Chapter 41

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Anong asawa? Baliw ka talaga!"

"Kung baliw ako dapat nasa Mental Hospital na ako at nagpapagamot."

Inirapan ko siya. "Minsan ‘di nakakatawa pagiging literal mo."

"Kasi nakaka-inlove," kumindat pa ang siraulo.

Ngumiti ako at pinitik ang noo niya. "Na-inlove na ako."

"Alam ko 'yon kasi halata naman." Nagkibit-balikat siya at nagyabang pa.

"Ailey!"

Tumakbo si Cecelia at niyakap ako. "Kumusta ka na? Sorry nga pala hindi naman pala sila mag-fiance ako 'yong mali."

"Sus! Okay lang 'yon. Sinabi na sa akin ni Denmeir."

"It's babe," singit ni Denmeir na nakataas pa ang dalawang kilay.

"Ayiee!" Nagtatalon si Cecelia. "Ang sweet! Welcome to the family, Ailey!"

"S-salamat."

"OMG! Denmeir! Ailey! So pretty!" Tumakbo rin ang ginang na kamukha ni Cecelia at saka yumakap sa akin. "When is the wedding?"

"Ah, eh," nagkamot ako ng ulo.

"Bukas, Mommy. Gusto mo?" Tatawa-tawang sabi ni Denmeir.

Malapit na nga pala ang graduation namin. Isang linggo na lang kaya heto at masarap ang pakiramdam na ga-graduate na.

"Excited ka, Kuya?" Sabi ni Cecelia.

"My buko pie always making me excited," kumindat siya sa akin.

Tumawa naman ang daddy niya. "Lakas ng amats mo, Anak."

Natawa ako dahil sa gamit niya ng salita. 'Amats' mukhang magkakasundo sila ni nanay dahil kung magsalita at kumilos ay parang teenager.

"Pinapabigay pala ni Denveir." May inabot na box sa akin ang mommy niya.

Alam din nila ang tungkol sa amin ni Denveir? "Buksan mo," nakangiting sabi ni Denmeir.

Dear Ailey Espinar,

If you are reading this I'm nowhere to find. All I want is you to be happy. I'm sorry for leaving you early, but don't worry Denmeir loves you too. He can take care of you and build happy memory. I love you, even if I'm on the other world. I continue to wish for your happiness.

P.S. This is my gift to you. Wear this on your wedding day. Live a happy life with Denmeir!

Loving you eternity,

Denveir Camerino

Your stalker.

Binuksan ko ang maliit na box. Napangiti ako nang makita ko ang silver na kwentas na may pendant na bus.

"Pinagawa niya 'yan kasama ako," nakangiting sabi ni Denmeir. "Nakilala ka niya sa may bus. Ako naman sinabi ko na sa iyo na nakita kita sa Laurente. Ang nakakainis dito para rin akong baliw na kasama ni Denveir kasusunod sa iyo. Kapag wala siya ako ang pinapasunod niya sa iyo. May isang beses pa nga noon na tinulak mo ako."

"Huh? Kailan 'yon?"

"Naalala mo 'yong hugot ng konduktor? 'Yong tulak ka nang tulak baka forever mo na tinulak mo pa palayo?" Tumawa siya, natawa rin ako dahil naalala ko 'yon.

"Natulak pala kita."

"Hindi lang 'yon. Ang lakas kaya nasubsob ako sa semento, dumugo ang ilong ko at nagasgas."

Nagtawanan silang lahat.

"May benda ilong niya na parang si Pinocchio!" Malakas na tumawa si Cecelia.

"Gusto mong makita 'yong picture?" Akmang iaabot sa akin ng daddy niya ang phone, pero inagaw ni Denmeir.

"Dad! Ang sama mo talaga!"

"Mana ka sa akin kaya ikaw rin."

Napuno ng tawanan ang lamesa kung saan kami kumakain.

"Weird pa. Nakita mo na ba siyang kausapin ang fried chicken? Paborito niya kasi 'yon kaya niluluto niya kahit ‘di marunong," tumawa nang malakas si Cecelia.

