Shine Clear's POV
Nagpabalik-balik ako sa sala habang hinihintay si Flair.
Nasaan na siya?
Hindi man lang siya tumawag anong oras na. Tumunog ang phone ko kaya nagmadali akong buksan iyon. Nagulantang ang buong sistema ko nang makita ko kung ano ang laman ng mensahe.
Picture ng mga Baider na nakatali at nakaupo sa bangko!
Nandoon si Flair, Shivelle, mga pinsan ko at maging sila Resttan!
Kuyom na kuyom ko ang palad at nagtatangis ang bagang na tumingin sa kawalan.
You're bad. Kung sino ka man pagsisisihan mo ang pagkuha mo sa pamilya ko.
Hindi ako nagpahalatang umaapoy na ako sa galit. Nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko agad.
"You like my surprise?" Bungad ng nasa kabilang linya.
Humigpit ang hawak ko sa phone. Dapat hindi niya ako makitaan ng takot at pangamba.
"Yes, I super like it," sarkastikong sabi ko.
"Oh? I'm glad. Meet me here."
Hindi ko mabosesan kung sino siya dahil tingin ko may voice changer siyang gamit.
"Okay. Wait and get ready to die," madiin kong sabi.
Tumawa naman siya. "Scary," sinabi niya iyon sa tono na puno ng kasarkastikuhan.
"You must," ngitngit sa galit na sabi ko.
"Make it fast my dear. They are now freezing." Huminto siya saglit. "And anyways, I want you alone or else I kill them."
Natigalgal ako sa sinabi niya. Biglang binaba niya ang phone, magsasalita pa sana ako. Nasapo ko ang tiyan ko.
Kaya ko 'to.
Lumapit ako kay Kuya Zen. "Kuya? Okay lang ba mag-exercise ang buntis? I mean dance?"
"Oo, makakatulong nga iyon sa iyo."
"Good," ngumiti ako.
"Tumulong na rin sa paghahanap sila Kean. 'Wag kang masyadong mag-alala."
Tumango ako. "Okay," tumalikod ako at madilim ang mukhang naglakad papasok ng kwarto.
You want war? I'll give you a battle!
You'll beg for your life. I promise!
Nagsuot ako ng itim na itim na damit at kinuha ang speaker na maliit. Nilagyan ko ng proteksyon ang tiyan ko matapos ay hinaplos ko.
"Hold on, baby. We'll save them." Tumingala ako at mariing pinikit ang mata. "Kung si lola nagawa ang makaligtas sa patunay habang buntis siguradong ako rin."
"They will suffer to death,"'madiin kong sabi at ngitngit sa galit. Itinali ko ang buhok at inihanda ang lubid. Hindi ako pwedeng makita nila Kuya dahil siguradong pipigilan nila ako. Naglagay ako ng tig-apat na kutsilyo sa tig-kabilang hita ko at baril naman sa baiwang.
"Sorry not sorry for those people who suffer to death this night."
Lumambitin ako pababa gamit ang lubid dahil kay Kean kaya naisip ko ito.
His lubid gaming.
Narating ko ang malaking abandonadong lugar. Maangas akong tumayo at inihanda ang speaker.
Hold on, baby. Hold mommy tight this will be the bloody night.
Nagmartsa ako papasok, kuyom ang palad, umaapoy sa galit ang mata at nagtatangis ang bagang.
"She's here!" Anunsyo ng mga nakakita sa akin.
Lumabas ang babae at lalaki na may maskara. Matalim ko silang tiningnan.
"Ang sama mo naman makatangin," tumawa ang babae.
Wait? That voice! Hindi ako pwedeng magkamali!
"Take off your mask! Don't hide your identity!" Sigaw ko sa kaniya. "Nasaan ang pamilya ko?!"
"Nasa freezer room," ang lalaki ang sumagot at tumawa. Maging siya ay pamilyar ang boses.
Sino sila?
"You motherfucker! I'll drag you two in hell!" Sigaw ko. "Take off your mask!"
Hinawakan ng babae ang mask at tinanggal. Ganoon na lang ang panlilisik ng mata ko nang makita ang mukha niya.
Marie..
"Surprise!" Bumungisngis siya. "Miss me?"
"What the fuck?! Baliw ka na ba talaga?!"
"Matagal na," tumawa nanaman siya. "Ang tagal kitang gustong makaharap sa ganitong laban. Gusto kong mapatay ang pinaka-iniingatang apo ng taong pumatay sa pamilya ko."
Napaawang ang labi ko at napuno ng pagtataka.
"What do you mean?"
"Ohh?" Tumawa naman siya.."I'll tell the story later before you die."
Ngumiti ako nang malapad.."Go ahead, girl."
Natigilan ako nang tanggalin ng lalaki ang mask niya. Napuno ng maraming tanong ang utak ko kung bakit niya nagawa ito.
"Dire.."
Ngumiti siya. "You know the story of my mother?"
Hindi ako nagsalita, gulat pa rin ako at tila ba nasaktan dahil ang buong akala ko mabuti siyang tao. Tinulungan niya ako sa SCHS, sponsor ng HTH at palagi siyang tumutulong samga street children kaya hindi ako makapaniwalang magkasabwat sila ni Marie..
