Ezra's POV
Gulat na gulat ang mga executives ng makita ako sa organisasyon. Halos hindi sila makapaniwala na nakabalik na ko at kasama nila si Asher at mukhang nagkakasayahan pa sila dahil naabutan ko pa silang naghihiyawan sa opisina ni Asher.
"C-Captain Mendivel.. a-anong ginagawa mo rito?" Alanganing tanong ni Mr. Feliciano.
Ngumisi naman ako at tuluyang pumasok sa loob. Isa-isa ko silang tiningnan at tsaka dumapo ang tingin ko kay Asher.
"Mukhang nagkakasiyahan ata kayo ah? Nakaka-istorbo ba ako Mr. Feliciano?" Mapanuya kong tanong at ilang beses pa itong napakurap.
"O-of course not! you can join us Captain.." aniya. "Anyway, your time is limited since you haven't married yet. The position will be given to those who deserve it."
Prente akong naupo sa swivel chair ng opisina ni Asher at mataman silang tiningnan.
"Oh, well- about that matter, I am lawfully married with Creed Nexus Atkinson. Alam ko namang kilala n'yo s'ya. He's quite famous.." nakangisi kong saad at nawala naman ang mga ngiti nila sa labi.
Ang sarap nilang piktyuran!
"W-What? Ikinasal ka na?" Windang nitong tanong sa akin at para bang hindi makapaniwala.
Yes. They give me three days leave para maghanap ng mapapakasalan, how ironic right? Gusto ko silang tawanan dahil sa mga kagaguhang pinaggagawa nila. Baka kasi inakala nilang mahihirapan ako sa bagay na iyan. Well, sorry nalang sila. I have my man beside me.
"Yes. Mr. Executive! And there's no reason para mapag-usapan pa kung sino ang papalit sa puwesto ko. Kung tutuusin, sobra-sobra pa ang three days leave na ibinigay n'yo sa akin. Oh, Should I give you a credits for that?" Nakangisi kong saad at hindi naman nakalampas sa paningin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Asher.
"I, I didn't expect that you will be married that fast.. well, CONGRATULATIONS Captain!"
"Just so you know- Nexus is my long time boyfriend. We hide our relationship, so that- we can protect each other. Well, thank you so much for pushing me to get married. At least, kay Nexus parin ang bagsak ko.." mapang-asar kong sabi.
Isa pa, alam ko namang labag sa loob mo ang mga lumalabas sa bibig mo Feliciano, akala n'yo ay siguro makakagawa kayo ng paraan para mapaalis ako dito? Well, hindi pa rin ako susuko!
"Aalis na kami Captain! Goodbye.."
Hindi ito makatingin ng diretso sa akin at nagmadali itong lumabas ng pinto, kasabay niya ay ang mga alipores niyang parang mga asong sunod-sunuran sa kaniya.
Kaming dalawa nalang ni Asher ang naiwan sa loob ng opisina at nagsukatan muna kami ng tingin at s'ya na mismo ang umiwas ng tingin sa akin.
"Why the hell did you married that bastard?!" May inis sa boses nito at pasalampak na naupo sa sofa.
"Why? Are you expecting na ikaw ang papakasalan ko? Kung ikaw lang naman- hindi bale na Asher!" Mapang-asar kong saad at masama itong tumingin sa akin.
Wala akong pakialam kahit pa magtanim ka ng sama ng loob sa akin Asher, kung gusto mo didiligan ko pa 'yan para mamatay ka sa sama ng loob!
"Maraming lalaki Ezra! But you still choose that fucker. Tell me, iyan ba ang nakalimot at naka-moved on? Gusto mo pa bang nasasaktan at nagseselos ako?!" Galit nitong tanong kaya naman ay natawa ako sa narinig.
Aba, dinamay pa ang pagkakamoved on ko sa kanya. Kahit katiting na awa ay wala akong nararamdaman sa kanya pagmamahal pa kaya? Tsk.
"Asher. Gising! I totally moved on from you. Accept the fact na hindi na ikaw ang mahal ko. Hindi ko na problema kung nasasaktan ka o kung ano pa man 'yang walang kuwenta mong nararamdaman! What matters to me is my family, my friends and especially my husband! At hindi ka kasali doon!"
Agad akong lumabas ng opisina n'ya, at nagpunta ako kung nasaan ang napakagandang bagay na nagawa ni Platinum.
Isinet ko na ang time activation nito pati na ang lokasyon. Sana ay tama ang lahat ng bagay na gagawin ko, malaking kabawasan ito sa amin kung hindi mapapakinabangan.
Matapos kong gawin iyon ay agad akong pumunta sa opisina at inayos ang ilang bagay. Sinabi sa akin ni Nexus na tatawag nalang siya kapag pupunta na kami kay Odyssey.
