Chapter 80

Javen Flair's POV

"Bakit umalis si Kean? Hindi man lang nagpaalam sa akin?"

Nagmamaktol na sabi ni Rev, nagulat na lang ako na nandito siya sa mansyon umagang-umaga.

"May kasalanan siya sa akin," tipid kong sabi.

"Hey!" Masama akong tiningnan ni Zeal para bang sinasabi niya na 'wag kong sabihin kay Rev.

"Anong kasalanan?"

"Secret, 'di ako magpapapilit," tumawa ako.

"Kupal ka sabihin mo na!"

"Kay Zeal ka magtanong. Nasa kaniya ang desisyon," nginuso ko ang asawa ko na ngayon ay prenteng nakaupo at kumakain ng chocolate cake.

Natigilan ako nang makita ang ngisi ni Rev. "Alam ko na!" Tinuro niya si Zeal. "Hinalikan ni Kean 'no?"

Nanlaki ang mata ko. Talino rin nito ni loko, nakuha niya agad.

"Long story. Nightmare ang nangyari kagabi."

Ngumiti si Rev. "Baka beautiful dream para kay Kean." Nabatukan ko siya.

Bibig talaga nito kahit kailan.

Sumeryoso ang mukha ni Rev. "Hayaan mo na, pre. Tao lang nagkakamali. Malay mo sa pag-alis niya matauhan na mahal niya naman talaga si Yannie akala niya lang si Elle dahil nasa nakaraan pa siya."

"Naiintindihan ko siya. Hindi ko kayang tiisin ang buntot kong 'yon. Pres are pres, kahit ano pang kasalanan niya handa akong patawarin siya."

Tinapik niya ang balikat ko.

"We're like brothers or triplets pa nga. Sana 'wag ka magtanim ng sama ng loob sa kaniya. Intindihin mo na lang na kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kapag tumibok ang puso lagot ka na siguradong huli ka."

Ang lakas ng tawa ko dahil seryoso siya tapos bigla niyang kinanta ang huling linya at ang loko kumembot pa.

"Daram.. daram dadadam.. daram daram dadadam.." kanta niya pa.

Siraulo talaga!

"Tigilan mo nga 'yan naaasiwa ako saiyo! Para kang linta na nilagyan ng asin kakakislot mo!"

Malakas kaming tumawang dalawa.

"Pero seryoso," nabaliw nanaman di maidiretso ang sinasabi dahil tumatawa.

'Ayan nanaman 'yong 'seryoso' tapos hindi niya matatapos dahil tawa siya nang tawa.

"Ito seryoso na," humagalpak siya ng tawa.

Natatawa na lang ako sa lakas ng tawa niya. Baliw talaga, wala namang nakakatawa pero heto at baliw siyang tumatawa nang malakas.

"Woh! Seryoso na.." hindi na talaga matapos ang kakatawa niya.

Napahawak na ako sa tiyan ko dahil hindi niya talaga magawang magseryoso pinipilit niya pero tatawa pa rin. Ang tawa niya ay malakas at nakakahawa kaya kahit ako ay nadadala.

"Wait lang.." Pinilit niyang magseryoso ng mukha pero kita pa rin ang kumakawalang ngiti. "Gago talaga ni Kean, pre. Basta na lang nang-iwan. Bigay mo na kaya asawa mo?"

Nabatukan ko siya. "Anong bigay ang asawa? Bagay lang?"

"Joke. Kawawa na rin kasi ang isang 'yon. Hayaan muna natin siyang magpakasaya ngayon sa ibang bansa." Nalungkot ang mukha niya. "Kahit nakakamiss."

Tumawa ako nang malakas dahil ang hitsura niya ay parang nalugi. Malungkot na malungkot na hindi naman bagay sa maloko niyang ugali.

"Anyways, how's your son?"

"'Ayon.. iyakin ang kotong lupa. Hindi na ako makatulog dahil sa palahaw niya. Nakakainis pa na tuwing honeymoon nagpapapansin.. doon siya titiyempo ng iyak."

Tawa ako nang tawa.

