Chapter 75

Shine Clear's POV

"Master of Dreadful Gang speaking.."

Nasa isang room kami nila LJ at Nel Jan. Kausap ni Nel si Mr. S sa kabilang linya.

"Balak kong bumili ng droga, limang milyon pero sa isang kondisyon."

Tahimik kami ni Lance na nakikinig sa kaniya.

"Ikaw ang gusto kong makita... kung gano'n bibili na lang ako sa iba. Limang milyon and another 1 million for seeing you.. no. Mr. S ayaw ko lang na ma-scam.. sure.. okay."

Tumingin sa amin si Nel Jan nang nakangisi. "Pumayag siya."

May kinuha siya sa cabinet, dalawang maskara. "Isuot niyo ito. Magpapanggap kayong miyembro ng Dreadful Gang."

Tumango kami ni Lance. Lumapit si Nel Jan sa akin. "'Wag kang kikilos basta. Marami siyang tauhin ang kailangan natin ngayon ay makilala muna siya bago ang sunod na plano. Malaking sindikato ito at maraming kasusyo hindi natin alam kung sinu-sino pa ang kasama niya."

"Bukas daw alas diyes ng gabi," dagdag pa niya.

"Salamat," sinsero kong sabi.

"Thanks," walang emosyong tinapik ni LJ ang balikat niya. "Let's go."

Umalis na rin kami ni LJ. Hinatid niya na ako sa mansyon.

"Ingat ka, LJ."

"Ikaw rin, z4. Bye."

Umalis na siya. Paglingon ko ay nandito na agad si Flair nakasandal sa pader ang balikat.

"Kumusta?" Iyon agad ang bati niya. Lumapit ako para humalik sa pisngi niya.

"Okay lang. Sana magtagumpay ang misyon. Pinadala ko pala ang pamilya ni BossRill sa Shivelle's Island."

Tumango siya at inakbayan ako papasok sa loob.

"Kumain ka na." Pinaghanda niya ako ng pagkain. Ang ulam ay Tuna steak.

"Ikaw ang nagluto?"

"Yeah. Sino pa ba?"

"Yabang!"

Masigla kaming kumain at nagsubuan.

"Ohh men.. so sweet!" Lumapit si Taxon at nakisubo ng pagkain.

"Anong nangyari? Napuntahan mo si Vinea?" Tanong ni Flair.

"Yeah. 'Di naman ako nagpakita. Malapit na ang kasal niya."

"A-attend ka?" Tanong ko.

"Ewan.. maybe."

"Torture," nakangising sabi ni Flair.

"It's okay," ngumiti si Taxon. "Wala pala si Kil at Diamond."

"Bakit? Nasaan?" Tanong ko.

"Don't know.. maybe to their special someone."

Kumain na rin si Taxon. Nagkwentuhan lang kami at nang matapos ay dumiretso na agad sa kwarto.

Naghanap ako ng damit ko at damit ni Flair. Sando at pajama ang sa kaniya habang akin ay as usual nighties.

Pumasok na ako sa banyo, sumunod naman ang impakto.

"Tired?" Yumakap siya sa likuran ko.

"Ya."

"Sama ako sainyo sa misyon niyo."

"Bawal 'yon, baby."

"Kahit na. I just want to help."

"No.. asikasuhin mo na lang ang clinic mo. Napapabayaan mo na."

"Nandon lagi si Kean."

Ibinaba niya ang zipper ng damit ko sa likuran.

"Hey! What are you doing?"

"We're taking a bath."

We're both nude when we went to the bathtub. Napapikit ako nang maramdaman ang maligamgam na tubig.

"Want massage?" Tanong niya.

"Yes, please?"

"Okay."

Naramdaman ko ang paghagod niya sa likuran ko. Halos makatulog ako sa tindi ng relaxation na naramdaman.

"Baby.. I ask Nel Jan for help."

"Then?"

"He helps us."

"What now?"

"I'm just telling it to you. You're not mad, right?"

"I'm not. Basta para kay Tito Rill."

"Thank you."

I felt his lips kissing my back then he hugged me.

"I love you." Malambing niyang bulong sa tainga ko.

"I love you, more."

Inantok ako dahil sa pag-massage niya kaya siya na ang nagbuhat sa akin palabas at nagdamit. Nakatulog ako kaagad nang ilapag niya ako sa kama.

Pagkagising ko naka-ready na ang pagkain ko na nasa sidetable. Kinuha ko 'yon at nakita ang note.

Baby cherish, I went to work early. Eat your breakfast. I love you.

