Nagmaiba-taya kami at ang nakakatawa si Key ang unang gagawa ng dare.
"Yes!" Malakas na sigaw ni AP.
"Sino magpapagawa ng dare?" Tanong ni Miyell.
"Siyempre ako muna," tatawa-tawang sabi ni AP. "I dare you to go in front of many people and read the letter of your admirer."
Natigilan ako at napatitig kay Key. May admirer pala siya na nagpapadala ng love letter? Masiyado na akong outdated sa mga buhay nila.
"'Wag na 'yon! Nakakahiya!"
"Bilisan mo na! Ang hindi makakagawa nito isang linggong alipin namin," sinundot-sundot ni AP ang pisngi niya.
"Fine!"
Tumayo si Key at may kinuha sa bag na sa tingin ko ay letter.
"Lakasan mo, huh?" Pahabol ni Delight.
Nahihiya namang tumayo sa harap si Key.
"Ahem," tumikhim siya nang paulit-ulit bago nagsalita. "Dear Mr. Basketball player," napalunok siya nang makitang naglingunan ang mga tao at napahinto sa ginagawa nila. "Hehe, ano, ahm," nagkamot siya ng ulo kaya tawa kami nang tawa dahil namumula na siya sa kahihiyan.
Masama niya kaming tiningnan bago ulit nagsalita. "Hi, I'm embarrass to confess my feelings for you that's why I gave this letter. My heart thumps when I saw you playing basketball. You don't know how much I admire you… here is my poem for you. I wish you will like it."
"Ayie!" Sigawan ng mga tao sa canteen.
"Grabe ka naman, Keyar!"
"Ang pogi mo, Fafa!"
"Mr. MVP!"
Sigawan ng mga babae, pero ang ilan ay masama ang tingin. Siguro ay naiinggit dahil sino ba naman ang hindi nakakikilala kay Key?
"When I stare at you my heart is trumping in craziness. I feel the memorable happiness. Even though, you can't look at me back. I wish someday I get the luck. Your attention can't arouse by me. Your eyes can't look at me. Despite those, you still giving light at night to me like the moon. I want you to know that you're the star that I want to own."
"Ayie!" Nangibabaw ang malakas na tili at kantyawan sa canteen. Tumakbo agad si Key at umupo. Nagtakip siya ng mukha dahil sa kahihiyan.
"Pasalamat ka ‘di ako pumapatay ng kapwa ko Nematodes!" Asik niya kay AP na tinawanan lang.
Sunod na magde-dare ay si Delight. Si Key naman ang magpapagawa.
"Tumayo ka rin doon at mag-tiktok."
Natawa kaming apat, padabog namang pumunta si Delight. Bago mag-tiktok ay bumaling sa amin nang nakangisi. Parang pabor sa kaniya ang gagawin dahil mahilig siya roon.
At ang nematoda hindi na nahiya! Nanghila pa ng lalaki at kumindat. Kuhaan daw siya ng video. Sa harap ng maraming tao para siyang baliw na sumayaw roon habang kumakanta. Kinekembot ang pwet habang may tinuturong kung ano sa taas.
"Ikaw na ang may hawak ng dati kong mundo…" paiyak-iyak pa siya kunwari kahit wala namang boyfriend. "Makita lang siya na masaya.. ay masaya na rin ako."
Ang loka-loka si Lee Min Ho ang iniiyakan na may picture pa sa bago nitong girlfriend na hindi ko kilala. 'Yong babae sa goblin.
"Kailan mo pa naging ex si Lee Min Ho?" Tatawa-tawamg sabi ko.
"Ay, outdated ka na, Nematoda."
"'Wag kang feelingera! Eww! Kakapanindig-balahibo." Maasim ang mukhang sabi ni AP.
"Manahimik kang Araling Panlipunan ka!" "Aenes Pristine 'yon! Hindi Araling—" "Ang ingay niyo," saway ni Miyell. Sunod na nag-dare ay si AP.
"Punta ka roon," tinuro ni Delight ang mga lalaki sa ‘di kalayuan na nakatalikod sa gawi namin. "Pili ka ng isa tapos sabihin mo natatae ka na."
"What the! Sapakin kita!"
"Dare 'yan sundin mo na," tatawa-tawang sabi ni
Key.
