Ezra's POV
Dahil binigyan ako ng executives ng three days leave hindi muna ako pumunta sa organisasyon. From time to time naman ay nag u-update sa akin si Justin para sabihin ang nangyayari. Bumalik na pala si Asher at may iilang gamot na naman itong ipinasa sa mga executives para ma-approve.
Siyempre dadaan muna sa amin iyon, kahit nasa executive na ang pinal na desisyon ay kailangan muna namin itong mai-review.
Nagpaalam sa akin si Nexus na may bibilhin lang kaya naman hindi ko na naisipan pang sumama, hindi ko na rin s'ya inusisa kong ano ba ang bibilhin n'ya. Hindi dahil sa wala akong pakialam sa mga gagawin n'ya, I just trust him that much na alam kong hindi s'ya gagawa ng mga kalokohan.
Kainis, bakit ba feel na feel ko ang pagiging asawa?
Napairap ako sa sariling naisip at bumaba ng hagdan. Na meet ko na rin ang mga kasambahay na nandito. Dalawa lang naman sila at tuwing alas-sais ay umuuwi rin dahil ayaw ni Nexus na may ibang tao.
Sa pagkakaalam ko ay personal silang kasambahay nina Nexus at ipinadala lang dito. Si aling Pasing at Janina. Mukha naman silang mabait, well- hindi ko pa naman talaga sila nakikilala ng lubusan at mukhang hindi na nagulat si aling Pasing ng ipakilala ako ni Nexus. Unlike kay Janina na mukha pang natulala no'ng malamang ikinasal na kami.
Nagtungo ako sa kusina at naabutan ko si Janina na nagbalalat ng kalabasa. Agad akong kumuha ng tubig na maiinom at naupo rin sa tapat nito.
"Magandang umaga Ms. Mendivel!"
Bati nito sa akin at hindi ko alam kong sinasadya n'ya bang tawagin ako sa family name ko.
"It's Mrs. Atkinson, Janina.." pagtatama ko rito at sumipat lang ito sa akin at muling nagbalat ng kalabasa.
"Ah..Oo nga pala, ikinasal ka na pala kay sir Nexus." Makahulugang saad nito at agad ko naman inilapag sa mesa ang hawak kong baso na may lamang kaonting tubig.
"Gaano katagal ka ng naninilbihan sa pamilya ni Nexus?" Tanong ko at sumandal.
Bahagya s'yang ngumiti pero alam kong peke ang isang iyon. Sa dami ng mga taong nakilala ko alam ko kung gusto ba ako ng kaharap ko o hindi.
"Matagal na ho, kaya naman kilalang-kilala ko na si sir Nexus. Alam ko ang mga paborito n'yang mga pagkain at kayang-kaya ko iyong lutuin sa kanya." Confident nitong saad at nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib.
Tinanong ko lang naman kung gaano na s'ya katagal naninilbihan bakit kailangan n'ya pang ipangalandakan kung anong alam n'ya kay Nexus? Tsk.
"I see.." saad ko at muling uminom ng tubig.
"Nakakagulat malaman na ikinasal ng ganoon kabilis si sir Nexus. Ni minsan hindi ko nabalitaang nagdala s'ya ng babae sa bahay nila o may ipinakilala sa mga magulang.." aniya at nakuha pang umismid. "Talaga bang mag-asawa kayo or nagpapanggap lang?"
Agad kong itinaas ang kamay ko kung nasaan ang aking mga singsing. Ang engagement ring at wedding ring. Ngumisi ako para lalo s'yang mainis.
"Hindi gagastos ng milyones si Nexus kung joke lang ang lahat." Nakangising saad ko at napansin ko ang bahagyang pag-irap nito at inis pero kalauna'y ngumiti.
"Sabagay, pero ano bang malay ko kung pinikot mo lang pala si sir Nexus!" May inis sa boses nito kaya naman pagak akong natawa.
Pinikot? Sa ganda kong 'to? Hindi ko na kailangang mamikot ng mga kalalakihan. Wala akong pakialam kung magmukha pa akong maldita sa harap n'ya. I approached her nicely pero s'ya ang may problema.
"Do you want a proof na hindi ko siya pinikot?" Nakangisi kong tanong nito at seryoso itong nakatingin sa akin.
Mahigpit na rin ang hawak n'ya sa kutsilyo na para bang anytime ay ready na s'yang pumatay, sakto namang narinig ko ang sasakyang parating na pagmamay-ari ni Nexus.
