Warning: For matured readers only!
Javen Flair's POV
Agad nagtakbuhan ang lahat papalapit kay Zeal nang sabihin kong gumalaw ang kamay niya.
"Clench, tumawag ka ng doctor!" utos ni Lance.
"Baby!" umiiyak ko ng sabi at napuno na ng saya ang puso ko. "Baby"
"Elle!" tawag nila sa kaniya.
"Open your eyes, please" tumutulo na ang luhang sabi ko. 'Di ko na mapigilan ang luha ko.
"Apo!"
Kahit pagalaw lang ng daliri niya ay malaking bagay na sa amin. Nabuhay ang saya naming lahat at kahit tumutulo ang luha ay nakangiti.
"Ang ingay naman!" sa wakas ay nagsalita na siya.
Dug.dug.dug.
Iminulat niya ang mata niya at doon na ako humagulgol.
"Patay na ba ako?" tanong niya sa amin.
Iling lang ang naging tugon namin sa kaniya.
"Bakit kayo umiiyak?" kunot-noong tanong niya.
Pinigilan ni Carme na hampasin siya.
"Halos isang buwan kang nakahiga diyan gaga! Huhuhu" sabi niya.
Tumawa si Zeal.
"Aray!" sabi niya at hinawakan ang ulo niya.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
"Saan ang masakit?" sabi ko sa kaniya.
Lumapad ang ngiti niya.
"Dito" inginuso niya ang labi niya.
Ginagaya niya ang mga ginagawa ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng kilig, syempre! Kahit lalaki ako ay tao pa rin ako may pakiramdam. Shut!
"Ayieeeee" pang-aasar nila sa amin.
Napatingin ako doon at nakagat ko ang ibabang labi ko. Oh Fuck! Parang sobrang sulit naman yata ng sakit at pag-iyak ko sa isang halik lang.
"Bilisan mo" sabi niya.
Tinulak ako ni Rev papunta sa mukha ni Zeal.
"Ang arte mo! Patagal ka pa! Pagkakataon mo na 'yan! Grasya na ang lumalapit! Hahaha" tawa ni Rev.
Nagtawanan din sila.
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at napapikit nang maramdaman ang labi niya. Tumulo ang luha ko. Shit! Akala ko tuluyan na siyang mawawala sa akin.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Tuloy tuloy sa pag-agos ang luha ko.
"Happy 1st Anniversary, baby. I had a long dream with you and I also had created a memories with mama, papa and ate Bright that's why I did not wake up early" Kwento niya sa amin.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita. Sagot 'yan sa mga I love you mo araw-araw" naramdaman ko ang haplos niya sa buhok ko.
Kahit ilang libong taon pa ang magdaan siya lang ang gusto kong makasama. Ang puso ko ngayon ay tumatalon sa tuwa. Nagising siya dahil anniversary namin.
"Sabi ko na, eh. 'Di naman basta-basta mamamatay 'yan, eh. Takot lang ni kamatayan sa kaniya" biro ni Rev na pinagtawanan naman namin.
"How's your feeling?" nakangiting tanong ni Taxon.
"I'm okay now" nakangiting sabi ni Zeal.
Ang ngiting 'yon namiss ko. Namiss ko lahat sa kaniya.
Niyakap siya isa-isa ng lahat pero naagaw ng atensyon namin ang bumukas ang pinto. Nakita namin si Kuya Zeke na napahinto habang nakatingin sa amin.
"Anong nangyari!?" kinakabahan siyang tumakbo palapit sa kama pero natigilan din nang makitang nakangiti si Zeal sa kaniya.
"Princess!" humagulgol na siya ng iyak at yumakap sa kapatid.
"Bading mo, z2" sabi ni Zeal.
"Wag kang mag-alala ngayon lang kita 'di aasarin next week ihanda mo na sarili mo dahil mag-aalburuto ka sa galit" dire-diretsong sabi ni Kuya Zeke habang umiiyak na tumatawa.
"Ang baby namin huhuhu" nag-group hug ang pamilyang Suarez.
Tumaas ang dal'wang kilay ni Zeal at ibinuka niya ang mga braso na parang nagsasabing yakapin din siya ng mga Baider. Nag-iyakan silang lumapit kay Zeal at nag-group hug din.
"Tagal ko sigurong natulog. Ayaw kasi akong pauwiin ni papa" maganda ang pagkakangiti ni Zeal. "Buti naalala ko ang impaktong si Flair dahil kung hindi do'n nalang ako" biro niya sa amin.
Napuno ng tawanan ang kwartong iyon. Masaya kaming lahat nakahiga man siya at 'di pa rin makatayo agad ay okay lang basta ang mahalaga gising na siya. Iniwan kami ng mga kaibigan at pamilya namin para makapag-celebrate daw kami ng anniversary namin.
"Kumusta ang mga araw na wala ako?" tanong sa akin ni Zeal. Kung makatanong siya ay parang wala siyang pinagdaanang matinding laban.
Tama nga ako na malakas siya 'di nagkamali ang daddy niya na isiping lalaban siya para sa pamilya at sa sarili.
"I had a bad times because I'm so worried about you"
Tinawanan niya lang ako.
"Parang palo lang sa ulo 'di ako mamamatay do'n" tatawa-tawa niyang sabi. Talaga ba?
"Kaya pala halos isang buwan kang tulog diyan" pang-aasar ko sa kaniya.