-Impakto

Napangiti ako, he always taking care of me. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil sa misyon namin.

Siguro ay dadaan muna ako sa clinic mamaya. Nagsepilyo na ako at naligo.

Nel Jan calling...

"Hello?"

"Ready ka ba para mamaya?"

"Yes."

"Daan ka dito kunin mo 'yong uniform ng Dreadful, I forgot."

"Okay."

"Bye. Take care."

"You too."

Nagbihis ako ng simpleng damit lang. Magagalit nanaman si Flair kapag nakikita ang balat ko.

"Hey, good morning," bati sa akin ni Taxon nang pumasok ako ng kusina.

"Good morning. Hindi ka aalis ngayon?"

"Aalis. I'm going to my firm."

"Okay."

Napalingon ako sa bugkos ng tulips at tatlong box ng beng-beng na nasa lamesa.

"What's that?"

"Oh men.. it's nothing."

"Trying to hide? It's for Vinea?"

Nag-iwas siya ng tingin at lumabas agad. "Bye." Paalam niya sa akin.

Martyr.

"Taxon?" Hinabol ko siya kaya nilingon niya ako. "Maghanap ka na lang ng iba. Naaawa na ako saiyo Kuya."

Tipid siyang ngumiti. "Parang hindi mo naman kilala ang dakilang pag-ibig ng mga Baider." Ginulo niya ang buhok ko. "I love her so much. Kahit wala akong nakukuhang pagmamahal pabalik okay lang."

"Pero--"

"No buts, I just love her no matter what." Tumalikod na siya. "I'm going, bye."

Pinanood ko ang pag-alis niya. Kumirot din ang dibdib ko dahil sa pinagdaraanan niya.

Taxon and his great love.

Nagmaneho ako ng kotse papunta ng J and K Mental Health Clinic.

"Good morning, Ma'am." Bati sa akin ng guard.

"Good morning," I greeted back and smiled.

Pagpasok ko pa lang ang daming tao. Pinagkakaguluhan ang paintings ni Kean.

"Handsome!" Tawag ko sa kaniya nang makitang ang dami niyang ginagawa dahil sa dami ng tao.

Ngumiti siya sa akin at lumapit. "Hi, beautiful. Miss me?"

"Ya. Where's my husband?"

"Nasa office. Stress."

"Okay. See you later."

Nagpaalam ako sa kaniya at tinahak ang hallway papunta sa office niya. Nawili akong makita ang mga bagong paintings. Maging ang mga bagong halaman.

"Is she the wife?"

Tinuro ako ng isang babae.

Ako? Oo ako ang wife ni Flair.

Lumapit sa akin ang tatlo.

"Hi, pwede magpa-picture?"

Sa akin? Ako? Artista ba ako?

Kahit gusto ko silang pagkunutan dahil sa pagtataka ay hindi ko ginawa.

"Of course," I smiled widely.

Nakangiti akong humarap sa camera.

"Kean!" Nagtakbuhan ang mga babae at kinuha si Kean.

Nanlaki ang mga mata ko nang iakbay nila sa akin ang braso niya.

Gosh! Makita ito ni Flair. Magwawala 'yon.

Don't tell me napagkamalan nanaman nila akong asawa o girlfriend niya?

Na-stranded ako sa dami ng fans ni Kean na pati dito sa clinic ay dinarayo siya para lang mamili ng paintings niya. Napangiwi ako nang pagkalagay nila ng braso ni Kean ay nag-click agad ang camera. Si Kean ay hindi nanaman makapagsalita dahil sa ingay nila.

"Ilang taon na kayo?"

"May anak na ba kayo?"

"Kailan kayo kinasal?"

"Bagay na bagay kayo!"

"Nakakakilig!"

Nasapo ko ang noo ko dahil heto nanaman po. Nangyari nanaman. Gulo talaga kapag lumabas si Flair sa office at nakita ito.

Nagkatinginan kami ni Kean, mas lumakas ang tilian.

"Ayieeee!"

"OMG! Grabe bagay na bagay sila!"

"Perfect loveteam!"

"What the fuck is going on?!"

Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang madilim na mata ni Flair. Lumapit siya at hinila ako kay Kean. Nanlaki ang mga mata ng mga babae at tumitig sa kamay ni Flair na pumulupot sa baiwang ko.

"I-paint mo pa ang asawa ko tingnan mo pinagkakaguluhan kayo!" Asik niya kay Kean.

Lumakas ang bulong-bulungan.

"Ay? Hindi siya?"

