Chapter ACWTK2: 60

"Hala! Hindi talaga niya ako pinansin buong araw na parang ako ang may kasalanan sa kanya. Wow! Siya pa ang matigas ngayon," sumbong ni Sylvie kay Roumel. "How about that for sincerity? Akala ko naman apologetic siya sa akin at gusto niyang bumawi."

Nasa headquarters sila ng The Newsmaker. Hindi nakatiis ang dalaga na kausapin ito dahil maghapon siyang naghintay ng text man lang mula kay Lancelot. Ni hindi siya nilapitan kanina samantalang inaasahan niya na bubuntutan siya nito para mag-sorry.

"What do you expect? Hindi lang ikaw ang napapagod? Sylvie, walang ginawa 'yung tao mula nang makilala ka kundi suyuin ka at maghabol sa iyo. Hindi ba pwede na siya naman ang magpahinga? Hindi biro ang pamamahiya mo sa kay Lancelot."

"I was emotional. Kahit ikaw ang nasa kalagayan ko, mawawala ka rin sa huwisyo."

"I am sorry for what Mark Andrew put you through. Nandoon ako nang haranahin niya si Cela at na-reject siya.”

“Nakita ko rin iyon,” malungkot niyang usal. Crush na niya noon si Mark Andrew nang haranahin nito si Cela sa Kahit Habambuhay ng Smokey Mountain. Nakita rin niya nang I-reject ni Cela ang lalaki. Inis na inis siya kay Cela noon. Hindi alam ni Mark Andrew na nakita niya lahat. Di rin ito nagkwento tungkol kay Cela, animo’y bahagi iyon ng nakaraan ng binata na ayaw nang maalala.

“ Isama pa 'yung pagtatanan ni Kuya Billy at nadismaya sina Tito Josh at Tita Jini. Naging masyadong seryoso at driven si Mark Andrew. Ayaw na niyang maging failure at mapasama ang loob ng magulang niya.”

"At kinuha niya ako bilang perfect girlfriend dahil iba ako kay Cela. Sa palagay mo ba minahal niya ako kahit na kaunti?" tanong niya at pinagdikit ang mga daliri.

"Stop beating yourself with it, Sylvie. Di na mahalaga kung ano ang nararamdaman sa iyo ni Mark Andrew. Wala siya dito para depensahan ang sarili niya. All you can do is move forward. Kung may dapat kang intindihin, si Knight iyon. Buhay pa siya.”

Bumuga siya ng hangin. "Nagsawa na siguro siyang manuyo sa akin. Okay. I was a bit harsh in judging him."

"So, you should say sorry. Ikaw naman ang maunang lumapit at makipag-usap sa kanya."

Itinuro niya ang sarili. "Ako?"

"Sylvie, lagi siyang sumusuyo sa iyo. Maliit na bagay lang ito kung gusto mong sagipin ang pagkakaibigan ninyo. Don't let your pride get in the way. Be a matured young adult."

Umikot ang mga mata niya. "Nagsalita ang matured."

"Abby is another topic."

"Wala pa akong sinasabi, nag-squeal ka na agad."

Iwinaksi nito ang kamay. "Go now. Call Lancelot or something. Fix this for your own sake."

Sinunod niya ang payo ni Roumel. Sinubukan niyang tawagan si Lancelot habang naglalakad siya papunta sa pick up area na pagsusunduan sa kanya ni Mang Udo pero di naman nito sinasagot. "So, that's it? Di talaga niya ako gustong kausapin?"

Alam na niya ngayon kung ano ang pakiramdam nang di niya sinasagot ang tawag nito. Naipahiya pa niya ito sa harap ng maraming tao sa pangalawang pagkakataon. Mabuti walang lumabas na video sa pagkakataong ito at di lumabas ang issue sa social media dahil na rin sa damage control na ginawa ng publication. Dalawa sila na talent ng Penumbra Publishing at di magandang tingnan na nag-aaway sila sa publiko. So much for social responsibility.

Mas pagsisisihan siguro niya ang nangyari kung kumalat iyon sa social media. Di niya alam kung paano haharap sa magulang ni Lancelot o sa magulang ni Mark Andrew. Isang leksyon iyon kung bakit kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Wala siyang ibang excuse kundi sumabog na lang siya. Mas maayos sana niyang naharap ang problema pero huli na.

Mawawala na rin ba sa akin si Lancelot?

May incoming call mula kay Rhein na isa sa admin ni Lancelot. Mawawalan din ba siya ng kaibigan kapag binitawan siya ng binata? Mag-iisa na naman ba siya?

"Hello, Rhein!"

"Sylvie, nandito na lahat ng admins sa Riverside Cafe. Ikaw lang ang wala. Magsisimula na ang live broadcast ni Lancelot. Bakit wala ka?”

“Hindi naman niya ako inimbitahan diyan. Ibig sabihin ayaw niyang nandiyan ako,” aniya sa mapait na boses.

“Important daw ang announcement niya. Di siya masyadong nagsalita pero sa palagay ko mas tama kung nandito ka. Huwag mong sinabi na pinapupunta kita dito. Kasi ang usapan namin ng admins sabihin ko lang na mag-monitor ka sa Facebook Live mo. Pupunta ka ba?”

“Papunta na ako diyan.” Hindi na siya tatakbo o magtatago sa pagkakataong ito. Kung gusto siyang alisin ni Lancelot na admin nito at idadaan pa nito sa Facebook Live, mas gusto niya kung sa harap niya mismo sabihin.

“Manong Udo, sa Riverside Cafe po tayo,” sabi niya pagsakay ng kotse.

Pagpasok sa cafe, nakaabang na si Rhein sa kanya. “Naka-reserve na ang second floor para sa grupo natin.”

Pinisil niya ang kamay nito. “Salamat kasi pinapunta mo ako dito.” Kung gusto ni Lancelot na mawala siya sa grupo dahil toxic siya, mas maganda na magpaalam siya sa mga naging kaibigan nang maayos

“Shhh!” sabi lang nito habang umaakyat na ng hagdan.

Pagsilip niya, nasa kaliwa lang niya at nagsisimula na ang live video ni Lancelot at bumati sa mga fans nito. Hindi siya tuluyang umakyat nang makitang isinenyas ni Breana ang palad.

Wala siyang magawa kundi maghintay sa dulong baitang ng hagdan kung saan di siya makikita ni Lancelot at di ito mawawala ang atensiyon nito sa iaanunsiyo. Nakinig na lang siya sa sinasabi nito.

“Thank you sa pagsubaybay ninyo sa Wings of an Angel.” Iyon ang kwento ni Mark Andrew na sinulat nito. “Pasensiya po pero hindi ko na po itutuloy ang pagsusulat nito.”

Nahigit ni Sylvie ang hininga. Kahit si Rhein ay nanlalaki ang m aKahit ang mga admin ay di inaasahan iyon.

“Bakit? Kahit ang editor niya gandang-ganda doon.” Dahil ba sa kanya? Dahil nag-away siya dahil kay Cela?

Lumabas siya sa pinagtataguan at nakia ang malungkot nitong ngiti sa camera. "Hindi na consistent ang gawa ko. Sa simula pa lang, may mali na sa isinulat ko. 'Yung kwento kung paano na-inlove si Mark Andrew kay Sylvie, hindi totoo iyon."

Tinapik ni Rhein ang braso niya. “Akala ko totoo iyon. Sayang naman.”

“Ano bang sinasabi ni Lancelot? Nababaliw na ba siya? Totoo iyon na nangyari,” angil niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.