Chapter 98

Tumango ako at pilit na ngumiti. Hinawakan niya ang tiyan ko at hinaplos 'yon pagkatapos ay hinalikan.

"Can't wait to see you, baby. Don't cry like your mom."

Hinaplos ko ang buhok ni Flair. Alam kong nahihirapan din siya pero pinipilit magpakatatag. Kumuha siya ng blower at blinower ang buhok ko.

"'Wag ka nang malungkot. Nalulungkot din ang anak natin. Alam mo ba 'yon?"

"Yes."

Matapos niyang iblower ang buhok ko ay inihiga na ako sa kama. Akmang tatayo siya pero hinawakan ko ang braso niya.

"Nagugutom ako."

"Anong gusto mong kainin?"

"Dragon fruit."

Ngumiti siya. "Bakit 'yon pa ang pinaglilihihan mo? Ayaw mo nga noon."

"'Yon ang gusto ko ngayon."

"Okay."

Pinigilan ko ulit siya nang akmang tatalikod. "Gusto ko rin ng pancake, chocolate cake, ice cream," nag-isip pa ako. Nakangiti niyang hinintay ang sasabihin ko pa. "Sopas at ano.." nagkamot ako ng pisngi. "Pwede ko bang makita si Kean?"

Nanlaki ang mata niya at awtomatikong napaawang ang labi. "Hell n--" masama ko siyang tiningnan. "Hell y-yes," mahina niyang sabi. Nakanguso niyang pinindot ang phone at mukhang tinawagan si Kean.

"Pumunta ka na lang! Puro ka reklamo! Isa.. dalawa.. good," pagkausap niya kay Kean sa phone.

"Cherish, pwede bang bukas mo na kainin ang iba? Magsopas ka na lang? Halo-halo na kasi 'yon sa tiyan mo."

Bumangon ako at nagdabog palabas ng kwarto.

"Okay! Sabi ko nga kakainin mo lahat... as in now."

Nakipag-usap siya ulit sa phone mukhang may inutusan bumili ng mga sangkap.

"Bilisan mo, ah.. yari ka sa akin kapag matagal kang dumating," ibinaba niya ang tawag.

"Parang gago! Natutulog na ako sa dis-oras ng gabi tatawagan mo ako! Kapal mo pa magpamadali, ah! Ano ka sine-swe--" natigilan si Rev nang makita ako. "Oh," inabot niya ang paper bag kay Flair. "Swerte ka nga sa akin."

Sunod na dumating ay si Kean. Naka-pajama pa at gulo-gulo ang buhok. Napangiti ako agad at tinakbo ang distansya namin saka siya niyakap.

"So cute!"

"Sa lahat ng taong pwede mong paglihihan siya pa," sabi ni Rev. Piniltik ni Flair ang noo niya.

"Kapag 'yan tinopak. Hayaan mo nga siya! Dami mo laging say!"

Nakangiti kong tiningnan si Kean at pinisil-pisil ang pisngi ko.

"Kapag ang anak mo naging kamukha ko baka mapagkamalang ako ang ama," nakangising sabi ni Kean. Masama siyang tiningnan ni Flair.

"Pasalamat ka talaga," gigil na sabi niya.

"Salamat," pang-aasar ni Kean. "Sana kamukha ko. Hehe."

"Gago!" Binatukan siya ni Flair.

"Guwapo talaga ako," nag-pogi sign pa si Kean.

"Gago hindi guwapo, bingi!" Binatukan siya ulit.

"Masakit na, ah!" Hinimas niya ang batok. "Hindi mo na ba ako love?"

Inis siyang tiningnan ni Flair. "Yuck! Kadiri ka! Kinikilabutan ako saiyo.."

"Ako lang ang love niya," pumulupot si Rev sa braso ni Flair at humalik pa sa pisngi. Halos tumalsik si Rev nang itulak ni Flair. Ang lakas ng tawa ng mga siraulo.

