Chapter 102

Itinago ko si Shivelle sa likod ko. Inis na pinaputok ni Dire ang baril na pinatama sa balikat ni lolo. Wala man lang nagbago sa ekspresyon ni lolo ngumiwi lang siya nang kaunti.

"Lolo!"

Baiders are the highest level of animal. I think he doesn't feel much pain just a little.

Gigil ko siyang tiningnan. "one shot in exchange with five shots," madiin kong sabi.

Eksperto kong kinuha ang baril ko at binaril din siya. Tinamaan siya sa balikat, tuhod, at ang pangatlo ay nailagan niya. Pinalipad ko ang mga kutsilya sa hita papunta kay Marie, nailagan niya ang dalawa pero ang isa ay tumama sa balikat niya.

"Kill her!" Malakas na sigaw ni Marie.

Sabay-sabay na sumugod ang mga lalaki. Pinatakbo ko si Shivelle para magtago at sinalubong sila. Sinipa ko ang isa at ang pangalawa ay sinuntok. Pinatamaan ko ang pang-apat sa baba dahilan para tumalsik ang mga ngipin nito. Ang panglima ay tinuhod ko, ang pang-anim ay sinuntok ko sa mukha. Nagpapaikot-ikot ako para ilagan sila.

Nanlamig ang katawan ko nang may sumuntok sa tiyan ko.

No! Gosh!

Gumapang ang takot sa buong sistema ko pero buti na lang ang natamaan niya lang ay ang bakal na inilagay ko. Nasapo ko bigla ang tiyan ko at madilim na tiningnan ang lalaki.

"Say goodbye to the world!" Isang pitik ay tumumba siyang walang buhay.

Sobra na ang ginagawa nila at hindi damay rito ang anak ko!

Saglit akong natigilan at napatitig sa kamay ko.

I killed him because of too much anger.. and scare of losing our baby.

Habang tumatagal napapagod na ako. Si Dire ay sapo ang binaril ko habang si Marie ay walang pakialam sa kaniya at nakangiti lang na nanonood na para bang maganda ang palabas.

Walang tigil akong nanipa hanggang sa kinuha ko na ang dalawang kutsilyo at iyon na ang ginamit. Hinihiwaan ko sila sa hita nang malalim para hindi na makapalag at masapo na lang iyon.

Umikot ako at halos lumipad sa ere sa malalakas na sipang binitawan ko. Isang sipa at sumusuka sila ng dugo. Ginaganahan akong lumaban dahil naririnig ko ang tugtog. Sumampa ako sa upuan at pabagsak na umigkas ang paa sa mukha ng isa dahilan para mawalan siya ng malay.

Sinasayawan ko ang bawat kalaban at ang steps ay ang sipa, suntok, tuhod, sampal at balibag. Napangisi ako nang maibalibag ko ang isa, pumalahaw siya sa sakit ng likod. Nang sipain ko ang isa pa ay pinangiliran ito ng luha dahil tumunog ang buto niya sa baiwang na sa tingin ko ay nabali.

Kumaripas ako ng takbo at bumanda sa semento pagbagsak ay malakas na suntok ang binitawan ko, dalawang tao ang tinamaan. Humugot ang isa ng baril pero isang sipa ay tumalipon iyon na tumama sa isa pang tauhan, siguro malakas ang sipa ko kaya nakatulog ito nang matamaan.

Bawat kilos ko ay gigil kaya naman ang bawat tamaan noon ay kung hindi tulog, pumapalahaw sa sakit at namimilipit.

Pinu-punterya ko rin ang kanilang mga balls para masaya hindi na sila nakakapanlaban pa matapos noon.

Napailing-iling ako nang maramdamang nagdidilim na ang paningin ko. Wala akong tama kaya sa tingin ko dahil ito sa pagbubuntus ko.

No, my family needs me..

Nagpagiwang-giwang na ako at nasapo ang noo dahilan para tamaan ako ng suntok at matumba. Dinumog nila ako at pinagsusuntok at sipa. Prinotektahan ko ang tiyan ko.

"Shine! Shine!" Sigaw ni lolo. "Fuck all of you!"

"Mommy!" Panay rin ang sigaw ni Shivelle at nanipa na sa mga lalaki pero sa huli ay naluha lang siya at kinarga papunta kay Marie.

Pilit kong pinalakas ang loob ko.

Para sa pamilya ko!

