Chapter 37

"Di nga, pre?" Tanong ko sa kanila parehas silang nag-isip.

"Regaluhan mo kaya?" Suggestion ni Rev.

"Ng?"

"Panty," binatukan nanaman namin siya ni Kean.

"T-back para happy," tumawa pa ang loko.

"Pre, seryoso kasi!"

"Anong mapapala mo kay Rev? Pura katarantaduhan laman ng isip," tatawa-tawang sabi ni Kean.

"Ah, alam ko na!" Nakaisip si Rev kaya lalo kaming sumiksik sa kaniya para alamin.

"Ano?" Sabay naming sabi ni Kean.

"Pumunta kayo ng Korea." Nakangiting sabi ni Rev.

"Anong gagawin sa Korea?"

"Honeymoon!," nabatukan nanaman namin siya.

Nasapo ko ang noo ko. Puro kabastusan lumalabas sa bibig niya.

Shut! Mga suggestion niya laging involve ang intersection.

"Pre naman!" Nauubusan na ako ng pasensya.

"Ang hirap kaya mag-isip tapos babatukan niyo ako na halos lumipad na ang utak ko!" Dire-diretsong sabi ni Rev.

"Puro ka kasi kalokohan!" Asik ni Kean sa kaniya.

"Teka si Arah 'yon, ah?" Napalingon kami nang sabihin 'yon ni Kean.

"Sino 'yong lalaking kasama niya?" Tanong ko.

Nakaupo sila ni Arah sa table at nagkwekwentuhan.

"Pinsan ko," sabi ni Rev.

Parehas kaming napatingin kay Rev.

"Kawawa, eh, ayaw naman ni Kil kaya nireto ko sa pinsan ko."

"Hayaan nalang natin baka maistorbo pa natin," kinuha ni Kean ang baso at lumagok.

"Oh, ano na?" Sabi ko at kinuha rin ang baso ko.

"Wala kaming maisip, pre, sa ugali ni Elle hindi basta nawawala ang galit niya. Matatagalan pa 'yon." Sinimsim ni Kean ang lemon na nasa baso.

"Oo nga, pre, 'yang asawa mo grabe magalit," pagsang-ayon ni Rev.

Napabuntong hininga na lang ako. Tama naman sila, kung sipain nga ako akala mo kalaban ako. Kung sapakin nga ako halos lumipad na ulo ko at matanggal sa pagkakakabit.

Over, Jave.

Baby cherish calling..

Napangiti ako nang makita ko 'yon. Baka hindi na siya galit kaya tinatawagan niya na ako. Pauuwiin niya ba ako at sabihing matulog na sa tabi niya?

Wala pa man lang ay parang kinikilig na ako.

Bading!

Nakangiti kong sinagot 'yon.

"Where are you, dad?" Boses ni Shivelle ang bumungad sa kabilang linya.

"At The Rose, baby girl." Nakangiti kong sabi.

Lumayo ako sa kanila dahil ang ingay. Hindi ko masyadong marinig ang anak ko.

"Go home, dad! Faster! It's time to sleep." Maawtoridad na sabi ni Shivelle.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko. Kala mo matanda ang kausap ko kung makautos siya sa daddy niya. Para siyang si Over Melanin, kinatatakutan ko.

"Saglit, baby girl. Nag-uusap pa kami ni Tito Rev at Kean."

"No, dad! I said go home!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Ang liit-liit ng boses sumisigaw? Saan ba siya nagmana? Sisihin ko ba si Taxon? Ganyan na ganyan siya. Makautos wagas.

"Okay.. uuwi na po."

"I will wait for you, dad."

Naku-cutan ako sa munting tinig niya. Nakakagaan talaga ng loob ang anak kong ito.

"Okay, baby girl."

"Faster," utos niya pa.

"Yeah."

Walang pasabing ibinaba niya ang tawag. Galit siya sa akin, alam ko 'yon. Hindi lang ang sadista niyang nanay ang kailangan kong suyuin pati ang batang Baider na 'yon.