"Kadiri naman kayong dalawa! Umuwi na nga kayo!" Pinunasan ni Flair ang pisngi gamit ang damit niya kaya lumabas ang abs niya.

"Yummy," malanding hinaplos ni Rev ang abs niya na ikinangiwi ni Flair, iyong tipong diring-diri.

"Lumayas ka sa harap ko, pre! Baka masuntok kita!"

Malakas na tawa ang itinugon noong dalawa.

"'Yang si Kean lagyan daw ba ng suka ang spaghetti." Kwento ni Flair habang inaayos ang lulutuin.

"Suka?" Tumawa si Rev. "As in?"

"Oo."

Ang lakas nanaman ng tawa ni Rev kaya naglabasan ang mga Kuya ko.

"You didn't know? We're sleeping?" Inis na sabi ni Kuya Zen.

Napatakip sa bibig niya si Rev. "Hindi ako 'yon," tinuro niya si Kean."siya!"

"Ako pa, huh?"

"Utot mo, Rev," sabat ni Kuya Zeke at umakbay sa akin. "What are they doing here?"

Tinuro ko si Flair. "Inutusan niya si Rev at ito," pinisil ko ang pisngi ni Kean at ngumiti. Cute na cute talaga ako sa kaniya ewan ko ba. "Gusto kong makita."

Si Kuya Zaimon ay naghanap ng makakain. Ang nakita niya ay tinapay at sinubo iyon nang malaki.

"Ano ba yan, z3. Kaya ka tumataba."

"I'm hot," pinakita pa ni z3 ang muscle niya sa braso.

"Hon," napalingon kami kay Ate Ariela. Nag-hi siya sa lahat bago lumapit kay Kuya Zeke at may sinabi bago bumalik ulit sa kwarto nila.

Mag-asawa na sila ni Kuya Zeke. Si Kuya Zaimon ay may asawa na rin na ngayon ay nagbabakasyon sa ibang bansa. Maging si Kuya Zen ay nakapag-asawa na rin at may isang anak na isang taong gulang. Masaya na ang buhay nila. Kahit may mga asawa na rito pa rin sila nakatira para samahan sila mommy.

"Hmm?" Nagkamot si Kean ng noo. "Inaantok na ako." Tiningnan niya ako. "Anyways, Yannie is pregnant, too."

"Putek! Tag-buntisan ba ngayon?" Tumawa si Rev. "Gagawa na rin ba ako ng pangalawang anak?"

Tumawa kami. Tumayo ako at niyakap si Flair sa likuran habang nagluluto.

"Ano bang buwan ngayon? Grabe naman baka mamaya sabay-sabay pa silang manganak. Si Rozel, Elle at Yannie."

"Grabe ang inggit mo, Rev. Edi gumawa ka rin," malokong sabi ni Kuya Zeke.

Nag-alaskahan pa sila bago umalis ang dalawa. Si z2 ay yumakap sa akin.

"Na-miss kitang pikunin, Princess."

Inirapan ko siya. "'Wag mo akong aasarin ngayon baka sipain kita."

Tumawa siya. "Dito na lang kasi kayo tumira."

"Hindi pwede. Ayaw ni lolo, ako ang nag-aalaga sa kaniya."

"Bihira ka naman dumalaw rito."

"Sczajld," sabi ni Kuya Zaimon habang may nginunguya.

"Talking again while the mouth is full," inis na sabi ni Kuya Zen. "Makabalik na nga sa pagtulog." Umalis na siya at pumasok sa kwarto niya.

Humalik si Kuya Zeke sa noo ko. "Good night. Magpahinga kang mabuti at 'wag masiyadong stress," bumaling siya kay Flair. "Jave, alagaan mo ang asawa mo."

"Yes, sir," sumaludo pa ito sa kaniya.

Si Kuya Zaimon ay naupo sa tabi ko. "Matagal pa ba 'yan? Nagugutom pa ako."

"Seriously, z3? Ang dami mong kinain pati dala ni Rev na sa akin dapat."