"Captain!"
Napatingin ako sa bagong dating na sina Dia at Lance kasama sina Commander at Justin. Mukha silang pagod na pagod at mga hinihingal pa.
"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko at agad silang pumasok.
"Ito kasing si Justin oh! Ang sabi ay paalis ka na daw!" Nakasimangot na saad no Dia at ininom ang dalang tubig.
"Commander, sigurado ka bang gusto mong sumama?" Tanong ko rito at mabilis siyang tumango.
Sana kung ano man ang malalaman namin mamaya ay good news ito para sa aming lahat.
"Gusto kong sumama Ezra, gusto kong malaman kung ano nga ba ang puno't-dulo nito." Mahinahon n'yang sabi at bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya.
"Wala pa rin tayong nakukuhang lead kung nasaan ang mag-ina ni president Agustus. Ang sabi naman daw sa kanila ay nais ng kumuha sa mag-ina ng president na bumaba s'ya sa posisyon at magbigay ng napaka laking halaga ng pera." Saad naman ni Lance.
"Parami na talaga ng parami itong mga nangyayari. Sana ay matapos na itong mga gulo na ito. Mukhang tama nga ang sinabi ni Ranz noon tungkol kay Platinum na wala na nga ito." Saad naman ni Dia.
"Shutaneeees naman oh! Sana ay wala ng ibang gawin ang mga kalaban natin! Nawawala na ang beauty ko dzai! Tuyot na nga ako tapos super stressful pa ang nangyayari!" Nakanguso namang sabi ni Justin.
Agad kong sinagot ang tawag ng makitang mag-ring 'yon!
"I'm already here at the parking lot.." aniya.
"Alright." Tugon ko at ibinaba ang tawag.
Agad akong tumingin sa kanila at tumayo.
"Nasa parking lot na si Nexus. Umalis na tayo." Saad ko at nagsitayuan na rin sila.
Agad kaming lumabas ng opisina at agad na umalis.
Nang makarating kami sa parking lot ay naabutan ko si Nexus na nakasandal sa sasakyan nito. Umayos ito ng tayo ng mapansing papalapit na kami.
"Grabe Captain! Shuta, hindi ako makapaniwala na pinalampas mo ang kaguwapuhang taglay ni fafa Nexus.." bulong sa akin ni Justin na talaga namang ikinasimangot ko. "Hays, kung ako n'yan? Shuta! Magpapadilig ako mula umaga, tanghali at gabi!"
"Good morning Commander.." bati ni Nexus kay Commander Nazi ng tuluyan kaming makalapit sa kanya.
Nag fist bump naman sila ni Lance, at tango naman kay Dia at Justin ang naging tugon nito.
"Mas maganda kung magkakasama nalang tayo sa iisang sasakyan!" suhestiyon ni Dia na sinang-ayunan naming lahat.
Kami ni Nexus ang nasa driver seat at nasa likod naman silang apat.
"I hope na magkaroon na tayo ng lead kung nasaan sina Alvazar pagkatapos nito-" rinig kong sabi ni Commander Nazi na ikinatango ko.
It's sad to hear that from him. Alam kong nasasaktan s'ya dahil ama n'ya ang kalaban sa giyerang kinakaharap namin. Walang ibang pinangarap si Commander Nazi kundi ang tahimik at maayos na buhay tulad ng mga tipikal na pamilya, pero ito ang kinakaharap n'ya.
Hindi ko alam kung nagka-usap na ba sila ng maayos ni dad pero sana maayos na sitwasyon ang samahan nilang dalawa. Alam kong college palang ay magkaibigan na silang dalawa at alam ko kung paano nila sinuportahan ang isa't-isa.
Nang makarating kami sa private property ni Odyssey ay napansin ko ang sasakyang nakaparada sa garahe nito. Malamang ay kina tito Pabio iyan at kila Drake.
Agad kaming pumasok sa loob at doon namin sila nadatnan habang si Calliope naman ay seryosong nakaharap sa laptop. Sina Drake naman at Alexis ay kumakain. Habang sina Flare at Zack naman ay nanunuod ng tv.
Hanep, may kanya-kanyang inaatupag ang mga 'to.
"We're here!" Ani ni Nexus at agad silang napatingin sa amin.
"Oh! Buti naman at dumating na kayo! Get inside guys!" Saad ni Ody.
Hindi naman na kami nahiyang pumasok.
Kulay puti ang pintura ng buong kabahayan at talaga namang napakalinis tingnan. Minimalist ang style ng bahay ni Ody at walang mga abubot na nandito, tanging mga importanteng gamit lang ang nandito.
"Kain!" Pag-aaya naman ni Drake at tango lang ang itinugon namin.
