil malakas, palaban at matapang siya. Gano'n ko siya nakilala dahil kahit ang mga mumunti kong pang-aasar ay 'di nakalampas sa kaniya. Mahalaga sa kaniya ang mga tao sa paligid niya at hindi niya gugustuhing umiyak kami at masaktan. Siguradong malulungkot siya kung ganito kami kaya lalakasan ko ang loob ko.

Tumayo ako at sinilip ang emergency room.

Baby..

"Alam kong lalaban ang partner ko" hhumihikbing sabi ni Lance pero pilit na pinapatatag ang sarili. Magkayakap silang dal'wa ni Carme habang umiiyak.

"Apo! Nasaan ang apo ko?!" nagpa-panic na sabi ni Mr. Baider.

"Lolo calm down" sabi ni Diamond.

"Fuck! How can we calm down?! Si Shine ay nag-aagaw buhay!" tumulo ang kapirasong luha ni Taxon.

Nakita ko si Kil na sobrang balisa habang sumisilip sa emergency room.

Umingay nang dumating ang mga Suarez. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ang mukha ng mga kuya niya at daddy ay walang emosyon pero ang mommy niya ay humahagulgol na marahil ay kilala na nila si Zeal.

"Don't cry we know her, I did not trained her to be weak. She is the only living daughter in the family. I know that she will fulfill her duty to protect us and fight for herself because that is how I taught her" seryosong sabi ng daddy ni Zeal.

He is right. Zeal is more than what I know.

Ang pag-asa sa puso ko ay lumago. Nasisiguro kong gigising siya ulit at mararamdaman ko ang yakap niya.

Nakipag-usap si kuya Zen sa doctor dahil sila lang naman ang magkakaintindihan.

"This is not good" rinig kong sabi ni Kuya Zen. Bumuntong hininga siya bago silipin ang kapatid.

"Sa tapang niya 'di na bago kung isang araw sipain niya ulit ako dahil inasar ko siya" pilit na ngumiti si Kuya Zeke.

"Excited na akong pikunin siya dahil sa patugtog ko na sobrang lakas" sabi ni Kuya Zaimon at umupo sa tabi ni kuya Zeke pero wala pang ilang minuto ay parang nilalabanan na nila ang sariling emosyon.

Matatag sila para isiping walang mangyayaring masama kay Zeal.

Kinalma ko ang sarili ko at pinuno ng positibong bagay ang utak ko.

"She will survive because she loves me, she loves us. Her love for us will be her strength to fight"

Nilingon ako nilang lahat at humina na ang pag-iyak nila. Maging si Mr. Baider ay kumalma.

"The patient is in danger we should observe her, but there is no assurance that she will wake up. All we need to do is to wait" sabi ng doctor.

"Taxon find who did this to Shine" galit na galit na sabi ni Mr. Baider.

Tumango si Taxon at akmang aalis pero pinigilan ko siya.

"Lolo, ako na ang bahala" taas-noo akong tumingin kay Mr. Baider.

Walang makakatakas kahit isang miyembro ng Dreadful Gang.

"Are you sure?" tanong ni Taxon.

Ngumiti ako sa kanila.

"They will not see the next morning"

Kean Patrick's POV

Natakot ako sa sinabing iyon ni Jave. Kilala ko siya kapag galit siya iyon lang ang nararamdaman niya. Bihira siyang magalit ng ganito at natatakot ako kung ano ang pwede niyang gawin.

Tiningnan ko silang lahat at nakita ko rin ang pag-aalala sa mga mukha nila lalo na ni Rev.

Nilipat si Zeal sa ICU. Sumakit ang dibdib ko nang makita ang kalagayan niya. Hindi ko naman itinatangging mahal ko pa rin siya pero mas mahalaga ang kaligayan niya at ni Jave kaya ang suporta nalang ang kaya kong gawin. Kung malalagay ako sa kapahamakan upang iligtas si Elle gagawin ko pa rin dahil gano'n ko siya kamahal katulad ng pagmamahal ko kay Rev at Jave. Ibang klaseng samahan ang mayroon kami.

Yannie calling..

"Hello"

"Where the hell are you!?" sigaw niya sa kabilang linya.

"Hospital, there is an emergency"

"Don't tell me nakipagkita ka nanaman sa ex mo?!"

