Chapter 12 GOC-KTCK 31

“GOOD morning! Let’s go jog,” yaya ng ama ni Ashley na si Ron nang gumising siya kinaumagahan. Tumuloy ang mga ito sa bahay ni Rex na di kalayuan sa bahay nila Robinson. Kaya nagulat siya nang sabihin na sinusundo siya ng ama.

“Dad!”

“Come on. We haven’t bonded for a long time. Ngayon lang kita makakasama,” unot ng ama.

“Ashley, samahan mo na si Sir Ron,” sabi ni Robinson.

Napilitan siyang magbihis ng T-shirt at jogging pants para samahan ang ama na tumakbo. “Hindi po kayo hahanapin ng boyfriend ninyo?” tanong ni Ashley nang tumatakbo na sila.

“He is cooking breakfast. Ngayon mo lang ako makakasama nang hindi kita kailangang pilitin na iwan ang trabaho mo.”

Umungol siya. “Dad!”

Siguro nga ay may pagkukulang siya sa ama niya. May mga panahon na gusto nitong magkasama sila pero naka-focus lang siya sa trabaho.

“No. I am not criticizing you. Mula pagkabata ay ako ang nagsabi sa iyo na magtrabaho kang mabuti. Hindi ka makakarating sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi ka nagsikap. But look at you. Look at me. I lost your mother because I was too busy working.”

“Busy kayo na buhayin ang pamilya natin. We had just moved to the States. You wanted to give me a bright future.”

Umiling ito. “Pero napabayaan ko ang pamilya natin. I could have had a better relationship with your mother. I should have spent more time with her. Lumayo ang loob namin sa isa’t isa. Lumayo ang loob natin sa isa’t isa. Nagkaroon na tayo ng sarili nating mundo. Nalulong ako sa trabaho at sa sarili ko para makalimot. Ibinaon mo ang sarili mo sa pag-aaral at pagtatrabaho. At nang gusto kong maging ama sa iyo, hindi mo na ako kailangan. I don’t want you to waste your time. I don’t you to let love pass you by.”

“Love?” tanong niya at tumigil sa pagtakbo.

“Yes. Kayo ni Robinson.”

“Nagpapanggap lang po kami.” At ikinuwento niya dito ang tungkol sa kung paano niyang naging nobyo si Robinson habang nagpapahinga siya sa tabi ng irigasyon. Hindi niya inaasahan na mag-o-open up siya sa ama.

“But you have a chemistry, Ashley. At malaki na ang kaibahan mo kaysa nang huli tayong nagkita. You smile more often. Despite your initial outburst, you can control your emotions. Robinson is good for you.”

“But he likes someone else,” malungkot niyang usal.

“Ashley, where is your confidence? You are beautiful. Lahi tayo ng guwapo at magaganda. You are smart and when you love someone, you love fiercely. I am sure Robinson knows that. Tell him that you like him.”

Nanlaki ang mata niya. “No! It is too soon. At ako pa ang magsasabi sa lalaki na gusto ko siya?”

“Your mother told me that she likes me.”

“Really?” di makapaniwala niyang usal. “Totoo pala na ang biruan ninyo ni Mommy na siya ang nanligaw sa inyo.”

“And looking back, it is one of the happiest day of my life. Love was still pure that time. She is one brave woman. Kundi niya ginawa iyon, wala ka sa mundong ito. Torpe pa kasi ang daddy mo noon.”

“Mahalaga pa sa rin sa inyo si Mommy?”

“Yes. Despite her flaws, minahal niya ako. At naging masaya din kami. And I want you to be happy. There are no guarantees in this world. Maaring nagmamahalan kayo ngayon pero masasaktan ka rin. Naghiwalay kami ng Mom mo pero wala akong pagsisisihan. Kahit na ilayo mo ako kay Rex at di na ulit kami magkita, masaya ako dahil nakasama ko siya.”

“Sasama kayo sa akin pabalik ng States?” tanong ni Ashley.

“Yes. Kung iyon ang gusto mo. Ikaw pa rin ang pinakamahalaga sa akin, Ashley. Siguro may mga pagkukulang ako bilang isang ama pero gusto kong bumawi. Pwede din akong tumira sa New York. Ako ang mag-aalaga sa iyo.”

“Oh, Dad!” aniya at niyakap ang ama.

“Sana hindi pa huli ang lahat para ayusin ang relasyon natin. Nang mabuwag ang pamilya natin, nagkalayo din tayong dalawa. I didn’t do much to repair our relationship. I love you, Ashley, Kaya kahit isuko ko ang taong mahal ko para sa iyo ay gagawin ko.”