"Si Jave pala ang asawa niya?"

"Bakit gano'n? Aww."

"Sayang bagay pa naman sila!"

"Shut the fuck up!" Inis na sigaw ni Flair. Tiningnan niya nang masama si Kean. "Pre, magpaliwanag ka!"

Akmang magsasalita si Kean pero inunahan na ni Flair.

"Ako na nga. She's my wife." Pinakadiinan niya pa ang salitang wife. "So please stop linking them!" Galit na galit na si Flair kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Pero bakit siya ang ipine-paint niya?"

"Siguro mahalaga din siya ka--"

"Ang ingay!" sigaw nanaman ni Flair. Tiningnan niya si Kean. "Ayusin mo nga 'yan, pre."

Umiral nanaman ang pagiging masungit niya sa mga babae.

Hinila niya ako papunta sa office. Nakikita ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa galit.

"Shut kasi! Bakit ka pa kasi pine-paint ng siraulong 'yon?! Nakakainis naman! Kung hindi ko siya best friend sinuntok ko na 'yon!"

Inis na inis siyang umupo sa swivel chair. Gusto ko siyang pakalmahin kaya umupo ako sa hita niya nang patagilid at iniyakap ang kamay sa batok niya.

"'Wag ka nang magalit hindi naman nila alam."

Naglamlam ang mata niya at unti-unti nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, naging maamo.

"Kiss me, please?"

Natawa ako nang inguso niya ang labi. Lumapit ako para dampian siya ng halik sa labi. Hinawakan niya ang batok ko kaya hindi ko natanggal.

Kissing at the office? Oh, gosh!

Napalingon kami ni Flair nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko at nag-iwas ng tingin. Nahiya ako kaya nag-init ang pisngi ko.

"Oh fuck! I'm sorry!" Nagmadaling lumabas si Kean nang makita kami.

Tumawa naman si Flair kaya hinampas ko siya. "Bakit ka tumatawa?"

"Natawa ako sa reaksyon ni Kean. May patakip-takip pa ng mata."

"Baliw ka!"

"Baliw na sa'yo." Hinapit niya nanaman ang batok ko kaya nagpumiglas ako.

"Nasa office tayo!"

"So?"

"Anong so? Nakakahiya."

"Nahiya ka pa. Asawa mo ako."

"Tse!"

"Tsenelas!"

"Ewan ko saiyo!"

"Ewan ko rin saiyo," nakangisi niyang sabi kaya pinaghahampas ko.

"Aalis na ako," paalam ko.

"Mamaya na." Pinulupot niya ang kamay sa baiwang ko.

"Eh, may gagawin pa kami."

"Mamaya na 'yon." Ipinikit niya ang mata, ang mukha niya ay sa balikat ko. "I miss you."

"Miss agad?"

"Yeah, minu-minuto kitang namimiss."

"Sweet mo naman."

"Ang sweet asukal."

"Corny mo talaga."

Nakayakap lang kami sa isa't isa nang bumalik si Kean.

"Tagal niyo naman maglandian. Papasok na ako, importante 'to."

May inilapag siyang papel. "Pirmahan mo, pre."

"Later."

"Pagod na pagod ka ba? Bakit nakailang rounds ba k--." Binato siya ni Flair ng ballpen.

"Bibig mo!"

"Bakit anong mayro'n sa bibig ko?"

"Pakainin kita ng tae tingnan mo!" Asik ni Flair. Tawa naman nang tawa si Kean.

"Eww," nandidiri kong sabi.

Tumayo na ako dahil naiilang ako sa posisyon pero hinila ako ni Flair at ibinalik. Nakita ko ang pilit na ngiti ni Kean habang nakatingin sa amin. May lungkot sa mata niya na hindi ko mahulaan kung ano.

"Labas na ako. Baka istorbo na ako." Tumalikod na si Kean.

"Buti alam mo!" Pahabol pa ni Flair.

Niyakap niya lang ako habang nakapikit.

"Parang pagod na pagod ka?"

"Oo, na-stress ako sa dami ng clients at 'yan pa daming tao sa labas dahil diyan sa Kean na 'yan. Sikat na sikat."

"Eh, gano'n talaga."

"He's still painting you."

"Ya. Nagpaalam siya sa akin."

Natahimik kaming dalawa. Ramdam ko ang paghaplos ni Flair sa likod ko.

Anong ginagawa nito?

"Pagod na pagod ako kahit maaga pa lang. Dito ka muna saglit." Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"You're my stress reliever."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.