Loko talaga! Shut! Rev! Bakit ba kita best friend?

"Kakaanak lang honeymoon nanaman?"

Ngumisi siya. "Tigilan mo nga ako sa innocent effect mo, pre. Para namang hindi n'yo ginagawa?" Tumaas-taas ang dalawang kilay niya.

Naitikom ko ang bibig ko.

"Bars! Sabi ko na," tumawa si Rev at tinapik ang balikat ko. "Alis na ako. Baka hinahanap na ako ni Ali my life at ng kotong lupang 'yon. Kita na lang tayo kapag hindi tayo busy."

Nagpaalam na siya at umalis. Nilingon ko si Zeal na nakaupo pa rin sa sofa at may bagong slice nanaman ng chocolate cake sa platito. Napailing na lang ako. Hilig niya talaga sa chocolate. Sana lang hindi siya magka-diabetes.

"Baby.." malambing na tawag sa akin ni Zeal.

"Yes, cherish?"

"Hanapan mo ako ng damit sa closet para mamayang gabi. Ikaw na ang mamili dahil kapag ako mag-aaway nanaman tayo. Ayaw ko ng masyadong mainit. 'Wag naman turtle neck."

"Okay."

Pumasok ako ng kwarto at naghanap ng damit niya. Ang nakuha ko ay floral dress na red na ang design ay rose, round neck at hindi labas ang likod at dibdib, medyo mahaba rin ng kaunti na umaabot hanggang tuhod.

"May nahanap ka na?" Bigla siyang pumasok sa kwarto hawak pa rin ang kinakain niya.

"Ito." Inabot ko sa kaniya ang damit kaya pinasadahan niya ng tingin.

"Pwede naman."

Plinantsya niya ang damit at inayos sa pagkaka-hanger. Yumakap ako sa likod niya habang ginagawa niya iyon.

"Guwapo ba 'yong Dire?"

"Oo."

Biglang sumama ang timpla ng mukha ko.

"Transparent na ako, ah. Mamaya magalit ka nanaman. Guwapo siya pero mas guwapo ka." Humarap siya at kinurot ang pisngi ko.

"Totoo?"

"Yes."

"Ihahatid at susunduin kita mamaya."

"Dapat lang dahil asawa kita," kinindatan niya pa ako.

Pinigilan ko ang mangiti.

Kailangan mangindat?

Shine Clear's POV

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Nakatitig lang si Flair sa akin.

"Kailangan ba mag-make up?" Kunot noo niyang tanong.

"Oo, para magmukha akong tao."

"Kaunti lang." Kumuha siya ng upuan at lumapit sa tabi ko.

Pinanood niya ang paglalagay ko ng kolorete sa mukha.

"Kahit naman wala ka niyan maganda ka naman," nakangiti niyang sabi.

"Alam ko 'yon," pagmamayabang ko.

"Lakas!"

"Hina!"

"Psh."

"Pish."

"Luh?"

"Loh?"

"Lih?"

Sabay kaming natawa sa kalokohan naming dalawa.

Naka-robe lang ako kaya naman, naninilip ang isang ito sa dibdib ko kaya pinitik ko ang noo.

"Pervert!"

"I'm your husband."

"Connect?"

"You're my property."

"Kailan pa?"

Sumama ang tingin niya sa akin.

"Joke lang," niyakap ko siya at ang impakto kilig na kilig, ngingiti-ngiti pa.

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako. Hinatid niya ako sa venue kung saan kami magkikita ni Dire. Ayaw umalis ng impakto, manonood daw siya kaya hinayaan ko na lang.

"Hi, good evening." Nakipagkamay ako kay Dire.

Hayon nanaman ang paghalik niya sa kamay ko.

"Good evening, woman."

Pasimple kong hinila ang kamay ko at umupo.

"Para saan nga pala ang date na ito?"

"Wala lang. I have something to discuss."

"What's that?"

"Hmm." Tinawag niya ang waiter at nag-order ng pagkain. Dumating din 'yon kaagad kaya nagsimula kaming kumain.

"Gusto kong maging partner mo sa Shine Clear's National School."

