Chapter ACWTK2: 23

“NARINIG mo po ba iyon, Mama? Pinuri ako ng isang Palanca awardee. Pinuri ako ng editor ko na kinatatakutan ng lahat. T-Totoo ba lahat ng narinig ko?” namamangha na tanong ni Lancelot habang bumibiyahe sila pauwi.

“Anak, magaling ka. Siyempre naman totoo ang narinig mo na pinuri ka ni Miss Rojana. At sa guidance niya, mas gagaling ka pa,” sabi ng ina nitong si Gracia. “I am so proud of you, hijo. I am sure matutuwa din ang papa mo ngayong Palanca awardee pa ang hahawak sa iyo at pinuri ka.”

“Sana nga, Mama. Sana nga rin hindi lang nagiging mabait sa akin si Miss Rojana. Baka mamaya ayaw lang niya akong masaktan,” usal ni Lancelot. “Parang di ako makapaniwala…”

“Ang sarap mong kurutin para matauhan ka,” sabi ni Sylvie at binatak ang manggas ng uniform nito. “Sa palagay ko di siya nakikipaglokohan sa iyo. Wala siyang oras para utuin ka pa. Kita mo kung paano niya I-real talk ang ibang co-writer mo. Nagustuhan ka niya dahil marunong kang tumanggap ng mali at handa kang mag-adjust para itama iyon. Ikaw daw ang dapat maging modelo ng ibang co-writers mo.” Siniko niya ito. “Magpa-burger ka naman diyan.”

“Mama, pwede pong idaan natin sa Big Brother’s Burger si Sylvie? I think I owe her a lot,” anang si Lancelot.

Tinakpan niya ang bibig nito. “Uy! Joke lang iyon. Nakakahiya.”

“Sylvie, kundi dahil sa iyo di mag-I-improve si Lance. You are a gem. Kahit editor ni Lancelot gusto ka,” sabi ni Gracia. “Pwede ko ba kayong I-drop off sa burger shop? May bibilhin lang ako sa supermarket at babalikan ko na lang kayo after two hours.”

“Thanks, Ma,” sabi ni Lancelot at hinalikan ang ina sa pisngi.

Natawa si Lancelot nang nagkukwentuhan sila matapos umorder. “Habang kausap ko si Miss Rojana, parang ikaw din ang kausap ko. Nakakatakot.”

“Maniwala naman akong natatakot ka sa akin. Pangiti-ngiti ka nga lang sa akin na parang wala lang ang sinasabi ko noong talk mo. Confident ka kaya no’n.”

“Syempre di naman ako magpapahalata na affected ako at nasasaktan. Saka sa palagay ko di rin madadaan sa pangiti-ngiti si Miss Rojana. Di pwede ang charm ko.”

“Bakit pala naiisipan mong mag-revise? Tanggap ka naman ng mga fans mo sa kabila ng mga problema sa kwento mo. Sabi nila minahal ka nila yon. It would be just a waste of time, don’t you think? Major revision ang gagawin mo.”

Tumuwid ito ng upo. “Kasi naisip ko na tama ka. Kung bibilhin ng mga tao ang libro ko, dapat mas maganda ang ipabasa ko sa kanila. Di ko na mababago ang una kong nai-print pero paano pala kung may igaganda pa ang kwento ko?”

“Tama. Katulad ng sinabi ni Miss Rojana, na-appreciate daw niya ang pagkukusa mo na mag-revise. Hindi ko ine-expect na iko-consider mo ang suggestions ko,” sabi niya at sumubo ng fries.

“Sylvie, handa akong mag-improve. Sabi nga ni Roumel sa akin, nasa Bright Minds Academy ako para mag-improve at mag-aral. Na dapat buksan ko ang isip ko kung paano pa ako gagaling. Walang ipinanganak na perpekto. Lahat kailangang pagsikapan para gumaling.” Pinagsalikop nito ang kamay sa isang kamay niya. “And I need your help.”

Ilang beses siyang kumurap. “Anong maitutulong ko? Gusto mo bang maging beta reader ako? Pwede naman.”

Umiling ito. “Gusto ko na gumawa ng bagong kwento. ‘Yung may mas laman at may lalim. At ikaw lang ang makakatulong sa akin.” Saglit itong tumigil at tinitigan mua siyang matiim. “Gusto kong isulat ang kwento ni Mark Andrew.”

“Ano?” bulalas niya. “Bakit naman sa dinami-dami ng isusulat mo, si Mark Andrew pa?”

“Mukhang interesante ang buhay niya at ang love story ninyo. Pareho kayong matalino at achievers. Nagtutulungan kayo para maabot ang pangarap ninyo.”

Kuntodo iling si Sylvia. “Hindi yata ako pang nobela, Lancelot. Hindi naman nakakakilig ‘yung kwento namin. Panggulo lang ako.”

Hindi naman pang-nobela ang love story nila ni Lancelot. Tahimik lang din ang relasyon nila at di sila PDA. Kung anuman ang pagmamahal nila sa isa’t isa, idinadaan nila sa pagtutulungan para maabot ang mga pangarap nila.

“Ikaw na ang nagsabi na gusto mong mai-promote ang mga sinulat niya. Ayaw mo bang makilala siya ng mga tao at maipagmalaki ang mga mata nagawa niya?” naninilong taonng ni Lancelot.

Nangilid ang luha ni Sylvie nang maalala ang namayapang nobyo. Parang may compressor na pumiga sa puso niya. “G-Gusto ko syempre. Kaya nga nagtitiyaga ako na I-promote ang articles niya. Pero di ba tinutulungan mo na ako na I-promote ang naisulat niya?” Mataas na nga ang engagement ng artikulo ni Mark Andrew sa page na ginawa niya. Mga tagahanga ni Lancelot ang naglalagi doon.

Nginuya muna nito ang hambrger bago sumagot. “Oo, mapag-uusapan ang articles niya nang isa o dalawang linggo siguro hanggang ilang buwan. Pero pagkatapos no’n, ano pang pwedeng makakuha ng atensyon ng mga readers niya? Minsan hinahanap din ng mga readers ang kwento ng mismong writer. Gusto nilang malaman kung sino ang tao sa likod ng mga artikulo at anong meron sa buhay nila para maka-relate sila. Malaki ang maitutulong ng pagsikat niya kung maisusulat ko ang kwento ng buhay niya. He is a real hero. He died a hero.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.