"Sana ikaw na lang nag-video kabisado mo pa ang dapat sabihin."
"Basta bilisan mo na. Mag-flying kiss ka after, huh?"
Tiningnan ko ang camera. "Ako si Ailey, girlfriend ni Denmeir… I'm actually guilty right now because I judged him without knowing the truth. I cried for nothing. I avoided him for nothing. We fight for nothing." Tumikhim ako at malapad na ngumiti. "Hindi ko talaga sinabi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman." Hinawak ko ang kamay sa dibdib. "But now, I want to say that…" pinakatitigan ko ang mata niya. Bakas sa mukha niya ang gulat at halatang natulala na. "I love you."
Ang mukha niya ay punong-puno ng iba't ibang emosyon ngunit nangingibabaw ang saya niya.
"Mahal kita. Hindi bilang si Denveir na nauna kong nagustuhan kung hindi si Denmeir Camerino na weird na kumakausap ng manok na niluluto. Si Denmeir na bigla na lang sumusulpot. Si Denmeir na laging nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta." Kinuha ko ang isa niyang kamay at pinisil 'yon. "Mahal ko ang lahat sa iyo. I'm sorry for not showing my love for you. I'm sorry for accusing you. I'm sorry for causing so much pain, but we're okay now. I won't leave you, Babe."
Nakatulala lang siya sa akin.
"Denmeir?"
"Denmeir?"
"Denmeir?"
"Babe?"
Paulit-ulit ko siyang tinawag, pero mukhang gulat na gulat ang loko. Nakaawang pa ang labi kaya tinikop ko. "Baka tumulo na ang laway mo."
Kumurap-kurap siya at parang natauhan na. "Y-you c-called me babe? Aren't you? You said you love me?" Halos hindi niya maituloy ang sinasabi.
"Sinabi ko nga."
Tumayo siya nagtatalon na parang gago kaya tinawanan ko lang siya.
"Mahal niya ako! Yes! Yes! Yes!"
Kinarga niya ako at inikot-ikot. "Ang saya ko!"
"Halata nga."
"Ailey! I love you!" Ang lakas ng boses niya kaya tinakpan ko ang bibig niya dahil nagbatukan na ang mga aso ng kapitbahay.
"Ang ingay mo!"
"Sorry naman. Masaya lang."
Nilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako.
Ngumiti siya nang malapad at hinaplos ang pisngi ko.
"Pagka-graduate natin papakasalan mo ba ako?" Napatitig ako sa kaniya. Kasal agad?
"Seryoso ka ba sa tanong mo?"
"Syempre naman."
"Oo, magpapakasal ako sa iyo."
Lumapad ang pagkakangiti niya at mahigpit na niyakap ako. Kung mayroon mang desisyon na sigurado ako ay 'yon ay ang makasama siya sa buhay ko. Ramdam ko ang kakaibang sayang dulot niya sa akin kahit hindi ko sinasabing mahal ko siya. Mas naging masaya ako nang masabi ko 'yon sa kaniya.
"Kung ganoon fiancee na kita."
"Anong fiance?"
"Fiancee, 'yong babae papakasa—"
"Tse!"
Tinalikuran ko siya at pumasok ng kusina. I feel dehydrated because of so many tears that I've withdrawn.
Yumakap siya sa likod ko habang umiinom ako ng tubig. Hinarap ko siya pagkatapos. Kinuha niya ang kamay ko at nakangiting tinitigan 'yon.
"Your hand is beautiful, but it will be more beautiful when you…" may kinuha siyang kung ano sa bulsa, "wear this."
Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano 'yon. Singsing!
Isinuot niya sa daliri ko. Hindi ako makapagsalita sa gulat.
Talagang may singsing agad? Baka naman noon pa 'yan nasa kaniya?
"There. Sa kaniya ka diyan ka lang, huh? 'Wag kang mawawala," pagka-usap niya sa singsing.
‘Di ako makapaniwalang nakatitig lang sa kaniya. Nakangiti siyang dumukot ulit. Winagayway niya sa may mukha ko ang isa pang singsing na kaparehas ng akin.
"Suot mo sa akin," inilagay niya sa kamay ko ang singsing. ‘Di ako makapaniwala sa kaniya.
"Wala ka nang kawala sa pagmamahal ko, Buko
pie."
"Ikaw rin. Akin ka lang," iyon ang sinabi ko nang makabawi sa gulat.
"I'm pretty sure that I'm only yours." Nginitian ko siya at isinuot na ang singsing.
"Thanks, Buko pie."
"Welcome."
Inakbayan niya ako. Umupo kami sa sofa. "Lasing ka pa ba?"
"Hindi na masiyado nahimasmasan na ako."
"Halika, higa ka sa lap ko." Tinapik niya ang hita.
"Ayaw ko baka makatulog ako inaantok na kasi ako."
Tumayo siya at hinila ako. "Let's sleep, then."
Nagpahila ako sa kaniya papunta sa kwarto ko. Sabay kaming tumalon sa kama at nahiga na. Hinapit niya ako sa baiwang at pinatong ang ulo sa may tiyan ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Natawa ako nang maghakay siya kasi ang cute niya.
"Tulog na tayo," humigpit ang pagkakayakap niya. "Sleep."
Bumaba ako para gawaran sana siya ng halik sa pisngi, pero bigla siyang lumingon kaya nagdampi ang labi namin. May kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.
Nagkatitigan kaming dalawa. Kita ko ang paglunok niya. Magsasalita sana ako kaso dumampi na ang labi niya sa labi ko. Para akong nawala sa sarili at ninamnam na lang ang halik niya. Tinugon ko ang halik na hindi ko namalayan na lumalalim na pala. Marahan ngunit may diin ang halik namin sa isa't isa. Sinundan ko ang bawat galaw ng labi niya. Mahina kong kinagat ang pang-ibaba niyang labi. Kita kong nakapikit siya at sa tindi ng emosyon napapikit na rin ako.
Ang lambot ng labi niya, nakakagigil!
Ramdam ko ang pagka-miss ko sa kaniya at gano'n din siya. Nakahawak siya sa batok ko at ako naman ay nakasabunot sa buhok niya. Hindi ko napansin na nasa ibabaw ko na pala siya. Bumaba ang kamay niya sa baiwang ko at masuyong hinaplos 'yon. Pakiramdam ko lunod na lunod na kami sa sensasyong nararamdaman. Humaplos ang kamay niya sa braso ko pababa sa kamay
ko at pinagsalikop 'yon. Dumiin pa lalo ang halik na nagpatindi sa init na lumulukob sa katawan ko.
Naimulat ko ang mata nang tumigil siya at mariin na kinagat ang labi niya bago bumangon.
"Sa sofa ako matutulog."
Napatitig ako sa guwapong mukha niya. Nakagat ko rin ang labi ko.
I want more kisses, but it's not right. We're not in normal state because of alcohol.
"Good night. I love you." Ngumiti siya nang malapad.
"Good night, I love you, too."
Nagmadali na siyang lumabas ng kwarto kaya sinundan ko na lang ng tingin ang paglabas niya.
Nasapo ko ang dibdib ko dahil ang lakas ng kalabog niyon. Matapos ay hinawakan ko ang pisngi ko na sobrang init. Muli kong nakagat ang labi ko at wala sa sariling hinawakan 'yon. Napangiti ako habang nakatingin sa pintong nilabasan niya. That kiss was notable.