Sunod-sunod akong lumagok. Pasimple kong tinitingnan si Denmeir na ngayon ay may kausap na babae. Parang sinasakal ang puso ko kaya wala sa sariling uminom ako nang uminom.
"Nematoda! Baka malasing ka nang sobra.
Papagalitan kami ng nanay mo," awat sa akin ni Miyell.
Hindi siya umiinom dahil noong unang beses niyang uminom kinati siya at nagkapantal-pantal. Allergy sa alcohol.
"Di ako malalasing."
"Tama na, Ailey," inagaw ni Delight ang baso ko.
"Hayaan mo na. Broken hearted, eh," sumasayaw-sayaw na sabi ni AP at prenteng lumalagok. Ang lakas talaga uminom nitong babaeng ito.
Maya maya pa ay nahihilo na ako. Iinom sana ulit ako, pero may humawak sa baso ko. Pagtingin ko si Denmeir, matalim na nakatingin sa akin.
"Umuwi na tayo, Buko pie."
Inagaw ko ang baso at akmang iinumin sana, pero kinuha niya na at nilayo.
"Ano ba!" Tumayo ako at masama siyang tiningnan. "Hanggang kailan mo ba ako kukulitin!"
"Hanggang maging asawa kita."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Wow! Ang landi mo talaga! May fiancee ka na nga humaharot ka pa!"
"Wala akong fiancee at kung magkakameron man gusto ko ikaw."
"Sinungaling!"
Tumayo si Key at hinawakan ako sa braso. "Lasing ka na, Ailey. Umuwi na tayo."
Hiniklas ko ang braso ko at matalim na tiningnan si Denmeir.
"Bakit, huh? Tingin mo sa akin laruan? 'Yong
pwede mong lokohin at paiyakin? Bakit, huh?" Pinagsusuntok ko ang dibdib niya. "Bakit! Bakit! Bakit?" Tumulo na nang tumulo ang luha ko.
Ang mga mata ng tao ay nasa amin na.
"Ailey?" Nag-aalalang sabi ni Roex. "Anong nangyayari?"
"Bakit, Denmeir?" Niyakap ako ni Denmeir, pero pumalag ako nang pumalag.
"I'm sorry."
"Kung madaling tanggapin ang sorry bakit pa may pulis? Kung masakit ang magmahal bakit nagmamahal
ang mga tao? Kung talagang mahal mo ako bakit mo ako niloko? Sana hindi ka na lang nagpakita." Pahina nang pahina ang boses ko habang humahagulgol.
Tahimik lang na nakamasid ang mga nematodes sa akin, pero bakas sa mukha nila ang pag-aalala.
Nawalan na ako ng lakas para suntukin siya kaya nakapatong na lang ang mukha ko sa dibdib niya at doon na umiyak.
Bakit kahit galit ako sa iyo mahal pa rin kita?
Hindi ko iyon isinatinig dahil wala namang magbabago, sinaktan, niloko at pinaiyak niya pa rin ako.
"Umuwi na tayo," kinuha ako ni Key at niyakap.
"Iuuwi na kita." Tumango ako habang humihikbi pa rin.
"Ako na, Pre." Kinuha ako ni Denmeir at bigla na lang binuhat. Nagpumiglas ako nang nagpumiglas habang sinusuntok siya.
"I hate you! I hate you! I hate you!"
"Hate me. I will love you as long as I want."
"Manloloko! Sinungaling!"
Hindi siya nagsalita hanggang sa maisakay niya ako sa kotse.
"Ailey!" Rinig ko ang boses ni Roex kaya sumilip ako. Lumapit siya at tiningnan ako. "Okay lang ba—"
"We're going, thank you for your invitation," putol ni Denmeir sa kaniya at walang pasabing pinaandar ang kotse. Tahimik lang ako hanggang marating namin ang bahay. Walang ilaw. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"'Nay? 'Tay?"
"Wala sila. Binilin ka sa akin. ‘Di raw sila uuwi kasi lasing na si tatay."
"Bakit sa iyo ako binilin? Kaya kong mag-isa umuwi ka na."
Akmang tatalikuran ko siya, pero sinandal niya ako sa pader.
"Ako lang ang boyfriend mo sa paningin nila." Napalunok ako dahil ang lapit ng mukha niya. "A-ano ba, lumayo ka nga."
Mataman niya akong tiningnan. Hinaplos niya ang pisngi ko. "I miss you."
Amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya.
Mapungay ang mata at pumipikit-pikit na.
"A-ano ba, lumayo ka, Denmeir."
"Kasalanan ba ang halikan ka? Siguro, kasi may boyfriend ka na, pero wala akong pakialam."
"Ano ba—" Natigilan ako nang hawakan niya ang pisngi ko at halikan ako. ‘Di ako makagalaw para itulak siya.
No! Ayaw kong maging marupok! Isa pa, ikakasal na siya ayaw kong manira ng relasyon.
Marahas ko siyang tinulak. "Umalis ka na! Umalis ka na! Ayaw na kitang makita kahit kailan!"
"'Yan ang sinasabi mo kasi wala kang balak pakinggan ang paliwanag ko! Alam mo bang ang sakit na." tinuro niya ang dibdib niya at sunod-sunod na tumulo ang luha. "Ang sakit na, Ailey! Pakinggan mo ako para matapos na ang paghihirap natin at please lang lumayo ka naman sa mga lalaki! Durog na durog na ako!"
Sinalubong ko siya ng masamang tingin. "Akala mo ba ikaw lang? Ikaw lang 'yong nasasaktan? 'Wag kang makasarili! Puro sarili mo iniisip mo! Ayaw ko na at
hindi na ako babalik! Umalis ka na dahil hindi kita kailangan sa buhay ko!"
Napamaang ang labi niya, bakas sa mukha niya ang sakit.
"Alam kong hindi mo ako kailangan, pero ako kailangan kita." tahimik siyang lumuha. "Kailangan kita... mahal kita. Ilang ulit ko ba sa iyong sasabihin 'yon?"
Tinakpan ko ang tainga ko. "Ayaw ko nang makarinig ang mga kasinungalingan mo!"
"I'm not lying damn it! I'm sincere!"
"May fiancee ka na!"
"Wala!"
"Pwede ba—"
Bigla niya na lang akong sinunggaban ng halik. Napagod na ako manlaban, masaktan, sumigaw at ipagtabuyan siya. Pinaghiwalay niya ang labi namin at tinitigan ako. Hinaplos niya ang pisngi ko.
"I want to explain, but you never let me. I'm not a playboy nor fucker. I'm not, Buko pie. Kapag sinabi kong mahal kita, totoo 'yon. Kung ano ang nakita mo sa notebook ni Denveir 'yon ang gusto niyang gawin ninyo ng magkasama. Oo, sinunod ko 'yon—"
"Oh, ‘di ba? Eh ‘di, hindi mo talaga ako mina—
" Natigilan ako sa pagsasalita nang siilin niya nanaman ako ng halik. Nang maghiwalay ay masama ko siyang tiningnan. Bwisit na 'to! Bakit ba ‘di ko maitulak o mapigilan?
"Kapag nagsasalita ako, manahimik ka."
Napabuntong hininga na lang ako at tumahimik. "Ginawa ko 'yon dahil sinabi ni Denveir..."