Elleina Zeal's POV
Tatlong linggo ang mabilis na lumipas. Sobrang dami kong schoolworks na hinahabol dahil sa halos isang buwan kong pananatili sa hospital. Nasa library ako at sinasagutan ang mga physics activities nang may umupo sa harapan ko.
"Okay ka na ba? I've heard the news about you"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Nel Jan.
"Hmm" maiksi kong sagot at saka muling ibinalik ang mata sa sinasagutan ko.
"Mahal mo ba siya?"
Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Nel.
"Can you please stop distracting me? Can't you see I have a lot of things to do" sabi ko at nagsulat ng formula.
Initial velocity, final velocity. Isip ako nang isip tungkol sa magiging solution ko sa problem solving at nagdro-drawing ng illustration. Bigla ay kinuha ni Nel ang papel ko. Kumunot ng sobra ang noo ko.
Tiningnan niya iyon at may isinulat pagkatapos ay ibinalik niya sa akin.
"Nasaan pa ang iba?" tanong niya pero 'di niya ako pinagsalita.
Kinuha niya ang iba at mabilis na sinagutan iyon.
"Ano bang ginagawa mo?! I hate cheating!" sabi ko at inagaw sa kaniya ang papel. "Kung ikaw ang magsasagot nito ay dapat ikaw ang may grade! Sabi ni vygotsky you will learn from your own!" asik ko sa kaniya.
"Sino si Vygotsky?" tanong niya.
"Isa sa mga sikat na nag-propose ng zone of proximal development theory"
"Ah" tumango siya at ngumiti.
"So, mahal mo nga siya?"
Napapikit ako sa pangungulit niya. Ano bang tinatanong nito? Bakit niya tinatanong?
"Anong mahal?"
"Your boyfriend?" tinitigan niya ako sa mata.
Napatingin din ako sa mata niya. Maganda pala ang mata niya. Well, I don't care. Babaero!
"Of course, I love him kaya nga boyfriend ko diba?"
"Eh, pano kung 'di ka niya mahal?" ngumisi siya.
Ano bang sinasabi ng kupal na ito? Sasapakin ko 'to, eh.
"Malamang mahal niya rin ako!"
"Just in case na maghiwalay kayo. I'm one call away" inilabas niya nanaman ang ngisi niya.
Napailing nalang ako. Ibang klase ang isang ito. At saka tumawa ako ng malakas.
"I don't know what are you talking about. Alis ka na nga. Chupi!" pinagtulakan ko siya paalis kaya wala na siyang nagawa.
Tahimik na akong itinuon ang atensyon sa pagsagot pero maya-maya ay may naglapag ng tubig at sandwich.
"Bawal kumain dito sa library" sabi ko nang hindi nakatingin sa mukha niya.
"Gutom ka na ba, baby cherish?" Napatingin ako sa nagsalita.
Gosh! Boyfriend ko pala kala ko bumalik nanaman 'yong kupal na babaero.
"Yes, baby" sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Dinalhan kita ng snack pero patago mo lang kainin dahil bawal kumain dito," poging-pogi si Flair sa pagkakangiti niya.
Nagbabasa lang si Flair sa libro habang ako ay nagsasagot. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa kamay niya na nakapatong sa table.
"Ang sweet niyo naman" napatingin kami sa nagsalita. Si Kean pala.
"Tara kain na tayo tapos na ba kayo diyan?" yaya niya.
"Ano cherish? Kumain na muna tayo?" sabi ni Flair.
"Sige"
Niligpit ko na ang gamit ko.
Ang mga kaibigan namin ay nasa table na namin. Naagaw ng pansin ko ang bulaklak na hawak ni Carme pero nang makita niyang nakatingin ako doon ay iwinagayway pa niya sa akin.
"Inggit ka? Monthsary namin yiiie" sabi niya at kinikilig pa. "Kaya mauuna kaming umuwi mamaya. See you tom!" masaya niyang sabi at saka malanding yumakap sa braso ni Lance.
Si Lance naman ay nakikipagkwentuhan lang kay Rev at Clench.
"Happy Monthsary to my loving bestfriends" lumapit ako kay Lance at Carme at niyakap sila parehas.
"Thank you!" malaki ang ngiting sabi ni Carme.
"Sweet mo ah!" nakasimangot kong sabi kay Lance. "Wala man lang thank you?"
"No need" sabi ni Lance at saka masungit na pinagkunutan pa ako ng noo.
"Sweet mo talaga kahit kailan sarap mong sipain" bulong ko.
"Anong sabi mo?" tanong niya.
"Wala sabi ko ang pangit mo" sabi ko.
"Stop annoying me, z4" sabi niya habang masama ang tingin sa akin.
Galing diba? Binati ko lang naman tapos nauwi kami sa ganito. Ganiyan 'yan umaapaw ang kasungitan buti natatagalan pa ni Carme.
"Okay, LJ" inirapan ko siya.
Napasulyap ako kay Flair na nakapila upang mag-order. Napakunot ang noo ko nang makita ang impit na kilig ng mga babae. Wow! Galing ng mga babaeng ito ah baka gustong makatikim ng uppercut?
Ang iba ay tinutulak-tulak pa ang kaibigan kay Flair. Patayo na sana ako nang hawakan ni Kean ang lower arm ko at iupo ulit ako.
"Don't be possessive girlfriend. Wala naman silang masamang ginagawa diba?" sabi ni Kean at ngumisi pa.
Bumuntong hininga nalang ako. Okay! Tama siya!
"Elle!" napalingon ako kay Clench na ngayon ay itinaas ang chocolate sa ere.
"Woah!" kuminang ang mga mata ko at lumapit sa kaniya.
Mabilis kong inagaw ang mga ito iba't ibang brand may dairy milk, toblerone, m&m, kitkat at kung anu-ano pa.
"Pasasakitin mo naman ngipin ng girlfriend ko, Clench" nakakunot na sabi ni Flair 'di ko namalayan ang paglapit niya. May dala na siyang pagkain. Kanin at adobo kaya lumapit na ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Inilapag niya naman sa table ang pagkain. Masayang-masaya akong tumingin sa pagkain.
"Ibalik mo 'yan sa kaniya" utos ni Flair pero tinago ko ang mga chocolates sa likod ko. Napasimangot ako at agad na nainis sa kaniya.
"Akin na" inaagaw niya pero 'di ko binibigay.
Hanggang sa nakuha niya lahat.
"Ano ba!" halos maiyak ako dahil bihira lang naman ako kumain no'n kinuha niya pa.
Tiningnan ko siya habang ibinabalik ang chocolates kay Clench. Si Carme ay inagaw iyon at inilagay agad sa bag niya.
"Yes!" malaki ang ngiting sabi ni Carme.