Naisip ko ang mukha ni Flair, ang nakangiting mukha niya kaya mabilis akong bumangon at sinipa sila. Kahit duguan na ako at sugatan ay pakiramdam ko malakas pa rin ako, pagod lang. Ang mga sugat ko ay parang wala na lang sa akin dahil palagi naman akong nagkakasugat dahil sa ganito.

My baby is safe. I hope so.

Hindi naman ako natamaan sa tiyan kaya sa tingin ko okay lang siya. Walang patid akong nanipa at nanuntok. Kapag may akmang susuntok sa tiyan ko ay doon ako nanlalamig kaya mabilis ko iyong sinasalag. Muli ay nakaramdam ako ng pagdilim ng paningin kaya umiling-iling ako.

Akmang matutumba na ako nang may brasong sumalo sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya.

"Flair.."

Nasa likod niya na ang mga Baider. Biglang bumukas ang pinto at niluwa noon sila Kean, Nel Jan, Lance, Rev, ang buong members ng HTH at ang Dreadful Gang.

"You want to see the monster?! Fine!" Gigil na gigil na sigaw ni Flair.

"Sorry not sorry. Baider is Baider. It's both a curse and an honor," sabay-sabay na sabi ng mga Baider maging si Flair ay sinabi iyon.

Lumabas sa likod nila Rev si Tito Laurex at Tita Laureyna. Walang emosyon ang mukha nila at matalim na nakatingin.

Tiningnan ako ni Flair, biglang lumambot ang mukha niya at hinaplos ang pisngi ko. "Baby.." nangilid ang luha niya.

Tinakbo niya ako sa gilid at itinago. Nagkagulo na ang lahat. Lahat ay may pinagkakaabalahang kalabanin.

Tumulo ang kapirasong luha ni Flair at hinaplos muli ang mukha ko. Tiningnan niya ang tiyan ko.

"The baby is okay, right?"

Tumango ako. Mapungay na ang mata ko at anumang oras ay pipikit na.

"Dito ka lang, okay?" Humalik siya sa noo ko bago umalis at sumugod.

Nakatingin lang ako sa malaking kaguluhan.

Ligtas na sila dahil dumating na ang tulong.

Nakikita ko ang kakaibang Flair ngayon habang nakikipaglaban. Ang emosyon niya ay blangko na malayo sa madalas niyang ekspresyon na nakangiti. Bawat suntok niya at sipa ay nagpapatalsik sa kalaban at pumapalahaw ng iyak. Humawak na siya ng baril at pinaputok na iyon.

Hindi niya naman ugaling gumamit noon. Dati nga ay hindi siya marunong pero tinuruan siya ng mga Baider. Nakuha niya si Shivelle at lolo at para bang halimaw na basta na lang binaril ang may hawak sa kanila na tinamaan sa tiyan at ngayon ay naghahabol na ng hininga.

Sapo ko ang tiyan ko habang nakatingin lang sa kanila. Si Rev ay seryoso rin binabalibag niya ang sinumang lumapit. Si Kean ay wala ring emosyon pero nagtatangis ang bagang. Si Lance ay kakaiba ang trip ngayon dahil ang binabali niya ay paa ng kalaban.

Swerte ko nga siguro para magkaroon ng mga kaibigang handang itaya ang buhay nila.

Ikinagulat ko ang ginagawa ni Tito Laurex, katulad ng ginawa ko kanina isang diin lang sa leeg at tutumba na ang kalaban. Si Tita Laureyna na mahinhin ay parang ibang tao ngayon, galit na galit siya na halos umubo na ng dugo ang malapatan ng balat niya.

Si Diamond ay karga na si Shivelle ngayon. Si Kil ay galit ring nakikipagsuntukan. Lahat sila ay bugbog sarado pero malakas pa rin. Hinaplos ko ang tiyan ko nang maramdamang kumikirot iyon.

Sana okay lang ang anak ko.

Hindi pa natapos ang tulong dahil dumating pa ang mga Suarez. Ang mga Kuya ko at tumulong na rin. Naging malaking riot ang nangyari. Halos magmakaawa na ang kalaban.

Hinaplos ko nang hinaplos ang tiyan ko dahil parang tumitindi ang sakit.

Natigilan ako nang may magpaputok ng baril at tinamaan ako sa balikat.

Bwisit na Marie.

Tinutok niya sa ulo ko ang baril.

"You.. dead."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.