Javen Flair's POV
"Baby?"
Napamulat ako ng mata nang mahigpit niya akong niyakap. Sumilip ako sa orasan madaling araw pa lang.
Hinaplos ko ang buhok niya. "Nagugutom ka nanaman ba?"
Tumango siya. "Pwede bang lutuan mo ako ng spaghetti?"
Ngumiti ako at humalik sa noo niya. "Sure."
Bumangon ako kaagad. Kahit ano gagawin ko para sa kaniya dahil siya ang buhay ko, silang dalawa ni Shivelle Flear at ang magiging anak pa namin.
Nakangiti akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto. Inayos ko ang pasta at naghiwa ng hotdog, inilabas ko na rin ang iba pang kakailanganin. Napangiti ako nang may yumakap sa likuran ko, ramdam ko ang umbok niya sa tiyan.
Ilang buwan na ang lumipas nang muli kaming ikasal dito sa Pilipinas. Walang kasing saya ang ataw na iyon, hindi man lang nabawasan ang saya ko sa ikalawang beses naming pagpapakasal, mas tumindi pa nga ang saya sa isiping may mga anak na kami.
Hinarap ko siya at humalik sa noo. "Dapat nagpahinga ka na lang."
"Gusto kong manood sa pagluluto mo," Iniupo ko siya at hinaplos ang tiyan. "This month will be your expected giving birth."
"Yes, I'm so nervous."
"You can do it. It's your second time."
"Yes, but it hurts," masama niya akong tiningnan. "This is your fault."
"Ayaw mo ba?" Malapad akong ngumiti.
"Gusto," niyakap niya ang braso ko. Simula nang magbuntis lagi siyang malambing pero may oras na nagsusungit at ang malupit hinahanap si Kean kahit dis-oras ng gabi. Ang loko naman hindi makatanggi kahit pipikit-pikit ay pupunta rito.
Akmang tatalikod ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"P-parang.." hinawakan niya ang tiyan at ngumiwi. "A-ang s-sakit."
Nanlaki ang mata ko at kinabahan. Hindi na ako magkandaugaga kung ano ang gagawin ko.
"Manganganak ka na ba? Cherish?" Nagpabalik-balik ako at hindi alam ang ikikilos kung tatawagin ba ang mga Baider o itatakbo na siya.
"Ahhh! Ang sakit! Manganganak na yata ako! Aray! Ang sakit!" Sigaw na siya nang sigaw.
Ang nananahimik na mansyon ay napuno ng sigaw niya at sigaw ko tinatawag ang mga Baider.
"Lolo, Taxon, Kil! Si Shine Clear manganganak na!" Malakas na sigaw ko.
Binuhat ko siya agad at itinakbo papunta ng kotse.
"Aray! Ang sakit! Ang sakit!" tumutulo na ang luha niya habang hinahaplos ang tiyan. "Impakto, masakit!"
Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho papunta sa Imperial's Hospital.
"It hurts! Ahh!" Patuloy siya sa pagsigaw hanggang marating namin ang hospital.
Nagulat pa ako nang biglang may humintong sasakyan at itinabi rin iyon sa amin.
Si Clench!
Buhat niya rin ang asawa at tinatakbo papasok.
"What the? Manganganak na rin?"
"Oo!"
Nagmadali kami ni Clench, itinakbo ko ang asawa ko papasok. Nanlalamig ang katawan ko dahil sa pag-aalala at awa sa kaniya na panay ang sigaw dahil sobrang sakit daw.
Nakakaawa talaga siya kapag nabubuntis kaya nga ayaw ko na sana pero heto at nangyari pa rin. Masaya pa nga kami kaya nga lang maghihirap nanaman siya.
Di pa natatagalan ay si Kean naman ang dumating. Halos malaglag ang panga ko nang makita siyang tulak rin ang stretcher na sakay si Yannie, sumisigaw rin sa sakit ng tiyan. Di ko alam kung matatawa ako o ano.