“Are you happy with Rex?” tanong niya at tiningala ito.

“Very happy. He breathed a new life in me. Dati di ko kailangan ng relasyon. Parang sinasayang ko ang oras ko sa mga taong di naman magtatagal sa buhay ko. With him, I wanted to stay with him. Hindi ko alam kung naiintindihan mo.”

“Naiintindihan ko, dad,” sabi niya. Ganoon din siya kay Robinson. Parang binigyan siya ng bagong buhay.

“Really?”

“Yes. So, if you want to stay, then stay with him. I won’t stop you.”

“Hindi mo ako pipiliting bumalik sa Amerika?”

“Kapag nagsumbong sa akin si Rex na pinasasakit ninyo ang ulo niya, I will send you back home,” banta niya dito.

Niyakap siya nito. “Salamat, Ashley. This is means a lot to me.”

“I love you, Dad. Hindi ko nasasabi matagal na, but I do.”

“I also love you, hija. At gagawin ko rin ang lahat. Gusto mo bang pikutin ko si Robinson para sa iyo?”

“Dad! I am not desperate. I can handle my own love life.”

“Can you really?”

“Ako na po ang bahala kay Robinson.”

“SABI ni Nanay magdala ka daw ng palutong at chicharon.” At inilapag ni Robinson ang tig-dalawang balot ng chicharon at palutong sa kama.

“Hindi kaya over baggage na ako?” tatawa-tawang tanong ni Ashley.

Nag-eempake na siya para sa pagbabalik niya sa Maynila. Sa isang buhay na ang flight niya pabalik ng Amerika. Nasa Manila na rin ang cellphone niya at laptop replacement. Makakabalik na siya sa normal na buhay.

“Mahirap na daw kasing maghanap niyan sa Amerika,” anang binata.

“Thanks. I really appreciate it. Mami-miss ko pag-aalaga ni Nanay Talia sa akin. Kayong lahat.”

“Ikaw din naman mami-miss namin. Secured na ang paintings?” tukoy nito sa mga paintings nito na ipapadala sa gallery bilang sample.

“Yes. Nai-send ko na rin sa kaibigan kong may gallery ang pictures ng paintings mo. He is really interested.”

“Huwag mong kalilimutan ang regalo ko sa iyo,” anang binata at tinanggal ang painting sa dingding. At binakbak ng binata mula sa kuwadro ang canvass. “Nalaman ko mula sa kay Rex na di mo na isasama ang dad mo pauwi. Maiiwan na siya dito.”

“Dito siya mas masaya kaya hahayaan ko na siya.”

“Payag ka na sa relasyon nila?”

“Di ko naman maibibigay ang kaligayahan at pag-aalaga ni Rex sa kay Dad. At hindi rin naman mabibili ang pagmamahal at pag-aalaga na iyon. That is priceless.”

Tinitigan siya ng binata. “Malaki na talaga ang nagbago sa iyo.”

“You changed me. Nakita na maraming mas importanteng bagay sa buhay. Thanks for changing my heart, Robinson.”

“Ashley...”

Ginagap niya ang kamay ng binata. “I like you.”

“Gusto rin kita,” anito at ngumiti.

Ipinilig ng dalaga ang ulo. “No. Not as a friend. I like more than a friend. I think I...” love you.

Subalit nabitin ang sasabihin niya nang katukin ni Jonnelyn ang pinto. “Kuya, may emergency. Binugbog daw ng anak ni Mayor si Lhala.”

Biglang binuksan ni Robinson ang pinto ng kuwarto. “Anong nangyari?”

“Pinagselosan kasi ‘yung artista na guest sa party. Inaway-away sa harap ng bisita. Tapos ginulpi tuloy siya ng anak ni Mayor.”

Sumasal ang kaba sa dibdib ni Ashley. Sinabi na nga ba niya’t di gagawa ng di maganda ang anak ni Mayor. Di niya maiwasang maawa kay Lhala.

“Nasaan si Lhala?” tanong ni Robinson.

“Nasa ospital sa kapitolyo. Wala nga daw gustong mag-alaga sa kanya at tumulong dahil malilintikan sa anak ni Mayor.”

“Aalis muna ako,” sabi ni Robinson. Halata ang pagkataranta nito. Nang mga oras na iyon ay parang may kutsilyong tumarak sa didbib ni Ashley. Animo’y naglaho siya sa mundo ni Robinson. Si Lhala na naman ang sentro ng daigdig nito.

“Huwag mong sabihin na pupuntahan mo siya, anak?” tanong ni Nanay Talia.

