Chapter 99

Shine Clear's POV

"Ako na! Promise me dito ka lang?"

Tumango ako. "Basta iligtas mo sila."

Tumango siya at humalik sa noo ko. "Kuya Zaimon, pagpahingahin mo na si Zeal."

Tumango si z3 at iginaya ako papunta sa kwarto.

"Baby?" Tawag ko kay Flair."Mag-iingat ka."

Tumango siya bago umalis. Nang makapasok sa kwarto ay nanlamig ang katawan ko.

Nasaan si Shivelle Flear?

Pinakalma ko ang sarili at pumunta ng banyo. "My angel, are you there?" Walang sumagot kaya mabilis ko siyang hinanap.

"Kuya!" Tawag ko kay z3. "Nawawala si Shivelle!"

Nanginginig ang katawan ko. Saan 'yon pupunta? Hindi naman lumalabas 'yon ng di nagpapaalam. Hindi siya ganoong klase ng bata.

No, not my daughter.

Ginising namin sila at hinanap sa buong bahay pero wala talaga. Napaluha na ako dahil sa pag-aalala. Hindi 'yon basta-basta sumasama kung kani-kanino pero ang problema kapag tulog siya wala siyang pakialam sa paligid hindi mo siya basta magigising.

"Kuya, anong gagawin ko?" Tanong ko kay Kuya Zeke. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Nasa panganib ang mga pinsan ko at nasisiguro ko 'yon tapos ngayon nawawala ang anak ko. Parang naging wrong timing ang pagbubuntis ko dahil lahat ng kilos ko inaalala ko siya. Hindi tulad noon na basta lang ako makagalaw pero ngayon iba ang sitwasyon.

"Mahahanap din natin," inalo ako ni Kuya Zeke.

Maging sila mommy at daddy ay grabe ang pag-aalala. Buong gabi kaming gising at hinahanap si Shivelle. Tinatawagan ko si Flair pero parang nakapatay ang phone. Hindi ko alam kung naligtas niya ang mga pinsan ko.

Shivelle Flear, where are you?

Alam kong malakas siya pero dahil bata pa nga siya hindi naman siya makakapanlaban. Nagtre-training pa rin siya hanggang maging dalaga siya.

"Shivelle Flear.." bulong ko. "Nasaan ka?"

Javen Flair's POV

Pumasok ako sa penthouse kung nasaan ang location ni Diamond. Magkakahiwalay sila ni Taxon pero siya ang inuna ko.

Nagulat ako nang makita ko kung gaano kagulo ang penthouse. Nakita ko si Tyron na balisa at pabalik-balik.

"Pinasok kami! Hindi ko naprotektahan si Diamond dahil may humampas sa ulo ko!"

"Sino? Nakilala mo?"

"Hindi." Napahilamos siya sa mukha. "Hanapin natin siya. Tulungan mo ako."

Nagmamadali kaming umalis. Naghiwalay kami ni Tyron para madaling mahanap siya.

Sunod-sunod na nag-vibrate ang relo ko.

Si Kil.

Niliko ko bigla ang kotse at nakunot ang noo ko nang makitang sa park 'yon. Nagmamadali akong lumabas at hinanap siya pero ang nakita ko na lang ay ang relo niyang nakalapag sa sahig. Nakakalat ang bugkos ng rosas.

May nangyari sa kaniya. Nasaan siya?

Si Diamond at Kil nawawala kung naiwan niya ang relo rito malamang ay napaaway siya at hindi niya kinaya. Inis kong inihilamos ang kamay sa mukha.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang tumatakbong si Arah.

"Arah!" Tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at laking gulat ko nang makitang umiiyak siya. "Arah!" Tawag ko ulit sa kaniya pero tumakbo na siya at nakalayo.

Anong nangyayari?

Sinundan ko pa siya pero hindi ko na nakita. Nalukob ng pag-aalala ang isipan ko dahil hindi ko na alam kung sino ang hahanapin. Pinuntahan ko ang location ni Taxon. Laking gulat ko nang makitang abandonadong lugar.

Dito? Anong ginagawa rito ni Taxon?

Napatakbo ako nang makita kong bugbog na siya at hawak ng mga kalalakihan. Sinipa ko agad ang isa nang makalapit ako. Sinuntok ko ang pangalawa at umikot para sikmuraan ang pangatlo.

"No, Jave, no!" Sigaw ni Taxon. Napahinto ako sa akmang pagsipa. "'Wag kang manlaban. Nasa kanila si Diamond, Kil, ang mga Baider maging si Shivelle!"

Gumapang ang takot sa buong sistema ko. Nawalan ako ng lakas kaya nang may sumuntok sa akin ay agad akong natamaan at sunod-sunod na akong sinipa at sinuntok. Bugbog sarado ako pero hindi ako nanlaban dahil ang tanging nasa isip ko ay ang pamilya ko, ang mga Baider. Namanhid na ang katawan ko sa dami ng sugat na natamo. Hindi ko nanaman iyon naramdaman dahil mas nag-aalala ako kay Shivelle at sa mga Baider. Pamilya ko na sila, simula nang pakasalan ko si Zeal naging parte na ako ng pamilya nila kaya ganoon na lang ang pagmamahal ko sa kanila. Nilukob na ako ng kadiliman.

