Shine Clear's POV
Pagmulat ko ng mata nakita ko si Flair na pabalik-balik hawak ang phone.
"Okay, doc." Iyon lang ang narinig ko sa sinabi niya.
"Cherish.." nakangiti niyang sabi sa akin. Lumapit siya at humalik sa noo ko. "Good morning."
"Good morning." Nakangiti kong sabi.
Sumasakit ang puson ko. Sanay na ako dito dahil kapag magkakamayro'n gano'n talaga pero same symptoms 'yon sa pregnancy.
"May masakit ba saiyo? Anong gusto mong kainin?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Why are you acting weird?"
"Nothing.. want to have a check up today?"
Umiling ako. "Para saan?"
"Sa ano.." nagkamot siya ng ulo. "Baka kasi buntis ka."
"No! Ayaw ko na magbuntis ulit!" Sumama ang tingin ko sa kaniya.
"Anong gagawin mo kapag buntis ka nga?"
"Wala! Ayaw ko!" Nangilid na ang luha ko. "Kasalanan mo! Sabi ko ayaw ko na magbuntis ulit!" Asik ko sa kaniya.
"S-sorry. Hindi ko naman alam." Nag-iwas siya ng tingin parang nakonsensya.
"Anong hindi mo alam? Sinabi ko na saiyo!" Asik ko sa kaniya.
"Oo nga, but I know it's s-safe."
"How did you know?"
"I know about that thing, cherish."
Padabog akong pumasok ng kwarto. Panibagong away nanaman. Napahawak ako sa puson ko nang gumapang ang kirot doon.
"Careful, baby," sabi niya sa labas ng banyo.
Lumabas ako ng banyo. Masama ang tingin ko sa kaniya. Nagayak ako ng uniform ko papasok.
"You're not going to work." Pigil niya sa akin.
Heto nanaman siya! Ganyan na ganyan 'yan dati noong pinagbubuntis ko si Shivelle!
"Okay!" Padabog akong umupo sa kama.
Narinig ko ang buntong hininga niya. "Careful, you're pregnant."
"Hindi!" Asik ko sa kaniya.
Wala akong nararamdamang kakaiba sa katawan maliban sa kumikirot na puson.
"Good morning, mommy!" Masiglang bati ni Shivelle. Hindi niya pinansin ang ama, galit pa rin siya.
"Good morning." Humalik ako sa pisngi niya.
"Shivelle Flear, come here, baby." Tawag ni Flair sa kaniya. Nakasimangot siyang lumapit sa daddy niya.
Hinaplos ni Flair ang munting mukha nito. "Are you still mad at me?"
"I'm not."
"You're lying."
"Yeah," tipid na sagot nito.
"Paano ba mawala ang galit ng aking munting prinsesa?" Ngumiti siya.
"Say sorry to mommy."
"I already did. Can't you see we're in good terms now." Inayos ni Flair ang buhok niya at inilagay sa tainga.
"Okay," ngumiti na si Shivelle at yumakap na sa kaniya.
Nakangiti ko silang pinanood. Gustong panggigilan parehas.
Kinarga ni Flair si Shivelle papunta sa akin. Lumabas kaming tatlo, nakita namin si Diamond at Kil sa sofa nakwe-kwentuhan. Close talaga silang dalawa kahit minsan nag-aasaran.
"Ang baby namin!" Kinuha agad nila si Shivelle Flear.
Iniwan namin siya doon sa dalawa at dumiretso sa kusina.
"What do you want to eat?" Tanong niya.
"Wala akong gana."
"Cherish, hindi pwede 'yan dah--"
"Hindi nga ako buntis!"
"Okay, fine." Nagtimpla siya ng gatas at iniabot sa akin.
"I want a coffee."
"Bawal."
Napabuntong hininga nalang ako at ininom ang gatas.
Ilang ulit na akong bumalikwas sa kama dahil wala akong magawa bantay sarado ni Flair. Bawal kumilos, magpahinga lang daw, matulog, nakakairita!
Bumangon ako nang pumasok siya sa banyo. Mabilis akong tumakas. Umakyat ako sa kwarto ni Taxon.
"Wala pa rin siya. Hindi pa umuuwi?" Tanong ko sa sarili.
Tinawagan ko siya.
"Where are you?" Bungad ko sa kaniya.
"Camarines Norte."
"Huh?"
"Kasama ko si Vinea."
"Kailan uwi mo?"
"Bakit miss mo na ako?"
"Oo, miss na kita."
"Ohh men, uwi na ako bukas."
"Okay."
Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan. Hindi ko napansin si Flair na masama ang tingin sa akin habang nakasandal sa pinto ng kwarto ni Taxon. Mas gusto ko kasi sa kwartong ito dahil tahimik kaysa kasama ang impakto na 'yan.
"Sinong kausap mo? Si Nel Jan? Miss mo, huh?!" Asik niya agad sa akin.
Napangisi ako, gusto kong mang-asar. "Oo, pupunta ako doon ngayon."
"No! You will stay here until you give birth!"
"Hindi nga ako--ugh!" Inis akong tumayo at binangga siya, lumabas ng kwarto.
"Sige, pairalin mo nanaman katigasan ng ulo mo! Aalis tayo pupunta ng hospital!"
"Ayaw ko! Kapag hindi mo ako tinigilan tatalon ako sa hagdan!" Banta ko sa kaniya.
"Ibang klase ka talaga toyuin, eh, 'no?"
