Shine Clear's POV
"Saan naman kaya 'yon pumunta? I have checked Marie and she's there at the Mental Hospital," nag-aalalang sabi ni Taxon.
Babangon sana ako pero pinigilan ako ni Diamond. "'Wag ka nang bumangon hindi ka pa magaling."
"I'm fine. I'm so worried about my daughter."
Nagkakagulo nanaman ang lahat dahil nawawala siya. Kinakabahan ako dahil hindi pa kami nakaka-recover paano kung may kumuha nanaman?
"I'm here!"
Napalingon kami sa pinto nang bumukas iyon. Tumatawa ang bata habang kahawak kamay si Lane Glace.
"Nak, saan ka ba galing?!" Kinarga siya agad ng ama.
"Bebs bonding, dad."
Napahilamos si Flair ng kamay sa mukha. Nasapo ko rin ang noo ko may nalalaman pa siyang 'bebs bonding' minsan talaga may pagka-abnormal ang anak ko. Madalas walang emosyon pero kapag inabot naman ng kabaliwan gagawin niya kung ano ang gusto.
"Nak, magpapaalam ka kapag aalis ka," pangaral ng ama.
"No, dad. I'm big girl na."
"Kahit ang big girl nagpapaalam."
Sa mga sumunod na araw ay umuwi na rin kami sa mansyon at nagpahinga. Gumagaling na rin ang mga sugat ko. Palaging pumupunta rito si Kuya Zen para gamutin ako at tingnan ang lagay ng baby ko.
Nanonood lang ako ng movie habang kumakain ng pop corn. As usual buong magdamag nanaman akomg nasa kwarto para magpahinga raw. Hinahaplos-haplos ko ang tiyan ko nang lumabas si Flair galing banyo.
"Anong gusto mong kainin?"
"Seriously? Laging 'yan ang tanong mo sa akin," tumaas ang kilay ko. "Balak mo ba akong patabain?"
Ngumiti siya at sumampa sa kama. "Yes, para wala nang magkagusto saiyo."
Kinurot ko ang pisngi niya. "Dragon fruit lang, baby."
"Okay!"
Lumabas siya ng kwarto. Si Shivelle Flear naman ay pumasok din may dalang dalawang platito ng chocolate cake.
"For mommy," inabot niya iyon sa akin.
"Thank you, baby."
Masigla kaming kumain ng chocolate cake. Matapos niyang kumain ay naglalambing na yumakap sa akin.
"Mommy, diba baby pa rin ako?"
"Of course," hinalikan ko ang pisngi niya.
Ang cute talaga ng anak ko!
Grabe kamukha niya talaga ang ama para siyang babaeng version nito.
Hinaplos-haplos niya ang tiyan ko. Pinagmasdan ko lang ang maliit niyang kamay.
"Here is the Dragon fruits." Nakangiting sabi ni Flair at inabot sa akin ang prutas.
"Mommy, ang pangit ng hitsura niyan."
Tumawa kami ni Flair dahil ang mukha niya ay nakangiwi na hindi maintindihan.
Kinagabihan ay nanood lang ulit ng movie. Nakayakap si Flair sa baiwang ko habang nagfe-facebook. Nagpalit siya ng profile niya, picture naming tatlo.
"Kapag lumabas na si baby papalitan ko ulit ito," nakangiting sabi niya at humalik sa tiyan ko.
"Puro ka selfie."
"Gusto ko kasi palagi ko kayong nakikita kahit nasaan man ako."
"Sweet mo naman."
"Yes," ngumuso siya. "Kiss mo nga ako."
Dinampian ko ng halik ang labi niya.
"Sabi mo ayaw mo na magkaanak pero ngayon masaya ka pa?"
Ngumiti ako. "Nagbabago ang isip."
"Ang sabihin mo gusto ni Shivelle Flear kaya ka ganyan pero kung hindi dahil sa kaniya baka napatay mo na ako."
I laughed. "Buti alam mo."
