Shine Clear's POV
"Baby.. I'm going," tinanggal ko ang pagkakayakap ni Flair sa akin.
"Saan ka ba pupunta? Hindi ka naman pumasok sa trabaho ngayon, eh."
"May misyon nga 'diba?" Tumayo ako at humalik sa pisngi niya. "See you later. I love you."
Bumuntong hininga siya. "I love you more than you love me."
"Good boy." I tapped his head.
"Dog?"
"Cat."
Sabay kaming tumawa. Parang ayaw ko nga siyang iwan.
I miss him.
"Alis na ako," akmang aalis na ako pero hinila niya nanaman ako.
"Long hug," mahigpit niya akong niyakap. I hugged him, too.
"Bye!" Halos hindi gumalaw ang paa ko habang sinisilip siya at nasa may pinto ng office.
Paglingon ko muntik pa akong mabunggo kay Kean. Ngiting-ngiti ang siraulo.
"'Di maiwan ang kaniyang impakto?" Pang-aasar niya sa akin.
"Oo, eh."
"Parang hindi kasama sa bahay?"
"Heh! Sige na una na ako, bye."
Nagpaalam na ako sa kaniya. I drove going to Nel Jan's house.
"Here." Inabot sa akin ni Nel ang dalawang pares ng uniform.
"Thanks."
"Have you eaten?"
"Oo, kanina."
"Nagluto ako."
"Ng?"
"Pork sinigang. Tara." Hinila niya ako papunta sa kusina.
I called LJ.
"Punta ka na dito sa bahay Nel. Magpa-plano pa tayo. Faster."
Ibinaba ko agad ang tawag at sumulyap sa kalalapag lang na pagkain.
"You know how to cook?"
"Hindi masyado. Sinusubukan ko lang." Naglagay siya ng plato at kutsara.
"Thank you. Actually kumain na ako ng breakfast, pinagluto ako ni Flair since 11 na rin naman tanghalian na."
Kumain kaming dalawa nang tahimik.
"Elle?"
"Hmm?"
"May anak ako."
Natigilan ako at nag-angat ng tingin para makita siya.
"Huh?"
"I'm so frustrated. I have received a message from unknown sender. I've been tracking it, but I can't get the location. Sabi sa message hindi ko raw makikita ang anak ko. That's my lesson for being a playboy."
"Bakit hindi mo hanapin ang nanay?"
He chuckled. "'Yon na nga, eh. Saan at sino ang hahanapin ko? Hindi ko kilala ang mga naging babae ko."
Napailing-iling at tinaas ang gilid ng labi ko. "Karma mo sinisingil ka na."
"Yeah, but I wanted to see my child. Tarantadong playboy lang ako pero mabuting ama 'to."
"Buti nga sa'yo!" Natawa ako nang malakas.
"I wonder if my child is a boy or a girl. Whoever the mother I don't care. I just want him or her."
Pilit kong inabot ang balikat niya at hinampas. "Bakit ka kasi ganyan? Edi sana ngayon may masaya ka ng pamilya."
"Hindi ako magkakaroon ng masayang pamilya. Maging masayang ama pwede pa."
"Bakit naman?"
"Because the girl I love was married."
Napatigil ako sa paglunok sana ng kanin at tinitigan ang mukha niya.
"Sino 'yon?"
"Sikretong malupit bawat sa pangit." Tumawa siya nang malakas.
"Pangit ako?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Hindi. Ang ganda mo nga, eh."
"Thanks." Mayabang kong sabi.
Ewan ko ba kung paano ko ito naging kaibigan basta isang araw tinawag ko na lang siyang tunay na kaibigan. Siguro dahil marami na rin siyang nagawa para sa akin.
"What is your plan? Hahanapin mo pa rin ang anak mo?"
"Oo kahit hindi ko alam kung saan. Kasalanan ko naman kung naging matino lang ako edi sana hindi ganito."
"Buti alam mo."
