Kalalabas ko lang ng Laurente dahil nag-text si Denmeir na nasa labas daw siya. Natigilan ako nang makitang ang damimg tao sa may platform na nakatayo sa harap ng gate.
Is that the TDNJ Band?
Nakipagsiksikan ako sa kanila, pero nagtataka ko silang tiningnan nang kusa silang tumabi at naiwan ako sa gitna.
Maldo Andwae! Nakakahiya!
"Hi to my pretty buko pie," nakangiting sabi ni Denmeir. Napalunok ako sa kahihiyan. Nasa akin ang atensyon ng lahat.
"Ailey Espinar, You're beautiful, your beauty never outdated. When I first saw you my neck was about to detach from my body because you're captivating. I used to buy sunflower, but the problem is I can't give it to you. You're my twin brad's love of his life that's why I did not dream to be with you."
"When Denveir died my whole world perish, but you're here… you picked the pieces of my world and glued it." Nag-flying kiss siya kaya umingay.
"Hey, catch it. Kapag hindi, I'll go down and kiss you."
Napangiti ako at hinintay ulit ang flying kiss niya. Nang gawin niya ay tumalon ako para saluhin 'yon at inilagay sa bibig ko. Kitang-kita ko ang mga mata niyang walang mapaglagyan sa saya.
Bumaba si TK at nag-abot ng sunflower. May nakatuping note roon.
Day one, I'm on my way to love you.
Bumaba si Jessie at nagbigay rin ng sunflower na may note.
Day two, confusion hits me.
Sunod ay si Norman. Nang-asar muna siya, umakbay sa akin kaya galit siyang tiningnan ni Denmeir na tinawanan nila. Pag-akyat niya mahina siyang sinipa ng loko.
Day three, my happiness depends on your smile.
Sunod ay kinagulat ko ang paglabas ni Reylen sa likod ng stage. Lumapit siya at ngumiti sa akin. Inabot niya ang sunflower na may note.
"I'm sorry, I shouldn't ruin the relationship of you and Denmeir. I'm sincerely apologizing."
"Forgiven."
Niyakap niya ako bago tumalikod. Binuksan ko ang
note.
Day four, I want to spend more time with you.
Biglang tumunog ang drums, gitara halo-halong instrumento. Mahinhin at banayad ang pagtugtog. Nilapit ni Denmeir ang bibig sa microphone.
Your Song
Song by Parokya ni Edgar
It took one look
And forever lay out in front of me
Iyon pa lang ang linya, pero tinambol na ang puso ko. Nag-init na ang pisngi ko, nawalan na ako ng lakas para gumalaw at napako na ang mata ko sa kaniya.
Bumaba siya ng stage at naglakad palapit sa akin.
Bumagal ang pagkilos ng lahat.
Totoo pala talaga ang slow motion. Kapag nakita mo na ang taong para sa iyo mararadaman mo 'yon.
"My one and only... one and only you," bulong niya sa tainga ko. Pinagdikit niya ang noo namin. Parehas kaming nakangiti, nakatitig at masaya. Pinulupot ko ang braso sa leeg niya. Ang ingay ng mga tao. Kilig na kilig at nagka-kantyawan.
"Except the fact that I am yours…" malambing niyang pagkanta. Sinabayan ko ang sunod na linya, "and that you are mine."
Natapos ang kanta, nabingi ako sa sigawan ng mga
tao.
"Sana all!"
"Sana ako rin may Denmeir!"
"Kakainggit, woah!"
"Walang forever!"
"Magbe-break din kayo!"
Some are bitter, but I don't mind.
"In your dreams!" Sabi ni Denmeir kaya tinawanan ko. Ang hilig niya talagang pumatol. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinagdikit ang ilong namin.
"Akala ko talaga si Denveir ka." Ngumiti ako. "Dahil sa peanut, naguluhan ako. Magkamukha kasi kayo aaminin kong parehas ninyong napatibok ang puso ko, pero..." inilagay ko ang kamay sa dibdib at itinuro siya. "Mas malakas ang tama nito sa iyo."
Ngumiti siya nang malapad. "Pinapakilig mo naman ako." Parang baliw siya na nagkamot ng noo. "Baka masugat noo ko kakakamot dahil sa kilig." Tinawanan ko siya.
"'Wag kang mamamatay, huh?"
Nanlaki ang mata niya at parang kinabahan. "Grabe ka talaga. Hindi ako mamamatay ng maaga 'wag ka mag-alala at kung mamatay man ako dadalawin pa rin kita, hindi kita kayang iwan."
"Sus!" Sinundot ko ang tagiliran niya kaya tumawa siyang nang malakas.
"Para kang bituin."
Kumunot ang noo ko. "At bakit?"
"Kasi katulad ng bituin paborito kitang pagmasdan."
Pinigilan ko ang mangiti. "Ngumiti ka na pinipigilan mo pa," tumawa siya.
May dinukot siya sa likod. Sunflower iyon na may nakalagay na note.
Day five, you own my heart.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "You never failed to make my heart pump, Babe."
"Buko pie!" Nagkamot siya ng noo at parang batang nagpa-padyak. "Balak mo ba akong bigyan ng heart failure dahil sa lakas ng tibok nito?" Tinuro niya ang dibdib.
"Ayie!"
Nawala sa isip ko ang mic na hawak niya maging ang presensya ng mga tao na ngayon ay nanonood pala sa amin. Nag-init ang pisngi ko kaya nagbaba ako ng tingin. Nakakahiya!
"Cheesy! Yohoo! Binata ka na, Gonad D!" Pang-aasar ni TK.
"Baka langgamin na kayo diyan!" Malakas na tumawa si Jessie.
"Ang landi niyo!" Tatawa-tawang sabi ni Norman.
"My middle finger salutes you three, Gonads!" Sabi ni Denmeir, pero hindi niya naman tinaas ang gitnang daliri niya.
"Tara na?" Yaya niya sa akin at pinagsalikop ang kamay namin.
"Saan?"
"Honeymoon."
Nahampas ko siya at kinurot sa tagilaran.
"Joke lang, ito naman."
"Bad joke."
"Galit ka na niyan?"
"Hindi, happy ako," peke akong ngumiti.
Hinayaan ko siyang hilahin ako kung saan niya gustong pumunta. Natagpuan ko ang sarili na nasa bahay nila. Kinabahan ako bigla kaya tumalikod ako at akmang tatakbo.
Pinulupot ni Denmeir ang kamay sa baiwang ko.
"Tatakas ka pa, ah." Tumawa siya nang malakas.
"Nakakahiya."
"May hiya ka pala?"
"Malamang! Anong ti—"
Napahinto ako nang halikan niya ako. "Sasagot pa." Nag-init ang pisngi ko kaya ‘di na ako nagsalita. Maldo Andwae!
"Mommy, Daddy, Cecelia! Nandito na asawa ko!"