Tumayo ako at pumasok sa banyo. As usual nakasunod nanaman siya dahil baka raw madulas nanaman ako. Napahinto ako nang makita kong wala ang singsing ko sa daliri pero di ko pinahalata kay Flair.
No way! Nasaan 'yon?
Magwawala ang isang ito kapag nalaman niyang nawawala 'yon. Inikot ko ang paningin hindi nagpapahalatang may hinahanap.
Saan napunta 'yon?
Hindi ko hinubad 'yon kinabahan tuloy ako dahil kapag nalaman nito warla nanaman.
Nang makalabas ako ng banyo ay naghahanap pa rin ako.
Baka nasa higaan lang?
Pero wala!
"Cherish, why are you naughty? May masakit ba?"
"A-ahh..ano," nagkamot ako ng ulo at kinabahan. "W-wala."
Saan napunta 'yon? Nakakainis naman!
Nang makatulog siya ay hanap ako nang hanap. Hindi naman ako lumalabas, lagi lang akong nasa kwarto pero hinanap ko pa rin sa buong mansyon. Pagod na ako.
"Anong ginagawa mo?" Natigilan ako sa akmang paggagapang nang makita ako ni Kil.
"Ano..ahm. wala."
"Is there something wrong?" Kunot noo niyang tanong.
"Wala," tumalikod na ako at mabilis na naglakad.
Nakatulog ako sa pagod dahil sa paghahanap. Nagising ako kinabukasan sa tunog na umalingawngaw sa buong mansyon.
Walang Iba
by: Ezra Band
Ilang beses ng nag-away
Bumalikwas ako ng bangon.
Bakit parang boses 'yon ni Flair?
Mabilis akong pumunta ng banyo. Natigilan ako nang sa banyo ay may isang kapirasong rosas at may note na nakalagay.
'Even if the sun refused to shine.. I have my own Shine.'
Napangiti ako at gumapang ang kilig sa buong sistema ko. Ang sweet niya naman. Problemado pa rin ako dahil di ko pa rin mahanap ang singsing.
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan
Patuloy kong naririnig ang kantang iyon at sa pagkakataong ito sigurado akong boses iyon ni Flair. Lumabas ako pero ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang madilim sa buong mansyon ang tanging ilaw na makikita ay kulay blue na parang ginawang magical ang lugar.
Anong mayroon?
Nag-isip ako kung anniversary ba namin o monthsary pero hindi, eh.
Nagsimula akong maglakad narating ko ang malawak na sala, sa lamesa ay may isang piraso ulit na rosas at note.
'All of my life I'm waiting for my first and last love.. now, I found.'
Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko pero nagtataka talaga ako kung ano ang mayroon ngayon.
Walang katao-tao rito mukhang sinadya. Sinundan ko ang mga petals ng iba't ibang kulay na rosas hanggang sa makarating ako sa hangdan paakyat pero may nakalagay roon.
'Use the elevator'
Kaya sumakay ako ng elevator paakyat sa roof top.
Natutop ko ang bibig ko nang makita ko silang lahat na nandito.
"Anong mayroon? Do we have a celebration of what? I'm just curious." Tanong ko sa kanilang lahat pero ngiti lang ang sinukli nila.
Maging ang mga Suarez, kaibigan namin ay nandito. Nagtaka pa ako nang makita ko si Kil na nasa stage at tumutugtog,tingin ko sila ang kabanda niya. Mas nagtaka pa ako nang makita ko si Ailey at may kargang bata. Si Ailey ay nakilala namin noon, siya 'yong namatayan ng boyfriend na humahagulgol noon na naging kaibigan na rin namin.
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan
Hindi na ako nagsalita, nakangiti na lang akong pinapakinggan ang pagkanta ni Flair. Ang pogi niya sa pormal na suot niya.
Si Shivelle Flear ay lumapit sa akin at nag-abot ng isang kapirasong rosas na may note ulit.
Cherish, my love for you is endless.
Hinalikan ko si Shivelle, siya naman ay umalis agad at tumakbo papunta kay Diamond.
