Chapter 84

Tinawag ko si G nang makita ko. Isa siya sa highest rank.

"May papa-imbestigahan akong tao saiyo."

"Sure.. sino?"

"Si Marie Belle Alen."

Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang babaeng 'yon dahil may sinasabi si Flair na galit siya sa mga Baider.

Anong ginawa namin para magalit siya at guluhin kami?

Umuwi ako ng mansyon na bagsak ang balikat. Ang tagal na naming hinahanap kung sino si Mr. S hindi namin makilala.

Tumakbo agad si Flair nang makita ako.

"What happened?" Nakatingin siya sa braso ko.

Ay, may sugat pala ako roon 'di ko feel.

"Wala sa misyon."

"I'll call kuya Zen to--"

"No. May pasyente siya nando'n si BossRill. Si Nurse Clench ang tawagan mo."

"Mommy.. is it hurt?" Nag-aalalang tanong ni Shivelle.

Ngumiti ako sa kaniya. Bigla ay nawala ang pagod ko dahil nakita ko ang cute na cute na batang ito.

"Yes.. it hurts.. kiss mommy." Humalik siya sa pisngi ko.

Iniupo ako ni Flair sa sofa. Maya-maya pa ay dumating na si Clench. Nag-alala agad nang lumapit.

"Nakipagsuntukan ka nanaman? Ikaw talaga--"

"Shh! Gamutin mo na lang ako, superman."

Matunog siyang bumuntong hininga. Nilinis niya ang sugat ko at nilagyan ng bandage.

Ang lalim ng isip ko dahil habang tumatagal na 'di namin nakikilala ang Mr. S na 'yon marami pa siyang magagawang masama at madadamay ang mga inosenteng tao.

Kinarga ko si Shivelle at iniupo sa hita ko.

"Baby.. may sugat si mommy," sabi ni Flair at kinuha siya.

Sinipat ni Flair ang braso ko. "Okay ka na ba?"

"Okay lang.. ang liit lang naman nito."

"Isama mo ako sa susunod."

"Alam mong bawal 'yon."

Bumuntong hininga si Flair. "Mamamatay ako sa pag-aalala, cherish."

"Okay lang kasi ako. Kilala mo naman ako kaya hindi ka dapat mag-alala."

Napalingon kami sa kabababa lang ng hagdan na si Kil, ang lapad ng ngiti niya.

"Sup?" Bati niya agad. Nang makita ako ay tiningnan ang sugat ko. "Small wound."

"Ya. Where are you going?" Tanong ko sa kaniya dahil poging-pogi ang hitsura niya halatang nagpaguwapo.

Mas lumapad ang ngiti niya. "Kay Arahmel. Balak ko na siyang agawin sa pinsan ni Rev."

"Sinong pinsan?" Tanong ni Flair.

"Si Raniel Ren Sin."

"Huh?" Nanlaki ang mata ko. "Nakilala ko na siya."

"At saan naman, cherish?" Kunot noo agad ang noo ni Flair.

"Sa The Rose. Nakipagsayaw pa nga ako," ngumisi ako.

"Psh." Inis agad si Flair.

"Ang lalaking 'yon parang si Rev.. ang bilis kumilos! Nawala lang ako dumikit na kay Arahmel," naiinis na sabi ni Kil.

"Ayaw mo pala, huh? Buti nga saiyo!" Asik ko sa kaniya.

"Talagang mabilis.. si Rev ang nagtuturo roon mangbabae. Iyak ka kapag napasagot no'n si Arah," tumatawang sabi ni Flair.

Nagkibit-balikat si Kil. "Bye! Alis na ako. Patitibukin ko ulit ang puso niya para sa akin." Tumawa siya.

Pinanood namin ni Flair ang pag-alis niya.

Baliw! Tapos ngayon siya ang maghahabol? Sige maghabulan kayong dalawa!

Sumunod na bumaba ay si Taxon. May hawak nanamang tulips.

