Chapter 40

Shine Clear's POV

"Na-miss mo rin ako 'no?" Nakangiting sabi ni Flair nang kumapit ako sa braso niya, tumango ako.

Hininto niya ang kotse sa clinic nila ni Kean. Sinabi ko kasi sa kaniyang gusto kong makita.

Humalik si Flair sa noo ko. "May you have a peace of mind, cherish." Tumango ako sa kaniya.

Lahat talaga kaya niyang gawin para sa akin. Magkahawak kamay kaming bumaba. Tiningala ko ang karatula.

'J & K Mental Health Clinic' .

Jave and Kean, ang sweet naman ng mag-best friend, hindi talaga sila mapaghiwalay.

Tinulak ni Flair ang glass door. Namangha ako sa ganda, simple lang, puti ang wall, may mga nagagandahang painting na si Kean mismo ang nagpinta, may couch na itim na nakalagay lang sa gilid, may malambot na lamesang bilog, may mga bulaklak kaya sobrang bango, at relaxing ang lugar. Para ka lang nasa isang tambayan na gustong magpahinga. Napatingin ako sa painting naming tatlo ni Shivelle, ako at si Flair pati dito ay nakalagay. Meron ding painting si Kean, Qiera at Yannie.

"Ang pamilya ang pinakaunang kasama na dapat tumulong sa mga taong nakakaranas ng unhealthy mind." Nakatingala din si Flair sa painting na 'yon.

"Is it peaceful to the mind?" Tanong niya sa akin.

"Yes. Nakakatuwang makita na may painting ng pamilya dito."

"Kailangang makita ng mga tao na hindi sila mag-isa sa laban nila. May psychological effect ang makakita ng magagandang paintings, pinapagaan no'n ang kalooban ng isang tao pero may ilan din na pinapasakit ang puso dahil sa kakulangan ng pamilya."

"Bakit inilagay mo kung may ilan na malulungkot?"

"Para makita nila ang halaga ng pamilya."

Inikot pa ako ni Flair. Nakita ko ang hallway. Namangha ako nang pati doon may mga paintings, parang naging gallery ang lugar.

"Pagpasok mo palang mare-relax na ang utak mo dahil sa tanawin." Pagmamalaki ni Flair.

"Ya, agreed."

Pumasok pa kami, sa loob noon ay may swimming pool. Nagtaka naman ako kung bakit meron no'n.

"Some of the client cannot afford to take a psychological test or evaluation that's why we give a free check up and put swimming pool to distract their mind in uncommon place like this. They can enjoy swim her all day. They didn't notice that they gradually possessing happiness with peaceful mental health."

"You're brilliant."

"I guess so."

"Yabang."

"No pressure."

Pumasok pa kami at nilibot ang pool.

"Gosh!" Iyon lang ang nasabi ko nang makita ang naggagandahang mga halaman na halatang alagang-alaga. Ang daming halaman na namumulaklak at ang nakakamangha pa may mga carnivorous plants.

"I love those carnivorous plants!" Lumapit ako doon, may pitcher plant, drosera, at marami pang iba.

Nahinto ang mata ko sa mosquito repellant plant. Hindi ko alam kung 'yon talaga ang tawag doon, alam ko 'yon, 'yon.

"Matra-trap ang mga mosquito dito iwas dengue, malaria at iba pang sakit na pwedeng madala ng vector." Paliwanag ko sa kaniya.

"Yeah, you enjoy?"

"Yes!" Masigla kong sabi habang ang mata ay nakatingin pa rin sa halaman.

"I conclude that our mental clinic is effective as I observe your behaviour." Nakangiti niyang sabi.

"Mawiwili talaga ang mga clients mo dito at babalik-balikan nila ito para sa mga uncommon things na makikita dito." Humawak ako sa baiwang niya.

Naglakad ulit kami, nagulat ako nang may lumabas na tubig sa mga butas sa sahig.

Fountain..

Natawa siya sa reaksyon ko. "They can enjoy playing with those stuff. Some of the clients didn't experience how to be a kid."

"Grabe! Ang galing ng concept."

"Me and Kean planned all of these."

"I think you can be the best psychologist in the whole world!"

"Over. I didn't dream to be one, I just want to help people."

