Chapter ACWTK: 33

“Hindi po.” Nagulat siya dahil ipinagbukas siya ng binata ng pinto. Saka na po para ma-miss naman ako ni Sylvie.”

Inirapan niya ito at pumasok ng sasakyan. “Hindi kita mami-miss.”

“Sabi mo lang iyan. I hope you will miss me.” Isinara nito ang pinto bago pa siya makaangal at nag-flying kiss sa kanya.

MARIING pumikit si Sylvie para di na ito lingunin pa si Lancelot. Nararamdaman pa rin niya ang mga mata nito nakasunod sa kanya kahit palayo na ang sasakyan.

“Bakit ba ayaw niya akong tigilan?” Bumuga siya ng hangin. “Manong, anong kailangan kong gawin para itaboy ‘yung taong dikit nang dikit sa akin kahit pangit na ipinapakita ko sa kanya?”

“Gusto po talaga kayo ni Sir Knight. Wala na po kayong magagawa doon. Saka bagay naman po kayo, Ma’am. Pareho kayong mabait.”

Pumikit na lang siya at nagkunwaring natutulog. Di na talaga niya alam kung paano didistansiya kay Lancelot. Problema pa niya ang video nito na dedicated sa kanya. Titigil lang daw ito kapag nagustuhan na niya. At kapag nagustuhan na niya ito, ano ang mangyayari sa kanya? Mawawala na ba ang atensiyon nito sa kanya? Di niya alam kung bakit may nadama siyang kirot sa dibdib niya. Maisip lang niya na mawawala na ang atensyon ni Lancelot sa kanya, parang may kahungkagan sa dibdib niya.

Dumilat lang siya nang gisingin siya ni Mang Udo at sinabing nasa bahay na sila. Plano niya na tumuloy agad sa bahay para ma-edit at ma-email na kay Lancelot at sa The Newsmaker ang mga kuha niya.

Papasok siya sa bahay nang kilabutan siya dahil naririnig niya ang kanta ng Smokey Mountain. Pero bakit parang wala sa tono? At bakit boses ni Lancelot ang naririnig niya? Hindi naman siguro ako nagka-last song syndrome. Pero bakit parang multo siya na sumusunod sa akin? Bakit di ko siya matakasan?

Lumabas ng kusina ang nanay niya na naka-apron. “You’re back. Humalik ito sa pisngi niya. “Nag-bake ako ng corn muffin.”

“Ma, di po kayo dapat nagpapagod,” paalala niya.

“Corn muffin lang naman,” nakanguso nitong sabi. “I am craving. At mas gusto ko ang sarili kong luto ang matitikman ng kapatid mo.”

Alam niyang nabo-bore ang ina kapag nasa bahay lang. Di na ito pwedeng magtrabaho sa farm o kahit man lang sa garden nila. Paperworks na lang ang pinapaasikaso ng ama niya dito matapos umiyak nang umiyak ang nanay niya dahil pakiramdam daw nito ay wala itong silbi.

“Huwag mo nang kontrahin ang mama mo. Naglilihi iyan. Huwag kang mag-alala dahil nakaalalay kami ni Manang kanya,” anang ama niyang si Frank na nakasuot rin ng apron.

“Alright, Pa.” Tumuro si Sylvie sa taas. “May sira po yata ang audio ng player natin or ‘yung speaker. Parang may mali sa music.”

Nakakunot ang noo na tumingala ang inang si Meldy. “Wala naman ah! Baka naninibago ka lang sa version ni Knight.”

Ilang beses siyang kumurap. “Si Lancelot po ang kumanta mismo?” Hindi mali ang pandinig niya? Hindi siya na-LSS lang?

“Yes. Kaa-upload pa lang niya sa page niya kanina. It is so sweet. Dedicated daw niya sa iyo. Tungkol daw iyan sa love na handang maghintay. At hihintayin niya hanggang mapatawad mo siya,” kinikilig na sabi ng nanay niya at sumandig pa sa balikat ng tatay niya.

