Javen Flair's POV
Ganito siya kahirap suyuin kahit wala akong kasalanan. Sa huli ako ang magso-sorry pero hindi naman mahalaga kung sino ang nagpakumbaba, ang mahalaga maayos ang away. Sa ekspresyon ng mukha niya wala siyang balak patawarin ako sa kasalanang ginawa ko kuno.
Wala naman akong ginawa.
Nairita na talaga ako kay Marie. Sinisira niya ang pamilya ko.
Tiningnan ko si Zeal na ngayon ay nakuyuko pa rin. Tumila na ang pag-iyak naming dalawa pero katahimikan ang namagitan. Pumasok ako ng banyo para ayusin ang sarili. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang sakit no'n. Ang sikip ng pakiramdam ko dito na halos hindi na ako makahinga. Ayaw na ayaw kong nagagalit ang asawa ko dahil ikamamatay ko talaga.
Pinakamalalang away na ito.
Paglabas ko nagpaalam ako sa kaniya na aalis na. Akmang hahalik ako sa labi niya pero iniwasan niya kaya sa noo ako humalik. Lumabas ako ng kwarto at pinaharurot ang kotse papuntang clinic.
Wala akong pinansin sa kahit sinong bumabati.
"Pre, late ka, ah." Bungad sa akin ni Kean hindi ko siya pinansin.
"Jave!" Nagpintig agad ang tainga ko nang marinig ang boses ni Marie.
Pinigilan kong magsalita baka mapagsalitaan ko siya nang masama. Niligpit ko ang lahat ng gamit ko.
Lahat lahat! Aalis ako! I don't care what they think about me. I can build my own clinic. Mayro'n na kaming clinic ni Kean pero hindi pa tapos. Bakit nga ba ako nagtitiis dito?
"Aalis ka na?" Tanong ni Kean. Tumango lang ako sa kaniya.
Mabilis siyang pumunta rin sa office niya at nag-ayos. Nagligpit din, inaabot nanaman siya ng kaabnormalan pustahan tayo sasama 'yan sa akin. Lagi naman ganyan si Kean kapag wala na ako sasama siya kung saan ako pumunta. Siya ang buntot ko.
"What are you doing, babe?" Kinuha ni Marie ang mga nililigpit ko at ibinalik.
Pigil na pigil ko ang galit sa ginagawa niya. Isa pa, masisigawan ko talaga ito. Dahil sa kaniya nag-aaway kami ng asawa ko.
Kinuha ko ulit ang mga iyon at niligpit pero binalik niya lang.
"'Wag kang umalis, babe. Paano ako?" Mataray niyang sabi.
Nakuyom ko ang palad ko.
Hindi ba talaga siya titigil?
"Marie.. pwede ba layuan mo si Jave? May asawa na nga diba? Maghanap ka ng iba diyan na wala pang asawa naninira ka na, eh!" Asik ni Kean sa kaniya.
"Siya ang gusto ko!"
"Hindi ka niya gusto! Ano i-test ko na rin ba utak mo? Baka nababaliw ka na?! Masiyado kang malandi! May asawang tao na hinaharot mo pa!"
Palaging pinagsasabihan ni Kean si Marie. Siya na lang ang nagsasalita sa mga bagay na hindi ko masabi dahil kapag ako ang nagsalita siguradong masakit 'yon.
"Wala kang pakialam, Kean!"
Humawak pa si Marie sa braso ko kaya kumulo na ng 100°C ang dugo ko. Sa galit ko naitulak ko siya at natumba. Nagulat ang lahat ng nakakakita.
"Layuan mo ako!" Pinigilan ko ang galit. Pilit na kumuha ng malalim na hininga para 'wag na muling magsalita.
Pero dahil sa kabaliwan ni Marie lumapit pa siya at akmang hahalik sa labi ko. Tinulak ko nanaman.
"Fucking shut! Sabi't layuan mo ako! Layuan mo ako habang nirerespeto pa kita!"
Hindi pa rin siya nagpatinag at akmang lalapit. Hinawakan ko ang vase at binasag sa harap niya.
"'Wag mong sirain ang masayang pamilya ko! Nag-aaway kami ng asawa ko dahil saiyo! Aalis ako sa clinic dahil saiyo! Sinisira mo ang buhay na mayro'n ako! Pwede ba tigilan mo ang paglalandi mo?! Hindi ka na bata para walang utak na habol-habulin ang lalaking may asawa na!" Nahampas ko ang lamesa sa kainisan ko.
Dapat noon pa ako umalis sana hindi na umabot sa ganito. Sana nakinig ako kay Kean noong sinabi niyang umalis ako ng clinic dahil makakasira sa pamilya ko at ngayon nangyayari na nga.
"Jave," ngayon iiyak-iyak siya at nagpapaawa.
