Chapter 98

Naiinis na talaga ako sa impaktong ito! Hays!

"Sasakit ang ngipin? O sasakit ang puso mo sa selos, Jave?" sabi ni Rev.

"Sa tingin ko sasakit ang puso, Rev" sabi ni Kean at humagalpak ng tawa.

Napasalong-baba nalang ako. Wala na akong gana kumain.

"Jave, hindi ka papansinin niyan kapag 'di mo binalik ang mga chocolates sinasabi ko saiyo" sabi ni Clench at ngumisi. "Baka 'yan pa maging dahilan ng break up niyo," tuwa pa ito ng malakas.

He's right! When it comes to my favorite food wala silang magagawa do'n kung gusto kong kainin dahil sa ginawa ng impaktong ito nag-iba na ang mood ko.

Tiningnan ako ni Flair pero ang mata ko ay nakatingin lang sa baba at pinipigilan ang inis.

"Bibilhan nalang kita" sabi niya pero 'di ko man lang siya pinagtuunan ng pansin.

Kinabig ko ang inilagay niyang kanin at adobo kanina.

"Aalis na ako, bye" sabi ko sa kanila.

Nakita kong gulat silang lahat.

"See? Yari ka!" rinig kong sabi ni Clench.

"Ang pagkain na gusto niya hayaan mo siya. Iba ang topak ng isang 'yan" rinig kong sabi ni Lance nang naglalakad na ako palayo.

Hinabol ako ni Flair at nahawakan ang braso ko.

"Sorry na. Oo na, ibabalik ko na saiyo" sabi niya pero 'di ko man lang siya tiningnan. "Sorry na, baby"

Yumakap siya sa akin pero 'di ako gumanti.

"Wag ka ng magalit" nagmamakaawa niyang sabi.

Naiinis ako. Chocolate lang 'yon pagseselosan niya rin! Ang isip bata niya!

"Chupi" sabi ko sa kaniya at itinulak siya.

"Baby" tawag niya ulit sa akin.

Naglakad ako ulit pero hinigit niya ulit ako sa braso.

"Di ka pa kumakain sabi mo kanina gutom ka na"

Kumunot lang ang noo ko. Nawalan na ako ng appetite. Chocolate 'yon, eh! Nakakainis! Minsan na nga lang kumain kinuha pa! Inis lang ang nararamdaman ko kaya ayaw ko siyang kausapin.

"Baby, kumain ka muna, please" halos maiyak na si Flair sa pagmamakaawa pero sorry siya 'di ako naaawa kahit pa lumuhod siya.

Chocolate is chocolate! 'Di ko siya mapapatawad.

"Tigilan mo ko kung ayaw mong maghiwalay tayo" sinabi ko iyon habang nakatitig sa mata niya. Inis na inis ako sa ginawa niya. Ang ngipin ko ay nagngi-ngitngit sa inis.

Kaya gano'n nalang ang pag-awang ng labi niya sa gulat.

Tinalikuran ko siya at naglakad na. Chocolate lang, 'yon lang! Dahil pagod ako at puyat kakaaral 'di ko pa nakuha. Pagmamaktol ko. Pumunta ako sa dulo ng school sa may puno. Magpapawala lang ng inis. Umupo ako doon at isinandal ang likod sa puno. 'Di ko tuloy naramdaman ang gutom ko dahil sa inis.

Bumuntong hininga lang ako.

"LQ?"

Muntik na akong atakihin sa puso sa gulat. Tiningnan ko ng masama si Nel at saka kumunot ang noo. Bakit nandito nanaman ito?

'Di ko siya pinansin at inilabas nalang ang physics kong libro.

"Chocolates?"

Napatingin ako sa alok niya. Nasa harapan ko na siya ngayon at nakayuko upang magkapantay kami. Paano niya nalaman ang tungkol sa pinagmamaktol ko?

Tiningnan ko ang mga chocolates na hawak niya pero umiling ako. Hindi pa ako baliw para tuluyang magkaaway kami ni Flair. Gusto ko lang magpawala ng inis.

"Umalis ka nalang" walang gana kong sabi.

"Habang lalo mo akong tinataboy lalo kong gustong lumapit saiyo. Alam mo ba 'yon?"

Kumunot ng todo ang noo ko.

"Ano bang gusto mo huh?" nauubusan kong pasensiyang tanong sa kaniya at saka marahas na inilapag ang physics book.

"Wala. Gusto ko lang na mapalapit saiyo" ngumisi siya kaya nairita ako lalo.

"Wala kang mapapala sa akin" mataray kong sabi at saka umirap.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Wala naman akong masamang ginawa saiyo"

Umusog ako nang umupo siya sa tabi ko.

Oo nga, bakit ba ang init ng dugo ko sa kaniya? Hindi ko rin alam, eh. Baka dahil babaero siya kaya ganoon.

"Sabihin mo nga sa akin bakit ka ba nagagalit sa akin?" tanong niya at pinakatitigan ako.

"Dahil babaero ka at ayaw kong lumalapit saiyo" prangka kong sabi na ikinatawa niya.

"Excuse me. Sila ang may gusto no'n bigla nalang silang hihilahin ako at maghuhubad sa hara--"

Tinakpan ko ang tainga ko. Ayaw kong makarinig ng kung anumang kabastusan na magmumula sa bibig niya. Tinanggal ko lang ang takip dahil narinig ko na ang tawa niya.

"Virgin?" nakangisi niyang sabi.

Pinandilatan ko siya ng mata at umirap. Kupal talaga!

"Hina pala ng boyfriend mo" sabi niya sa akin at ang ngisi niya ay 'di na maalis-alis.

Anong mahina? Bakit kailangan ba 'yon sa magkarelasyon? Fuck! Ang kitid ng utak niya kung gano'n ang perception niya.

"We don't need that to prove our love. We have different perception" nakataas ang kilay kong sabi sa kaniya.

Tinitigan niya ang mukha ko. Bakit ba titig ito nang titig?

"Yeah, we have different perception and you are different from those girls. They're easy to get. This is my first time to encounter a girl who really hates my charisma" ngumisi siya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-roll eyes. Gano'n ba kapag pogi maraming babae? Bakit naman si Flair? Ugh!

"Boys demand that 'thing' to satisfy their needs"

Napalingon ako sa kaniya seryoso ang mukha niya. Ganoon ba 'yon? Ah! May pumasok sa isip ko.

"Is it because of the continues production of sperm cells in the semeniferous tubule?"

Tumawa si Nel ng malakas.

"Science student ka nga actually I did not get you because we don't have biology or kung meron man hindi ganyan kalalim"

Tumango ako sa kaniya. Nangibabaw ang katahimikan.

"Want to know how men satisfy their needs?" nakangisi niyang sabi.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin na nagdulot ng kilabot sa buo kong katawan. Kinabahan ako bigla sa kaniya.

Kung meron man akong hindi malabanan 'yon ay ang mga ganitong sitwasyon. Iba ang kaba na kahit pilitin kong magpakatatag ay nanginginig ang tuhod ko.

Napatayo ako nang patuloy niyang ilapit ang mukha niya.

"Ano ba..sa tingin mo ang ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

'Ayon nanaman ang ngisi niya.

"I want you to love me. Isn't obvious?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.