Don't tell me they give birth at the same day?
"Pre!" Sigaw ko habang pinapasok si Zeal sa delivery room. Nang maipasok ang mga asawa namin ay halos mabaliw kaming tatlo sa kakabalik-balik habang sapo ang noo.
Natigilan lang kami nang marinig ang tawa ni Rev.
"Putek na buhay ninyo 'yan! Sabi ko na nga ba magsasabay-sabay silang manganak," tumawa siya nang malakas.
Nakakahiya na dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Humiga pa ang loko sa semento at nagpagulong-gulong sa kakatawa.
"Anong nakakatawa?" Seryoso kong tanong.
"Sabay-sabay pa talaga, huh? Kayong tatlo talaga!"
Binatukan ko siya, sunod ay lumapit si Kean at binatukan rin siya. "Nag-aalala kami rito tapos tatawa ka lang diyan!" Asik niya kay Rev.
"Sino ba kasing may sabing buntisin ninyo ulit asawa n'yo? Tapos ngayon mamamatay kayo sa pag-aalala," sabi niya habang hinihimas ang binatukan namin.
"Nakakatawa 'yon?" Sarkastikong sabi ko na tinawanan niya lang.
Happy Kid talaga ang isang ito. Hindi na nauubusan ng tawa, ng kakakulitan akala mo laging lumalaklak ng energy.
"Hindi na nga ako tatawa. Masiyado kayong high blood." Umupo siya sa gilid at parang siraulong yumuko habang malungkot ang mata na akala mo naman aping-api.
Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa kakabalik-balik habang sapo ang noo. Si Clench ay nakaupo lang at nakatingin sa kawalan halata sa kaniya ang sobrang pag-aalala.
"They will be fine, right?" Tanong ni Clench bakas ang takot sa mukha.
"I hope so," sagot ko at tumabi ng upo sa kaniya.
Nakangising dumating si Nel Jan. "Buti pala hindi ko binuntis ang asawa ko baka sumabay pa sa mga asawa ninyo. Nakakatawa naman," umupo siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.
"Buti na lang talaga," segunda ni Rev nang tingnan ko ay agad nagbaba ng tingin at tinakpan ang bibig para hindi mag-ingay.
Siraulo.
"Sinong asawa ni Mrs. Valencia?"
Tumayo agad si Kean at pumasok sa loob.
"Si Mrs. Imperial hinahanap ang asawa."
Tinawag na rin si Clench at pinapasok. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang makita ko si Zeal na nakangiti kahit ang pagod ay mababakas sa mukha. Pawisan at hawak ang sanggol.
Pinalis ko nang pinalis ang luha ko pero tumutulo lang din. Nang makalapit ako ay wala akong masabi.
Speechless. Here in front of me is the girl I dream before holding our second baby and it's really suffocating in happiness.
Humalik ako sa noo niya bumaba sa ilong, sa pisngi, at sa labi habang namamalisbis ang luha sa pisngi ko.
"You are okay, yeah?"
"Y-yes," sabi niya sa tonong nanghihina pero nakangiti at nakatingin lang sa sanggol. "Shiven Tlair Baider-Imperial," hinaplos niya ang pisngi ng anak namin. "My Baider."
Tumindi lang ang pag-iyak ko nang makita ko ang mukha ng anak ko.
He looks like her mother, but there are angles that may see as me.
"He's handsome," mahinang sabi niya at hinaplos ulit ang pisngi ng anak.
Nababading na ako sa kakaiyak habang nakatingin sa mukha ng anak ko.
"Look at our child, impakto," ibinigay niya sa akin ang baby.
Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko siya. Lumapad ang pagkakangiti ko nang mahawakan ko siya.
He's adorable.
Pinagmasdan ko ang baby. Nang magmulat siya ng mata ay huminto ang puso ko sa pagtibok.
"You make my heart skips to beat for a second just like your mother, Shiven Tlair."