"'Wag kang epal kumain ka na lang." Habang tumatawa si Cecelia sinubuan siya ng manok ni Denmeir kaya napaubo siya at masamang tumingin sa kaniya.

Nakakatawa sila pagmasdan. Matapos naming kumain ay nilibot ako ni Denmeir sa buong bahay nila.

"Dito kami madalas tumambay ni Denveir."

Nasa veranda kami sa ganda ng tanawin nakaka-relax.

"Kapag binitawan niya na ang best buddy book niya nakikipaglaro siya sa akin ng wrestling. Nabuhay ako na palagi siyang kasama kahit sa kalokohan dahil hinihila

ko siya, pero hindi ko akalaing..." pinunasan niya ang tumulong luha, "mawawala siya ng maaga."

Ngumiti ako at pinakatitigan siya. "Niligtas niya ako. Utang ko sa kaniya ang buhay ko."

"Masaya na siya ngayon dahil masaya ka. Ikaw lang naman ang kaligayahan niya parang ako." Pinisil niya ang ilong ko. "Masaya ka ba sa akin?"

"Oo naman!"

Mahigpit naming niyakap ang isa't isa. "Dapat lang dahil kung hindi tatalon ako rito." Tinuro niya ang baba.

Kabaliwan niya talaga.

"Ewan ko sa iyo weird mo talaga."

"Weirdo ba talaga ako?"

"Sobra."

"Hindi naman. Favorite ko lang ang magsalita na pati bagay kinakausap ko."

"Gano'n nga ang weirdo."

"Weirdo nga mahal mo naman," nagkibit-balikat pa siya. Nakatalikod na siya ngayon sa akin. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likuran.

"I love you, Denmeir."

"I love you, too," umikot siya para dampian ng halik ang noo ko. "Ang sweet mo siguro busog ka?" Natawa ako. Kabaliwan niya nanaman.

"Anong kinalaman ng busog do'n?"

"You know the production of ATP is enough."

"Lusot mo, eh, 'no?"

Napasigaw ako nang buhatin niya ako at iikot-ikot. "I wish we're together until the end of the world!"

Natawa nanaman ako sa hitsura niya dahil papikit-pikit pa habang nakangiti. Muntanga lang?

"Ibaba mo na ako."

Binaba niya ako at inakbayan. "Buko pie?"

"Hmm?"

"Gaano ako ka-weirdo?"

Natawa nanaman ako. "Tinatanong pa ba 'yon? Curious ka talaga sa kaweirduhan mo."

"Ayaw mo ba sa akin kapag weirdo ako?"

"Gusto ko sa iyo kahit kausapin mo pa ang hangin."

"Ginagawa ko nga 'yon minsan lalo na noon na hindi mo ako pinapansin."

"Minsan maganda rin kausapin ang sarili. Anti-stress." "Oo nga, hindi na ba ako mame-mental hospital?" "Mame-mental hospital pa rin." "Bakit?"

"Kapag iniwan kita."

Nanlaki ang mata niya at namutla. "Hoy! Walang ganiyanan!" Ang lakas ng tawa ko dahil sa hitsura niyang parang nawalan na ng dugo sa mukha.

"Joke lang. Halika nga," ibinuka ko ang braso.

Nakangiti naman siyang yumakap sa akin.

"Bakit pala gustong-gusto ka ni nanay at tatay?"

"Nakita ko na sila noon. Maraming pinamalengke tinulungan kong buhatin ang dala nila hindi ko akalain na magulang mo pala 'yon."

Tumango ako. "Ang bait na bata."

"Mabait na binata kamo."

Magkayakap lang kami habang nagkwe-kwentuhan ng kung ano-ano.

"Nakakatawa nga si Nanay binigyan pa ako ng duplicate key ng bahay niyo. Pasukin na lang daw kita," tumawa siya.

"Ay, talaga? Si Nanay talaga parang ewan din minsan."