"Ya. I know, but I'm your number one fan." Humalik ako sa pisngi niya.

"Bati na sila yiee." Nilingon namin si Kean na ngayon ay papalapit sa amin.

"Hirap suyuin, pre, muntik na akong lumuha ng dugo." Tatawa-tawang sabi ni Flair.

"The important is.. it is now fixed." Umakbay sa aming dalawa si Kean.

Tinanggal ni Flair ang kamay niya sa balikat ko.

"Ano, pre, insecure ka pa rin sa pagiging handsome ko?" Pang-aasar ni Kean sa kaniya.

"Pogi ka lang perpekto ako." Madiin na sabi ni Flair.

"Whatever, pres are pres." Iyon nanaman ang linya nilang 'yon.

"Hmm? What's the meaning behind pres are pres?" Bigla ay natanong ko sa kanila.

"No matter what happen support each other, always together, pres forever." Sabay nilang sabi na nakangiti pa.

"That's our batok promised to each other." Patuloy nila at sabay na nagbatukan.

Lubos kong naintindihan ang pagkakaibigan nila kaya pala walang samaan ng loob noon na kahit nagkaroon ng talo-talo sa pagitan nilang dalawa dahil sa akin matatag pa rin ang samahan nila.

Napatingin ako kay Rev na kararating lang binatukan niya ang dalawa.

"Bakit niyo sinabi 'yon ng hindi ako kasama?! Ulitin niyo!" Kabaliwan talaga ni Rev.

May gano'n? Kailangan tatlo sila?

"Ayaw! Ang sakit mo mangbatok!" Lumayo agad si Kean.

"Babatukan talaga kita kapag hindi niyo inulit 'yon!" Pinanlakihan siya ng mata ni Rev.

Luminya ang tatlo na parang ewan.

"No matter what happen support each other, always together, pres forever. That's our batok promise to each other." Sabay-sabay nilang sabi. Nagyukuan sila at nag-iwasan nang batukan na ang ganap.

Sa huli parehas nabatukan ni Kean at Flair si Rev at saka tinakbuhan nilang dalawa.

Nakangiti ko silang pinanood na maghabulan.

"Madaya ang mga kupal! Hindi pa ako nakakabatok!" Sigaw ni Rev at saka tumakbo, hinabol 'yong dalawa.

Pinagtulungan ni Kean at Flair si Rev. Sinampahan ni Kean si Rev sa likod, si Flair naman ay ihinilamos ang kamay sa mukha ni Rev.

"Ahhh!" Asik ni Rev sa kanilang dalawa.

Tawa ako nang tawa habang pinapanood ko sila. Para silang mga bata.

"Pizza!"

Nilingon namin si Ali na may bitbit na box ng pizza. Bumeso siya sa akin at ngumiti.

"Actually we should celebrate!" Masayang sabi ni Ali.

"Hulaan ko?" Sabi ni Kean.

"Ano?" Tanong namin ni Flair.

"Three points na ngayon si Rev." Hindi ko na-gets ang sinabi ni Kean.

"Woah!" Sigaw ni Flair.

"She's pregnant!" Masayang sabi ni Rev, tumayo at binatukan 'yong dalawa. "Bars! Kala niyo makakatakas kayo sa batok ko, ah!"

Natawa na lang kami. Napahawak si Kean at Flair sa ulo.

"Sabi na masakit mangbatok, nagulo ang ang mga neurons ko!" Hinihimas ni Kean ang sa may bandang batok niya.

"Kapag ako nagkaroon ng problema sa pag-send ng message sa brain ko lagot ka sa akin!" Asik sa kaniya ni Flair.

Ang lakas ng tawa ni Rev.

Kumuha nalang ako ng pizza at kumain.

"Oww." Tiningnan ako ni Rev na may ngisi sa labi. "Bati na pala kayo?"

Tumango ako sa kaniya.

"Dapat lang, ang ingay ng iyak ni Jave!" pang-aasar ni Rev.

"Kailan ako umiyak saiyo? Loko ka talaga!" Masamang tiningnan ni Flair si Rev.

"Umiyak naman talaga," sulsol ni Kean.

"'Wag kayo gawa kwento, masama 'yan," sarkastikong sabi ni Flair.

"Nagwala ka pa nga sabi mo mamamatay ka ng wala ang mag-ina mo." Pang-aasar pa rin ni Rev.

