Chapter 99 BREAK BONE ADEPT

Carmelane Niebres' POV

"What do you think, sweetheart, okay na kaya si Jave at Elle?" tanong ko kay Lance na ngayon ay nagmamaneho.

Papunta kami ngayon sa Rosa Restaurant at magde-date dahil monthsary naming dal'wa.

Nag-aalala lang kasi ako kay bebs dahil tinotopak.

Bakit kasi kinuha ni Jave ang chocolate? Mahal niyang mga chocolate tuloy nag-away sila.

"Tingin ko hindi pa. Susuyuin niya 'yon ng ilang araw hahaha" tumatawang sabi ni Lance.

Itong boyfriend ko may topak din madalas. Kapag kaharap ang mga kaibigan namin palagi siyang nagsusungit sa kanila pero pagdating sa akin ay palaging nakangiti.

Nanahimik nalang ako at kinuha ang cellphone pero natigil ako nang biglang huminto ang sasakyan. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang mga lalaking nakamaskara. Agad na nanginig ang katawan ko at nanikip ang dibdib ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Hinawakan ni Lance ang kamay ko pero ang mata ay nasa kanila lang.

"Sweetheart" nanginginig kong sabi.

Ayaw ko ng maulit ang ginawa nila sa amin. Natatakot pa din ako hanggang ngayon dahil sa wala akong nagawa habang nasa harapan ko ang duguang si Elle. Takot na takot ako at sinisi ang sarili dahil napakahina ko.

Akmang bubuksan ni Lance ang pinto ng kotse pero pinigilan ko siya. Tumulo na ang luha ko.

"Trust me, sweetheart" saka siya ngumiti ng malapad sa akin.

No, not this time. Please!

Pagkalabas ni Lance ng kotse ay agad siyang sumugod kaya natutop ko ang bibig ko.

"O...M..G!"

Akmang bababa ako pero hinarangan ni Lance ang pinto ng kotse. Wala siyang hinahayaang makalapit sa kotse kung nasaan ako.

Sweetheart..

Natatakot ako baka may mangyaring masama sa kaniya. Wala akong lakas ng loob pagdating sa ganito. Lumuluha ko siyang tiningnan. Sana walang mangyaring masama sa kaniya.

"Huhuhu sweetheart"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang sakit na no'n. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil baka atakihin nanaman ako sa puso at ikamatay ko na.

Nakita ko kung papano binabali ni Lance ang buto sa kamay ng mga kalaban. Kamay lang ang gamit niya pero ang lakas no'n kaya namamangha ko siyang pinanood. Hindi ko alam na iba ang istilo niya sa pakikipaglaban. Bukod sa 'di niya naman ako sinasama sa ganito ay may ibang bagay pa akong hindi alam tungkol sa kaniya.

Ang bilis niyang kumilos upang madakma agad ang kalaban at mahawakan sa kamay. Namimilipit ang sinumang madapuan ng kamay niya.

Saan niya natutunan iyon?

"Ngayon kilala na kita" ngumisi ang isang lalaking nakamaskara.

"Kakaiba ang istilo mo huh?" halatang mangha ito kay Lance.

Walang emosyong tiningnan lang siya ni Lance.

"What do you need?" nakakuyom ang palad na sabi ni Lance.

"Siya sana" nanlaki ang mga mata ko at parang kakapusin ng hininga ng ituro ako ng lalaki.

"Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo makuha ang girlfriend ko!" maawtoridad na sabi ni Lance.

"Pag-ibig, Pag-ibig, Pag-ibig" umiiling na sabi ng nakamaskara. "Hahamakin ang lahat para sa minamahal" ngumisi ito.

Tumingin muli ito sa akin kaya nanikip ulit ang dibdib ko.

"Iba ka magmahal" sabi nito kay Lance.

"Tama na ang satsat, daldal mo sumugod ka na!" inihaya ni Lance ang kamay niya sa lalaki pero tinawanan lang siya nito.