Nilalamig ako nang magising. "Ice? What the?" Hahawakan ko sana ang braso ko nang makitang nakatali ako sa upuan. "Shut! Ang lamig!"

Nagpalinga-linga ako, hinanap ko si Shivelle at ang iba pang Baider.

"Dad, I'm chilling."

Napaawang ang labi ko at kinabahan nang makita ko si Shivelle sa di kalayuan. Nandito rin si Taxon, Diamond, Kil, lolo, ang iba pang mga Baider.

"Baby.." nag-aalala kong tawag kay Shivelle.

Nakakulong kami sa isang kwarto na sobrang lamig napapalibutan ng yelo.

"Dad, I'm freezing," pinipilit niyang tanggalin ang pagkakatali pero di niya magawa.

Nagpumiglas ako pero mahigpit ang tali.

"Taxon, Kil, hey, Diamond.." tawag ko sa kanila. Pare-parehas kaming nakatali, duguan at sugatan.

"What the fuck?!" Inis na sabi ni Taxon at nagpumiglas. Ganoon din ang ginawa nila Diamond at nang iba pang Baider.

Paanong nakarating dito ang mga Baider, nasa America sila Resttan pero nakuha rin sila?

Sinong may gawa nito?

"Shivelle, apo," nag-aalalang sabi ni lolo.

"Lolo, nilalamig po ako."

"Shh.. baby. It's okay, you're a big girl, right?" Naawa ako sa anak ko maging sa lahat ng nandito.

Bigla ay nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko sila magawang iligtas katulad ng sinumpaan ko nang tanggapin nila ako.

May biglang pumasok at sinuntok agad si Mr. Baider.

"You bullshit!" sigaw ni Kil.

"Fuck you! Don't hurt my lolo!" Sigaw rin ni Diamond.

"You'll suffer. I swear," madiin na sabi ni Taxon habang nanlilisik ang mata.

"Damn you!" Sigaw ko rin.

Ngumisi ang lalaki. "Bakit naman galit na galit kayo? Isang suntok lang, eh. Ano pa kaya kung marami?" Sunod-sunod na sinuntok niya si Mr.Baider. Nagpumiglas ako nang nagpumiglas ganoon din sila.

"Sige! Punch and kick him! You'll see what I can do later," madilim ang matang sabi ni Resttan.

Matatanda na sila kaya siguro hindi nila nagawang manlaban. Ang ipinagtataka ko lang bakit nakuha silang lahat? Imposibleng hindi sila lumaban kung sama-sama naman sila. Kilala ko ang mga Baider hindi sila magpapatalo maliban na lang kung may alas na hawak ang kalaban kaya sila sumama.

"Ang yabang ninyo, eh, 'no? Imbes na magmakaawa kayo dahil wala namang magliligtas sainyo. Sama-sama kayong mamatay rito. Lalo na ito," tinuro niya si Mr. Baider at pinagsisipa.

Panay ang sigawan namin at pumiglas sa pagkakatali. Hindi ko kayang ginaganito ang pamilya ko. Hindi ko kayang manood lang!

"Asshole!" Gigil na sabi ni Taxon. "I'll kill you. I swear!"

"I bury you in hell!" Sigaw ni Leroi.

"How?" Nakangising sabi ng lalaki. "Matatanda na kayo. Ni-hindi nga makapanlaban ito," sinipa nanaman niya si Mr. Baider.

"I-i'm the r-reason why they're here, right?" Nanghihinang tanong ni lolo. "Edi ako na lang. Pauwiin mo na sila! Lalo na ang apo ko!"

"Hindi pwede. Family bonding ito," nang-aasar na sabi ng lalaki.

"Fuck you!" Sigaw ko. "Kapag ako nakaalis dito di mo na makikita ang liwanag sinasabi ko saiyo!"

"Talaga?" Mapang-asar niya akong tiningnan. "Eh, kung.." naglabas siya ng baril at itinutok kay Shivelle.

Gumapang ang takot sa buong sistema ko.

"Subukan mo! Ilalabas ko talaga ang mga organs mo!" Sigaw ko.

"Ang tapang mo," tumawa siya.

"Not my granddaughter!" Sigaw ni Mr. Baider.

"Magmakaawa muna kayo," sabi niya sa tonong nang-iinis.

"Don't push me to limit," mahina pero madiin na sabi ni Lauressa. "I swear. You'll end up suffering."

"Puro kayo banta. Wala naman kayong magawa," tumawa siya at marahas na itinayo si Mr. Baider. "Akin muna itong matanda."

"No! I'll kill you!" Sabay-sabay na sigaw namin. Pare-parehas tiim ang bagang at gigil sa galit.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.