“Nay, kawawa naman si Lhala.”

“E paano naman ang nobya mo?” tanong ng ama ng binata at nilingon siya.

“Sige na. Puntahan mo na siya. Kailangan ka niya ngayon,” sabi niya kahit na masakit sa dibdib niya.

Hinalikan siya sa pisngi ni Robinson. “Thanks, Ashley.” At malungkot na lang niya itong pinagmasdan habang palayo kahit parang dinaganan ng hollow blocks ang dibdib niya. Di man lang niya nasabi dito na mahal niya ito.

“Bakit mo pinayagan si Kuya?” reklamo ni Jonnelyn.

“Kasama iyon sa minahal ko sa kanya. Di niya pinapabayaan ang mga taong nangangailangan sa kanya.” Dahil di niya mapipigilan si Robinson para saklolohan ang babaeng totoong mahal nito. Tapos na ang pagpapanggap nila.

“BAKA mahuli ka na sa flight mo, Ashley. Alam mo naman nuknukan ng traffic ngayon. Pupuntahan mo pa ba si Robinson sa ospital?” sabi ni Rex habang bumibiyahe sila paluwas. Ilang oras niyang hinintay ang pagbabalik ni Robinson mula sa pagdalaw kay Lhala pero di pa rin ito bumabalik.

“Gusto ko lang magpaalam sa kanya at magpasalamat,” aniya at malungkot na itiningin ang mata sa labas. Ayaw niyang umalis ng Pangasinan nang di niya personal na nakakausap ang binata.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa Pangasinan Provincial Hospital. Kinakabahan pa siya nang katukin ang suit na inookupa ng dalaga. Si Robinson ang nagbukas niyon. “Hi!” bati niya sa binata. Magulo pa ang buhok nito at mapungay ang mata. Mukhang kagigising pa lang.

“Ashley! Sorry kung hindi na ako nakapunta para ihatid ka. Hindi ko kasi maiwan si Lhala,” anito at inilahad ang kamay sa hospital bed.

Nang lumapit siya ay halos di na makilala ang mukha ng babae dahil puso pasa. Nakabenta din ang braso nito at ang binti. Malayo ito sa maganda at mataray na Lahlal na nakikita niya. Bagamat tulog ito ay bakas ang sakit sa mukha. Kahit na may di sila napagkasunduan ng babae, hindi niya hihilingin sa pinakamortal niyang kalaban ang pinagdadaanan ng babae.

“How is she?”

“She’s still not okay. May fracture siya braso at binti. She is bruised all over. Inaasikaso ng magulang niya ang kaso dahil si Mayor mismo ang nagpakulong sa anak niya.”

“Good. Mabuti naman at di niya kinukunsinti ang anak niya. Dapat lang iyon sa kanya,” aniya at itinaas ang baba. Buti naman at di nawala ang sampalataya niya sa sangkatauhan. May mga magulang pa rin pala na di kusintidor sa kalokohan ng mga anak.

“I am sorry. Hindi kita maihahatid sa airport. Hndi kasi ako makaalis dito.”

“I understand. Importante ito sa iyo. Kailangan ka ni Lhala ngayon.” Ito na ang pagkakataon ng binata para makasama ang babaeng mahal nito.

“Ashley, importante ka rin sa akin.”

“I know. And I understand. Sana gumaling din si Lhala. Sigurado ako na magiging masaya siya kapag nakita ka niya sa tabi niya. Iyon naman ang gusto mo, hindi ba? Iyon ang plano natin. Na makita niya sa wakas kung sino talaga ang nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya.”

Importante siya kay Robinson bilang kaibigan. Hanggang doon lang. Di naman nito kailangan pang sagutin kung gusto rin siya nito dahil alam niya kung para kanino ang puso nito.

“Robinson! Huwag mo akong iwan,” ungol ni Lhala at inangat ang kamay.

“Imust get going.” Kinintalan niya ng halik sa pisngi ang binata at saka nagmamadaling lumabas ng silid. “Goodbye, Robinson.”

Pumatak ang luha sa mata niya habang naglalakad palayo. Tanggap na niya na mas mahalaga si Lhala kaysa sa kanya. She was just a fake girlfriend. Si Lhala ang talagang mahal nito. Pero gusto niyang maging masaya para kay Robinson. Nakita ni Lhala na karapat-dapat itong mahalin. Na ito ang totoong maaasahan ng binata. Natupad na rin ang pangarap nito.

At siya, masaya na siya na naging parte siya ng buhay nito kahit sandali lang. Hindi niya makakalimutan ang Pasko na iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.