Lumipas ang ilang linggo na gano'n pa rin ang set up namin ni Denmeir. Para siyang aso na sunod nang sunod kahit hindi ko naman kinakausap.
"Ailey!"
Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. Nasa hallway kasi ako ng Laurente dahil sa haba at laki nito ‘di ko agad nakita kung sino ang tumatawag.
"Bulaga!"
"Ahhh!" Napasigaw ako at nabitawan ang libro kong hawak nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Aenes Pristine Santiago.
Tumawa siya nang malakas maging ang mga kasama niya na sina Keyar Atkinson, Miyell Almildrez, at Delight Areana Laganzo.
Sila ang mga best of friends ko. Ewan ko ba rito ngayon lang nagpakita. Ako lang kasi ang nahiwalay sa kanila ng course, lahat sila ay nag-BS in Biology.
"Hi, baby ko." Umakbay sa akin si Keyar at pinisil ang pisngi ko. Tinanggal ko ang braso niya at kinurot ang tagiliran niya.
"Aray! ‘Di mo ba ako na-miss? Ngayon ka na nga lang namin nakita kukurutin mo pa ako."
Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.
"Kumusta ka naman? Siguro may boyfriend ka na? Magkwento ka naman sa amin," umiral nanaman ang pagiging bungangera ni Aenes Pristine, short for AP.
"Wala 'no."
Pinaningkitan ako ng mata ni Miyell, sa aming lima siya ang magaling magbasa ng emosyon kaya naman suko na ako.
"Fine, I'm broken hearted."
"Okay lang 'yon, baby ko. Akin ka na la— aray!" Pinalo siya Miyell.
"Ang landi mo! Walang talo-talo! Solid nematodes
'to!"
Nilingon ko si Delight na magkakrus ang braso sa dibdib. Siguradong inip na siya at gusto nang umalis.
Si Miyell ay matalino wala siyang ginawa kung hindi ang magbasa ng libro na kahit psychology book ay pinapakialaman niya. Kaya ang kapal ng eyeglasses niya, maraming pimples kasi laging puyat dahil ‘di niya tinitigilan ang libro hangga't ‘di niya natatapos. ‘Di rin uso sa kaniya ang magsuklay ng buhok kaya si Delight ang laging nag-aayos sa kaniya. Kahit gano'n siya maganda pa rin naman siya sa paningin ko. Tahimik lang din siya sa ibang tao, pero pagdating sa amin lumalabas ang ingay niya. Mahilig siyang mag-obserba sa paligid niya kabaliktaran naman ng maingay na si Aenes, hindi matatapos ang isang araw nang hindi siya nakapagdaldal.
Si Delight naman ay palaging hawak ang salamin at todo paganda gamit ang liptint at powder, pero maamo ang mukha niya na hindi mo aakalaing maldita pala. 'Wag kang papauto sa babaeng 'yan mahilig manghingi ng libre, mukha lang siyang may kaya, pero pare-parehas lang kaming mahirap na nakakuha lang ng scholarship sa Unibersidad de Laurente.
Si Keyar, babaero dahil sino ba naman ang hindi? MVP ng basketball palagi rito sa Laurente. Hindi mo rin siya mapaghahalataang mahirap kaya nga siya sumali sa basketball team para makalibre ng tuition. Atkinson ang
apilyedo niya dahil inampon siya ng babaeng matandang Americano wala na kasi siyang magulang, namatay na, pero ilang taon lang namatay din ang nanay-nanayan niya wala naman siyang nakuhang mana dahil napunta 'yon lahat sa tunay niyang anak.
Sometimes, I'm thinking of what will happen if Key meets his the one? I'm pretty sure he will be insane. We're best friends since high school dahil iisa lang ang pinanggalingan namin.
Umakbay si Delight kay Keyar. "Tara, libre mo ako."
Umasim agad ang mukha ni Keyar. "Kapag naglalambing ka laging may libre?"
"Minsan lang, Key."
"Minsan na pala ngayon ang araw-araw?"
"Whatever, Susi."
Umakbay rin kay Key si AP. "Ako rin."
"Ako rin, ‘di ba, kakakuha mo pa lang ng allowance galing sa Laurente?" Nakangiting sabi ni Miyell.
"Talino mo talaga, ang lakas ng pakiramdam mo na kahit kuhaan ng allowance alam mo," tatawa-tawang sabi ni Key.
May pinakitang reminder sa phone si Aenes. 'Ngayon ang araw ng kuha ng allowance ni Susi.' Iyon ang nakalagay kaya nagtawanan sila.
"Una na ako," paalam ko sa kanila, pero ‘di pa man lang ako nakalalayo may apat na brasong umakbay sa akin at hinila na ako papunta ng canteen.
Talaga 'tong mga ito.
