Shine Clear's POV
Tinahak ko ang daan papasok sa sikreto. Maraming nagbago dahil ang tagal ko ring hindi dito pumunta. Kasama ko si Lance, dadalawin namin si BossRill.
"z4, LJ." Nakangiti niyang bati.
"I brought you a pizza." Ibinigay ko sa kaniya ang boxes of pizzas.
"Thanks. Tamang-tama nagugutom na ako."
"How's the HTH?"
"I little bit quite. Don't worry kaunting misyon lang ang ibibigay ko sainyo ni LJ. Alam ko naman na busy na kayo sa buhay pamilya." Sumubo si BossRill ng pizza.
"It's okay, BossRill lagi lang kaming nandito ni z4." Nakangiting sabi ni Lance.
"Tumatanda na ako. Kailangan ko na siguro ng bagong tao na mamumuno ng HTH." Tiningnan niya kami ni Lance. "I just want to inform you two that it's not impossible na piliin ko kayo dahil kayo ang highest rank partner."
"Okay lang po sa akin, BossRill." Tiningnan ko si Lance, tumango rin siya.
"Pero hindi pa naman ngayon. Just incase lang na may masamang mangyari sa akin. You can replace me."
Napatitig ako kay BossRill. Minsan nang nagpahiwatig sa akin si Ariya ayaw kong isiping siya rin. Napailing ako nang sunod-sunod.
"How's the life of having a family?" Ngumiti si BossRill.
"Maayos naman, BossRill." Sagot ko.
"Me too. Ikaw ba naman magkaroon ng maingay na asawa." Tumawa si Lance.
"Good to know."
"Kumusta ang mga newbies?" Bigla ay tanong ko. Sinulyapan ko ang mga nag-eensayo.
"May potensyal ang ilan, ang iba ay kailangan pa ng maraming ensayo."
Lumapit ako at inayos ang hawak ng arnis ng isa.
"Kailangan matibay ang kamay mo. Mabilis mong mabibitawan kapag natamaan ka sa braso." Pangaral ko sa batang lalaki na sa tingin ko labing siyam na taong gulang. Tumango siya sa akin at nagpasalamat.
"Everyone, she is z4." Turo sa akin ni BossRill. "LJ." Turo niya kay Lance.
"Have a good day, highest rank!" Malakas na sigaw nila.
Malalaman mo na highest rank ang miyembro dahil ipinapakilala din ang mga picture namin sa pamamagitan ng monitor. Kasama sa ensayo nila ang kilalanin ang pinakamatataas pero hindi ka agad makakarating sa ensayong iyon kapag hindi ka nakapasa sa evaluation.
Walang traydor.
Malalaman nila iyon sa pamamagitan ng kilos mo dahil ang taga-evaluate ay mga nakapag-aral ng behavior ng tao. Katulad ni Flair na psychologist o kahit na anong kurso tungkol sa behaviours of human or how people think. Hindi gano'n kahina ang organisasyon bagkos bigatin ito.
Nanood pa kami saglit ng pag-eensayo. Minsan ay nakikisawsaw ako dahil sa mga maling ginagawa nila.
Lumabas na kami ni Lance ng sikreto at nagpaalam kay BossRill. Naghiwalay kami ng landas ni Lance dahil pupunta ako sa puntod ni Ariya. Bumili ako ng bulaklak at kandila.
Naluha agad ako ng makita ang lapida.
'Ariya Baider'
Nasa pribadong sementeryo ang libingan ng mga Baider. Walang nakakapasok basta-basta dito.
"Ariya.. lola." Tumulo nang tumulo ang luha ko. "I miss you."
Simula nang mawala si Ariya nagpabalik-balik na dito sa Pilipinas sila Resttan. Magugulat nalang ako nasa mansyon na sila pero bumabalik din agad sa America. Nami-miss daw nila ang batang Baider na si Shivelle Flear.
"How are you there? Sayang hindi mo nakita si Shivelle Flear. Kung nandito ka siguro ngayon baka hindi ka na bumalik sa America dahil sa anak ko."
