Tinitigan ko siya nang walang emosyon. "May boyfriend na ako."
"No, you—"
Mahigpit kong niyakap si Key. Parang nanigas naman sa kinatatayuan ito. Sa totoo lang wala naman talaga 'to. Kapatid ang turingan namin sa isa't isa. Hindi kami magpapatusan. Nakatitig lang sa amin si Denmeir. Nasasaktan din akong makita siyang umiiyak, nahihirapan at miserable.
"Saktan mo lang ako okay lang. Wala namang magbabago mahal pa rin kita. Kahit ano pang gawin mo hindi mo mababago ang damdamin ko." Hindi ako nag-angat ng tingin. Pinakinggan ko lang ang sinasabi niya. "Mukha na akong tanga. Nakakahiya na, natatapakan na
ang pagkalalaki ko, pero wala akong pakialam. Ang akin lang… bumalik ka."
"Ayaw na nga sa iyo," iritadong sabi ni Key.
"Galit lang siya."
Nagkibit-balikat si Key. Tiningnan niya ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko. Kita ko sa gilid ng mata ko na matalim na matalim na ang tingin ni Denmeir.
"Pumasok ka na, baby ko," malambing na sabi ni
Key.
Tumango ako. "Ikaw rin."
Tumango siya at humalik sa noo ko. May binulong siya. "Kakasuka."
Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya. Acting intimate with each other is not our thing. Sapakan, suntukan at asaran ang gawain naming magbe-bestfriend.
Nilampasan ko si Denmeir, pero natigilan din nang magsalita siya.
"I'll fetch you after the class."
Talaga ngang matigas ang ulo niya. Kahit anong gawin ko hindi niya pinaniniwalaan. Aaminin kong humanga ako sa pagtitimpi niya ng galit. Hindi niya nagawang suntukin si Key dahil hindi siya gano'ng klase ng tao.
Walang pumasok sa isip ko sa mga lesson dahil lumipad ang isip ko sa kaiisip kay Denmeir.
Nang matapos ang klase wala pa siya. Inaamin kong hinihintay ko pa rin siya na kahit galit ako nami-miss ko pa rin siya. Wala sa sariling napaupo ako sa long chair sa gilid ng room.
"Ihahatid na kita."
Nag-angat ako ng tingin. Si Key ang nakita ko. "Unless, hinihintay mo siya?"
Umiling ako kaagad at tumayo na. "Wala ka bang practice?"
"Hindi ako magpa-practice para sa baby ko,"
tumawa siya. "Gross."
"Sows! Crush mo nga ako dati."
"Wala akong matandaan 'wag kang gumagawa ng kwento." Parehas kaming tumawa.
"Kunwari ka pa," sinundot ko ang tagiliran niya.
"Wala akong kiliti riyan. Wala kang mapapala." Hinawakan niya ang leeg ko kaya nahampas ko siya dahil gumapang ang kiliti ko. Tumawa naman siya.
"Mukha kang may epilepsy."
"Tara na," humawak ako sa braso niya. Natigilan kami nang pagharap ay nakita namin si Denmeir. Matalim siyang nakatingin. Hindi siya nagsalita. Bigla siyang tumalikod sa amin at naglakad na palayo.
"Kausapin mo na kaya? Kawawa naman 'yong tao."
"Ayaw ko."
"Ang tigas mo talaga."
"Alangang malambot?"
"Tsk. Kain tayo ng fishball. Libre mo ako dahil ihahatid kita."
"Ikaw ang may pera."
"Ang mahal kaya ng pagkain kanina sa canteen. Naubos pera ko."
"Oo na, libre na kita."
"Yes!"
Naglakad kami para makarating sa street foods na malapit lang sa Laurente. Natigilan ako nang makita ko si Vinea at Taxon na nagkwe-kwentuhan habang kumakain ng beng-beng.
Close pala sila?
Iniwasan namin sila dahil kapag nakita ako niyan magdadaldal nanaman.
"Alam mo nakakapagod ang iwasan ang taong mahal mo, masakit din sa puso 'yon." Nilingon ko si Key. "Kausapin mo na ayusin mo ang dapat ayusin. Ano ba naman 'yong magpatawad ka, ‘di ba?"
"Hindi gano'n kadali 'yon, Key. Masakit pa rin."
"Nasasaktan din siya. Kita mo naman ang hitsura niya?"
"Hindi ako bulag, malamang kita ko."
"Hindi ka naman siguro bato?"
"Hindi, tao ako."
"Ayusin mo naman. Lagi kang namimilosopo."
"Eh, totoo naman. Tao ako."
"Tao ka nga ba talaga?"
"Anong tingin mo, bagay?"
"Kung tao ka dapat may pakiramdam ka. Matuto kang magpatawad. Kung papatawarin mo siya eh ‘di tapos! Happy ending."
"Walang gano'n, sa mga libro lang may happy ending."
"Bitter mo naman."
"Bitter na kung bitter. Ayaw ko na."
"Ayaw kunwari, pero pupusta ako ‘di mo rin siya matitiis."
"Gaano ka kasigurado?"
"101 %."
"'Wag ka nang umasa."
"Hangga't may buhay may pag-asa."
"Pag-asa, 'yong sa weather broadcast?"
"Waley."
Inirapan ko siya. Kumain lang kami at nang matapos ay nakipag-siksikan na sa bus. Hinatid niya lang ako sa may kanto dahil nagmamadali nang umuwi. Kapag nakita raw siya ni nanay ‘di na siya makakauwi. Sanay kasi sila nanay na kapag pumupunta silang apat dito sa bahay ay dito na natutulog.
Tulog na sina nanay pagdating ko kaya kumain na ako mag-isa. Hinugasan ko ang plato, natigilan ako nang may yumakap mula sa likuran ko.
"'Wag mo nang uulit 'yon. Mamamatay ako sa sakit ng puso."
Hindi ako makapagsalita. Napako na ako sa kinatatayuan ko.
Paano siya nakapasok?
"Miss na miss na kita," may tumulong mainit na likido sa balikat ko.
Umiiyak nanaman siya. "Hindi ko na kaya. Ayusin natin 'to."
Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kaniya.
"Umalis ka na."
Umiling siya. "Ayusin natin 'to."
"Wala tayong aayusin dahil wala namang tayo."
"Ganyan ka ba talaga katigas? O baka naman talagang hindi mo naman ako mahal at si Denveir pa rin ang mahal mo? Tinitiis ko 'to dahil gusto kong maging maayos tayo." tumulo nang tumulo ang luha niya. "Napapagod na ako."
"Eh ‘di sumuko ka! Bitawan mo na 'to. Magpakasal ka na sa fiancee mo!"
"Hindi ko siya fiancee!"
"Ano pala? Laruan?"
"Ailey, ma—"
"Stop! Umuwi ka na."
"No!" Lumapit siya nang lumapit sa akin kaya napaatras ako hanggang lababo na ang maatrasan ko.
"Isang tanong, isang sagot. Minahal mo ba talaga ako o mahal mo pa rin ang kakambal ko?"
Napalunok ako. Pilosopo ako, pero hindi ako sinungaling.
"Sagutin mo ako. Kapag hindi ka nagsalita… I swear I'll kiss you."
Nag-iwas ako ng tingin at paulit-ulit na napalunok.
Anong sasabihin ko?
"Isa, dalawa, tat—"
"Mahal ko si Key!"
Natigilan ako at gano'n din siya. Iyon ang pinaka-safe na sagot para ‘di niya na ako kulitin.
Nagbaba siya ng tingin at bumuntong hininga. "Okay, I see."
Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa pintuan.
"Just in case you two break up. I'm still here just call me."