Ezra's POV
Talagang nakakawindang ang mga narinig namin ngayong araw, ni isa sa amin ay wala ng nagsalita pa. Alam kong tulad ko ay nag-iisip rin sila. Madaming tanong sa utak ko ang gustong masagot, isa pa dumagdag pa na gumugulo sa utak ko ang pagpatay ni Chase kay Vienna.
Matagal ng kalaban ng organisasyon namin si Franklin, nag-uumpisa palang ako noon sa organisasyon ay s'ya na ang laman ng mga balita sa ibat-ibang pahayagan ng ulat, mapa-radyo man o telebisyon.
Naalala ko pang sinabi ni Chase na s'ya mismo ang huhuli at maglalagay kay Franklin sa kulungan, then afterwards- Chase didn't come back after his first mission. I was a trainee that time and I used to admired our beloved Commander Alvazar.
His loyalty to his people and to our organization was truly from his heart. Kaya ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla nalang nagbago ang lahat. Kaya kahit ako ay may pagtataka na paano n'ya nagawang sirain ang sariling organisasyong binuo n'ya at inalagaan ng mahabang panahon.
"We need to plan everything. Kailangan malinis at maayos para tuluyan na nating mailigtas si Marthinie at Chase" saad ko.
"Pabio, ikaw na ang bahala sa CCTV monitoring, habang kami ang lalaban sa labas." Seryosong sabi naman ni Commander.
"Dia, Justin, Alexis and Odyssey kayo ang bahala sa far combat. Habang kami naman ang bahala sa close combat." Saad naman ni Nexus at tango naman ang itinugon nila.
"Calliope, you will be in charge to rescue some of the people na bihag nila." Saad naman ni tito Pabio.
"Please, protect each other! Oras na lang ang hihintayin natin at susugod na tayo sa kanila!" Sabi ko.
Ilang mga baril na ang inihanda namin. Mga bomba, machine gun at bazooka na ako mismo ang magdadala. Dahil napalilibutan ng iilang building ang kinaroroonan nina Franklin ay ako na mismo ang babasag ng pader na iniharang n'ya.
Maging ang mga susuotin namin ay si Calliope at Dia na ang maghanda. Nag warm up na din sina tito Pabio, narinig ko pang naka-usap n'ya si tita Vangie at nagalak akong malamang nagkabalikan na nga silang dalawa.
Handa na akong lumaban at bawiin si Chase, ito na ang araw na pinakahihintay ko at sisiguraduhin kong aayon sa amin ang lahat tulad ng nasa plano.
Nang maihanda ko na ang lahat ay agad akong pumasok sa kuwarto kung nasaan ang damit na inihanda nila sa akin. Puro itim ang kulay nito, nakita ko rin ang boots na may takong at hindi lang ito basta ordinaryong sapatos! Dahil may blade at knife ito na kusang lalabas at magagamit ko sa laban.
Agad akong pumasok sa bathroom at doon na nagbihis. Saktong-sakto lang ito sa kawatan ko, kung tutuusin ay bakat na bakat ang bawat kurba ko. Bumagay naman ang boots na ito sa aking itim na outfit para sa importanteng araw na ito.
Sisiguraduhin kong masusurpresa ka mamaya Franklin. Hawak ko rin ang metallic triangle, kung sakaling magkagipitan na ay ito ang magagamit ko.
Sinipat ko ang wrist watch na suot at agad na sinet ang timer ng Chaos-069009 script defense ship. Dito ko planong isakay si Chase at Marthinie, maging ang iba pa. Sana ay walang masyadong mapuruhan sa amin. Kahit walo lang ang capacity sits nito ay kaya pa din nitong masakay ng tao basta at hindi ganoon ka siksik sa loob.
Agad akong lumabas ng kuwarto at nakita kong nakabihis na rin silang lahat. Hawak ang kanya-kanyang mga baril na gagamitin sa laban. Agad akong lumapit sa kanila at bahagyang ngumiti. Napakaganda ang ang gaguwapo nilang lahat sa mga suot nila.
"Walang maiiwanan mamaya! Matatapos natin itong lahat ng kumpleto at walang kulang!" Saad ko at ngumiti silang lahat sa akin.
Naka-ready na rin ang mga computer ni tito Pabio para sa mga monitoring na gagawin n'ya. Lahat din kami ay naka-suot ng earpiece.
"Kapag natapos 'to mag-aasawa na ako!" Nakangising saad ni Alexis na ikinatawa naming lahat.
Agad namang pinamulahan ng pisngi si Dia dahil sa narinig. Well, sinagot na ni Dia si Alexis noong nakaraang buwan pa!