Tumayo siya at nanlilisik ang matang tumingin kay Delight. "Sunugin ko kilay mo kapag nag-over night kayo sa bahay. Ipapakain din kita sa alaga kong ahas."
"Kung kaya mo!"
Pinanood namin ang paglayo niya. Ang Nematoda ganap na ganap kunwari pa siyang namimilipit sa pagpipigil na nakahawak pa sa may bandang tiyan niya at nakangiwi.
"Kuya!"
Nilingon siya ng mga lalaki.
"Bakit?"
Saka ko lang napansin na sila TK pala 'yon kasama niya si Norman, Jessie at ang kapatid niyang si Taxon Ken.
"Natatae na ako!"
Napanganga ang mga lalaki sa sinabi niya bago sila nagtawanan. Si Taxon Ken naman ay parang nawalan ng gana kumain kaya naibaba niya ang kutsarang hawak. Si TK ay halos di na makita ang mata sa lakas ng tawa. Si Jessie ay halos mabulunan pa sa iniinom niyang tubig.
"Mukha ba akong inidoro?" Tatawa-tawang ani ni Norman.
Nang mapatingin siya rito ay agad akong nagtago buti hindi ako nakita.
"Hindi, mukha kang pwet!"
Tumakbo si AP pabalik dito sa amin habang malakas ang tawa niya pati na rin kami.
Loka-loka talaga siya kahit kailan.
Sunod naman ay si Miyell. Nakangisi siyang tiningnan ni AP. "Tayo ka roon sa harapan tapos kantahin mo 'yong 'Like a virgin' by Madonna habang nagse-sexy dance."
Wala pa man lang ay malakas na ang tawa namin. Sa ugali ni Miyell seryoso sa mga bagay-bagay ewan na lang. Nakasimangot siyang tumayo at pumunta sa harapan. Nagsimula siyang kumanta.
"Hoo, like a virgin touched for the very first time…" para siyang baliw na kumikislot doon at humahaplos sa hita niya kaya naman kinakantyawan siya ng mga lalaki. Ang iba ay napahinto pa sa paglalakad para lang panoorin siya. Sa dami ng tao sa canteen sobrang nakakahiya na ang pinaggagagawa namin sa buhay namin.
Yari ako nito mamaya!
"Woah!"
"Sayawan mo pa, Baby!" Sigawan nila.
"Like a virgin…" masama niya kaming tiningnan. "When your heart beats next to mine. Gonna give you all my love, Boy… My fear is fading fast. Been saving it all for you 'cause only love can last."
Pagkatapos noon ay pumasok siya sa ilalim ng lamesa para magtago kaya tawa kami nang tawa. Ang ingay sa canteen dahil sa kantyawan nila. Malakas naman ang tawa naming apat.
Maya maya ay lumabas na rin si Miyell. Pawisan ang gaga.
"Your turn, Ailey." Nakangisi akong tiningnan nilang apat.
Napakamot ako sa ulo ko at kinabahan. Mukhang ako naman ngayon ang mapapahiya.
"Since, kaka-break niyo lang ng boyfriend mo. Manghalik ka ng unang lalaking papasok sa pinto." Tinuro niya ang glass door.
"Bakit halik? Grabe naman! Nakakahiya 'yon! Paano kung mabaho? O mukhang unggoy? O ‘di kaya naman masuntok ako dahil may girlfriend pala?"
"Problema mo na 'yon!" Sabay-sabay nilang sabi matapos ay nagtawanan.
"Go, baby ko," pang-aasar ni Key.
"Sa pisngi lang, ah?"
Tumango sila. Naghintay kami ng unang lalaking papasok. May pumasok na mga babae. Kinabahan ako nang 'yong matandang professor ang papasok.
"No!"
Tumawa sila, pero agad ding natigilan nang biglang umikot ang prof. at umalis kaya nakahinga ako nang maluwag.
Tumigil ang mundo ko nang makita ko ang lalaking naglalakad papasok at nang magtama ang paningin namin parang nakalimutan ko na ang huminga.
"Ang pogi!" Impit na kinilig ni AP.
"Swerte mo!" Nakangiting sabi ni Delight.
Unti-unting naglakad palapit sa amin ang lalaki.
Nakangiti at may hawak na box ng buko pie