Nanatili akong nakaupo at nakangisi paring nakatingin sa kanya habang s'ya ay hindi ko malaman kong iiyak na ba o papatay na.
"Wife?" Tawag ni Nexus at agad akong tumayo.
Sakto namang pumasok s'ya sa kusina at agad n'ya akong nakita. S'ya na mismo ang lumapit sa akin at mabilis akong niyakap at hinalikan sa pisngi.
Tiningnan ko naman si Janina at agad itong umiwas ng tingin sa amin.
"Wait, nauuhaw ka ba? Gusto mo ng juice o tubig?" Tanong ko rito.
Ngumiti muna ito bago sumagot.
"Seeing you is enough for me wife." Aniya.
Agad namang tumayo sa upuan si Janina. Lumapit ito sa lababo at hindi na humarap sa amin.
"Anyway, I have something for you." Sabi ni Nexus at inilahad ang palad.
Nakita ko naman ang pagtingin sa amin ni Janina pati na ang paghawak ko sa kamay ni Nexus. Napangisi ako ng halos maluha-luha na ang reaksyon n'ya.
I'm sorry Janina, pero ako ang gusto ni Nexus. Pfft. Ano ba 'to. Ang evil ko ba?
"Why my wife is so happy?" Nakangiting tanong nito sa akin habang papunta kami sa garahe.
"Wala naman.. ganda kasi dito." palusot ko pero ang totoo ay natatawa ako kay Janina.
Nang mabuksan n'ya ang kotse n'ya ay agad n'yang iniabot sa akin ang red rose boquet at ang isang golden retriever puppy!
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at napatakip ng bibig! Seryoso ba 'to? Pangarap ko talagang magkaroon ng golden retriever kaso wala naman akong time pumunta sa pet shop!
"Do you like it?" Tanong nito at mabilis akong tumango at agad s'yang niyakap.
"Thank you so much Nexus!" Saad ko at agad na kumalas sa pagyakap at tiningnan ang napaka-cute na tuta!
May katabaan s'ya kaya naman medyo mabigat ito. Grabe lang. Naalala ko dati noong binilhan kami ni dad ng tig iisang tuta napaka hands-on namin sa pag-aalaga. Aba, nag-uunahan pa kaming gumising ng maaga para lang maigala ang mga alaga namin.
It's seven forty-five in the evening at nandito ako sa terrace habang nakaupo at nakatingin sa laptop ko. Binabasa ko ang mga isinend sa akin ni Justin na mga ipinasa ni Justin sa executives.
Napakunot ang noo ko sa nabasa, halos lahat ng nabasa kong gamot na gusto n'yang magawa ay katulad ng kay Platinum! Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at idinial ang number ni Justin.
Naka-isang missed call na ako at muli ko na naman itong tinawagan. I'm getting impatient to get answer my call! I'm just tapping the table while waiting for him to answer. Naka-ilang ring tsaka nito sinagot ang tawag.
"Yes, Mrs. Atkinson? Ano? Mag shi-share ka ba ng memorable night niyo ni fafa Nexus?! Omg- ano? Daks ba ganurn?!" Tumili pa ito kaya naman ay napairap ako sa narinig.
"Alam mo kasing lamig ng lovelife mo ang gabi namin kaya naman h'wag mo ng itanong 'yan. Gusto kong malaman kung nabasa mo na ba 'yong mga nai-send mo sa aking mga files!" Seryosong tanong ko rito.
"Ay, grabe naman Captain! Shuta ibig sabihin no dilig?! Omg naman! Bakit mo pinalagpas ang pagkakataon Captain! Anyway, about sa tinanong mo sa akin hindi ko pa nababasa. Bakit may mali ba?"
"Kakabasa ko lang ngayon ng mga isinend mo sa aking proposal ni Asher at halos lahat ng mga proposal na iyon ay ang mga pending proposal noon ni Platinum!" Saad ko.
"Ano?! Shuta naman. Sige babasahin ko Captain. Alam ko hindi pa ito na re-review ni Commander Nazi pero ako na ang bahalang magsabi sa kanila!" Seryosong saad nito.
Ngayon sigurado na akong may koneksyon si Asher kay Alvazar! Paniguradong sila ang may pakana kung bakit namatay si Vienna.
Agad akong napatingin sa pinto ng bumukas ang sliding door. Nakita ko si Nexus at agad itong lumapit sa akin.
"Ezra.."
"Teka bakit?" Takang tanong ko dito.
"May nalaman si Odyssey tungkol sa pagitan ng Black Crystal Revolution at Black Organization." Aniya.