"Wow! Hindi ka na best friend?" Nakangising tanong agad ni Flair.

"Best friend pa rin. Hindi naman ako nagpapakita," walang emosyong sabi niya. Nagpaalam siya agad at umalis na.

"Bwisit ka! Duh! Tigilan mo nga ako! Matutulog na ako!"

Napalingon naman kami ngayon kay Diamond na galit nanaman sa kausap sa phone.

I guess it's Tyron.

"Why my tito and tita are busy?" Napalingon kami kay Shivelle na kunot ang noo at halata ang pagtataka. "They're in love?"

Natawa kami ni Flair sa kaniya.

"Bata ka pa paglaki mo malalaman mo rin," nakangiting ani ni Flair sa kaniya.

"I know that, daddy. Tito Taxon is in love with the girl on her wallpaper. Tito Kil is in love with the girl named Arahmel.. is that Tita Arah, mommy's friend?"

Nanlaki ang mata namin at napatitig sa kaniya. Ang talino talaga ng anak namin. Parang hindi siya inosente.

"Yeah," hinaplos ni Flair ang buhok niya.

"Tita Diamond is now annoyed with the guy named Tylev. She was talking to him everyday," nagkamot pa siya ng pisngi. "They're lovelife is complicated."

Nagkatinginan kami ni Flair.

How does she knows all of those?

"Nak.. ilang taon ka pa lang saan mo natutunan 'yan?" Nagtatakang tanong ni Flair.

Inirapan siya ni Shivelle. "I'm matured, dad." Pinag-krus niya pa ang kamay na animo'y matanda na kahit ang boses niya ay maliit pa rin at cute.

"Ikaw ba cherish ganyan ka mag-isip noon?" Kunot noong tanong ni Flair.

"Hindi."

"Hindi rin ako ganyan kahit nga hanggang ngayon isip bata ako. 'Yong totoo anak nag-shabu ka ba para tumanda agad ang isip mo?"

Hinampas ko si Flair. "Anong nag-shabu?! Siraulo ka!" Hinampas ko ulit siya.

"Jokings.. love ko 'to," mahigpit niyang niyakap ang anak.

"'Di ako nag-shabu dad pero kumain ako ng maraming dark chocolates maraming nutrients 'yon sabi sa book na pinabasa ni Lolo Resttan."

Nagkatinginan nanaman kami ni Flair. Ang bata niya pa pero kung anu-ano na pinapabasa sa kaniya ni Resttan.

"Sabi ni Lola Lauressa kumain daw ako ng masustansyang pagkain para madaling mag-process ang info sa brain ko, tatalino ako," kwento niya pa.

"Sabi naman ni Lolo Leroi kapag daw nag-10 years old na ako maghanap na raw ako ng lalaking magpapakasal sa akin."

Nanlaki ang mata namin ni Flair at tinitigan siya.

"Sinabi niya 'yon?" Hindi ako makapaniwala.

"Opo. Sabi naman ni Lolo Laurent maging matapang daw ako sa lahat ng pagkakataon, protektahan ang pamilya at mahalin."

Ang dami na sa kaniyang naituro noong mamalagi siya sa America. Hindi ako makapaniwalang ganito na siya mag-isip.

Inakbay ni Shivelle ang maliliit na kamay sa batok namin ni Flair at pinaglapit ang mukha naming dalawa at saka bumulong.

"Kailan ako magkakaroon ng kapatid?"

Nagkatitigan kami ni Flair.

"Mom! Dad! I want baby boy," nginitiam niya kami nang malapad.

Ngumisi si Flair sa akin at inginuso ang anak. "She wants a baby boy."

Inirapan ko lang siya pero nakangiti.

"Baby boy! Baby boy!" Sigaw nang sigaw si Shivelle kaya tinawanan namin siya ni Flair. Nagkilitian ang mag-ama kaya masaya ko silang pinagmasdan.

My happy family..

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.