"Tara na!" Yaya ko sa kanila.

"Huh, bakit?"

"Pinapauwi na ako ni Shivelle Flear."

Sumunod naman sila agad dahil mga pagod din. Dumaan muna ako sa bilihan ng stuff toys. Bumili ako ng dalawang teddy bear na kulay pink para sa mag-ina ko.

Pagdating ko ng mansyon ay nakaupo si Shivelle Flear at Zeal sa sofa. Gusto kong matawa dahil parehas naka-krus ang hita at kamay nila. Nakataas rin ang isang kilay parehas nagmamaldita sa akin.

"Hello to my girls!" Masigla kong bati. Pinilit 'wag ipakita ang pungay ng mata.

Inabot ko ang teddy bears pero parehas nilang tiningnan. Sabay pa talaga silang tumitig sa stuff toy.

They're cute.

"I don't need that," sabay silang nag-roll eyes.

Now, I saw the different side of Shivelle Flear. She's like her mother when she's mad.

Nalungkot ako nang hindi nila kinuha ang binili ko pero hindi nila ako natiis kinuha rin nila. Sinundan ko sila nang pumasok sa kwarto.

"Sleep, dad." Masungit na sabi ni Shivelle Flear.

Humiga ako sa kama. Parang matandang kinumutan ako ni Shivelle kaya natawa ako.

Ako pa talaga ang kinumutan niya?

Nilingon ko si Zeal na pinapanood lang kami hindi nagsasalita. Akmang tatalikod siya pero hinila ko.

"Cherish.." tawag ko sa kaniya. Pinangiliran ako ng luha dahil nang tingnan niya ako walang emosyon ang mga mata niya.

"Sa kwarto ako ni Shivelle matutulog." Iyon lang ang sinabi ni Zeal.

Kahit labag sa loob ko ay tumango ako. Lumabas silang dalawa ng kwarto.

"Good night my girls," sabi ko pa sa kanila pero wala akong narinig na good night din pabalik.

Galit talaga sila.

Nalungkot ako nang wala akong Zeal na mayakap sa baiwang. Sa loob ng ilang taon nasanay akong nakakatulog na yakap siya. Ngayon wala akong kasama sa kwartong ito. Ang sakit sa dibdib.

Sinilip ko ang phone ko.

From: Preng Rev

Think positive, be positive, do positive, magkakabati din kayo basta positive ka lang.

Natawa ako kay Rev.

Ilang ulit niya pang babanggitin ang salitang positive? Loko talaga.

To: Preng Rev

Puro ka positive. Kailan kaya magiging positive ang pregnancy test ni Ali?

Inasar ko siya.

From: Preng Rev

Sabik na sabik ka magka-anak ako. 'Wag ka mag-alala malapit na.

To: Preng Rev

Edi wow

From: Preng Rev

Hindi kita kukuning ninong kaya 'wag ka na umasa.

To: Preng Rev

'Wag ka na rin mangarap na magkaka-anak ka pa.

From: Preng Rev

Siraulo ka! Kapag 'yan nagkatotoo friendship over tayo.

Hindi ko na sinagot ang huling chat ni Rev. Napasulyap ako sa pinto dahil parang may nakasilip pero nang tingnan ko wala naman.

Lumabas ako para silipin ang mag-ina ko. Tulog na sila, umupo ako sa gilid ng kama. Gusto ko rin dito matulog.

Hinaplos ko ang mukha ni Zeal. Humalik naman ako sa natutulog na mukha ni Shivelle. Sobrang cute niya kahit saang anggulo tingnan.

"You two are the most important people in my life." Humalik ako sa noo ni Zeal, sa ilong at labi.

"Ngayon lang kita hindi makakatabing matulog nami-miss na kita agad. How dare you?" Yumakap ako sa baiwang niya.

Hindi talaga ako mabubuhay kung wala kayo.

"Sleep well, my girls."

Humalik ako muli sa pisngi nila parehas bago ako lumabas ng kwarto.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.