Hila-hila nila ako papunta ng canteen hanggang sa makaupo.
"Sana may reminder din sa phone mo, AP, kung kailan ang birthday ko, 'no? Para may regalo kayo sa akin hindi 'yong tatlong pirasong watta tops lang na nilagyan ng espermang gamit pa. Nakakahiya naman," dire-diretsong sabi ni Key kaya natawa kami.
"Pasalamat ka nga may surprise, eh," malakas ang tawang sabi ni AP.
"'Wag ka ngang tumawa, nakaka-Aenes ka!" Iritadong sabi ni Delight.
Paano ba naman kasi sa lakas ng tawa ni AP nakakabingi buti man lang kung maganda ang tawa niya kaso hindi, para siyang witch na tumatawa.
"Ikaw na homo sapiens sapiens ka ang sungit mo
talaga kahit kailan. Paano ka magkaka-boyfriend?" Pang-aasar ni AP.
"Duh! Di ako naghahanap ng boyfriend. Hindi mo katulad pati number na nakasulat sa bente pesos pinatos mo magka-lovelife lang."
Ang lakas ng tawa naming apat.
"At least nag-reply." Pinakita pa ni AP ang phone niya. "Kaso mukhang woman hater."
"Kabaliwan mo," tatawa-tawang sabi ko.
Inagaw naman ni Miyell ang phone niya at malakas na binasa ang text.
"Get lost. Ayaw ko sa malaki ang bibig," malakas na tumawa si Miyell.
Nagtawanan na naman kami. Tumayo si Key at om-order na ng pagkain namin.
"Akin na nga!" Masama naman siyang tiningnan ni AP. "Malaki raw ang bibig ko kahit hindi naman? Baka madaldal lang kamo."
"Patingin, nganga," sabi ni Delight at hinawakan ang baba niya. Ang loka-loka naman ay ngumanga nga. Hindi namin nahalata na may hawak na palang crumpled paper si Delight na isinubo sa kaniya.
"Pwe!" Niluwa ni AP ang papel at saka marahas na sinabunutan si Delight. "Gaga ka talaga! Ang pangit ng lasa!"
Hindi na natapos ang katatawa namin hanggang dumating si Key.
"Oh, kumain na kayo. Nakakahiya naman sa inyo. Daig ko pa ang tumatae ng pera," sambit ni Key habang nilalapag ang kanin at ulam sa lamesa pati na rin ang bottled water.
"’Di ako magpapasalamat," sabi ni AP.
"Ako rin," segunda ko.
"Me too," sabi ni Delight.
"Hindi rin ako," sabi naman ni Miyell.
Biglang inagaw ni Key ang pagkain kaya naman sabay-sabay kaming nagsalita.
"Thank you!" Inagaw namin ulit ang pagkain at nagsimula nang kumain dahil baka magbago pa ang isip niya.
"Buti naman. Kayo na nga nilibre. Sana mabulunan kayo."
"Ang alat naman," reklamo ni AP.
"Kulang ang ulam," sabi naman ni Delight."
"Ang daming kanin," segunda ko.
"Reklamador talaga kayo, Nematodes?" Nakataas ang gilid ng labi na sabi ni Key.
Natahimik na kami at kumain. Dumighay pa si AP kaya naman kinurot ni Miyell.
"Etiquette."
"Kurutera ka talaga. Sorry naman, clever mind. Susumbong kita sa ka-textmate ko."
"Sumbong mo! Baka i-dissect ko kayo parehas."
"Baka unahan kita." Nagbuklat si AP ng kung ano sa bag niya. Nakuha niya ang dissecting kit niya. "Ano?"
Nag-make face si Miyell at ‘di na siya sinagot.
"Dahil nilibre ko kayo mag-dare tayo," nakangising sabi ni Key.
"Ano nanaman, Susi? May quiz pa tayo sa zoology." Reklamo agad ni Miyell at kumuha ng libro para mag-review.
"Ailey?"
Nilingon ko si Delight na titig na titig sa akin. "Pansin ko ang laki ng eyebags mo?"
"Busy lang sa school."
"At tahimik ka rin," nagtatakang sabi ni AP. "Nako, delikado na 'yan baka bigla ka na lang magbikti riyan."
"Sira! Marami lang kaming ginagawa."
Masakit pa kasi ang puso ko.
Ayaw kong sabihin sa kanila dahil mag-aalala lang sila sa akin.
"Tara, dare na!" Masiglang sabi ni AP. "Para naman matuwa 'yang si Ailey Espinar na Nematoda."
"Sige na nga," ngumiti ako. "Na-miss ko rin kayong ka-bonding, Nematodes!"
"Yohoo!" Sigawan namin at parang mga baliw na tinaas ang kanang kamay habang winawagayway sa ere at yinuyugyog ang ulo.
"Game!"