Chapter 31

Lechugas na limang araw 'yan namumuro na sa akin!

"Cry until you are drain, the pain will automatically stop when time goes by."

"Sabi ko na nga ba, eh. Wala namang masaya sa umibig sasaktan ka lang at paiiyakin."

Tumawa si Roex. "Hind 'yon tunay na pagmamahal kung hindi ka nasaktan."

Ngumiti ako at tinanggal ang luha na patuloy pa rin sa pagpatak. "Babawi ako sa sarili ko magpapalakas ako at muling bubuoin ang sarili. Punyeta naman kasi! Ang rupok ko," tumawa ako. "Kaunting lambing at pag-aalaga hulog na. Ano bang klaseng puso mayro'n ako?"

Tumawa si Roex. "Pusong marupok at madaling mahulog." Natawa rin ako. "Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita?"

"Tara na. Hindi na ako magpapa-choosy ayaw ko mag-bus baka mamatay na ako this time," tumawa ako.

"Why? Is there something happened that makes you pessimist? Hindi ka ganiyan noon noong—" nag-iwas siya ng tingin at tumikhim pa, "noong tayo pa."

"People change, Roex, anyways, ayaw ko magkwento. May mga bagay na kahit matagal nang nangyari, masakit pa rin."

"Eh, 'yong break up natin noon? Masakit pa rin

ba?"

Tinitigan ko siya at pilit hindi inisip ang emosyon sa mata niya.

Tumawa na lang ako para maitago ang kuryosidad sa emosyon niya.

"Bata pa tayo noon. Wala na 'yon."

Tipid siyang ngumiti. "Y-yeah, just a-asking." Tumayo na siya at naglahad ng kamay. "Let's go?"

"Hmm," tinanggap ko ang kamay niya at tumayo na

rin.

Masakit pa rin ang dibdib ko at parang tinutusok buti hindi na gano'n kalala dahil sa weirdong Denmeir na 'yon.

Sa hindi ko inasahan, napangiti ako nang maalala ko ang mga kaabnormalan niya sa buhay, pero nang maalala ko ang ginawa niya agad napalitan 'yon ng sakit at galit.

Nang marating namin ang bahay, binuksan ko ang kotse. Laking gulat ko nang makita ko si Denmeir na nakaupo sa labas ng gate namin.

"Buko pie?"

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na nga!"

Lumuhod siya sa harap ko at umiyak nanaman. "Ayaw kong mawala ka hindi ko kaya!"

Peke akong tumawa. "Another drama?"

"Hindi ako nagda-drama."

"Wala tayo sa roleplay kaya 'wag kang mag-inarte! Umuwi ka na kung ayaw mong tumawag pa ako ng tanod para hilahin ka!"

"Ailey, please?"

Akmang yayakap siya, pero humarang si Roex. "Umuwi ka na baka kailangan niya ng space, ibigay mo."

Sinilip niya ako mula sa likod ni Roex. "Okay lang na hilingin mo na umalis ako sa harapan mo, pero 'wag mong hilingin na mawala ako sa buhay mo dahil hindi

ko kaya, Ailey." Tumulo nang tumulo ang luha niya. "Mahal kita, 'yon ang totoo."

Inirapan ko siya at tinalikuran na papasok sa bahay. "Good night, Buko pie. Visit me in my dream."

"Kahit sa panaginip ayaw kong makita ang mukha mo." Nangngitngit ang mga ngipin ko sa galit. "Sana… namatay ka na lang."

"Thanks, Roex," patalikod akong nagpaalam sa kaniya.

Diretso akong pumasok sa loob ng bahay. "Ailey, anak, anong nangyari sa—" "Ayaw kong makipag-usap, 'nay."

Binagsak ko ang pinto ng kwarto ko at doon na umiyak. Napadausdos ako sa likod ng pintuan. Mas lumakas pa ang hagulgol ko nang maalala ko na minsang nagkatabi kami rito.

Akala ko pagmamahal 'yon? Pagpapanggap lang pala!

Humiga ako sa kama at tinakip ang kumot sa mukha. Magdamag akong umiyak sa sakit na nararamdaman ko.

Denveir, hindi mo naman kailangan ipagawa ang bagay na hindi mo nagawa kasi noong makilala kita naging masaya ako kahit sa kaunting panahon lang. Naramdaman ko ang totoong pagmamahal na kahit sa kamatayan mo ay ako pa rin ang iniisip mo. Salamat sa mga alalala, pero hindi ko mapapatawad ang panloloko ng kapatid mo.

Natutunan ko siyang mahalin at kaya ko rin siyang kalimutan.

Maaga akong gumising kahit puyat pa. Inis kong tiningnan ang sarili sa salamin dahil mugtong-mugto ang mata ko. Kahit hindi ako nagpu-pulbo man lang ay ginawa ko para kahit papa'no ay matakpan ang kapangitan ko. Itinali ko na ang buhok ko at walang ganang lumabas ng kuwarto. Ang daming tanong nila nanay at tatay, pero hindi ko sila sinagot.

Nagulat ako nang paglabas ko ng bahay nasa labas na si Denmeir, may dalang bugkos ng sunflower at nakangiti kahit ang mga mata ay namumugto rin.

"Good morning, Buko pie," pilit niyang pinasigla ang boses, pero bigo siya, gumaralgal 'yon.

"Walang maganda sa umaga kung 'yang mukha mo ang makikita ko."

"I love you."

