Chapter 83

Shine Clear's POV

Nasa taas open ground kami ng isang building ni Nel Jan at Lance. Sinisipat kung lalabas na si Mr. S.

"Kailangan nating makilala ang Mr. S na 'yon. Maraming tao pa siyang mapapatay kung hindi natin matatapos ang misyon," sabi ko.

"We'll call you NJ, Nel. Just incase that we need to call you in the middle of the battle," walang emosyong sabi ni Lance. Si Nel naman ay tumango.

Sinilip ni Lance kung may palabas ng tao sa building na 'yon. Nagmadali siyang lumapit sa amin.

"He's going outside!"

"Let's go!" Yaya ko sa kanilang dalawa.

Isinuot namin ang mask at cap. Naglambitin kami sa mga bintana ng building. Akmang babarilin ko na ang isa sa mga tauhan pero nagulantang kami nang mauna kaming paputukan.

"Fuck!" Mura ni Lance at mabilis na tumalon pabagsak.

Sumakay kami sa kotse na nakuha lang namin sa kung saan. Pinaharurot ni Lance ang kotse at hinabol namin si Mr. S.

Sunod-sunod kaming pinapatukan ng baril. Ikinapit ko ang paa sa upuan at binuksan ang pinto ng kotse. Lumambitin ako patagilid at inilabas ang ulo ko hanggang balikat upang barilin ang kotse nila.

Naramdaman kong may humawak sa paa ko at umakyat para pumulupot sa baiwang ko.

"Elle! Baka malaglag ka!" Sigaw ni Nel Jan.

Patuloy ako sa pagpapaputok ng baril sa kalaban. May nakita akong basurahan na pwedeng tumama ang mukha ko kaya pumasok na ulit ako sa loob.

"Call me, z4, Nel Jan," walang emosyon kong sabi sa kaniya. Tinuro ko si Lance. "Call him, LJ." Tumango si Nel Jan.

Pinaputukan ulit kami kaya naman ang ginawa ko ay inilabas ang kamay sa bintana at sinipat ang gulong ng sasakyan nila. Pinaningkitan ko iyon at inisip ang tamang anggulo ng pagbaril. Hanggang sa makuha ko at binaril. Nagpagiwang-giwang ang kotse nila at bumangga sa puno.

Mabilis kaming bumaba upang tingnan 'yon. Ihinarang ni Nel ang kamay sa aming dalawa ni Lance.

"Ako na ang titingin."

Dahan-dahan siyang lumapit. Nainip ako kaya tumakbo na ako at itinutok ang baril sa kotse. Nagulat ako nang wala si Mr. S.

Saan napunta 'yon?

Ang tanging nandito ay ang tatlong tauhan na pumapalahaw sa sakit, duguan at ang iba ay naipit pa yata ang paa.

Sino ba ang hinayupak na Mr. S na 'yon? Ang ilap!

Natigilan ako nang may dumamping matigas na bagay sa ulo ko. May nakatutok ng baril sa akin. Ganoon din sa ulo ni Nel at Lance.

Oh uh.

"Take off your mask," utos ng lalaki.

As if I'm going to follow him?

Senenyasan ko si Nel na magbibilang ako gamit ang daliri.

1..2.. 3.. punch!

Mabilis pa sa alas kwarto kong sinuntok ang lalaking may hawak ng baril. Si Nel Jan ay sinipa agad ang baril ng nakatutok sa kaniya at si Lance naman ay yumuko nang pumutok ang baril.

Ubos lakas kong sinipa ang lalaki pero ikinagulat kong hindi siya natumba dahil siguro sa laki ng katawan niya. Ngumisi siya at hinawakan ang paa kong tatama ulit sana sa kaniya. Kinuha ko ang balanse at matigas na inikot ang sarili hanggang mabawi kong muli ang paa ko. Sunod-sunod na sipa ang inabot niya sa akin. Gumiwang lang ang katawan niya.

Tigas nito! Alam ko na!

Sumugod siya sa akin kaya mabilis kong sinipa ang maselang parteng iyon kaya pumalahaw siya sa sakit.

Well..z4 will always be z4. That's my strategy you can't call me z4 without my dirty flirt, and hit to the ass.

Sinugod ko ang dalawa pa. Ang lalaki ng katawan kaya balewala ang sipa at suntok ko.