May nag-doorbell kaya umalis si Nel Jan. Pagbalik niya kasama na niya si Lance.
"Kumain ka na ba? Kumain ka muna," yaya ni Nel Jan kay Lance.
"I'm full. Carme cooked."
Tinapos ko ang pagkain bago kami nagsimulang magplano.
Isinuot ko ang maskara, papunta na kami sa lugar kung saan namin kikitain ang Mr. S na 'yon.
"Sigurado ka bang siya ang haharap sa atin? Paano kung proxy niya lang 'yon?" Tanong ni Lance.
"We'll see. Sa kilos ng lalaki malalaman natin kung siya 'yon. May nakuha akong impormasyon na si Mr. S ay may tattoo ng ahas sa likod niya. Sa may right dapat nating masilip ang likod niya."
"Okay. I'll do that," sabi ko.
Pagbaba namin ay nagulat ako nang hawakan ni Nel Jan ang kamay ko.
"B-bakit?"
"Maraming lalaki sa loob. Mag-iingat ka."
Ngumiti ako sa kaniya. "I will."
Nasa tabi ko si Lance. Diretso kaming naglakad papunta sa gate.
"Who are you?" Tanong ng bantay kay Nel Jan.
"Master."
Pinapasok kaming lahat. Nasa likod namin ang lahat ng miyembro ng Dreadful Gang.
Ang daming tauhan na may hawak na mga malalaking baril. Napalunok ako. Pinalibutan kami nila. Isang maling galaw at patay kaming lahat.
Nagkatingin kami ni Lance at tumango sa isa't isa.
"Where is Mr. S? I have transaction to him," kinausap ni Nel Jan ang lalaki.
Napalingon kami nang bumukas ang pinto. Naglakad ang lalaking kulay red ang buhok, may hikaw na itim at matipuno ang katawan.
"I'm Mr. S." Maangas nitong sabi.
Pinakatitigan ko ang lalaki. Sa unang tingin ay may ibubuga ito, maangas at nakakakilabot pero hindi ako tinalaban do'n.
"Ikaw ba ang master ng Dreadful Gang?"
"Yes."
"Tell me your full name."
Si Nel Jan kasi ay nakamaskara rin ng kulay pula. Buong mukha ang natatakpan sa kaniya.
"That's confidential my dear friend."
"So we can't make the deal."
Nakita kong pinigilan ni Nel Jan ang inis niya.
"Okay. I'm Leopard Alonte."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Matalino ngang talaga. Mabilis kung mag-isip.
"How about you? Care to tell me your full name? Since I already said mine."
"Ohh.. too bad. Hindi pwede."
Kahit nakikita namin ang mukha ng lalaki ay gusto naming malaman ang full name niya para madaling ma-access lahat ng impormasyong tungkol sa kaniya.
Tiningnan ni Mr. S ang buong miyembro ng Dreadful Gang. Huminto ang mata niya sa akin. Gumuhit ang ngisi sa labi niya at naglakad siya palapit sa akin.
Inamoy niya ang buhok ko at nilapit ang mukha sa pisngi ko. Pinigilan ko ang inis ko kahit gusto kong ikuyom ang palad at suntukin na siya. Nagtiim ang bagang ni Lance halatang pigil na rin ang galit. Maging si Nel Jan kahit hindi ko kita ang ekspresyon ay nakuyom na ang palad.
"Hindi ko alam na may babae pala sa Dreadful Gang. Hindi ba't lahat ng miyembro ay lalaki?" Tanong niya sa akin.
Iniharap niya ang mukha ko sa kaniya at pinakatitigan akong mabuti.
"Tingin ko maganda ang isang ito. Pwede bang paalbor?"
Nanggigigil na ako pero pigil pa rin dahil isang maling galaw patay kaming lahat.
"Hindi siya ang transaksyon natin." Lumapit na si Nel Jan.
Akmang hahawakan ako ni Mr. S pero pinigilan siya ni Nel Jan.
