Chapter ACWTK: 34

“WE opened eight hundred slots for this talk. Wala pang isang oras, napuno na lahat. To think na four hundred slots ang naka-reserve sa atin at marami pang gustong humabol. At dalawang oras pa bago magsimula ang talk natin pero marami nang nakapila sa labas. Sikat talaga si Knight,” namamanghang sabi ni Mindy matapos sumilip sa labas ng auditorium. Katatapos lang ng meeting ng coordinator ng speaking event at meet-and-greet ni Lancelot. Kinukuhanan ni Sylvie ng picture ang loob ng venue nang lapitan siya ng babae.

“Nakapila na nga sila kanina pa,” sabi ni Ariane na nagprisinta na maging usherette ng event. Kumpleto ang Sassy sa mga organizers para daw di basta-basta makaporma ang ibang fans ni Lancelot.

Hindi niya inaasahan ang dagsa ng mga tao para sa talk ni Lancelot. May mga banner pang dala ang iba. Parang may mall show ng artista o celebrity na dadaluha ang mga ito sa halip na meet-and-greet ng isang manunulat.

“So we will mingle with those from lower class school. Great!” nakatirik ang matang usal ni Aiona. “Sana exclusive na lang ito para sa mga Bright Minds. Baka kulangin ang sanitizer ko.”

“Alalahanin mo na galing si Lancelot sa ibang school bago siya lumipat dito,” pakli ni Sylvie sa babae. “At nangako siya na Holy Grail Academy ang unang talk niya bago siya mag-transfer.”

“Well, he is one of us now. That’s different,” kontra ni Aiona.

“No need to be snobbish. Pare-pareho lang naman kayo ng binabasa. Hindi mo kailangang maging possessive kay Lancelot,” aniya at isinukbit ang camera sa balikat.

“Be nice to his fans. Kapag may sinupladahan kayo sa kanila, si Lancelot mismo ang mapapasama at ang school,” paalala ni Roumel na magiging host ng programa.

Kumapit si Aiona sa braso nito. “I am always nice when it matters. You know that.”

Puro si Lancelot ang nakikita niya kahit saan. Pictures na kuha niya ang ginamit para sa poster nito at giveaway. It was supposed to be an achievement. Pero pakiramdam niya nalulunod na siya sa presensiya ng lalaki.

Kinukuhanan niya ang mga nakapilang fans nang lumapit ang tatlong babaeng estudyante na naka-white blouse na may tatak ng Holy Grail Academy at checkered light blue na palda. “Hi! Ikaw ba ‘yung Sylvie na binabanggit ni Knight sa video niya?” tanong ng babaeng naka-bobcut ang buhok.

Tiningnan niya ang sariling nametag na nakasabit sa leeg niya. At sa itsura ng mga ito, parang handa nang kalbuhin ang kilay niya kapag umamin siya.

Ngumiti siya at binaligtad iyon. “N-No. Hindi lang naman ako ang Sylvie dito.”

“Sigurado ka? Medyo di kasi usual ang pangalan na iyon. Pwede mo bang ituro sa akin kung nandito ang Sylvie na tinutukoy ni Lancelot sa video?” tanong babaeng kulot ang buhok.

Kunwa’y luminga siya sa paligid. “Wala. Ano… I am not sure kung pupunta siya sa event. Anyway, enjoy the talk.”

“Mag-e-enjoy talaga kami kasi makikita na namin si Knight. Miss na namin siya,” sabi ng babaeng tuwid ang buhok at naka-full bangs. “Ngayon lang namin ulit siya makikita mula nang mag-transfer siya ng school. Espesyal ang trato niya sa aming lahat. Tapos dumating lang ang Sylvie na iyon sa buhay niya, parang siya lang ang naging espesyal.”

“Baka sakaling magbago ang isip niya kapag nakita na niya kami at kalimutan niya ang Sylvie na iyon.”

Alanganin ang ngiti niya. “Sige. Pasok na kayo.”

Binaligtad niya ang ID para di makita ng mga tao na siya si Sylvie. Mahaba ang pagtitimpi sa kanya ng mga taga-Bright Minds Academy kahit na kilala siya pero alam niyang tinataasan siya ng kilay ng mga fans ni Lancelot. Pero di niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga dating schoolmate ng lalaki o ibang fans kapag nakilala siya. Ayaw niya ng gulo.

“Ano bang ipinainom mo kay Knight at gustong-gusto ka niya?” mahaba ang nguso na tanong ni Aiona nang lapitan siya habang kumukuha ng pictures sa linya ng mga nakapila sa labas ng auditorium. “I mean, I just don’t get it. Ayaw mo nga sa kanya.”

“He just wants to annoy me. Di mo gugustuhing nasa posisyon ko.” Di siya makakagalaw nang maayos sa sarili niyang eskwelahan lalo na kapag nalaman ng mga ito na siya ang babae sa video ni Lancelot.

“Then let’s swap our nametag. Ako muna ang magiging Sylvie sa araw na ito at ikaw naman si Aiona,” prisinta ng babae na kumikislap ang saya sa mata. “Look, I know you don’t like being the center of attention. Di mo magagawa ang trabaho mo dahil nakasunod sila sa kilos mo. Who knows, baka may rabid fan pa na komprontahin ka. I can handle them better.”

“At anong sasabihin mo sa kanila kapag tinanong tungkol sa amin ni Lancelot?”

“I will tell them that I only see him as a friend. Wala ka bang tiwala sa akin?”

Wala siyang tiwala dito pero wala siyang ibang naiisip na solusyon para hindi di kuyugin ng mga fans ni Lancelot. “Sige. Sabihin mo lang sa akin kung may problema.”

“Baka nakakalimutan mo kung sino ako - I am Aiona Malvarosa.” Hinawi nito ang buhok na parang commercial model ng shampoo. “Makita pa lang nila ang ganda ko, mare-realize na nila bakit ako ang nagustuhan ni Lancelot, kung bakit ako ang hinaharana niya. Siguradong di na sila makakapalag. Don’t worry. I will be nice. Hindi ako magsusungit.”

“Okay.” Inalis niya ang nametag sa leeg at ipinasa dito. “Thank you.”

Effective naman ang naisip na paraan ni Aiona dahil malaya siyang nakakuha ng pictures nang walang gumagambalang fans ni Lancelot. Si Aiona din ang pinagkukulumpunan nng mga ito pero parang masaya ang babae sa nakukuhang atensyon. Maldita si Aiona pero may karisma ito. Kampante ito sa kagandahan nito kaya di ito maiilang humarap sa ibang tao. Kaya rin nitong itago ang kamalditahan nito kaya walang problema.

“Sylvie!” tawag ni Lancelot na sumilip mula sa backstage na di kalayuan sa kanya.

Bigla siyang lumingon nang marinig niya na nag-”yes” si Aiona sa tabi niya. “Yes, Knight?” At pinapungay pa ang mga mata saka inangat ang name tag.

Ilang beses na kumurap ang binata saka lang nakita na ibang pangalan ang nasa nametag niya. . “H-Hi! I mean, si Aiona pala ang kakausapin ko.” Umalis ito sa pinagtataguan at hinila siya papunta sa backstage. “Come.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.