Muling pumasok sa alaala ko ang sulat na nakita ko sa closet ko. Galing 'yon kay Ariya.
Dear Shine Clear,
No matter what happen protect the family. Always remember that being a Baider is both a curse and an honor, but being one of us is different from the other. Loving your family the most is the important tradition that's why you're lucky to be part of it. Don't think that our family is horrible that's not true.
We are the happiest family because we have a never ending love for each other. The patunay is the evidence of having a big heart for everybody within the family. A person loves you if he/she didn't second thought to encounter that.
Jave loves you. I saw it with my eyes. I feel it with my heart.
Take care.
I love you all.
- Your lola Ariya.
Napahagulgol ako nang maalala ko ang nakasulat doon. Kabisado ko dahil inulit-ulit ko iyon. Niligtas niya ang buhay ko. Sinalo niya ang balang dapat ay sa akin.
Iyon ang tunay na nagmamahal. Iyon ang nagpapakita ng pagiging Baider.
Ang itaya ang sariling buhay para sa pamilya.
"Ariya." Naghihina akong lumuhod. "Ariya!"
Ang tagal na niyang nawala pero ang sakit pa din. Kahit nakuha na ang buhay ni Bloody ay parang hindi nawala ang sakit.
Pumatak ang ulan, wala akong pakialam. Nagulat nalang ako nang may magpayong sa akin.
"Cherish, bakit ka nagpapaulan?"
Umupo siya at niyakap ako. Humagulgol na ako sa dibdib niya.
Bakit ang sakit?
Papa!
Sigaw ko sa isip ko.
Nami-miss ko na kayo nila ate Bright Sun. Kahit dalawa ang pamilya ko hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil wala kayo sa buhay ko ngayon.
Lahat nalang namamatay. Lahat nalang nang-iiwan.
Inalalayan na ako ni Flair papunta sa kotse. Kinuha niya ang panyo at ipinunas sa ulo ko.
"Mommy!"
Napalingon ako sa likod. Nandito pala ang anak namin. Yumakap si Shivelle sa akin parang alam na alam niya ang nararamdaman ko. Matured siya mag-isip, alam niya kung kailan ako nasasaktan, umiiyak kaya pinapagaan niya ang loob ko. Hinalikan niya ako ng paulit-ulit sa pisngi.
"Are you hurt, mommy?" Maliit ang boses na sabi niya.
"No." Pagsisinungaling ko.
Nakita ko rin ang ngiti niya. Dinampi-dampian niya ng halik ang noo at pisngi ko.
Alam niya kahit itago ko.
"Sa mall tayo. Magbihis ka ng damit." Sabi ni Flair at pinaandar na ang sasakyan.
Nagbihis ako ng damit nang marating namin ang shop.
Nakahawak kami ni Flair sa kamay ni Shivelle Flear. Kahit hindi ako nagsasalita. Alam ng mag-ama ko ang mood ko kaya dinala nila ako sa bilihan ng ice cream. Chocolate agad ang kinuha ni Shivelle Flear.
Umupo lang kami sa Bench at kumain.
"Daddy, daddy, look!" Ipinakita ni Shivelle ang dila niya na kulay brown na. Napangiti nalang ako.
Kinandong siya ni Flair at niyugyog sa hita niya. Natawa naman ako nang hindi niya man lang mapatawa si Shivelle. Humalik ako sa pisngi ni Flair.
"Bakit wala kang emosyon, anak? Alien ka ba?" Tanong ni Flair kay Shivelle.
Parehas kami natigilan nang tumawa si Shivelle. Malakas ang tawa niya kaya natawa rin kami. Huminto lang kami nang magsalita siya.
"Is it okay, dad? I'm not an alien." Ngumiti pa siya nang malapad.
Kinurot ko ang pisngi niya. Yumakap naman siya sa batok ko.
"I love you, mom." Nakangiti na siya ngayon. Ang cute niya, lumalabas ang dimple niya na sa tingin ko nakuha niya kay Kil. Siya lang naman ang meron no'n sa pamilya.
"I love you my angel."