Shine Clear's POV
"OMG! OMG! OMG!" Sigaw ni Carme habang tumatakbo papunta sa akin.
Nasa bahay kami nila Clench ngayon. Kaming apat lang talaga, si Lance, Clench, Carme at ako.
Best of friends' time.
"Bebs!" Tumalon si Carme para yakapin ako.
Tumakbo rin si Clench, tumalon at yumakap sa aming dalawa. As usual si Lance ay kailangan pang hatakin para yumakap din. Walang buhay siyang yumakap.
Palibhasa ay bihira na talaga magkita-kita, sobrang miss ang bawat isa.
"Bebs, ang dami kong pasalubong saiyo! Lalo na kay Shivelle! Tatlong box 'yon at ito ring magnanakaw ng pagkain ang dami rin." Tinuro niya si Clench.
"Magnanakaw talaga ng pagkain? Makapagsalita ka naman diyan!" Nagsisimula na agad mainis si Clench.
"Joke lang." Umakbay si Carme kay Clench. Natatawa ko silang tiningnan, bihira niyang lambingin si Clench. "Joke lang kahit totoo," tumawa si Carme.
Pumunta kami sa pool ng bahay ni Clench.
"Ano? Ganda ng bahay ko 'no?" Pagmamalaki sa akin ni Clench.
"Sobra! Ang sarap sa mata ng kulay."
Tatlo ang pool, may sobrang lalim, may sakto lang at may pangbata.
Yaman!
Lumapit si Lance at bumulong. "z4, how about the mission?"
"Next time na natin isipin 'yan. Ngayon mag-enjoy muna tayo." Umakbay ako kay Lance at walang pasabing tinulak siya sa pool. Inis na inis siyang tumingin sa akin.
Ang lakas ng tawa naming tatlo.
Nahawa na ako kala Rev sa panghuhulog sa tubig. Gawain kasi nila 'yon.
"Bebs halika! Maraming marshmallow dito," nakangising sabi ni Carme.
Lapit agad ako. "Wow!"
"Laro tayo! Paunahan makaubos ng marshmallow. Pagkakasyahin sa bibig habang naka-video," sambit ni Clench habang binubuksan ang marshmallow.
"OMG! Gusto ko 'yan!" Nilingon ni Carme si Lance. "Sweetheart, ahon na! Bilis!"
Natakpan ko ang tainga ko dahil nasa tabi ko lang si Carme sumisigaw, ang sakit sa tainga, sa sobrang lakas noon.
Umakbay sa akin si Clench. "Miss mo ako?"
"Syempre!" Niyakap ko siya ulit.
"Tsk." Kunot na kunot ang noo ni Lance, habang walang buhay na lumalapit sa table namin. "Ano nanamang binabalak niyo?"
"Kakain lang tayo ng marshmallow!" Sigaw ni Carme.
Napatakip kaming tatlo sa tainga.
"Why? Masakit ba tainga n'yo?" Inosenteng tanong ni Carme.
"Oo!" Sigaw ni Clench sa tainga ni Carme. Agad namang nagtakip si Carme ng tainga at sinuntok si Clench sa tiyan.
"Ang sakit! Bakit ka ba sumisigaw?!" Ang lakas pa rin ng boses ni Carme.
"Ang lakas ng boses mo! Parang nasa kabilang bundok ang kausap mo!" sigaw pa rin ni Clench sa tainga ni Carme.
Kami naman ni Lance ay nakatakip na sa tainga dahil sa lakas ng sigawan nilang dalawa.
"Hey! Ang sakit na ng tainga ko," saway ni Lance.
"Ito kasi!" Sabay pa silang tinuro ang isa't isa at nag-iringan.
Parang kanina lang ay ang sweet nilang dalawa tapos ngayon ay back to away sila.
Padabog na umupo si Carme sa tabi ni Lance at si Clench naman ay masama pa rin ang tingin sa kaniya habang umuupo sa tabi ko.
"Mag-mature naman kayong dalawa. Nabibingi na ako araw-araw sa away n'yo." Inis na sabi ni Lance.
"'Yan kasing bunganga monster na 'yan! Lakas ng boses palagi!" Asik ni Clench kay Carme.
