Chapter 30

Shine Clear’s POV

"She's weird, right?" Napalingon ako kay Kean. "I think you should pursue Jave to find another clinic. Sasama ako kahit saan siya magpunta."

Nagugulat kong tiningnan si Kean. "Bakit?"

"Ah-wala."

"Nando'n ka naman, 'diba? May nangyari ba?"

"Wala pa."

Wala pa? Anong ibig sabihin ni Kean?

Pinagkunutan ko siya ng noo pero inabutan niya lang ako ng baso ng alak.

"Enjoy your night, beautiful." Nagugulat ko siyang tiningnan nang hawiin niya ang buhok ko.

May hindi sinasabi sa akin si Kean.

"You want to tell something?" Ipinakita ko sa kaniya ang malapad kong ngiti.

"Wala. Dapat siguro si Jave ang magsabi no'n."

"Ang alin?"

Nagkibit balikat si Kean at iniwan ako. Kinabahan naman ako sa kaniya.

Nilingon ko si Flair na ngayon ay karga si Shivelle.

Anong hindi ko alam, Flair?

"Elle?" Lumapit si Nel Jan. "Regalo ko sana kaso may kwentas ka na." Ipinakita niya sa akin ang kwentas.

Hinawakan ko ang pendant na puso ng kwentas ko. "Regalo ito noon ni Flair."

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang kwentas. "Itago mo nalang."

"Salamat."

"Always welcome."

Kakulitan ni Carme dahil ginigilingan si Lance. Siguro kanina pa 'yan umiinom.

"Hey, bebs!" Hinila niya ako sa gitna. "Sayawan mo ako 'yong pang-Laurente Movers."

"Naka-gown ako."

"Okay lang 'yan. Happy Birthday to my loving best, best, best friend! Yohooo!" Sumayaw-sayaw na si Carme, nakisayaw na rin ako sa kaniya.

Paulit-ulit akong lumagok ng alak. Ang kulit naming dalawa ni Carme. Hinila namin ang mga bisita at pinapasayaw sa gitna.

"Sayaw Clench, Sayaw Clench!" Sigaw namin nang hilahin si Clench. Napakamot siya sa ulo pero sumayaw din ng isang moves lang.

"Woah!!"

Nanghila pa kami ni Carme. Si Rev at Kean. Tawa kami nang tawa nang mag-budots silang dalawa.

"Ganito 'yong sayaw ni Taxon noon ha." Ginaya nila si Taxon noong sumayaw siya sa pajama party.

Ang lakas nang tawanan. Mga siraulo talaga. Isama mo pa ang suot nila na naka-tuxedo.

Natawa ako nang hilahin ni Rev si Taxon sa gitna. Wala pa man lang ay masama na ang tingin nito.

"Ang hindi sumayaw itatapon sa pool yohooo!!" Malokong sigaw ni Rev.

Walang nagawa si Taxon kung hindi ang sumayaw kahit hindi marunong. Umalingawngaw nanaman ang malakas na tawanan.

Nahagip ng mata ko ang paghila ni Marie kay Flair. Gumapang ang kaba sa dibdib ko. Nagmadali akong sundan sila pero wala pa man lang ay nakasalubong ko na si Flair pabalik sa loob.

"Cherish?" Gulat siyang makita ako.

Sinilip ko kung nasaan si Marie pero wala na siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Nothing.."

Sinungaling! Tinalikuran ko siya. Sasabihin mo rin sa akin.

"Baby.." hinila niya ako at niyakap. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"I love you.. ikaw lang." Tumulo ang luha ko sa bulong niyang 'yon.

Natatakot akong magtanong. Kasal na kami.

Bakit gano'n? Bakit nabuhay nanaman ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang Marie na 'yon?

"Let's go back inside."

Kinuha ko si Shivelle kay Lance dahil karga niya ito. Hindi na nawala pa ang kaba na namuhay sa dibdib ko.

Tiningnan ko si Flair. May iniisip siya na kung ano.

Oras na malaman kong nangbababae ka. Hindi ka makakatungtong sa mansyon ng mga Baider. Papatayin ka ng lahat.

Walang sinuman ang pwedeng manloko sa Baider..

Iyon ang isa sa tradisyon.

Ayaw kong isipin na niloloko niya ako. Kasal na kami at may anak na. Pilit kong tinatanggal ang mapanghinala kong isip.

Pinagkakatiwalaan kita...

Lumapit si Flair at kinuha sa akin si Shivelle. Hinapit niya ang baiwang ko at madamdaming humalik sa noo niya.

"Why are you sad? You suppose to be happy, cherish."

Ngumiti ako at pinilit na maging totoo 'yon.

"Napapagod lang ako."

Napalingon kami nang may itapon sa tubig si Rev at Kean. Ang lakas ng tawa nila dahil si Lance ang inihulog.

"Ayaw mo sumayaw, ah!." Ang lakas ng tawa ng dalawang siraulo.

Napangiti nalang ako at umiling. Hindi na natapos ang kakulitan nilang dalawa.

"Wanna hug, tito?" Kinuha ni Nel Jan si Shivelle. Hindi nakalampas sa akin ang masamang tingin ni Flair sa kaniya.

Nakipagsayawan nalang ulit ako kala Carme. Dapat masaya ako at walang iniisip na kung ano.

"Hi, beautiful. Sayaw tayo." Nakipagsayaw ako kay Kean. Nagtawanan kaming dalawa.

Kakaiba rin ang friendship naming dalawa. Papunta na rin 'yon sa pagiging best friend.

He's always here.

Nang matapos ang party ay inaantok na si Shivelle. Karga siya ni Flair. Inihiga niya ito sa kwarto niya.

Humalik ako sa pisngi niya. "Good night, my angel."

Tinalikuran ko si Flair. Hinabol niya ako nang makapasok sa loob ng kwarto namin.

"May problema ba?" Tanong niya at yumakap sa baiwang ko.

"Wala. Maliligo lang ako."

"Let's take a bath together." Hinala niya ako papasok sa banyo.

Parang wala naman problema?

Parang nadadala lang ako ng mga hinala ko.

Bakit ba pinagiisipan ko siya ng masama?

Nakangiti niyang dinampi-dampian ng halik ang balikat ko.

"Tell me?" Bulong niya sa tainga ko.

"No! You tell me!" Nagulat siya nang sigawan ko siya.

"Tell you what? Tell you that I love you? Or tell you how much I love you? You choose." Ipinakita niya sa akin ang malapad na ngiti.

Elle, he loves you so bad. Hindi siya gagawa ng ikakasira niyo.

Trust him!

Sabi ko sa isip ko.

"I'm your husband and you're my wife.. hindi lang ako sumumpa sa kasal. Sumumpa rin ako sa pamilyang Baider at Suarez na mamahalin ka habang buhay." Madamdamin niyang sabi.

Parang nahuhulaan niya ang paghihinala ko sa kaniya o ako lang talaga ito?

"Okay." Inilagay ko ang kamay sa batok niya.

"Parang ayaw ko maligo. Malamig.. gusto kong magpa-init." Nakangisi niyang sabi.

Nginitian ko lang siya.

I let him unzipped my gown. He carried me going to the bed. He kissed me and removed my thing. Everything went black when he owned me.

"Remember my infinite love." He whispered after the tired night.

"Happy Birthday, my cherish."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.