Chapter ACWTK2: 55

"I LIKE Knight's new story. Mas may lalim ang character. Very precise ang mga eksena pati ang characterization. Malaki na ang improvement niya sa pagsusulat at mas malinaw na ang gusto niyang mangnyari sa kwento. Halata na masaya siya sa ginagawa niya at ni-research niyang mabuti,” puri ni Miss Rojana, ang editor-in-chief ng Penumbra Publication. Kadarating lang ni Sylvie nang makasabay ang babae sa elevator.

Speaker si Lancelot sa workshop ng mga gustong magsulat para sa Penumbra Publishing. Hindi siya ang photographer sa event dahil sinamahan niyang magpa-check up ang mama niya sa OB-Gyn. Hindi nga alam ni Lancelot na pupunta siya. Gusto niyang sorpresahin ang lalaki at ipakita ang suporta.

“Pinaghirapan po talaga ni Lancelot iyon. Nag-research pa siya at nagbasa ng ibang libro na binasa din ni Mark Andrew para lang po makuha niya kung paano ang takbo ng utak nu’ng isa. Seryoso po talaga siya sa project na ito.”

“Parang inspired nga siya. O dahil kasama ka sa character?" tanong nito na may halong panunukso.

“Si Mark Andrew po talaga ang focus ng kwento.”

“Pero ramdam na ramdam ko kapag nasa eksena ka na. I don’t know. For some reason, tingin may gusto sa iyo ‘yung lalaking tinulungan mo sa entrance exam. Parang cute kayong dalawa.”

Ipinilig niya ang ulo. “Hindi ko na nga po maalala iyon hanggang mabasa ko ‘yung sinulat ni Lancelot. Matagal na po kasi iyon.”

“Anyway, ‘yung Mystic High webcomic mo nakakuha na rin ng readers pati sa abroad. May mga fans ka na at nagre-request sila ng printed copy. Sinu-shoot na rin ang pelikula. How about we target the release of the printed manga along with the film? Tapos na ang volume one, di ba?”

Nahigit niya ang hininga. “K-Kayo po ang bahala.” Nanlalamig ang kamay niyang sinapo ang mga pisngi. “Katuwaan lang naman po kasi nang gawin ko iyon.”

“You are a talented person. You deserve it. Masaya ako dahil inspirasyon kayo ng mga kabataan. Nakakatanggap ako ng mga comment ngayon. Sa halip na magrebelde, inilalabas na lang daw nila ang talento nila sa art. At doon sila nakakahanap ng kaligayahan. We also encourage the parents to check what their kids read and do. Makakatulong iyon para ma-develop ang komunikasyon sa pamilya.” Kahit sina Lancelot at ang ama nito ay mas maganda na ang komunikasyon. Nagsa-suggest pa nga minsan si Tito Arnulfo kung ano ang magandang gawing plot ni Lancelot.

Di maalis ang ngiti sa labi ni Sylvie hanggang makarating sa activity area kung saan ginaganap ang talk. Mahigit isandaan daw ang participant sa naturang workshop. Karamihan sa mga participants ay teenager pa dahil na rin kay Lancelot. Dama agad niya ang kilig sa paligid nang makitang nagsasalita ang lalaki sa entablado. Hindi ito mukhang kinakabahan at nakangiti lang, puno ng kompiyansa. Di pa siya nito nakikita. Mamaya na siya magpaparamdam. Sinenyasan din niya si Breanna na admin nito na huwag siyang lapitan at mag-focus lang sa pagsasalita ni Lancelot.

“Wala akong masyadong writing tips na ibibigay sa inyo. Hindi ako mateknikal na writer at pinag-aaralan ko pa rin iyan. Pero marami maise-share sa inyo tungkol sa inspirasyon,” panimula ng lalaki. “Pero kayo muna ang mag-share sa amin. Bakit o paano kayo nagsimulang magka-interes na magsulat?”

May nagtaas agad ng kamay sa bandang likuran at tinawag ito. Nahigit nya ang hininga nang makita kung sino ang nakatayo sa rostrum. "Hi! I'm Cela.”

Parang tumigil ang lahat sa paligid ni Sylvie habang pinagmamasdan ito. Si Cela. Anong ginagawa nito doon? Hindi agad niya ito nakilala dahil sa halip na kulay carrot ang buhok nito ay itim na iyon. Wala rin ang makapal na mascara at itim na lipstick na hilig nito kahit nang unang beses niya itong nakita sa Bright Minds Academy nang haranahin ni Mark Andrew noon. Malinis ang mukha nito ngayon.

Sumikdo sa didbib niya ang insecurity na matagal nang nasa puso niya. Ang sakit dahil marami itong magagandang bagay na kinuha sa kanya. Ang liit naman ng mundo. Dito ko pa siya makikita.

“You see, I had a turbulent life. Naghiwalay ang parents ko noong teenager na ako at napabarkada. Sakit ako ng ulo. There was this guy who loved me. He was perfect but I pushed him away. Na-realize ko ang value niya nang mawala siya. He died saving me. And... na-depress ako dahil doon. I was in a dark place for a long time. Pagsusulat lang ang nakapagligtas sa akin. Thank you for encouraging me to write, Knight. Ikaw ang nagligtas sa akin ngayon.”

UMUGONG ang tainga ni Sylvie. Napaurong siya Parang may sumibat sa dibdib niya at naramdaman niya ang matinding sakit. Ikinuwento ni Cela sa lahat ang tungkol kay Mark Andrew. Na ito ang mahal ng lalaki. Ibinunyag nito sa lahat ang sekreto niya. Pero ang pinakamasakit sa lahat, alam ni Lancelot ang tungkol doon.

Naurungan niya ang isang bakanteng upuan at lumikha iyon ng ingay. Naglingunan sa kanya ang mga tao pati na si Lancelot. Nagtama ang mga paningin nila at nanlaki ang mga mata nito.

Matalim niyang tiningnan ang lalaki. Traidor! Alam nito ang lihim ni Mark Andrew. Alam na nito ang lahat. Sa lahat ng pagkakataon na nakangiti ito habang nagtatanong kung gaano siya kamahal ni Mark Andrew, alam na nito na may ibang mahal ang nobyo.

Lumabas siya ng kuwarto. Di niya matatagalang makita ang mukha nito. Pinrotektahan niya ang sarili para di na malaman ng iba ang totoo.

He made her feel like a fraud. Pinrotektahan niya si Mark Andrew para di ito maging masama sa iba. Na perpektong nobyo ito. Itinago niya ang lihim nito. Kinimkim niya ang sakit.

Binuksan niya ang puso niya kay Lancelot. Pero ito ang napala. Nagmahal siya sa mga taong sasaksakin lang siya sa likod.

"Sylvie, wait!” tawag ni Lancelot na hangos siyang hinabol sa hallway.

Pumiksi siya nang haklitin nito ang kamay niya. "Alam mo kung sino siya. Alam mo kung sino siya sa buhay ni Mark Andrew pero inilihim mo sa akin. Nag-uusap kayo pero wala akong kaalam-alam. Kailan mo pa nalaman? Habang nasa Tanay tayo…”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.