Ngumiti rin sa amin si Calliope at agad na sinara ang laptop, at in-off naman ni Zack ang tv.
"So, what is the important matter?" Tanong ni Commander at doon ko na nararamdaman ang pagbabago bigla ng atmosphere sa paligid.
"It's about the sequel of Black Crystal Revolution and Black Organization. Do you have an idea who is Franklin Sandoval?"
Agad kaming nagkatinginan ni Commander ng marinig ang pangalan ng taong binanggit ni Odyssey.
"He's the former highest ranker in Black Organization way back ten years ago. As far as I remember ay namatay rin s'ya ten years ago!" Sagot ko at agad namang tumango si Odyssey sa narinig.
Para s'yang professor sa harap at kami ang mga estudyante na dapat n'yang turuan.
"You're right, Captain! He is the former mafia boss in Black Organization last ten years ago! But his disappearance quite suspicious! He did not died! Hindi s'ya namatay tulad ng nalaman nating lahat." Saad nito.
Agad na nangunot ang noo ko sa narinig. Hindi s'ya namatay? Last ten years ago ay s'ya ang laman ng balita noon ng sumabog ang sinasakyan nitong kotse upang tumakas. Isa pa, kalaban din s'ya ng organisasyon lalo na ni Commander Alvazar noon.
"That's impossible! Kalat na kalat noon ang pagkamatay n'ya! We all know that- he is the famous mafia boss back then!" Pagtutol ni Commander Nazi.
"Niloko n'ya tayong lahat at pinaikot!"
Napatingin naman ako kay tito Pabio habang pababa ito sa hagdan.
Lumapit ito sa amin habang may dalang mga litrato ni Franklin. Ipinamahagi n'ya ito sa amin at tsaka naupo.
"Commander, hindi ang ama mo ang kalaban natin dito. Kundi si Franklin. Wala kaming ideya kung buhay pa nga ba ang totoong Alvazar pero ang Alvazar na may hawak kay Chase at Marthinie ay si Franklin!" Seryosong saad ni Odyssey.
Nagulantang kaming lahat sa narinig, maging Drake na busy sa pagkain ay agad na napanganga at nabitawan pa nito ang tinapay na kinakain.
Ibig sabihin all this time ay si Franklin ang tunay na kalaban?! Kaya pala hindi n'ya magawang lumantad sa organisasyon! Dahil made-detect iyon ng system kung s'ya nga ba talaga ang tunay na Commander Alvazar!
"Kamakailan lang din namin ito nalaman. Sa ngayon ay alam na namin ang lokasyon nila pero kailangan nating paghandaan ang pagsugod natin doon. Hindi basta-basta ang kalaban natin." Paalala naman ni tito Pabio.
Napatingin ako kay Nexus at tumango lang ito. Narinig ko naman ang pagsinghot ni Commander at agad namin s'yang dinaluhan.
"Sobrang saya ko! Dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kayang tapusin ang ama ko. S'ya lang ang meron ako, kaya sobrang sakit para sa akin kung s'ya man talaga ang makakalaban ko!" sabi ni Commander at agad na pinahid ang luha.
"Nang pumunta ako sa ibang bansa ay may kilalang doctor ang lumapit sa akin at siya mismo ang nagsabi nito sa akin. Inilahad n'ya ang lahat ng detalyeng ginawa n'ya noong panahong gustong magpapalit ni Franklin ng mukha at gayahin ang mukha ni Commander Alvazar." Paliwanag ni Ody.
"So, we did some researched and of course some investigation para malaman ang lokasyon nila. It's the day when the family Mendivel knew about what my wife's whereabouts!" sabi naman ni Nexus.
Now, I understand. Noong mga araw na hindi ako nagpakita sa kanila ay malamang iyon din ang araw na isinagawa nila iyon.
"Pero paano n'yo naman nalaman ang lokasyon nila?" Tanong ni Dia.
Natahimik ang lahat at si Zack na ang sumagot sa tanong nito.
"Babae." Maikling sagot nito at mukhang lalong naguluhan si Dia.
"Likas na babaero si Franklin kaya naman babae ang dapat na iregalo sa taong iyon para bumigay. Si Calliope mismo ang nagpresintang s'ya na ang magpapakita kay Franklin para malaman ang eksaktong lokasyon nito dahil nalaman naming nitong mga nakaraang buwan ay madalas s'yang magpunta sa mga bar at Casino ng palihim!" paliwanag naman ni Alexis.
Tama, napabalita din iyan noon na halos sampung babae ang nai-report noon sa kapulisan dahil sa panggagahasa ni Franklin sa mga ito.
Mas nabuhayan kaming lahat dahil sa nalaman.
Ngayon, mas handa na kaming lumaban.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