Natigilan ako nang may mag-ingay na eroplano. Nasisiguro kong sa Baider 'yon dahil may nakalagay sa buntot na 'BAIDER.' Tiningala naming lahat iyon, nasisilaw man ako sa sikat ng araw pinanood ko pa rin iyon.
May gumuguhit na pulang tela na nakakabit sa eroplano habang umaandar.
Will You
Napaawang ang labi ko at sobrang kumalabog ang puso ko.
Marry
Tahimik ang lahat at nanonood lang din.
Me
Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling napatingin kay Flair.
Lumuluha ko siyang tiningnan. Para namang hindi pa kami kinakasal baka hindi para sa akin iyon kasi kasal na kami.
Lumuluha akong tumatawa dahil sa lyrics ng kanta. Napangiti siyang kumakanta at nagpapapogi pa na akala mo naman talaga artista siya. Pakaway-kaway pa siya na kunwari may fans siya baliw talaga ang asawa kong ito.
May inabot sa kaniyang malaking box si Kil. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang malokong kumikimbot at isinasayaw ang box na 'yon. Napailing-iling na lang ako habang nakangiti.
Nang makalapit siya ay iniyakap ang isang kamay sa baiwang ko.
"I'm not a perfect husband."
Hinaplos ko ang pisngi niya. "But for me, you're my Mr. Perfect."
Pinakatitigan niya ang mukha ko at hinaplos ang buhok ko ng isang kamay dahil ang isa ay may hawak pa ring box.
"Cherish, isang ngiti parang lulubog na ako sa kinatatayuan ko. Tingnan mo lang ako para bang lalabas na ang puso ko, hindi ako makatulog sa gabi kapag hindi ka katabi, hindi ako makakain kapag hindi kita kasabay," kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. "Hindi ako mabubuhay kapag wala ka. Kahit siguro lumipas ang maraming taon ikaw lang ang tinitibok nito."
Tumulo nang tumulo ang luha ko. "Bakit mo ba 'to ginawa? Wala namang celebration?"
"Wala nga, gusto ko lang." Pinalis niya ang luha ko. "Don't cry because baby is crying, too."
"But you make me cry."
"Iyakin ka lang talaga."
Tumunog ang kantang naging saksi sa aming pagmamahalan ang 'Without you by: Moira and Rafael' na nagmumula sa eroplano kaya napatingin ako roon. Nanlaki ang mata ko nang bumagsak ang puting tela na may nakalagay na 'Will you marry me..'
"Hoy! Ano 'yon? Kinasal na tayo ano 'to joke?" Mahina ko siyang pinalo sa balikat.
Binuksan niya ang hawak niyang pulang box. Natawa ako habang lumuluha nang makita ko ang nakasulat sa chocolate cake.
'Again?'
Iyon lang, kabaliwan niya talaga.
"Ikaw talaga!" Hinampas ko ang balikat niya. "Kung anu-anong naiisip mo! Again lang!"
Tumawa siya pagkuwan ay ngumisi na mapang-asar. "Kinikilig ka lang, eh." Lumuhod siya at may kinuhang box sa bulsa.
"Kwentas nanaman 'yan?"
Tumawa siya. "Hindi," inilabas niya ang singsing. Ganoon na lang ang paghahampas ko sa kaniya nang makita iyon.
"Bakit nasa iyo 'yan?! Hanap ako nang hanap kinuha mo pala!"
Humagalpak siya ng tawa "Sabi ko na ito ang hinahanap mo. Ayaw kong palitan ang singsing natin, baby cherish," pinakatitigan niya ang singsing at binasa ang nakasulat doon. "The Unexpected Love of JavElle."
Nangingiti akong pinaghahampas siya. "Bakit naman naisip mong magpakasal ulit?"
"Kasi sa America tayo nagpakasal ayaw kong tinatakot mo ako sa divorce-divorce na 'yan kaya dapat dito na tayo magpakasal sa Pilipinas."