"Oo shuta! Ganoon din ako no!" Sabat naman ni Justin at agad na umakap sa kanya si Calliope at hinalikan pa ito sa pisngi at sabay silang natawa.
Sinabi ko na bang umamin na si Justin na inlove din siya kay Calliope? Oo! Sila na guys! Grabe, hindi ako makapaniwalang tuluyan ng nabihag ni Calliope si Justin.
"Araw-araw kong idi-date si Vangie at araw-araw akong babawi sa kanya.." saad naman ni tito Pabio kaya naman ay mas lalo akong napangiti sa narinig.
"Aayain ko na din ng kasal si Odyssey!" Natatawang saad ni Zack at mabilis naman s'yang inambahan ng suntok ni Odyssey.
"Ulol! Hindi tayo talo!" Sigaw nito at talaga namang namumula ang mga pisngi n'ya sa galit.
"Joke lang naman gago!" Nakangising saad ni Zack.
"Kapag natapos na ang lahat ng gulo, sagot ko na yung mga gastos n'yo sa kasal!" Sabat naman ni Nexus kaya sabay sabay silang nagsigawan at tuwang-tuwa sa narinig.
Sino ba kasing ayaw ng libre ha?!
Si Nexus pa ba ang hahamunin sa gastusan? Tsk. Willing gumastos ng milyon ang taong iyan!
"Sana kapag natapos 'to, ninong at ninang na kaming lahat sa blessing na matatanggap n'yo Captain!" Saad naman ni Drake at mas lalong umingay dahil mas lalo silang nagsigawan.
Mga baliw talaga!
Napangiti ako, kapag natapos 'to. Babawi ako sa lahat ng mga araw at oras na hindi ko nakasama ang pamilya ko. Babawi ako kay Nexus at susuklian ko ang lahat ng mga kabutihang ginawa nila para sa akin.
"Let's get it on!" Sigaw ni Flare at agad kaming nag-group hug bago lumabas ng pinto.
Agad akong sumakay sa aking paboritong motor, ganoon din sina Nexus at Commander Nazi. Habang sina Dia naman at ang iba ay magkakasama sa iisang sasakyan.
Mabilis ang pagpapatakbo ko ng motorsiklo at halos magkasabayan lang kami ni Nexus. Panay ang sulyap nito sa akin at muli na namang titingin sa daan kaya mas binilisan ko pa.
"Wife.." aniya.
Dahil nakasuot kami ng earpiece ay naririnig ko s'ya. Nanatili akong tahimik at naghihintay sa sasabihin niya.
"We will get through to this.."
Napangiti ako at muli n'ya akong naabutan, masaya akong sa maikling panahon ay nagkasama kaming dalawa at naging asawa ko pa.
Mahal ko si Nexus, walang duda iyon.
Minahal ko siya sa kung ano s'ya, at alam kong mas mamahalin ko pa s'ya sa bawat araw na ipagkakaloob sa akin ng diyos.
Nang makarating kami ay agad na silang pumwesto sa kanya-kanyang lugar na dapat nilang puwestuhan. Habang ako naman ay nandito sa rooftop ng isang abandonadong building at hawak ang bazooka na handa ko ng gamitin.
Sa likod ng kinatatayuan ng building ni Franklin ay ang dagat, hindi malayong may makatakas pa pero hindi namin hahayaan iyon.
"Handa ka na ba Ezra?" Tanong sa kabilang linya ni tito Pabio at ngumisi naman ako ng marinig ang tanong nito.
"Handa na.." sagot ko at nagbilang siya hanggang tatlo.
Matapos ng pagbibilang n'yang iyon ay ang malakas na pagsabog dahil sa bazooka na ginamit ko papunta sa kinalulunggaan ni Franklin!
Napangisi ako ng makitang malaking damage ang nagawa ko gamit ang bazooka na ito. Malamang ay umiinit na naman ang ulo nito sa galit.
"Ihanda n'yo na ang mga baril n'yo! Nandyan na sila!"
Agad naman akong napatingin sa likuran at nakita ko ang ilang kalalakihang binabaril ako sa direksyon ko. Ang bilis naman ata nilang nakarating?!
Nakarinig din ako ng mga putukan sa ibaba. Nakita ko ring nasa maayos na puwesto sina Dia upang magawa ang far combat!
Agad kong hinugot ang dalawang baril at mabilis silang pinuntirya sa ulo! Matapos n'yon ay ang pagtalon ko sa mataas na building upang makababa.
Agad akong lumuhod upang iwasan ang sabay-sabay nilang atake at mabilis na sinipa sila sa ibabang parte ng katawan.
Agad naman silang tumumba ng barilin sila ni Nexus at mabilis kong ikinasa ang baril ko ng makitang may akmang babaril kay Nexus sa likuran.