"She's in love with you father.." kwento ni Dire. Tumulo ang kapirasong luha niya pero matalim pa rin ang matang nakatingin sa akin.
"Father? Suarez? My daddy Mel?" Sunod-sunod kong tanong sa paraang sarkastiko at gigil.
"No.. Laurenz."
Muling gumapang ang pagtataka sa buong sistema ko.
Paano? Kay papa? Bakit? Anong nangyari?
Ang dami kong tanong sa isip na hindi ko maisatinig. Ang kwento niya ay nagpakamatay ang nanay niya dahil sa lalaking may asawa na. If that's papa then my mama is his wife and we're the family.
"Pinaasa ng tatay mo ang nanay ko tapos biglang iniwan kaya naging sanhi ng pagkamatay niya!"
Sunod-sunod akong umiling. "Hindi niya gagawin 'yon. Mabait ang papa ko sa kahit na kaninong tao!"
"That's the point. Damn his kindness!" Sigaw ni Dire. Madilim ang mga matang nakatitig pa rin sa akin.."She's the only person I have, but she died because of your father!"
"Nagkakamali ka lang! Mabait ang papa--"
"Mabait na nagbigay ng pag-asa sa nanay ko na mahal din siya nito pero 'yon pala may asawa na siya!"
"My father was kind to all people!" Sigaw ko at kinuyom nang mariin ang kamao. "Kung 'yan ang dahilan mo ang babaw mo para hindi umintindi!"
"How would you understand the pain that I felt when my mom died?!"
"I know how it hurts for you, but look at the other side of the story! Nagkamali ng interpretasyon ang nanay mo sa trato ng papa ko dahil ganoon siya sa lahat!"
"It won't never change the fact that mom is now dead!" Bigla niyang pinaputok ang baril na mabilis kong inilagan.
"I'll give you an option, Dire.." maangas, madiin at gigil kong sabi. Tinitigan ko siya nang masama. "You stop this or.." nagtangis ang bagang ko. "You join Marie in hell?"
Tumawa nanaman si Marie. "Don't be boastful. It won't work. Hawak ko ang mga Baider maging ang anak mo. Good luck na lang kung makakalabas pa kayo ng buhay rito."
Ngumiti ako nang malapad. "No, Good luck to you and happy trip going to your grave."
Malalaki ang hakbang ko na sinugod si Marie. Mabilis ang kilos ko habang pinapaulanan siya ng suntok. Nakisawsaw rin si Dire dalawa sila ngayong pinagtutulungan ako. Ang kaliwa kong kamay ay sinasalag at sinusuntok si Marie at ang kanan naman ay kay Dire. Bawat suntok ko ay gigil, malakas ang bawat suntok at alerto sa mga patama nila dahil iniingatan ko ang tiyan ko.
Malakas kong sinipa ang mukha ni Dire dahilan para magulat siya at tumalsik. Sinipa ko rin si Marie pero nahawakan niya ang paa ko. Wala pa man lang nabawi ko iyon sa kaniya sa pamamagitan ng suntok ko. Nakulangan pa ako sa bilis ko kaya naman pinindot ko ang speaker at napangisi ako nang nanuot sa sistema ko ang tugtog.
This will be fun.
Pinagsisipa ko si Marie siya naman ay sinasalag iyon. Malakas ko siyang nasuntok sa dibdib pero nakabawi siya at nasuntok din ako sa labi kaya dumugo iyon.
Walang emosyon ko siyang tiningnan. "That's weak punch. That's all?" Pang-aasar ko sa kaniya. Nagtangis ang bagang niya at masamang-masama ang tingin sa akin.
"Dire! Get Shivelle and Mr. Baider!" utos niya kaya natigilan ako.
No!
"Don't dare!" Madiin kong sabi. "Try me and you'll suffer even more and extremely painful!"
"Baka ikaw?" Ngumisi si Marie.
Susugod sana ulit ako nang makita kong hawak na ni Dire si Shivelle at ang mga tauhan naman ay hawak si lolo. Ang galit ko ay mas lalong tumindi.
Napailing-iling si lolo na para bang nagsasabing hindi na ako dapat pumunta rito.
"Dalawa lang 'yan. Ang iba nasa freezer room sana makuha mo pa silang hindi yelo," tumawa si Marie.
Dumami ang mga tauhan nilang nakapalibot sa akin pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Kinakabahan lang ako para sa pamilya ko at para sa baby ko pero hindi ako natatakot lumaban.
Nasisiguro kong wala ang ibang Baider sa sinend niyang picture dahil kung saan-saan naman pumupunta sila Tito Laurex at Tita Laureyna darating sila sigurado 'yon.
"Mommy!" Sigaw ni Shivelle. Tumango ako sa kaniya at pinilit na 'wag pangiliran ng luha mas lalo lang magiging masaya ang dalawa ito. Itinaas ko ang hintuturo ko na nagbibigay ng utos kay Shivelle.
Nakuha niya agad iyon at nagdilim ang tingin. Tiningala niya si Dire at sinipa sa maselang bahagi ng katawan at saka tumakbo palapit sa akin.
Well trained siya pero sa bata niyang edad alam kong malakas na siya at may ilalakas pa.
My daughter is a fearless.