Tinawanan ko siya kahit ang totoo kilig na kilig ang buong sistema ko.
"Will you marry me again, cherish?"
"May choice ba ako?"
"Wala," nakangiti niyang isinawsaw ang hintuturo sa cake at inilagay sa labi ko.
"Ano ba naka--" Di ko naituloy ang pagsasalita ko nang halikan niya ang labi ko.
Ang init ng pisngi ko dahil sa hiya at kilig. Ikaw ba naman ang nasa gitna at halikan ka habang nakatingin ang buong pamilya at mga kaibigan mo saiyo. Nakita ko pa ngang tinakpan ni Kil ang mata ni Shivelle, si Lance, Ali at Ailey ay ganoon din ang ginawa sa mga anak nila.
"Hoy! SPG tama na! May mga bata rito,oh!" Sigaw ni Rev.
Tatawa-tawang inilayo ni Flair ang sarili sa akin. "Magpapakasal ka ba ulit sa akin? Sa bagay, kahit di ka na sumagot ikakasal ka pa rin sa akin," tumawa siya. "Nakadalawang anak na nga ako. I'm planning to make it three."
Pinaghahampas ko siya. "Subukan mo lang! Di pa nga lumalaki ang tiyan ko nag-iisip ka nanaman ng anak!"
"Jokings!"
Mahigpit niya akong niyakap.
"Siguro kinulam mo ako, cherish? Kaya baliw na baliw ako saiyo."
Pinaghahampas ko nanaman siya. "Kung anu-anong naiisip mo!"
"Wala, ah. Ikaw lang ang nasa isip ko."
"Ayieee!"
Malakas na kantyawan nila. Si Rev ay hinampas pa ang balikat ni Kean kaya nasubsob siya sa lamesa. Inis naman siyang tiningnan ni Kean at pinalo rin sa balikat hanggang maghampasan silang dalawa.
"Aray! Nakakadalawa ka na!" Sigaw ni Rev.
"Ikaw nga tatlo na!"
Tinawanan sila ng mga tao.
Lumapit sa amin ang tatlong kasama ni Kil na sa tingin ko ay kabanda niya.
"I'm Norman Soriano," nakangiti niyang inabot ang kamay, si Flair ang kumuha noon.
"I'm Jessie Lewis," hindi na niya inabot ang kamay ngumiti na lang dahil nakita niya ang ginawa ni Flair.
"I'm Denmeir Camerino," kumaway siya.
Ang pagkakangiti ko ay biglang nawala.
"Denmeir Camerino?" Tanong ko. "Nakita na kita noong graduation."
Tumango siya. "Yes, nagkita na tayo. By the way, asawa ako ni Ailey."
"Gosh! Talaga?"
"Yes," tinuro niya ang batang karga nito. "Anak namin. Si Denveir Ley."
Ngumiti na ulit ako. "Buti naman, masaya na ngayon si Ailey. Teka lang.." nag-isip ako. "Diba ang pangalan ng boyfriend niya noon ay--"
"Denveir Camerino, kakambal ko."
"Oh my! Kaya pala pamilyar ang pangalan mo."
Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanila bago lumapit kay Flair na nakanguso ngayon at inis na kumakagat ng apple.
"Baby.." niyakap ko siya sa baiwang.
"Ano?!" Inis niyang sabi.
"Bakit galit ka?"
"Wala!" Marahas niyang kinagat ang apple, halatang galit.
"Bakit ka ba nagagalit?"
"Nakikipag-usap ka sa lalaki!"
"Huh? Nababaliw ka na ba? Napakaseloso mo," kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa tiyan ko. "Di mo pa siya ramdam pero kapag lumabas ito tatawagin ka ring daddy."
Lumambot ang mukha niya at malapad na ngumiti. Humalik siya sa noo ko.
"As long as I live or even in death I love you."
"I love you forever."
"Kailangan mo ng additional vitamin, cherish."
"Huh? Ang dami ko na ngang iniinom."
"Vitamin me."