Nangunot naman ang noo ko sa narinig.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Si Odyssey na ang magsasabi sa atin n'yan. Kailangan natin s'yang mapuntahan ngayon din!" Seryosong saad nito kaya naman ay agad akong tumayo.
"Let's go Nexus. Wala dapat tayong sasayanging oras!" Saad ko pero agad akong napaupo ulit ng hatakin niya ako.
"Hindi na natin kailangang tapusin ang three days leave na ibinigay sayo ng executives. You need to go back as soon as possible." Aniya.
Napatango naman ako sa narinig. He's right! Hindi ko iyon kailangang tapusin. Pinapatagal lang nila ang trabaho para hindi namin agad matapos iyon at tatambakan kami para wala na kaming oras sa paghahanap kay Chase.
"Nga pala, wala na si Ranz!" sabi pa nito kaya agad akong napatingin ulit sa kaniya.
"Ano?! Teka. Anong nangyari?" Tanong ko.
"Binaril niya ang sarili n'ya Ezra. Noong makawala s'ya ay pinlano n'yang patayin si Calliope at Ody pero hindi n'ya nagawa kaya naman sarili n'ya ang tinapos n'ya. Pina-cremate na nila ang katawan n'ya.."
Nanlumo ako sa narinig. He's a big help to our mission para mahanap namin si Chase at Marthinie. Sigurado akong may alam s'ya sa mga kinaroroonan ni Alvazar. But damn him! He choose to die and protect that bastard at all cost!
"Pinapakilos ko na rin ang mga tao ko para mahanap ang anak at asawa ng presidente. Sa ngayon, malaki ang banta sa bawat buhay natin lalo na't iisa nalang tayo-" seryosong saad nito at bahagya akong nalungkot.
Siguro ay nagsisisi s'ya dahil pumayag s'yang pakasalan ako. Sino ba naman kasing gustong matali sa katulad kong napakagulo ng buhay diba?
"Naiintindihan ko kung nagsisisi ka at-"
"WHAT? Who told you na nagsisisi akong pakasalan ka? Hindi mo alam kong gaano ako kasaya noong araw na nagpakasal tayo, Ezra. Hindi mo alam kong gaano ko kagustong makasama ka sa bawat oras ng buhay ko. Ikaw ang gusto kong unang nakikita sa paggising ko at ikaw ang taong gusto kong huling nakikita sa pagtulog ko. You light up my world baby, you have my heart and soul. And I am damn willing to be part of your life as well!" aniya.
Agad ko s'yang niyakap.
"Thank you, thanks for everything that you do, Nexus."
"I love you. And I am willing to give the whole damn world for you wife.."
"I love you too.." tugon ko at agad ako nitong hinarap. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa akin.
"W-What did you say? Come on..ulitin mo!" nakangiti nitong saad at naluluha.
"I love you too Nexus! Mahal din kita. Mahal na mahal!" pag-uulit ko at agad niyang pinagdikit ang mga noo namin.
"Nananaginip ba ako? Kasi kong Oo, ayoko ng magising.."
Agad s'yang tumingala at hindi na napigilang maluha. Maging ako ay ganoon din at mabilis s'yang niyakap. Ayoko ng sayangin ang oras ko para itago ang pagmamahal ko sayo Nexus.
I don't know what the future will bring, but I will still hold you until the end, Nexus.
"Thanks God! Araw-araw kitang pinagdarasal na mahalin mo ako, na maging akin ka. Na makasama ka tulad ngayon at hindi n!ya ako binigo, mas hinigitan n'ya pa.."
Agad niya akong hinalikan sa noo at muli na naman kaming nagyakapan.
"Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa, pero..a ng magtago, Nexus. Hindi natin alam kung magkasama pa rin ba tayo pagkatapos nito pero gusto kong sabihin sayo na mahal kita! Mahal na mahal kita Nexus and I am willing to take a risk." Saad ko.
Tumango s'ya at muli akong hinalikan sa noo.
Minsan lang sa buhay na may darating na taong magmamahal sa atin, ang dami na n'yang napatunayan sa akin. Ayokong sayangin iyon at habang may oras pa ako ay hindi ako matatakot na aminin at sabihing mahal ko s'ya at maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.
He's my man, my husband, my love and my everything.
This time ako naman. Ako naman ang babawi sa kanya. He deserve everything tulad ng ginagawa n'ya sa akin. If I have given a chance to choose my partner in my second life then I will still find him and love him limitless!
"I love you so much..I love you so damn much!"
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