"She's a cool mom like my parents."

"Oo nga."

"Paano mo pala nakilala 'yong si Keyar? Ang tagal na kitang kasama ‘di mo sila nabanggit?"

"Kasi ‘di naman nagpapakita ang mga 'yon. Bihira ko silang makasama dahil nahiwalay ako ng kursong kinuha. Mga kaibigan ko sila since high school."

"Hindi mo crush si Keyar?"

Natawa ako bago magsalita. "Hindi, best friend ko lang talaga 'yon."

"Eh, si Roex?"

Pinaningkitan ko siya ng mata at ngumisi. "Nagseselos ka ba?"

Nagkibit-balikat siya. "I've always been jealous, but I'm not the kind of guy who'll punch the rival automatically. I used my brain."

Tinapik-tapik ko ang ulo niya. "That's my boy." Matapos ay inasar ko siya. "Kung may brain?" Nag-roll eyes siya kaya natawa ako. Ang cute niya!

"Lahat ng tao may brain paano ako makakapag-isip kung wala? Paano kita minahal kung hindi inutos ni brain na patibukin ang puso ko sa iyo?"

"Enough for science thing. Sumasakit ulo ko kapag naaalala ko ang circulatory system, nervous system at kung ano-ano pang lechugas na system na 'yan." Tumawa si Denmeir. "Easy!"

"Yabang mo naman!"

Nagkibit balikat siya at niyabangan ako ng tingin. "Kahit naman ganito ako matalino 'to! Si Denveir ba naman ang lagi mong kasama kinakaltukan ako kapag ‘di ako nagbasa."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Bonding ninyo?"

"Yeah, I miss him."

Natigilan kami nang biglang namatay ang ilaw. Tumakbo si Denmeir at niyakap ako. Ramdam ko ang kalabog ng dibdib niya.

"Hoy! Denveir walang ganiyanan! Takot ako sa multo! Oo, nami-miss kita, pero 'wag ka nang magpakita!"

Pigil na pigil ko ang tawa. May ganito pa lang side ang babe ko na takot sa multo. Nalalalaking tao matatakutin. Parehas kaming natigilan nang may maghagis ng unan.

"Ahh!" Mahigpit kaming magkayakap at sumigaw. Pati ako nadala na rin sa takot niya. Nang tingnan namin ang unan natawa ako dahil nemo 'yon.

"'Wag kang tumawa unan ko 'yan! 'Yong regalo ni Denveir minumulto niya ako."

Napalingon kami nang biglang may tumawa nang malakas. Si Cecelia nakahawak na siya sa tiyan sa lakas ng tawa niya.

"Bading mo talaga! Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa multo! Si Nemo nakita ko sa sofa naiwan mo. Alam ko namang ‘di ka makakatulog kapag hindi mo yakap 'yan."

"Umalis ka nga rito! ‘Di kita bibigyan ng pera tingnan mo!" Inis na sabi ni Denmeir.

Tumatawa siyang umalis. Nilapitan ko ang nemo at inangat 'yon. Malakas akong tumawa habang sinisipat 'yon.

"Sa iyo 'to?"

Nagkamot siya ng noo at kinuha ang unan. "O-oo, regalo 'to ni Denveir noong bata pa kami. Hanggang ngayon yakap ko ito sa pagtulog." Humagalpak ako ng tawa. Sumakit na ang tiyan ko at nauubusan na ako ng hininga.

"Your laugh is too loud," nagkakamot ang noong sabi niya.

"Eh, kasi…" tumawa nanaman ako. "Nemo talaga?"

"Eh?" Pinakalma ko ang sarili humugot ako ng malalim na hininga at saka pinigilan ang tawa.

"Nemo pala, huh?"

"Eh, sa 'yon ang gusto ko noon at hanggang ngayon."

"Nemo yohoo!" Hindi ko na napigilan humagalpak nanaman ako ng tawa. Natigilan lang ako nang magsalita siya.

"Ailey, what are your thoughts about marrying me after graduation?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.