"Eh, sa nagugutom 'yong tao."

"Ay, tao ka pala?" Sarkastiko kong sabi.

"Ano tingin mo?"

"Buwaya."

Tumawa si Flair. "Buwayang matakaw, Kuya."

Napalingon kami sa may pinto ng kusina nang marinig si Rev.

"May nakalimutan ako. Wala pa 'yang bayad pinamili ko." Lumapit siya kay Flair at kinap-kapan ito.

"Wala diyan ang wallet ko. Sabi mo kanina papasko mo na."

"Wala akong sinasabing gano'n, pre."

"Ang yaman mo pababayaran mo pa magkano lang 'yan."

"Wala akong pera, Jave, akin na ang bayad mo."

"Wala akong pera."

"Parang gago naman, oh. Bayad mo!"

Tumawa si Flair. "Iyak ka muna."

Binatukan siya ni Rev. "Akin na at ng makauwi na ako."

"Ayaw ko," pang-aasar ni Flair. May tono pa ang pagkakasabi niya noon.

"Akin na!" Inis na si Rev.

"Ikaw nga umutang ng sampong piso sa akin siningil ba kita?"

"Pre! Matagal na 'yon. High school pa tayo tanda mo pa rin?"

"Oo, di mo binayaran, eh."

Natatawa ko silang pinagmasdan kahit si Kuya Zaimon ay bumu-bungisngis. Sampong piso lang nagsusumbatan pa tapos ito namang impakto di na bayaran.

"Bayaran mo na!" Hinubad ni Rev ang tsinelas at pinalo sa balikat ni Flair.

"Siraulo ka!" Kinuha rin ni Flair ang tsinelas niya at matunog silang nagpaluan.

"Nakakarami ka na!" Sigaw ni Flair.

"Ikaw rin naman!" Pinalo ulit siya ni Rev. "Bayaran mo na! Ako na nga ang naistorbo ayaw pa akong bayaran? Ano ka sinu-swerte?"

"Swerte.. swerte ka pang nalalaman. Quits na tayo di mo rin ako binayaran noon ng sampong piso."

"Pre, panahon pa 'yon ni Rizal."

"Pera pa rin 'yon."

"Parang gago naman ang isang 'to! Mandurugas ka! Bayaran mo na!"

Para silang siraulong nag-aaway na sa huli ay inabutan siya ni Flair ng pera.

"Tae na! Bente pesos? Sigurado ka na ba dito?" Sinipat ni Rev ang pera. "Baka may sukli pa ito, pre?"

Nakangisi siyang tiningnan ni Flair."Keep the change." Kinuha niya ang gatas at ngumiti nang malapad. "Saan aabot ang bente pesos mo? Mag-cornetto ka!" Humagalpak ng tawa si Flair.

"May araw ka rin sa akin, Imperial!"

"Hihintayin ko 'yon, Sin?"

"Tae na! Kagigil ka, Jave. Nako! Di ko papapaskuhin si Shivelle tingnan mo!" Binatukan niya si Flair bago nagtatakbo palabas ng bahay.

"Siraulo ka! Bahala ka sa buhay mo! Di kita babayaran!" Sigaw ni Flair. Hinimas-himas niya ang batok. "Bahala talaga siya."

"Bakit kasi di mo na lang binayaran?"

"Inaasar ko," tumawa siya. "Naniningil pa siya ang yaman-yaman naman niya."

Nang matapos niyang lutuin ang sopas ay masigla akong kumain. Si z3 ay talagang naghintay rin ang takaw talaga ng kapatid kong ito.

Natigilan ako nang sa kalagitnaan ng pagkain ay sunod-sunod na nag-vibrate ang relo ko pati na rin ang kay Flair. Nag-pop up doon ang pangalan ni Kil, Diamond at Taxon na magkakaiba ang location. Napatitig ako roon.

Humihingi sila ng saklolo!

"Flair, ang mga pinsan ko!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.