"Please not now"

"What? We are going to marry each other tigilan mo na ang--"

"I'm sorry, but Elle is in the hospital we don't know when will she wake up"

"Umuwi--"

"I'm sorry. I can't go home now, they need me here. Bye"

Pinatay ko na agad ang phone ko. Araw-araw tinitiis ko ang mga sigaw ni Yannie madalas susuyuin ko nalang dahil ano bang magagawa ko? May depression siya at kailangan ng tamang pag-aalaga. Ang hirap lang na ito ang pinili ko dahil hindi ko naman kayang magpakamatay nalang siya kung may magagawa naman ako. Nakatira na kami sa iisang bahay pero ang hinala niya ay araw-araw kong naririnig, walang katapusan kaya madalas ay tumatahimik nalang ako at iniintindi siya.

Tiningnan ko si Jave alam kong sobrang sakit na ng dibdib niya pero hindi na siya umiyak pa. Nagsuot siya ng mask at proteksyon bago pumasok sa ICU. Kitang-kita ko ang lungkot ng mga mata niya. Sumunod ako sa kaniya sa loob kaming dal'wa lang paunti-unti dahil bawal ang marami dahil prone siya sa infection. May benda ang ulo ni Elle at may kung anu-anong machine ang nakakabit. Maging sa bibig ay meron.

Ang sakit mo naman makita sa ganitong sitwasyon.

Hinawakan ni Jave ang kamay ni Elle at inilagay iyon sa pisngi niya.

"Hindi na ako iiyak, baby, promise dahil alam ko naman na gigising ka" ngumiti si Jave nang pilit.

"Hihintayin ko ang pagising mo at gagawa tayo ng mga masasayang ala-ala. Gumising ka na huh?" tumawa siya ng parang baliw. "Ang pangit mo ngayon. Ops! Siguradong hahampasin mo nanaman ako" tumulo ang kapiraso ng luha niya pero pinalis niya rin agad.

"Gusto mo bang pumunta sa street foods? Diba sabi no'ng tindera imbitahin natin siya sa kasal natin? Kakain na ako ng maraming sisiw para saiyo. Sasamahan kita anuman ang gusto mong kainin kahit pa maanghang kahit pa sili basta ikaw ang kasama ko" kinausap niya si Elle na parang normal lang silang nag-uusap kahit pa wala itong makuhang sagot.

Binasa ko ang labi ko at kinagat ang pang-ibaba kong labi dahil tumutulo na ang luha ko. Ang hirap palang pigilan ng emosyon kahit pa ako si Kean na hindi umiiyak nagagawa kong umiyak dahil kay Elle. Siya lang ang nakakapagpalabas ng totoo kong emosyon na kahit anong tago ko kapag tungkol sa kaniya wala na akong nagagawa.

Hindi ko napansing sumisinghot na pala ako.

"Pre! Tigilan mo nga ang umiyak" saway sa akin ni Jave. "Ayaw niyang umiiyak tayo kahit pa ikaw na ex niya na" naiinis niya akong pinasadahan ng tingin.

Galing talaga nila magpamukha sa akin na ex nalang ako ni Elle. Bobo ko kasi, eh. Kasalanan ko naman lahat kung bakit siya nawala pero past na 'yon ang mahalaga ngayon ay masaya na siya kay Jave.

"Anong gusto mo kainin, baby? Gumising ka na para makakain ka na" nakangiting sabi ni Jave. "Dadalhin ko ang gitara ko dito kapag umuwi ako para kakantahan kita at maingayan ka."

Napailing nalang ako dahil kakaiba ang tapang na ipinapakita niya kung ako sa lagay na ito ay baka nabaliw na ako na imbes na ako ang gagamot sa may mental disorder ako pa ang maging client.

Isang malutong na buntong hininga nalang ang binitawan ko.

"Babalik ako, baby. May aasikasuhin lang ako" humalik siya sa noo ni Elle. "Mahal na mahal kita palagi mo 'yang tandaan. Magpapakasal pa tayo at bubuo ng pamilya" ngumiti siya sa nakapikit na si Elle.

"Kakaiba ang lakas at tapang mo kaya alam kong gigising ka pero sa ngayon alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na muna. Mag-dedate tayo after" muli niyang hinawakan ang kamay ni Elle at hinalikan ito.

"I love you, my baby cherish"

Tumingin si Jave sa akin.

"Siguraduhin mong babantayan mo siya habang wala ako. Pres are pres?" ngumiti siya sa akin. Pilit na ngiti ang nagawa ko.

"Pres are pres" sabi ko at saka tinapik ang balikat niya pero 'di ko na napigilan ang tumutulo kong luha.

Tumalikod siya pero bago lumabas ay tinawag ko dahil bigla akong natauhan sa gusto niyang gawin.

"Pre, saan ka pupunta?"

"Gagawa ng delubyo"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.