"Nakuha ko na ang gusto ko" sabi nito at matamang tiningnan si Lance.

"Galing mo mangbali ng buto, mabilis at ang ginagamit mo lang ay kamay dahil bihira kang manipa"

Tiningnan siya ng masama ni Lance.

"Kung gano'n pinag-aralan mo lang ang kilos ko?" naiinis na sabi ni Lance.

"Talino mo" ngumisi ito bago tingnan ang mga kasamahang nakahandusay at namimilipit sa sakit ng kamay. "Tara na" utos niya sa mga ito.

"Di pa tayo tapos. Magkikita ulit tayo at sa susunod 'di mo na magagamit ang kamay mo"

Nangilabot ako sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

Natatakot ako dahil pakiramdam ko may isang madugong pangyayari ang magaganap.

Sino ba sila at bakit nila kami ginugulo?

Matapos nila paluin si Elle na halos ikamatay nito hindi pa rin sila natapos. Sumikip ang dibdib ko kaya hinaplos ko iyon.

Kalma, Carme.

Paulit-ulit ko iyong sinabi sa isip ko. Kailangan kong kumalma dahil tumitindi ang sakit nito kapag naglalabas ako ng sobrang emosyon. Baka isang atake nalang ikamatay ko na talaga.

"Nga pala" napalingon ulit ako sa lalaking nakamaskara. "Pakisabi sa mga kasama niyo nalalapit na ang pagtatapos" nakangisi nanamang sabi niya.

Muling gumapang ang takot sa buo kong katawan at mas tumindi ang kirot sa dibdib ko.

Mamamatay na ata ako?

"Pagtatapos mo?" nakangising sabi ni Lance na nakapagpatigil sa lalaki. "Ikinagagalak kong malaman na nalalapit na ang pagtatapos mo" pang-aasar ni Lance.

"Sinong nagsabing ako?" balik na tanong nito sa kaniya.

"Ako. Because if I were you cancel all your bad plans. You don't know those people"

"I don't think so"

"Those people are angelic in feature but demonic in battle" makahulugang sabi ni Lance.

Angelic in feature? Si Elle, Jave, Rev, at Kean?

"Thank you for the information" sabi nito.

"Welcome. It's a warning, though" lumapad ang ngiti ni Lance.

Parang sigurado ni Lance ang kakayahan ng mga 'yon.

Bakit gaano ba sila kalakas?

Maging ako ay na-curious. Ang alam ko lang ay marunong sila pero hindi ko naman napagtuunan ng pansin ang galaw nila kahit nga ang sarili kong boyfriend.

Tumalikod ang nakamaskara pero pinigilan ni Lance.

"Wait. I forgot" ngumisi si Lance at taas noong nagsalita. "You don't already meet the dangerous fighter" nagkunyaring nanginig si Lance. "Her dangerous moves can kill you" tinuro niya mismo sa mukha ang lalaki at isa-isa ring tinuro ang miyembro nito. "You, you, you, all of you"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lance o kung sino ang sinasabi niya para ipagmalaki niya ng gano'n kataas.

Posible kayang si Elle 'yon? Matapang at malakas siya 'di ako magtataka kung siya nga ang tinutukoy ni Lance. Kilalang-kilala niya ito lalo na sa pakikipaglaban dahil partner sila sa HTH Organization.

Dangerous Fighter...

"I swear, you'll kneel for her to beg for your life" pangaasar muli ni Lance.

"Stop that nonsense, Break Bone Adept" nakangising sabi ng lalaki na ikinatigil ni Lance.

Break Bone Adept? Bansag ba 'yon? O title? Nangbabali ng buto? 'Yon ang pagkakaintindi ko. Propesyunal sa pagbali ng buto?

Tingin ko nakuha niya ang technique o paraan ng paglaban ni Lance. Ganoon siya katalino para mapag-aralan ang kilos ni Lance sa kakarampot na panahon.

"You are skilled huh?" sabi ng lalaki at sinulyapan ang kamay ni Lance.

"You are the Break Bone Adept"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.