"Mamamatay talaga ako ng wala ang mag-ina ko pero 'yong nagwala ako 'wag kang gawa article baka sumikat ka. Ang galing mong storyteller," mga banat talaga ni Flair kakaiba rin.

"Try ko kaya 'yon? Maging writer? Sulat ko buhay ni Jave, ang title ay 'ang pagsibol ng unang pag-ibig ni Jave."

Tawa kami nang tawa sa kabaliwan ni Rev. Narinig ko na 'yon noon na sinabi niya.

'Ang pagsibol ng unang pag-ibig ni Jave'

Baka gumawa nga ang siraulo.

"Gagawa ako ng wattpad account 'yon ang title tapos ang cover ay machong lalaki na may six packs abs." Lumakas ang tawanan namin sa mga imahinasyon ni Rev.

"Kalokohan mo, eh, 'no? Baka hindi ka na sikatan ng araw bukas kapag tinuloy mo 'yang plano mo." Inis na sabi ni Flair.

"Wait.." kinuha niya ang phone at may pinindot-pindot. "Ang deskripsyon niya ay matangos ang ilong, magandang mata, mapulang labi a--" hindi na niya natuloy ang sinasabi nang batukan ni Flair.

"Isa!" Masama na ang tingin ni Flair sa kaniya.

"Dalawa! Tatlo! Apat!" Itinuloy ni Kean at Rev ang bilang niyang 'yon.

Kahit kailan talaga pinapasakit ng tatlong ito ang tiyan ko sa kakatawa. Natigilan ako nang biglang humilwak ang tiyan ko. Nagtatakbo ako papunta ng banyo.

"Gosh!" Natutop ko ang bibig ko.

Ayaw ko magbuntis ulit! No!

Sumunod silang apat sa akin. Napahawak ako sa tiyan ko.

Imposible naman, dalawang beses lang may nangyari at matagal na last week, 'yong last nag-away pa kami.

No!

Nahirapan ako sa panganganak kay Shivelle Flear, ayaw kong maulit.

"Jave?" Tiningnan si Flair nilang tatlo.

Umiling si Flair. "Imposible."

Kahit siya hindi naniniwala.

"Yari baka si Nel Jan ang ama," nabatukan si Rev ni Kean at Flair.

"Siraulo ka!" Inis na sabi ni Flair sa kaniya.

Natulala lang ako.

"You want to go to the hospital, cherish?"

Umiling ako agad. "Wala 'to baka may masama lang akong nakain."

Nilampasan ko silang tatlo. Ginulo no'n ang isip ko.

Kumapit si Flair sa baiwang ko. Bumalik kami sa inuupuan kanina. Minsan kasi talagang nasusuka ako kapag marami ang nakain o nasobrahan ng inom ng tubig.

Eh, kung buntis nga anong magagawa ko?

Tinititigan lang ako ni Flair, hindi siya makapaniwala. Lalaki ang unang nakakaalam no'n kaya alam niya dapat.

Naglapag si Kean ng tubig sa harap ko.

"You need plenty of water. Water is life," seryosong sabi niya.

"Thanks."

Ininom ko ang ibinigay niya. Nahihilo ako, nasapo ko ang noo ko.

What is happening to me?

"Are you okay?" Tanong ni Ali.

"Oo." Tipid akong ngumiti.

Nagsayawan ang mga siraulo. Nakaupo lang ako kasama si Ali.

"Second baby niyo ni Flair, nakakatuwa naman!" Sabi ni Ali.

"No, baka nasobrahan lang ako ng kain ng pizza."

"Why? Ayaw mo magbuntis ulit?"

"Ayaw ko. Ang hirap manganak."

"Sabagay, ako nga natatakot na."

Ang mga siraulo nagtatakbuhan na parang bata doon sa fountain.

"I admire those three." Nakangiting sabi ni Ali. "Hindi mo mapaghihiwalay ang tatlong 'yan kahit minsang nagkakaroon ng tampuhan hindi nagtatagal."

"Pres are pres."

Nakangiti kong sambit habang pinagmamasdan ang mga ngiti nila kasabay ng malakas na hagalpak ng tawa nila.

"Elle, paano kung buntis ka nga?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.