Napairap ako at handa na sana siyang lampasan nang iabot niya ang sunflower. Kinuha ko iyon at diretsong itinapon sa basurahan. Nagmadali akong iwan siya.

"Kapag handa ka na sa paliwanag ko kausapin mo lang ako." Habol niya sa akin.

Maging sa pagsakay ng bus ay nakasunod siya. Hindi ko na siya pinansin. Itinuring ko siyang parang hindi kilala. Hinatid niya ako sa room ko, pero wala akong pakialam.

"Ailey? Bakit ganiyan ang hitsura mo?" Nagtatakang tanong ni Cess.

"Wala 'to."

"Umiyak ka? Anong—"

"Wala lang 'to. 'Wag mo akong intindihin."

"Pero—"

"Mag-aral na tayo. Hindi ako bubuhayin ng lecheng pagmamahal na 'yan mas mahalaga ang pag-aaral para makatulong sa pamilya."

Ikinagulat ko nang yakapin ako ni Cess. Tumulo ang luhang pinipigilan kong pumatak.

"Nandito lang ako."

"Malamang, alangan namang nandoon ka, eh, nandito ka nga sa harap ko."

"Nagagawa mo pang magbiro."

"Okay lang ako parang namatayan lang ulit ako. Sige na, review na tayo para sa quiz."

Nang uwian ay nakita ko nanaman si Denmeir na hinihintay ako.

Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang pasensiya mo.

Kinuha niya ang bag ko kaya binigay ko naman. Hindi lang 'yon, padarag ko ring pinabuhat ang makapal kong libro.

Wala akong balak makipagbati kung 'yan ang akala

mo.

Nagpatiuna akong maglakad hanggang marating ang sakayan ng bus. Nakipagsiksikan kami at kitang-kita kong nahihirapan siya dahil sa mga gamit kong dala niya.

Magdusa ka.

Tumayo lang kami dahil wala nanamang upuan.

Kapag napapasulyap ako sa kaniya, ngumingiti siya.

Ako naman ay parang hindi ko siya kilala.

"Magkaaway kayo, 'no?" Umepal nanaman ang konduktor.

"Hindi, nagtatampo lang ang buko pie ko," nagawa pang ngumiti ni Denmeir.

"Kaya pala parehas mugto ang mata ninyo," nakangising bumaling sa akin ang konduktor.

Inabot ni Denmeir ang bayad namin.

Pakialamero sa buhay ng iba itong si Manong konduktor. Siguro wala siyang magawa kaya kami ang pinagdidiskitan.

Tinapik niya ang balikat ni Denmeir. "Suyuin mo lang at ipakita ang halaga niya. Mawawala rin ang galit niyan."

Nagkunwari akong walang narinig. Binaling na lang ang atensyon sa mga gusali sa labas.

"Thanks, Bud," rinig kong sabi ni Denmeir.

Napalingon ako nang tumawa ang konduktor. "Wala pa ring forever."

Tumalikod na siya at kinuha na ang bayad ng iba.

Pinanood ko ang likod niya na palayo na sa amin.

Kung minsan may mga tao tayong nakakasalamuha na ‘di natin alam na napapamahal na sa atin.

"Buko pie ko," hinarap ni Denmeir ang mukha ko sa kaniya.

Tinaas ko lang ang kilay ko. Nakita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya, pero pinalis niya agad at suminghot-singhot.

Nang marating namin ang bahay, patay ang ilaw kaya kumunot ang noo ko. Hinanap ko agad ang switch, natigilan ako nang pagbukas ko may lobong letters na kulay silver. Pinakatitigan ko ang mensahe niyon.

"Happy fifth monthsary, Buko pie."

Mabilis akong pumasok sa kuwarto at ni-lock 'yon. Tinakpan ko ang bibig ko dahil ayaw kong marinig niya ang hagulgol ko. Napahawak na ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang paninikip nito at ang dumadaloy na kirot.

Kinatok ako nang kinatok nila nanay, tatay at Denmeir, pero hindi ko binuksan ang pinto.

"Kung akala mong iiwan kita, hindi ko gagawin 'yon." Rinig kong sabi niya sa likod ng pintong kinasasandalan ko. "Happy fifth monthsary… I wish you won't be mad at me tomorrow. I'm hoping that when I wake up, I'll see your beautiful smile… my buko pie," gumaralgal na ang boses niya. "I miss you."

Sandaling namutawi ang katahimikan. Bubuksan ko na sana dahil akala ko wala na siya, pero natigilan ako sa pagpihit ng doorknob nang magsalita siya ulit.

"My life depends on you… my happiness is you."

Pinalis ko ang luhang patak nang patak, pero kahit anong tanggal ko patuloy pa rin ito sa pag-uunahang bumagsak.

"I know it's crazy, but five days with you was the best days of my life. Being with you everyday, I feel contentment."

Napaupo ulit ako at niyakap na ang mga tuhod. Pilit na hinihinaan ang tunog ng pag-iyak.

"Funny, but I'm in love with my twin brad's love of his life."

May kung ano sa akin ang huminahon dahil sa kalma ng boses niya at lambing ng pagkakasabi niya.

"I can't push you to forgive me, but… I just want you to know that it hurts me. Damn, this will be the cause of my death." Sandaling natahimik siya ulit. "I

want to marry you, Ailey. I want to be with you for the rest of my life."

Sana totoo 'yang sinasabi mo at hindi galing sa notebook ni Denveir.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.