Chapter ACWTK2: 30

Nasiyahan ang dalaga nang muling basahin ang caption na ginawa niya. In-off niya ang location nito para hindi rumehistro sa social media post nito. Sana sapat na iyon para mailigaw ang mga fans nito na nagtatangkang hanapin ito.

Ngumisi na lang siya sa iba't ibang reaksyon sa post nito lalo na ang mga nasa Mall of Asia at sa mga papunta pa lang. May nanghihinayang dahil di ito nakita. May ayaw din maniwala na hindi si Lancelot ang nakita ng mga ito at may ebidensiya pa dahil may picture kanina. Meron namang naghihinuha na kaloka-like ni Lancelot ang nakita ng mga ito at walang balak na umalis sa pila para makita pa rin ito. Ibig sabihin hahanapin at hahanapin pa rin ng mga ito si Lancelot.

Nasa loob pa rin ito ng cubicle at nagbibihis. Unang cosplay convention ni Lancelot. Unang beses din nito na magdadamit babae. Kung ibang pagkakataon siguro, baka gumuong siya katatawan at kakantiyawan ito. Pero magko-cosplay ito para protektahan ang sarili. Hindi sana ito ma-shock.

Lumabas ng cubicle si Lancelot nang nakayuko. Suot na nito light blue gown na gawa sa chiffon at white jelly shoes na puro glitters. Nakalaylay ang blonde na wig nito sa isang balikat. Hindi niya makitang mabuti ang mukha nito dahil nakasaklob ang hod ng gown nito sa ulo.

"Okay na ba ito?" mahinang tanong nito at bagsak ang balikat.

Tiningnan ito ni Vivi mula ulo hanggang paa. "Pak na pak. Sakto lang sa iyo ang gown ko.” Inilahad ng kaibigan ang palad kay Lancelot. Hi, I'm Vivi. Nakilala ko na rin sa wakas ang sikat na si Knight."

"Shhhh!" saway ni Sylvie at luminga sa paligid. Malay ba niya kung may ibang makarinig sa kanila at makilala ang binata. Sira ang plano nila.

"Lance na lang," anito at kinamayan si Vivi. Niyuko nito ang sarili pagkatapos. Asiwa pa rin ito. "Salamat sa pagpapahiram sa akin nitong costume. Pwede na siguro akong lumabas ng nakaganito. May hood naman itong gown. Pwede kong takpan ang ulo ko. Di na siguro ako makikilala."

"Pwede kitang ipahatid kay Manong Udo kung gusto mo. Tatawagan ko siya para i-meet ka sa gilid nitong building," ani Sylvie at hinawakan ang braso ng binata. Para matapos na ang paghihirap nito. Alam naman niyang asiwa ito sa suot na costume.

"Hindi mo ako sasamahan pauwi?" may halong tampong tanong nito.

Natigilan siya sa pagtawag kay Manong Udo. "Kailangan kong samahan si Vivi dito. Wala siyang photographer. Nangako ako sa kanya na di ko siya iiwan."

Gusto niyang bumawi sa kaibigan sa mga panahong itinaboy niya ito nang gusto siyang damayan. Kahit na gusto niyang samahan si Lancelot at ihatid sa bahay nito, mas kailangan siya ni Vivi. Lagi na lang silang magkasama ni Lancelot habang ngayon lang sila magkakasama ng isa pang kaibigan.

"Hindi naman kailangang umuwi, Lance. Pwede ka naman mag-stay bilang si Queen Elsa. Walang makakakilala sa iyo. Malaya kang makakapamasyal dito nang hindi ka binubulabog ng fans mo. Pwede mong makasama si Sylvie nang hindi naghahati sa atensyon niya. Tapos sigurado mo pa na hindi siya lalapitan ng ibang mga lalaki na pwedeng magka-interes sa kanya.”

Inakbayan siya ni Lancelot. "Di talaga ako papayag doon. Dinayo ko siya dito kaya dapat lang siguro na huwag na siyang tumingin sa iba. Gagawin ko silang popsicle stick.”

“Lakas ng trip mo, Queen Elsa,” kantiyaw niya dito. “Para namang Miss Universe siya kung makabantay ito. Wala namang magkaka-interest sa kanya. Saka ano naman dito kung may magkagusto sa kanya?

Itinaas ni Vivi ang kamay at nakipag-apir sa binata. "Push na natin ito. Para may sisterette na ako. Ako si Princess Anna ng Arendelle." Kumapit ito sa braso ni Lancelot at kumanta ng theme song ng Disney animation na Frozen. "Elsa, bet mo bang mag-build ng snowman? Gora tayiz and play."

Kumawala si Lancelot dito at hinawakan ang kamay niya. Parang naalibadbaran ito kay Vivi. "Pwede na ba tayong lumabas? May lugar ba dito na pwede tayong mag-ayos? Marami nang tao dito.”

“Doon tayo sa prestige lounge. Kumontak na sa akin ang kaibigan ko na may access doon. Mas makakapag-ayos tayo at may privacy," anang si Vivi. Kanya-kanyang kalkal sila ni Lancelot. May prestige card din ito na magagamit sa lounge. Vivi wiggled his finger. "Sundan n'yo ako."

Tensiyonado si Lancelot habang naglalakad sila sa hallway. Paranoid ito na may nakakilala dito. May sampung minuto lang naman ang lalakarin nila papunta doon pero parang matagal ang oras at mabagal ang hakbang nila.

Maya maya pa ay nadaanan nila ang mga fans nito na naghihintay na lumabas ito. Nanigas ang binata sa tabi niya at muntik nang magtatakbo palayo. Sinapo agad niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. "It's okay. Di ka nila makikilala. Basta yumuko ka lang at maglakad nagn dire-diretso," bilin niya sa binata sa kalmadong boses. "Huwag kang magre-react."

"Kasing tangkad ni Knight. Di kaya siya iyon?" narinig niyang usal ng isa. Mukhang sinisipat isa-isa ng mga ito ang dumadaan. Kahit siya ay natensyon dahil mukhang si Lancelot ang tinutukoy ng mga ito.

"Si Knight natin magiging si Queen Elsa? Imposible iyon,” sabi ng isa pa.

"Sinong hinihintay n'yo, mga Miss?" tanong pa ni Vivi at lumapit sa mga fans ni Lancelot na nag-aabang dito.

"What is he doing?" angil ni Lancelot.

"Hayaan mo siya. Basta lakad lang," aniya at patuloy lang sa paglalakad. Malakas din ang kaba sa didbib niya na may makakilala sa kanila.

"Hinihintay namin si Knight na writer ng Mystic HIgh. Baka naman nakita mo sa restroom kanina, Kuya." Nasulyapan niya sa gilid ng mata na ipinakita ng babae ang cellphone sa kaibigan niya.

"Sis, kung may ganyang kaguwapo sa restroom, ibinulsa ko na at ginawang prinsipe ko. Kaso wala. Pero marami namang ibang guwapo dito. Hintay kayo nang hintay sa taong wala naman yata,”

"Wala talaga si Lancelot sa Cosplaymania o dito sa Mall of Asia. Nagsasayang lang tayo ng oras dito,” yamot na tungayaw ng isa. “Pinagloloko lang tayo.”

“Oo nga. Ayun o! Kagigising lang ni Knight. Nag-post na nga. Bahala kayo diyan,” sabi ng isa pa. “Asa pa kayo. Di siya ‘yung nakita n’yo.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.