"Eh, sa ganito ako, eh! Ikaw nga nangunguha palagi ng pagkain ko!" Umirap si Carme.
"Hey.. tama na." Saway ko sa kanila.
"Tara na nga, start na tayo." Kinuha ni Clench ang phone niya at inilapag sa lamesa, sa likod noon ay may basong mabigat para hindi matumba.
Pinindot ni Clench ang play button. "Hello! Welcome back to my channel!"
Natawa ako sa sinabi na 'yon ni Clench. "Kasama ko ngayon ang mga best friends ko. Kakain kami ng marshmallow. Hindi 'yon ngunguyain at pagkakasyahin lang sa bibig."
Nilagyan ni Clench ang bowl namin, punong-puno.
Paano magkakasya 'yon sa maliit kong bibig?
"Mag-start na kami mga ka-lungs." Napabungisngis muli ako kay Clench. Parang sanay na sanay mag-vlog.
Natawa agad ako nang makita ko si Carme. Ang bilis niyang pinagpilitan ang marshmallow sa bibig niya, nginuya niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Clench.
"Bawal nguyain 'diba? Mandurugas ka!" Asik ni Clench.
Inirapan siya ni Carme dahil hindi na makapagsalita, nakaumbok na ang bibig niya dahil sa dami ng inilagay niya.
"Ano, LJ?" Nakangisi kong sabi kay Lance nang makitang hindi siya gumagalaw.
Nagpaunahan na makaubos si Carme at si Clench ng marshmallow. Pinagkasya ni Clench 'yon kahit pa lumalabas na ang iba. Si Lance naman ay ganoon din kaya tumatawa ako pero walang tunog dahil ang dami na rin laman ng bibig ko.
Sunod-sunod na tumunog ang phone ni Clench. Nakita kong naka-live pala ang hinayupak sa youtube!
Bungisngis siya nang bungisngis habang tinitingnan ang comment section.
'Cute pa rin ni Clench'
'Si Elle ba 'yon? Asawa ni Kean?'
Nanlaki ang mata ko at kinuha agad ang phone ni Clench. Natutok tuloy sa mukha ko ang camera kaya tawa sila nang tawa. Bukol kasi ang pisngi ko at pinipilit nalang itikop ang bibig.
'Hi. I'm not Kean's wife. I'm Javen Flair Imperial's wife :)'
Pinutakte 'yon ng comments pero hindi ko na binasa.
Ilang minuto na ay hindi ko na nakaya nginuya ko na kaya talo ako. Nakita ko rin si Lance na nginuya na rin. Magkatitigan si Carme at Clench parehas matalim ang tingin kaya napabungingis ako dahil hindi sila makasalita dahil sa bukol ang bibig at pisngi.
"Dapat ganyan na lang kayo para tahimik," lakas ng tawa ko.
"Mamaya n'yo na tanggalin 'yan, huh?" Tumawa rin si Lance. Inilagay niya ang dalawang kamay sa ulo. "Ang sarap kapag tahimik ang dalawa."
Sabay kaming tumawa. Maya-maya pa ay nginuya na rin nila hindi na kinaya.
"Mandaraya ka! Hindi mo nilunok lahat.. niluwa mo ang ilan!" Sigaw ni Clench.
"Ikaw rin naman! Ang pangit mo!" Sigaw ni Carme.
Sabay kaming napangiwi ni Lance at nagtakip ng tainga.
"Ang ganda mo, Carme!" Sarkastikong sabi ni Clench.
"Talaga!"
"Tsk," inis na si Lance.
Hindi na kami naghiwalay hanggang maggabi. Kung anu-ano ang napagkwentuhan namin.
"Hindi na ba kayo nag-aaway ni Jave?" Tanong ni Clench.
"Syempre nag-aaway."
"Bakit nga pala umalis si Kean?" Bigla ay tanong ni Lance.
Natahimik ako. Ayaw kong makarating sa kanila ang issue. Inaayos naman na, eh. Kung sasabihin ko proproblemahin lang nila 'yon.
"Nagbakasyon daw sabi ni Jave," si Clench ang sumagot noon.