"Eh, nando'n nga sila papa 'di ko maiwan agad. Nandoon ka din pero alam kong hindi ikaw 'yon proxy lang dahil hindi ako inaasar" sabi niya at malakas na tumawa.
Kung hindi niya nga pala naalala ako baka 'di na talaga siya nagising.
"Di ka ba nambabae?" nakakunot niyang tanong at saka pinaningkitan ako ng mata.
Tumawa ako nang malakas.
"Seriously? Tumingin nga sa ibang babae 'di ko magawa mangbabae pa kaya?"
"You sure!" pinitik niya ang noo ko.
"Ouch!" gustuhin ko mang pitikin din ang noo niya ay 'di ko ginawa dahil may benda pa. Lakas talaga ng loob nito na saktan ako samantalang ako kaya ang King of Deadly Martial Arts tapos pagdating sa kaniya tiklop ako. Shut! Pitik, hampas, sipa, suntok, yakap lalo na ang labi niya suko na ako kaagad.
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya.
"Sobrang namiss kita! Alam mo ba 'yon?" sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.
Tinitigan niya ang mukha ko pinagapang niya ang hintuturo simula sa noo ko pababa sa itaas ng ilong hanggang marating ang labi ko. Nanginig ang labi niya at saka ito kinagat. Tumulo ang luha niya na umagos sa pisngi niya na pilit kong inaalis.
"Natakot akong iwan ka" sabi niya.
Tumulo na rin ang luha ko pero nagawa ko pa ring ngumiti.
"Natakot akong mawala ka" sabi ko sa kaniya. "Natakot ako dahil marami pa akong gustong gawin kasama ka"
Nilapit ko ang noo ko sa noo niya at hinawakan ang batok niya. Akmang hahalikan ko siya pero pinigil niya ng hintuturo ang labi ko.
"Huh!" inilagay niya ang palad sa harap ng bibig at bumuga ng hangin doon. Natawa ako sa ginawa niya.
"Halos isang buwan akong walang toothbrush. Aasarin mo nanaman ako na mabaho ang hininga ko" nakakunot na sabi niya sa akin. Lumakas ang pagtawa ko dahil sa ginawa niya.
Ngumiti ako at pinakatitigan ang mukha niya.
"Who cares? Talo talo na 'yan. Namiss kita ng sobra, eh." sabi ko na nakagat pa ang ibaba kong labi. Hinampas niya lang ako.
"Happy Anniversary, my baby baby baby cherish. Mahal na mahal kita!" sabi ko sa kaniya at muling inilapit ang mukha sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita, my impakto" nakita ko ang pagporma ng labi niya upang makabuo ng isang malaking ngiti.
'Di ko na pinigil pa ang sarili ko at hinalikan siya.
I kiss her lips with full of love, sincerity and happiness. After a second I feel her response. The kiss is slow and gentle. I sucked her upper lips and down to her lower lips. I repeat it over and over again.
Her taste is so delicious with aromatic flavor.
There is something going under my pants, but I ignored it. The current continue to flow in my entire body. My kiss started to travel on her cheek and ear. I gently kiss her ear and down to the neck. I put a little kiss in every skin on the way to her collar bone. My hands started to be naughty up and down to her waist. I feel her bra near to her underarm. I was about to enter my hand to her shirts.
I can't even think. I miss her so bad. I want to feel her ugh! What I am thinking? Fuck!
I stopped and looked at her eyes.
Nakapikit pa rin siya. Nagmulat siya at ngumiti sa akin.
"That was great!" sabi niya sa akin at yumakap.
Dug.dug.dug.
Itinago ko ang kaba sa dibdib ko. Nawala ako sa sarili ko at ayaw ko no'n para akong nalunod na ayaw umahon pero buti nalang at bigla akong nakapag-isip ng tama.
Sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya ay 'di ko napigilan ang sarili ko. I can still feel my hmm down there but I can control it now. I hate to commit sin lalo na kung nasa hospital kami at naiinis ako sa sarili ko, hindi naman kabastos-bastos ang babaeng mahal ko. Nabastos ko nga ba siya?
"Anong gusto mong kainin, baby? Nagugutom ka ba?" tumayo na ako upang baguhin ang scene.
"Nauuhaw ako" sabi niya kaya kumuha ako ng tubig. Ininom niya iyon naubos niya ang isang baso.
"Parang gusto ko ng french fries" nakangiti niyang sabi.
"Okay, anything for you" ngumiti ako sa kaniya. "Ano pa ang gusto mo?"
Tiningnan niya ang nasa sidetable at lumaki ang ngiti niya.
"Wow! Cake?" sabi niya.
Binuksan niya at namangha siya sa chocolate cake.
"Ito! Gusto ko!"
Kumuha ako ng plato at cake. Pinakain ko siya, natutuwa kong pinagmasdan ang parang bata niyang reaction sa tuwing kakagat siya ng cake. Kilalang-kilala talaga siya ni Clench. Siguro minsan magtatanong ako sa kaniya kung anu-anong gusto ni Zeal para mapasaya siya.
"Happy Anniversary again, baby" nakangiti niyang sabi at humalik sa labi ko.
Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon kaya kabadingan man nag-init ang pisngi ko.
Tinitigan niya ang mukha ko. Kahit naiilang ako ay tinitigan ko rin siya. Ngumiti siya at saka muling nagsalita.
"I won't leave you even my hair is white. My heart will always going back to where you are because you are my everything"