Chapter ACWTK2: 37

“Kailan mo lang ito ginawa?” tanong ng binata.

Tumango siya. “Pero mas maganda siguro kung makita ko bago ko ituloy para alam ko kung may babaguhin pa ako. O kaya bigyan mo ako ng idea kung paano ito aayusin.” Napansin niya na parang naiiyak si Lancelot. Kinabahan si Sylvie. Pangit ba ang gawa niya? Di ba niya nabigyan ng hustisya ang mga tauhan sa kwento. “Hoy! Huwag kang iiyak. Mag-smudge ang mascara mo. Sabihin mo naman kung may mali sa ginawa ko.”

Tumalikod ito at pinahid ang luha. “Di ako umiiyak. Hindi lang ako makapaniwala na mai-inspire kang gawan ng sarili mong interpretation ang kwento ko kahit di naman ako magaling.” Narinig niya ang pagsinghot nito. “Malaking bagay na iyon sa akin kasi alam ko naman na mataas ang standard mo. Thank you. Kasi mas maganda pa ‘yung gawa mo kaysa sa iniisip ko. Nasorpresa lang ako kasi iniisip ko pa lang pero nagawa mo na. Akala ko kailangan ko pang magmakaawa.”

Niyakap niya si Lancelot mula sa likuran pero di siya nagsalita. Gusto niyang humingi ng tawad dito para sa mga panahon na minaliit niya ang kakayahan nito. Gusto niyang magpasalamat sa tiwala nito sa galing niya kahit siya mismo wala nang gana na ilabas ang talento niya. Maraming nagawa si Lancelot para sa kanya, para iparamdam na pwede niyang ituloy ang buhay at maging masaya. At nangako siya sa sarili na tutulungan niya na mahasa pa ang talento nito habang hinahasa niya ang sariling talento. Magkakampi na sila ngayon.

"Huh! Moment-moment pa kayo," anang si Cristinamarie at saka umirap. "Huwag kayong magde-deny na dalawa diyan. Kitang-kita ng mga mata ko."

"Masaya lang kami kasi bumalik na ako sa pag-i-sketch. In-encourage ako ni Lance. Kaya ginawan ko ng character sketch ang characters ng Mystic High. Walang malisya," paliwanag ng dalaga.

"Walang malisya kahit ang sweet nila," gagad ni Vivi. "Tara na nga. Manood na tayo ng program at mag-dinner tayo pagkatapos. Gutom na talaga ako kaso gusto ko lang masilayan ang crush ko na cosplayer."

"Yung crush mong cosplayer na babae pero si Sagato ng Magic Knight Rayearth ang kino-cosplay. Bagay nga kayo."

"Walang malisya iyon. E sa magaling na cosplayer si Shenikah." At nagkantiyawan ang iba na nagdadalaga na daw si Vivi pero tiyak na aprubado ng tatay nito.

Nagtawanan sila at humawak siya sa balikat ni Lancelot. Mga bata pa sila at sabi ng iba, nasa estado pa sila kung saan nalilito pa sila kung ano ang pagkatao nila. Kahit ano pa ang mapili nila, ang mahalaga masaya sila at walang sinasaktang tao. Minsan lang sila magiging bata. Nang ngumiti si Lancelot sa kanya, gumanti rin siya ng ngiti dito. Di na niya pagdadamutan ang sarili ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Tapos na siyang magtago sa dilim.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Huli kayo!" panggugulat ni Roma sabay kuha ng picture nila ni Lancelot. Kasunod nito ang iba nilang kaibigan na nakangisi din.

Bigla siyang bumitaw kay Lancelot at bumalik sa inuupuan. Hinaplos niya ang palad sa kandungan dahil bigla siyang pinagpawisan. Bakit ba nawawala siya sa sarili kapag kasama niya si Lancelot? Nakakalimutan niya kung nasaan sila. Wala siyang pakialam. Minsan pakiramdam niya sila lang dalawa ang tao sa mundo. Hindi tuloy niya alam kung paano haharap sa mga kaibigan ngayon. Kahit pa ipagsigawan niya na walang malisya, parang di maniniwala ang mga ito.

"Huh! Moment-moment pa kayo," nakatikwas ang kilay na sabi ni Cristinamarie at saka umirap. "Huwag kayong magde-deny na dalawa diyan. Kitang-kita ng mga mata ko may pa-hug-hug pa kayo."

"Masaya lang kami kasi bumalik na ako sa pag-i-sketch. In-encourage ako ni Lance. Kaya ginawan ko ng character sketch ang characters ng Mystic High. Walang malisya," paliwanag ng dalaga at saka siniko si Lancelot. “Di ba?”

“Oo naman. Sabi mo e,” anito parang napipilitan lang.

"Walang malisya kahit ang sweet nila," gagad ni Vivi. "Tara na nga. Manood na tayo ng program at mag-dinner tayo pagkatapos. Gutom na talaga ako kaso gusto ko lang masilayan ang crush ko na cosplayer."

"Yung crush mong cosplayer na babae pero si Sagato ng Magic Knight Rayearth ang kino-cosplay. Bagay nga kayo,” bawi ni Sylvie sa kaibigan.

"Walang malisya iyon. E sa magaling na cosplayer si Shenikah. Pero mas maganda pa rin ako sa kanya." Saka iwinasiwas ni Vivi ang dalawang nakatirintas na buhok. “Pero mas guwapo siya sa akin.”

“Kapag nakita siya ng tatay mo, tiyak na magpapamisa iyon. Sa wakas nagkagusto ka na sa babae,” tukso ni Ace at inakbayan si Vivi.

Nagtawanan sila at humawak siya sa balikat ni Lancelot. Mga bata pa sila at sabi ng iba, nasa estado pa sila kung saan nalilito pa sila kung ano ang pagkatao nila. Kahit ano pa ang mapili nila, ang mahalaga masaya sila at walang sinasaktang tao. Minsan lang sila magiging bata. Nang ngumiti si Lancelot sa kanya, gumanti rin siya ng ngiti dito. Di na niya pagdadamutan ang sarili ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Tapos na siyang magtago sa dilim.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.