"Buko pie ko." Lumapit si Denmeir at akmang yayakapin ako, pero tumayo na ako.
Handa akong maging alipin sa loob ng isang linggo 'wag lang halikan ang lalaking ito.
Natigilan silang apat at napamaang ang mga labi. May kislap ng pagtataka sa kanilang mata. Hindi sila nagsalita na sa tingin ko ay nakuha nila kung sino ang lalaking ito.
"Buko pie? Please, mag-usap tayo."
Hinawakan ako ni Denmeir sa braso, marahas ko 'yong tinanggal.
"Please?" Nagmamakaawa na si Denmeir. "Binilhan kita ng paborito mo—"
"Umalis ka na!"
"Ailey, 'wag naman ganito," nangilid ang luha niya. "I'm going to be insane. Talk to me, please?"
"Una na ako, Nematodes."
Kinuha ko ang backpack ko. Natigilan ako nang umakbay si Key. Matalim na tiningnan ni Denmeir ang braso niya na nakaakbay sa akin.
"Don't touch her," madiin na sabi ni Denmeir.
Taas noo siyang tiningnan ni Key. "Bakit bawal? Girlfriend ko siya."
Natigilan ako at napatitig kay Key. Kahit naman babaero ang isang ito mahal niya kaming mga kaibigan niya. 'Yong tipong itinuturi niya kaming kapatid na babae. Makikipagpatayan siya kapag nabastos kami.
"What the heck? Ailey?" Tumaas na ang boses ni Denmeir. "Sabihin mong hindi totoo ang sina—"
"Totoo! Kaya umalis ka na at kalimutan mo na ako," niyakap ko ang baiwang ni Key.
Kita ko ang pagkuyom ng palad ni Denmeir.
"No, you can't do this to me," umiling si Denmeir at pekeng tumawa. "No."
"Yes, I have a boyfriend so shut the fuck up!"
"Ailey, this is not you. Kailan ka pa nagmura?"
"Ngayon, narinig mo naman, ‘di ba?"
"No, Buko pie," hinawakan niya ang kamay ko.
Nagulat ako nang tanggalin 'yon ni Key.
"Don't touch her. Umalis ka na!" Napalakas na ang boses ni Key kaya nakaagaw na 'yon ng atensiyon.
"Denmeir?" Lumapit si TK at pilit na niyayaya siya. "Halika na."
"No! Ailey is mine! Mine only!" Akmang lalapit na naman siya, pero tinago na ako sa likod ni Key. Tumayo sila Delight, AP at Miyell. Humarang sila kay Denmeir.
"Ayaw sa iyong makipag-usap, ‘di ba? Makakaalis ka na," mataray na sabi ni Delight.
"Chupi!" Pagtataboy ni AP.
"Den, let's go," hinila ni Norman si Denmeir, pero hindi siya nagpatinag.
Tinitigan niya ang mata ko kasabay ng kapirasong luha na pumatak.
He mouthed 'I love you' before he left. Nakita ko pa ang buko pie na iniwan niya sa lamesa. May note na nakalagay na 'I miss you'. Pinigilan ko ang luhang malapit nang pumatak, pero hindi ko kinaya sunod-
sunod na tumulo 'yon. Naramdaman ko na lang ang group hug.
"Shh. Stop crying," pag-aalo sa akin ni Miyell.
"That bastard. Bugbugin ko 'yon. Anong ginawa sa iyo niyon?" Tanong ni Key. Iling lang ang sinagot ko.
Iniwan ko ang box ng buko pie. Masakit ang puso ko hanggang ngayon. Hindi naman nito nakalimutan ang pagmamahal ko kay Denmeir maging ang kirot na nadulot niya.
Pinasok ako ng mga babae sa C.R. doon ko pinakalma ang sarili. Inayusan ako ni Delight para hindi mahalata ang pamamaga ng mata.
"Gusto mo puntahan ko at sapakin?" Inis na sambit ni AP.
"Sama ako," sabi ni Delight.
"Ako rin," ani ni Miyell.
"'Wag na, ano ba kayo?"
"Tao!" sabay-sabay na banggit nila at nagtawanan.
"Don't cry, Nematoda. Ano ba kasing ginawa niya sa iyo?" Tanong ni Delight.
Umiling ako, ayaw kong malaman nila dahil sigurado akong susugurin nila si Denmeir lalo na ni Key baka magkagulo pa.
"Ano nga?" Pangungulit ni AP.
"Wala, naghiwalay lang kami."
"Puro kasi kayo hanap ng lalaki 'yan tuloy iiyak-iyak," walang emosyong sambit ni Miyell habang nagbabasa ng notes.
Hanggang dito ba naman hawak niya ay notebook?
Tiningnan ko ang orasan. Nagmadali ako dahil oras na ng klase ko kaya mabilis akong nagpaalam sa kanila.
"Wait! 'Yan ka nanaman basta ka na lang nawawala o aalis," nagmamadaling inayos ni AP ang mga gamit.
Sumunod silang tatlo palabas. Nakita ko si Key na nakasandal sa pader at mukhang hinihintay kami.
"Ihahatid na kita."
Tumango lang ako.
"Susi, una na kami sa room," sabi ni Miyell.
"Sure."
Kumapit ako sa braso ni Key. Natigilan ako nang marating namin ang room. Nandito nanaman si Denmeir, may dalang bugkos ng sunflower.
‘Di siya napapagod?
Nagtiim ang bagang niya nang makita ang kamay kong nakahawak kay Key.
"Ex ka na. Bakit ba nanggugulo ka pa?" Kunot-noong sabi ni Key.
"Mind your own business and stay away from Ailey," mahinahon niyang sabi. "’Di ako basagulero, pero kung pipilitin mo ako baka mapilayan ka."
"'Wag ka ngang desperado! Ayaw na sa iyo!"
"She loves me. She's just livid."
"Ewan ko sa iyo." Bumaling si Key sa akin. "Pumasok ka na."
"Buko pie?" Hindi ko siya pinansin. "Talk to me."
"Pre, ano ba? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"
"I'm not talking to you." Nagmamakaawa niya akong tiningnan. "Hindi ko kaya ng wala ka."
"Gago! Hindi ito pelikula, Pre, umalis ka na 'wag kang magdrama rito."
"Shut the hell up!" Galit na sabi ni Denmeir.
Hindi talaga siya titigil. Tiningnan ko siya nang walang emosyon. "Umalis ka na," mahinahon kong sabi.
"But—"
"Give me space."
"No—"
"Alis ka na raw!" humarang si Key sa harapan ko. "Shut up!"
"Denmeir! Maawa ka sa sarili mo! Ano ba?"
"Mas nakakaawa ako kung tuluyan kang mawawala sa akin."
Tumingkayad ako at humalik sa pisngi ni Key. Parehas silang natigilan, si Key ay nanlaki ang mata at si Denmeir ay tumulo ang kapirasong luha.
"Torture, I don't know that you're a brutal."