Ipinilig ng dalaga ang ulo. Wala rin pala siyang takas sa kay Lancelot dahil na-invade na nito pati ang bahay nila. “Hindi naman niya kailangang maging dramatic. It is too much.”

“Araw-araw ka daw niyang haharanahin hangga’t di ka ngumingiti sa kanya araw-araw. Pakiramdam ko tuloy ako ang hinaharana niya,” sabi ng nanay niya.

Nalukot ang mukha ni Sylvie. “Ma, pwede pong pakihinaan? ‘Yung kayo lang nakakarinig sana. Masakit po kasi sa tainga.”

“No. I like the music. Gusto ko ang boses ni Knight at ng mga kaibigan niya. This is a wonderful gesture, anak. Gusto niyang bumawi sa iyo. At huwag mong ipapatigil ang music. Magtatampo ako sa iyo at ang kapatid mo. You don’t like that, do you?” Nakangiti itong tumalikod habang nagha-hum at bumalik sa kusina. “Malapit nang ma-bake ang muffins. Magpalit ka na ng damit.”

“Pa, baka pwede pong I-pause muna ‘yung music player?” tanong ni Sylvie sa ama. “Dumudugo na talaga ang eardrums ko. Nauumay na po kasi ako. Mula kaninang umaga puro na lang si Lancelot ang nakikita ko at pinag-uusapan ng lahat. Pati ba naman dito sa bahay?”

Tinapik nito ang ibabaw ng ulo niya. “Sorry. Di ko pwedeng kontrahin ang mama mo. I promised that she’s the queen and the law. I won’t do anything to upset her. Makakasama sa baby. Napaglilihian yata niya si Lancelot.”

Tumirik ang mata ni Sylvie. “Sa dami naman ng mapaglilihian ni Mama.”

“Ikaw nga sa durian niya ipinaglihi. Alam mo bang napilitan pa akong lumipad ng Davao dati para lang sa durian niya? This is nothing.”

Ngumiwi siya. Wala talaga siyang kakampi. Kahit yata mamundok siya o magtago sa ilalim ng lupa, susundan pa rin siya ng boses ni Lancelot.

“Pasalamatan mo si Lancelot para sa akin. It brings back memories. At napaka-sweet niya dahil gusto niyang bumawi sa iyo. Hindi niya kailangang mag-sorry pero ginawa pa rin niya. Hindi ka ba masaya na may nagbibigay ng halaga sa iyo?” sabi ng nanay niya habang nagmimiryenda sila.

“Mama, hindi naman po maibabalik ang nakaraan at di rin po makakatulong sa grades ko ang pagkanta-kanta niya sa internet ko. Pinagpipiyestahan lang po kami ng mga fans niya,” angal naman niya.

“Huwag mo nang pansinin mga fans niya. Inggit lang mga iyon sa iyo. Hindi lahat tungkol sa grades. Dapat matuto ka rin magpahalaga sa mga taong nagbibigay ng panahon sa iyo at nagmamahal kahit di mo naman hinihingi. ‘Yung ibang tao nagmamakaawa nang mahalin sila o pansinin pero wala pa rin.”

Natigilan sa pagkain si Sylvie habang nakikinig sa ina. Hindi niya alam kung regalo nga si Lancelot o sumpa. Hindi naman niya hiningi ang atensyon dito. Hindi niya gusto na magustuhan din siya nito. Wala na siyang maibibigay.

“Hindi pa siguro niya maiintindihan iyan ngayon. Kumain ka lang,” anang tatay niya sa nanay niya at kinintalan ng halik sa noo.

Naiinis siya dahil parang bayani na naman ng bayan si Lancelot at wala siyang karapatan na tanggihan ito. Natatakot siyang buksan ang puso dahil baka masaktan na naman siya. Maaring mali sa iba na protektahan ang sarili niya sa sakit.

Gagawa siya ng paraan para tigilan na siya ni Lancelot. Gusto na niyag bumalik sa tahimik niyang mundo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.