"Tigilan mo ako dahil kapag hindi namin naayos ng asawa ko ang problemang ito sinasabi ko saiyo.. you can't see the next morning!" Pagbabanta ko sa kaniya.
Inis kong niligpit muli ang gamit ko. Siniringan ko ng tingin ang mga taong nakatingin.
"What are you looking at?!" Asik ko sa kanila.
Karamihan sa mga babae dito ay parang hindi propesyunal kung kumilos kahit ilang beses ko ng sinabi na may asawa na ako katulad lang sila ni Marie, mas malala pa nga siya.
Nagligpit din ulit si Kean.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Sabi ni Mr. Jimenez, siya ang may-ari ng malaking clinic na ito.
Tiningnan niya si Marie na ngayon ay umiiyak.
Lumapit ako kay Mr. Jimenez at nagbigay ng respeto. "Aalis na po ako."
"Ako din po!" Tumakbo si Kean.
"What?! Why?!" Tanong ni Mr. Jimenez.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Thank you for the years of being here. I gained a lot of experiences," sinabi ko.
Tinalikuran ko silang lahat, kasunod ko si Kean sa likod ko.
"Edi natauhan ka rin." Iyon lang ang sinabi ni Kean. Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti.
"Kung ako ang buntot ni Zeal ikaw naman ang buntot ko. Mamamatay ka ba ng hindi ako kasama?" Pagbibiro ko sa kaniya.
"Hindi ako sanay ng wala ka yiee." Kabadingan niya.
"Magkaaway kami. She's really mad at me." Malungkot kong kwento sa kaniya.
"Edi inuman!" Binatukan ko siya. Malakas siyang tumawa at tinawagan si Rev.
Yeah, I need them right now.
"Boy's out! Yohoo!" Malakas na sigaw nilang dalawa nang tahakin namin ang daan papunta sa The Rose.
Minsan ko na lang silang makasama. Minsan pa 'yon kahit araw-araw akong kinukulit.
I badly need advice.
Nag-order agad si Rev nang marating namin ang table.
"Oh, magkwento ka na." Inabutan ako ni Kean ng alak.
"Alam mo tama ka, eh, dapat lumipat na ako ng clinic noon pa. Galit na galit si Zeal sa akin ngayon dahil rinig na rinig niya ang pagtawag ni Marie ng babe."
"Woah!" Gulat na sabi ni Rev. "Bakit ka tinatawag ng babe? Babaero ka na ngayon?" Binatukan ko siya.
"Loko! Gusto niya daw ako pero wala naman akong pakialam doon."
"Nilalandi siya ni Marie, pre." Singit ni Kean.
Nag-cheers kaming tatlo.
"Tingin ko pre matinding suyuan 'yon amazona pa naman ang asawa mo." Lokong Rev tinawanan pa.
"Yeah, she doesn't want to talk to me or even stare at me."
"Sabi ko naman kasi saiyo masisira ni Marie ang relasyon niyo kapag nalaman niya. Malakas ang guts ng babae kahit hindi mo sabihin alam nila." Kinuha ni Kean ang bote at nagsalin ulit.
"Hindi ko kasi masabi sa kaniya kasi alam mo naman 'yon. Nabugbog nga ako nang malaman niya. Ang sakit ng sipa, suntok at sapak. Tingnan n'yo pisngi ko namumula pa." Inilapit ko ang pisngi na sinipat nila.
Ang lakas ng tawa nilang dalawa.
"Napapala mo dapat kasi sinabi mo sa kaniya noon pa." Pinindot pa ni Rev ang pisngi ko kaya napa-aray ako. "Under."
"I don't care. She's all to me. Under na kung under asawa ko 'yon, mahal ko," Ngumiti ako sa kanila.
"Hi, boys." Lumapit ang mga babaeng ang iiksi ng suot.
Heto nanaman po ang mga haliparota. Shut!
Hindi ko sila pinansin.
"Girls, gusto niyo pa bang mabuhay?" Nakangiting tanong ni Rev.
"Oo naman," sagot nila.
"'Yon naman pala edi ilag kayo sa amin baka bigla na lang may tumamang palaso sa ulo niyo dahil sa mga asawa namin." Dahil sa sinabing 'yon ni Rev nagsipagtakbuhan sila paalis.
"Back to Jave," sabi ni Kean.
"What should I do para hindi na siya magalit?"
"Anakan mo ulit," sabay naming binatukan ni Kean si Rev.
"Ganda ng payo mo. Ikaw nga wala pang anak. Pa-check up ka na kaya? Baka baog ka na talaga?" Biro sa kaniya ni Kean.
"Siraulo ka talaga, Kean!" sabay batok.
Ang gulo nitong dalawa kaya walang maayos na usapan dahil sa mga kalokohan.