Natigilan ako sa sinabi niya at tumitig sa kaniya.

"I love helping people kaya sana pagbigyan mo ako. Marami akong connections na makakatulog sa pagpapalago ng school. Don't get me wrong I don't have any bad plans. I really just want to help."

"Is that so?"

"Yeah. Kung papayagan mo ako."

Nag-isip ako. Pwede naman wala namang masama, makakabuti pa nga 'yon para at least may katulong ako at ng hindi ko pinapatakbo 'yon ng mag-isa.

"Sure. Pumapayag ako."

"Thank you," ngumiti siya sa akin.

Siguro talagang mabuting tao lang itong si Dire kaya gano'n na lang siya.

"By the way.. is your husband know about this dinner?"

"Ya."

"Good. Fidelity is important."

Natigilan ako at napatitig ulit sa kaniya.

"Why are you telling me those words?"

"Are you curious?" Tanong niya pabalik.

Wala sa sariling nasagot ko siyang "oo."

"Si mommy ay nagmahal ng isang lalaki na may asawa na pala."

Hindi ko alam paano magre-react. Tingin ko may mas malalim pang kwento 'yon.

"Nang malaman niyang may asawa na pala ito. Nagpakamatay siya."

Nabitawan ko ang hawak kong tinidor. Ang sakit naman noon.

"Gulat ka ba?" Tumawa siya. "Let's not talk about that. Just be faithful to your husband."

Tumayo na siya at nagpaalam.

Fidelity.

Faithful.

Big word for me, because we faced that. Fresh pa sa alaala ko ang nangyari sa amin ni Flair. Ang halikan nila ni Marie, ang paghalik ko kay Kean at ang paghalik niya rin sa akin.

Parang binuhasan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Dire.

Naglokohan kami ni Flair.

Naglokohan nga ba o dahil lang iyon sa galit ako sa kaniya at hindi siya pinakinggan?

Inaayos namin ni Flair ngayon na kailangan ng transparency. Alam kong kayang-kaya naming ayusin ito. Palibhasa ay maaga kaming nag-asawa pagkatapos ng board exam ay heto at pinasok agad namin ang buhay may pamilya. Marami pa kaming kailangang matutunan.

Pinanood ko ang likod ni Dire na papalayo na. Hindi ko alam na ang hindi mo pala gaanong kilalang tao ay kayang magtatak ng mga salita sa utak mo na gigising sa kahibangan mo at itatarak sa puso mo ang mga pagkakamali mo.

Nagpakamatay ang nanay niya dahil niloko ito ng lalaking minahal niya?

Kaya para sa kaniya napakahalaga ng pagtitiwala, respeto, at manatili lang sa iisang partner.

Dalawang salita na nagpaulit-ulit sa isip ko at nagpabago ng pakiramdam ko.

Kung mahal ko si Flair dapat kahit galit nag-iisip ako. Hindi ko dapat binibitawan ang mga salitang wala namang meaning.

Paano ko ba mababago ang ugali kong kung magalit ay galit na galit, hindi marunong makinig at magpatawad?

Pumasok ako sa kotse ni Flair. Nakatulog na pala siya sa paghihintay. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Kung hindi rin lang naman ikaw, hindi na ako iibig pa," mahina kong sambit.

Pinakatitigan ko ang mukha niyang tulog pa rin.

"I'm sorry again.. for not listening to you. I'm sorry for doubting my love for you. I'm sorry for telling a words that are meaningless. I'm sorry for breaking your heart the moment I kiss someone's lips in front of you." Tumulo nang tumulo ang luha ko. "I'm sorry for being unpredictable.. I'm sorry for everything.."

Bigla siyang nagmulat ng mata at tinitigan ako sa mata pagkuwa'y inalis ang luha sa mga mata ko.

Si Flair ang taong hindi mapagtanim ng sama ng loob. Humingi ka lang ng tawad o kahit nga hindi ka humingi ng tawad ibibigay niya saiyo agad ang kapatawaran. Iyon ang katangiang hinahangaan ko sa kaniya.

"Forgiven."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.