Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang bulto niyang palayo.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita, Denmeir," bulong ko sa sarili. "Ikaw ang mahal ko kahit masakit."
Kinabukasan ay nakakapanibago dahil walang Denmeir. Siguro pagod na siya kasusuyo sa akin.
Walang gana akong naglakad papunta sa sakayan ng bus.
"Tutulala ka na lang diyan?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Manong hugotero.
"'Wag mong isipin 'yon mahal ka niyon."
Hindi ko siya pinansin. Umakyat na lang. Kapag sine-swerte ka nga naman may couple pa na naglalampungan sa harap ko. Iiyak din kayo.
Pagdating ko sa Laurente nagkakagulo ang lahat dahil foundation day. Wala rin kaming klase.
Sana hindi na lang ako pumasok. Nakita ko si Roex na naglakad papunta sa gawi ko. Ang dami niyang kasama.
"Ailey, sama ka?"
"Saan?"
"Sa bahay, magkakasiyahan."
"Kayo na lang."
"Tara!" Nilingon ko ang boses na iyon. Nagulat ako nang makitang ang nga Nematodes pala. Wala akong
nagawa nang hilahin nila ako. Sa kotse kami ni Roex sumakay.
"Kumusta ka?" Baling ni Roex habang nagmamaneho.
"Buhay pa naman."
"Okay na ba kayo ng boyfriend mo?"
"Correction, ex, parang hindi naman talaga naging kami."
Natahimik na kami hanggang sa marating ang bahay nila. Ang ingay nila, sa swimming pool agad kami diniretso ni Roex.
"Feel at home. Kuha lang ako ng beer."
"Sure!" sabay-sabay na sabi ng apat.
Nagkakagulo sila at ang ingay. Umupo na lang ako sa may pool. Inabot ang tubig ng kapirasong paa. May tumabi sa akin kaya nilingon ko, si Key.
"Puntahan mo na kasi. Makipagbati ka na."
"Ayaw ko."
"Bahala ka tingnan mo," may tinuro siya kaya sinundan ko ng tingin.
Napamaang ang labi ko nang makita ko si Denmeir. May nakapulupot na braso ng babae sa leeg niya. Halata namang iritado siya. Nandito rin sila TK na hindi ko namalayang dumating pala.
"Hayaan mo siya. Buhay niya 'yan."
Umakbay sa akin si Key. "Bahala ka nga. Ang tigas ng ulo mo."
"May skull, eh."
"Pilosopo ka talaga."
"Dapat nasa history ako."
"Anak ka ng nanay mo, Ailey. Tigilan mo nga ako. ‘Di ako mananalo sa iyo dahil mukhang ang tunay mong ama ay si Socrates."
"Baka nga at saka anak talaga ako ng nanay ko alangan namang anak ng kapitbahay?"
"Puntahan mo na."
"Ayaw ko."
"Dali na."
"Ayaw ko."
"Sige na."
Sinuntok ko siya sa balikat."Ang kulit mo eh ‘di ikaw ang pumunta roon."
"Bahala ka nga riyan, ‘di tayo friend."
"Kasi best friend tayo."
Nakangiti siyang umiling at umalis na pumunta kala AP.
May tumabi sa akin, akala ko ay bumalik ang nematodang 'yon, pero hindi pala, si Roex pala ito.
"Ailey?"
"Hmm?"
"Pwede ba akong manligaw ulit?"
Halos malaglag na ang panga ko sa tanong niya.
Malaki ang mata ko nang titigan ko siya.
Napangiwi siya. "Hiwalay naman na kayo, ‘di ba?"
"O-oo."
"Pwede ba?"
Sunod-sunod akong napalunok at hindi makapagsalita.
'Wag tayong gumawa ng desisyon na pagsisisihan lang din natin sa huli.
"Ano, ahm, kasi, ahm."
Ngumiti si Roex. "Oo o hindi lang, Ailey." Pakiramdam ko ay nawala ang boses ko. "Mahal mo pa siya?"
"Ahm, a-ano, ahm." ’di talaga ako makapagsalita hanggang sa may umakbay sa akin.
"Baby ko, tara kain tayo."
Gusto kong magpasalamat kay Key dahil dumating
siya.
"Ah, kayong dalawa?" Gulat na tanong ni Roex.
Kunot noo siyang tiningnan ni Key. "Anong kaming dalawa? Oo kaming dalawa."
"Ah," tumango si Roex at tinitigan ako. "So, it's a no. I understand," ngumiti siya.
Gusto ko pa sana siyang sagutin, pero hinila na ako ni Key.
"Sarap ng barbeque. Tikman mo." Sinubo sa akin ni Key. Masama ko siyang tiningnan dahil ang init niyon.
"Ay, sorry, hot pa pala parang ako."
"Eww!" Sabay-sabay na sabi naman nila Miyell, AP, at Delight.
Nahagip ng mata ko si Denmeir na nakatingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Lumapit si Key at bumulong. "Balak ka bang tunawin sa tingin ng dalawa mong ex?"
Napatitig ako sa kaniya matapos ay hinanap si Roex. 'Ayon nga, nakatitig nga sa akin at si Denmeir din na halos ‘di na tanggalin ang tingin sa akin.
Ganda ko naman? Balboning beauty? Umakbay si Key na halatang nang-aasar.
"Baby ko," malambing niyang sabi. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran, pero parang walang naramdaman ang loko.
"'Wag mo akong sisisihin kapag namatay ka nang maaga."
"’Di nakamamatay ang matalim na tingin," tumawa si Key.
Inirapan ko na lang siya at pahiklas na kinuha ang stick ng barbeque na isusubo sana niya.
"Nematoda ka! Ang dami roon, oh." "Gusto ko ito, eh," kinindatan ko siya. "Kadiri ka mangindat." "Parang ikaw, hindi?"
"Hindi ako nangi-ngindat."
‘Di ko na siya sinagot. Tinanggal ko na lang ang braso niya na nakaakbay sa akin.
"Ai Ai de las Alas!" Tawag sa akin ni AP.
Sinabunutan ko naman ang bruha.
"Anong Ai Ai de Alas?"
Tumawa lang siya at yumakap sa akin. "Sana, okay ka na kasi bukas busy nanaman kami ‘di ka namin masasamahan."
"Okay lang ako."
"Okay? Mukha bang okay ang mugto ang mata?" Inangat ni Delight ang baba ko.
"At ang eyebags?" Lumapit si Miyell.
"Okay lang talaga ako."
"Lokohin mo lelang mo," sabat ni Key.
"’Di kita kinakausap."
"Bakit ka nagsalita?" Inirapan ko siya.
Nagkasiyahan na ang lahat, ang lakas ng tugtog na halos mabingi na ako. Umupo ako sa tabi ni Key at nagsalin ng alak sa baso.
"’Di ka naman mahilig uminom. Siguro sobrang sakit sa puso, 'no?" Pang-aasar ni Key.
"Kapag ‘di ka tumigil susuntukin kita."
Inilapit niya ang pisngi at tinapik ang pisngi. "Suntukin mo na, oh, dito, oh."
Sinuntok ko ang pisngi niya at tumawa nang malakas.
"Aray ko. Tinotoo mo naman!"
"Sabi mo, eh."