Headshot.
"Puta, ang dami naman ng mga pangit na 'to!" Reklamo ni Flare at narinig ko pang natawa si Odyssey na partner nito.
Totoo ang sinabi ni Flare, masyado silang madami. Mabuti nalang at may sapat kaming bala para dito.
"Mahihirapan tayong makapasok sa loob, puwera nalang kung mauubos natin sila!" Saad naman ni Commander Nazi.
Wala na kaming sinayang na oras at patuloy lang kami sa aming mga ginagawa, hindi ko alam kung anong ginagawa ni Franklin sa loob pero sigurado akong bitbit na naman nya si Chase para ipanakot sa akin.
Sa pag-atras ko ay nadikit ako sa kung sino man at mabilis akong lumingon, nakita kong si Nexus iyon.
"I won't let those bastards hurt you wife.."
"Same here, hubby!" Saad ko at muli na namang bumaril.
Nagpalit kami ng posisyon at agad akong lumuhod at binaril ang mga lalaking handang bumaril sa posisyon namin. Ganoon din ang ginagawa ni Nexus.
Agad kaming tumakbo ng mapatay namin ang iba, pero napahinto kami ng makarinig ng sunod-sunod na pagsabog!
"Ayos lang kami Captain!" Sigaw ni Justin.
"AAAAHHHH!"
Napatingin kami sa entrance at nakita ang mga lalaking papalabas doon at may dalang itak at baril. Halos sabay kaming lahat na nagkasa ng baril at mabilis na itinutok sa direksyon nila.
Isa-isa silang natutumba kaya, kada reload namin ng bala ay tsaka naman sumisegunda ng baril sina Dia. Mabilis kong tinanggal ang pin ng hawak kong granada at mabilis na inihagis iyon sa direksyon ng mga kalaban!
Bahagya pa kaming napaatras at halos magliparan naman ang mga katawan nila dahil sa lakas ng pagsabog. Halos yumanig ng husto ang buong lugar dahil sa malakas na pagsabog pero hindi namin alintana iyon.
"Fire!" Sigaw ni Commander kaya muli na naman kaming nagpa-ulan ng bala.
Bago sila bumagsak sa lupa ay sumasayaw muna ang mga katawan nila dahil sa mga balang bumabaon sa kanila. Bakit ba handa silang protektahan ang demonyong iyon?! Sinasayang lang nila ang buhay nila para pag silbihan ang mga demonyong iyon!
"Calliope!!" Sigaw ni Odyssey kaya naman ay napatingin kami sa direksyon ni Calliope kung nasaan siya.
Hawak siya ng isang lalaki sa leeg at nakatutok sa ulo nito ang baril.
Muli ko na namang ikinasa ang baril at nakita ko pa ang pagpigil ni Calliope na lumapit kami.
"Ibaba n'yo ang mga baril n'yo! kung hindi ay papatayin ko 'tong babaeng ito!" Malakas na sigaw ng lalaking may hawak sa kanya.
Mabilis kong itinaas ang baril na hawak at pinuntirya ito sa ulo! Agad namang nakawala si Calliope sa pagkakahawak nito at mabilis s'yang naghagis ng bomba!
Sa lakas ng impact ay natumba ito na at hindi na bumangon pa. Mabilis ko itong pinuntahan at tinapik sa pisngi.
"Calliope!" Pagtawag ko rito pero napansin ko ang ulo nito na nagdurugo.
Agad ko s'yang inakay palayo at itinapon ang baril na wala ng bala.
Muli na naman akong humugot ng baril. Mabilis naman akong tinulungan ni Justin at s'ya na ang mismong nagkasa ng baril ko at ibinigay din iyon sa akin.
"May mga hawak silang bihag!" Sigaw ni tito Pabio sa kabilang linya. "Iilang mga tao ito kaya kailangan n'yo silang maialis d'yan! Nasa kabilang bahagi ito ng building at may bomba na nakakabit sa katawan ng isa sa kanila!"
"Nexus at Flare! Kayo ang nasa malapit kung nasaan ang bihag! Kailangan n'yo ng mapigilan ang pagsabog ng bomba kung hindi ay lahat sila mamatay!" Sigaw ni tito Pabio at halata sa boses nito ang frustration.
Alanganing tumingin sa akin si Nexus na para bang ayaw ako nitong iwan. Pero mabilis akong tumango bilang tugon, nagmadali silang tumakbo at pumasok sa loob ng building kasama sina Zack, Alexis at Flare.
Kaonti nalang din ang mga nakikita kong taong bumabaril sa amin at halos nagka patong-patong na ang bangkay ng mga nandito.
Malapit na kami Chase! Onting tiis nalang at mababawi na namin kayo!
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