Si Lance naman ay walang emosyong nakikipag-suntukan, kinukuha ang kamay nila at binabali. Sumampa siya sa unahan ng kotse at sinipa sa mukha ang isa. Tumalon siya at bumaba para suntukin ang isa nang hindi matumba ay hinawakan ang kamay at binali.

Si Nel Jan naman ay parang hindi man lang nahihirapan. Panay ang sipa at suntok niya sa kalaban hanggang sa matumba ito.

Napatigil ako nang makita ko ang papalayong kotse.

Gosh! Nando'n si Mr. S.. nasisiguro ko 'yon.

Naghanap ako ng pwedeng masakyan. Nakakita ako ng motor kaya mabilis ko iyong inupuan. Sumunod naman 'yong dalawa na kumuha rin ng motor.

"Hindi ako marunong mag-motor!" Sabi ni Nel Jan.

"Sumakay ka sa akin!" Sigaw ko sa kaniya.

Mabilis siyang sumakay sa likod ko.

"Hold on, NJ."

Pinaharurot ko ang motor. Kaliwa't kanan ang baling ko dahil pinaulanan nanaman kami ng baril.

"Gosh!" Nadaplisan ako sa braso pero wala lang 'yon.

Pinaliguan din ni Nel ng putok ng baril ang sasakyang iyon hanggang sa may tumalsik na isang lalaki mula doon.

"Dead!" Sigaw ni Nel Jan nang muntik na kaming mabangga sa malaking truck. Halos paliparin ko ang motor nang makita ko 'yon. Napunta kami sa fish pound pero nagmadali pa rin akong habulin ang kotse.

Inis akong nagpapadyak nang hindi na namin makita kung nasaan na.

"Fuck! Wala natakasan tayo!" Inis na sabi ni Lance.

Bagsak ang balikat naming tatlo.

"Bakit hindi nakikipaglaban ang Mr. S na 'yon? 'Ayon sa impormasyon magaling daw itong makipagbubugan at humawak ng baril," kunot-noong sabi ni Nel Jan.

"Ayaw niyang makilala siya," walang emosyong sabi ni Lance.

Tiningnan ko si Nel Jan. Ipinagtaka ko kung bakit hindi siya marunong mag-motor samantalang 'yon ang pangunahing kailangan lalo na at master siya ng sarili niyang gang.

"Bakit 'di ka marunong mag-motor?"

Yumuko si Nel Jan bago ako tingnan. Nakita ko ang iba't ibang emosyon sa mata niya.

"Namatay ang mga magulang ko, naaksidente sa motor kaya sinumpa kong hindi ako sasakay ng motor kahit kailan."

"Pero sumakay ka?"

"Kasi ikaw naman ang nagda-drive."

Tumango ako. Inihatid ko si Nel Jan papunta sa bahay nila.

"Thanks, Nel Jan."

Iniwan ni Lance ang motor na hawak niya kanina at naglagay ng pera sa loob noon. Sumakay siya sa likod ko.

"Awkward.. ikaw pa talaga ang magmamaneho, z4?"

"Bakit angal ka, partner?"

"Bahala ka," inis na agad siya.

Mainitin ang ulo kahit na kailan.

Bagsak ang balikat namin nang tahakin ang daan papuntang sikreto. Sapo ni BossRill ang noo. Nang makita kami ay biglang tumayo.

"Nakilala niyo?" Tanong niya agad.

"Hindi.. mailap."

Nag-alala ako nang makitang may tama siya sa tiyan.

"Anong nangyari, BossRill?" Naunahan ako ni LJ na magtanong.

"Maliit na sugat lang," tiningnan niya ang tiyan. "Pinaulanan ako ng bala nang papunta na ako dito."

Sinilip ko ang sugat niya. Malala na ang pagdurugo.

"Partner.. dalhin mo si BossRill sa bahay ng mga Suarez tatawagan ko si Kuya Zen."

Tumango siya. Umalis silang dalawa ni BossRill naiwan ako. Pinagbubuklat ko ang mga papeles na nasa table. Tiningnan ko isa-isa. Natigilan ako nang makita ang picture ni Dire Hamilton.

Ano 'to?

Paghihinalaan ko sana siya kaso nakita ko sa ibaba ay 'sponsor'. Ibig sabihin tumutulong din siya sa organisasyon financially.

Napakamatulungin naman ng taong ito.

Sumakit na ang mata ko pero wala akong nahanap na impormasyon na magle-lead kung sino si Mr. S.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.