Mahal na mahal din talaga ni Flair ang best friend niya. Kahit nasuntok niya ito at nagalit na siya hindi pa rin niya kayang tapusin ang samahan nila.
Matindi ang kapit nila sa pagkakaibigan.
Tumalon kami sa pool at lumangoy. Lumapit ako kay Clench. Si Carme at Lance naman ay nasa gilid masayang nag-uusap, nakayakap ang kamay ni Lance sa baiwang ni Carme at nagtatawanan sila.
"Kumusta ang unang gabi n'yo bilang mag-asawa?" Nakangisi kong tanong kay Clench.
"Masaya! Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang saya na 'yon. Siguro mas sasaya pa ako kapag nagka-anak na kami ni Rozel."
"Sobrang saya noon. Katulad ng dumating si Shivelle sa buhay namin."
"Akala ko ba uuwi na ang batang 'yon?"
"Hindi pa," napasimangot ako. "Nakakainis sila ayaw pauwiin."
"Ang cute kasi ng anak mo."
"Oo nga."
"Ikaw? Kumusta naman kayo ni Jave?"
"Nag-aaway palagi pero nagkakabati din naman kaagad."
"Lagi naman," tumawa si Clench.
Kapag titingnan ko si Clench sobrang saya niya. Kitang-kita sa mga mata niya. Kontento na siya sa buhay niya tulad no'ng dalawa ni Carme.
Umahon si Clench at inilahad ang kamay sa akin. "Kain tayo? Nagugutom ako."
Natawa ako dahil kahit kailan talaga puro siya pagkain para siyang si Kuya Zaimon na walang pakialam sa mundo 'pag kaharap ang pagkain.
"Tara."
Umupo kami sa lamesa. Natuwa pa ako nang makitang may chocolate cake doon.
"Puro ka chocolates kaya hindi ko nakalimutang bumili niyan."
"Thanks."
Kumain kaming dalawa. Maya-maya pa ay umupo na rin 'yong dalawa at kumain. Natawa ako nang kunin ni Clench ang bangus ni Carme. Minsan, inaasar niya lang talaga, kukunin niya at kakainin kahit pwede namang hindi 'yon dahil mayroon pa naman, marami pa.
Naramdaman kong sinipa ni Carme si Clench sa ilalim ng lamesa.
"Bwisit ka talaga! Suntukin ko 'yang matakaw mong bibig!" Sigaw ni Carme kay Clench.
Tumawa naman si Clench. Napailing-iling na lang ako habang nakangiti.
Nagulat ako nang tumayo si Carme. Kinuha niya ang mga pagkain sa plato ni Clench at diretsong isinubo sa bibig, walang nguya-nguya lunok agad.
"Hey! Marami doon bakit kinakain mo 'yong akin?!"
"Sabihin mo 'yan sa sarili mo!" Inirapan siya ni Carme habang ngumunguya.
Tumatawa kami ni Lance sa kanilang dalawa.
Going back when we were young, ganitong-ganito kami. Palagi kaming magkakasama. Natutulog sa iisang kama, nagswi-swimming, nag-aaway minsan pero sa huli magtatawanan. May time pa nga na naghabulan kami sa hagdan, nalaglag si Clench pero imbes na tulungan siya tinawanan namin siya kahit na ang mukha niya ay papaiyak na, nakitawa na rin siya sa amin. May time na muntik ng malunod si Carme sa swimming pool to the rescue si Lance. May time na may bumato ng bola sa akin, walang pagdadal'wang isip na sinugod nilang tatlo at inaway. May time na umiiyak si Lance dahil namatay ang paborito niyang aso na si Popo, magkakaramay namin iyong iniyakan.
May time na naghabulan kami sa ulan at kinabukasan ay tinawanan namin ang sarili dahil pare-parehas kaming nilagnat. May time na ginulat namin si Mrs. Belmonte kaya nabitawan nito ang cake na para sana sa surprise sa anniversary nila ni Mr. Belmonte. May time na hinabol kami ng pamalo ni Mrs. Dawson dahil pinaglaruan namin ang poborito niyang lipstick.
Maraming oras kaming magkakasama at 'yon ang pinaka-iniingatan kong alala.
My best friends' time.