"Oo, so stop acting like I'm pregnant 'cause I'm not!"
Mabilis akong bumaba ng hagdan.
"Dahan-dahan! Kapag nalaglag ka!" Sigaw niya nang magdal'wa-dal'wa akong hakbang sa hagdan.
Araw-araw nalang yata kaming magsisigawan. Laging nag-aaway.
Kinuha ko si Shivelle kay Diamond at kinarga. Nakakapagod na maging sunod-sunuran sa impaktong 'yan. Lahat nalang ng gusto niya, siya ang masusunod? Ano siya!
Lumabas na lang ako kasama si Shivelle papunta sa garden. Pinagpipitas ko ang mga roses na iba't ibang kulay, may puti, pula, pink at red.
Inamoy-amoy ko pa ang mga 'yon. Kaya ayaw ko magbuntis kasi ikukulong nanaman niya ako sa bahay, lahat ng kilos limitado, pati pagkain.
"They're beautiful, right?" Inabot ko kay Shivelle ang ilang bulaklak.
"Yes, mom." Inamoy niya rin 'yon.
Ang cute talaga niya, ang buhok niyang straight na straight na nakuha niya sa akin, mapilantik ang mga pilik-mata, mapulang labi at kuhang-kuha ang ilong ng ama niya.
Pinanggigilan ko ang pisngi niya sa sobrang ka-cutan, pati ang kamay niya ay maliit. Baby'ng baby pa siya.
Naglakad kami ni Shivelle, maganda ang sikat ng araw.
"Mom, kapag ba big girl na ako pwede na rin akong manuntok?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Saan niya naman narinig 'yon?
Kahit ang totoo, 'yon ang kapalaran niya. Darating ang araw mage-ensayo din siya dahil 'yon ang tradisyon.
"Narinig ko po kasi si tito Kil sabi niya kapag daw nanununtok siya triple kill."
There's no need to lie. She needs to know.
"Yes, you can punch, but you should know that you will only do that in terms of emergency."
"Can I also help people?" Ang talino niya para isipin ang bagay na 'yon.
"Yes, when you are a big girl already."
Tumango siya. "I also want to be a chemist like tito Kil, mom."
Bata pa lang, pangarap niya ay sigurado na?
Tumango ako sa kaniya.
"But I also want to be like tito Taxon you can't see his weaknesses."
Bawat lumabas sa bibig niya ay kinagugulat ko.
Paano nangyaring ang dami niyang napapansin sa paligid at sa mga tao? She's still young.
"I want to be like tita Diamond for not showing her affection to other." Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi niya.
Parang alam na alam niya ang lahat. Sa cute niyang hitsura ay parang may matandang isip.
"I want to be like dad for loving the first and last girl. I want to be like you, mom, strong and fearless."
Natameme ako sa mga sinabi niya. Namangha ako sa isip niya.
Matured and yet passionate.
"Mommy, totoo po ba na kapag may dumaang meteorite magkakatotoo ang wish mo?"
Napamaang ang labi ko. She's thinking of the things beyond her age.
"No. That's a common belief, but there is what we called placebo effect, the positive thinker, when you believe, the possibility to make it happen is not impossible."
Tumango siya na para bang naintindihan niya talaga.
She's smart.
"Paano po ba nakakagawa ng fruits ang mga trees?" Out of nowhere, another question is involve.
She started to explore about her surroundings.
"It's a long process and complicated, one thing is responsible.. and that is photosynthesis."
Hindi ko kayang e-explain sa kaniya ang bawat detalye ng prosesong 'yon kung gaano kalalim at kakomplikado 'yon. Simple lang ang itinuturo sa ilan pero kapag science student ka papasukin mo kahit ang pinakamalalim na parte no'n at hindi pala siya gano'n kadali, ilang araw na discussion ang kailangan mong bunuin para doon.
"I'm curious about bougainvillea, mom. Is that the flower?" Turo niya sa kulay pink.
"No, ang flower niya ay ito." Ipinakita ko sa kaniya ang maliit na parang stick sa loob ng pink na 'yon. "This pink is the special leaf."
Tumango siya sa akin. Naghanap pa siya ng pwedeng itanong.
"Why daddy called you over melanin?"
Natawa ako sa tanong niya. "He's pertaining to my skin color. Melanin is the responsible for the pigment of the eye, hair, and skin, it is also protect our skin from the sun damage kaya kapag tan ang kulay mo magpasalamat ka dahil malayo ka sa skin cancer."
"Daddy is smart, too." Nakangiti niyang sabi.
"Ya. He was cum laude graduate."
"I want to be cum laude, too!"
She has eagerness, but all are for her own good. She knows how to get the positives and doesn't look at the negatives.
"Mom, why human can't fly like a bird?"
Hindi na siya natapos sa kakatanong niya.
"Because of gravitational pull of the earth that's why our feet stay on the ground. Birds have wings to fly."
"Why the cat have nine lives like Tom?"
Tumawa ako. "They don't have nine lives they are just flexible. Kapag tumalon sila kahit pa gaano kataas 'yon babagsak silang buhay dahil sa flexible nilang katawan na kaya nilang ibaluktot para pagbagsak nila hindi sila nasasaktan."
Ang dami niya pang tinanong pero hindi ako napagod ipaliwanang ang lahat sa kaniya.
Mas maganda ang nagtatanong.
Don't be afraid to ask questions that is the key to acquire knowledge and learn.
Ang takot magtanong ay takot matuto.