"Don't touch her."
"May pakialam ka na pala ngayon sa mga tauhan mo? Tingin ko espesyal ang nag-iisang babaeng ito."
Nanatili akong walang imik dahil sa inis ko. Bigla ay naisip ko na kailangan namin ng confirmation para sa totoong Mr. S. Napangisi ako at humarap sa kaniya.
Ipinulupot ko ang kamay sa batok niya na ikinagigil ni Nel Jan.
"Sorry. I'm taken, but if you want me. Just call me." Akmang tatanggalin ni Mr. S ang maskara ko pero pinigilan ko ang kamay niya.
"Mas maganda na ang misteryoso, right? The thrill is there." Pasimple kong tinataas ang damit niya sa likuran. Nakunot ko ang noo ko nang walang makitang tattoo doon.
Hindi siya!
Tinanggal ko ang kamay ko at pumunta kay Nel Jan.
"If my boyfriend allows you." Ikinapit ko ang kamay sa braso niya. "If he's not. I'm sorry."
Playing time again.
"Ohh.. kaya pala, girlfriend ng master? Well.. okay. Hindi na ako mangungulit. Let's deal the transaction. Pasalamat ka nawili ako sa girlfriend mo."
Nakahinga ako nang maluwag. Matapos noon ay tumabi ako kay Lance.
"What the fuck, z4. Lagi mong ginagawa ang manlandi kapag nasa laban tayo. Paano na lang kung bigla kang hawakan no'n?" Inis na sabi ni Lance, sobrang hina no'n.
"Easy, hindi siya, LJ."
Lumapit ako kay Nel Jan at ikinapit ang kamay sa braso niya.
"Babe.." inilapit ko ang tainga sa kaniya. "Hindi siya."
Mabilis akong nilingon ni Nel Jan.
"Kapag nalaman kong hindi ka si Mr. S. Alam mo ang mangyayari? Hindi madaling kalaban ang Dreadful for the long history," pinagbantaan ni Nel Jan ang lalaki.
Nanlaki ang mata nito at nanginig.
"Ayaw n'yo naman sigurong makabangga ang gang ko 'diba?"
"O-oo."
"Kung gano'n tawagin mo si Mr. S ngayon din!" Gigil na sabi ni Nel Jan.
"Wala siya. Nasa America ngayon."
Edi lumabas din na hindi nga siya.
"Okay. Tapos ang usapan. Makikipagkita lang ako kapag siya na ang kaharap ko!"
Tinalikuran namin sila at nagmartsa palabas. Nang makalayo ay inis na tinanggal ni Nel Jan ang maskara at masamang tiningnan ako.
"Pwede ba tigilan mo ang ginagawa mo! Nakakainis kang lumandi! Lahat ng lalaki do'n nakanganga!" Asik sa akin ni Nel Jan.
"That's my moves. I take advantage of men's weaknesses. Sinabi ko naman 'diba? Na marami ang nagagawa ng isang babae."
"z4, I sometimes hate you for what you did! Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga lalaki! Hindi habang buhay malakas ka! Darating ang araw na baka sa ginagawa mo mapahamak ka!" Sigaw rin ni Lance.
"Bakit ba nagagalit kayo? Kung hindi ko ginawa 'yon. Nalagasan tayo ng ilang milyon ng walang napala! Dahil sa ginawa ko nalaman ko na hindi siya si Mr. S!"
Sabay silang bumuntong hininga at hindi na lang nagsalita.
"That's me in the battle. You can't change that. I have my own strategies. Kala n'yo madaling pumulupot sa batok ng ibang lalaki? Yuck! It's only for Flair's thing! Pero kailangan kong gawin para sa misyon!"
Inis kong sinipa ang likuran ng upuan sa harap ko.
"I'm sorry. I'm just concern, partner," tiningnan ko lang si Lance at inirapan.
That proxy Mr. S. Kainis!
Makikilala rin kita.