Chapter 48

Ezra's POV

Agad na lumapit sa amin si Odyssey at walang kahirap-hirap nitong binuhat si Calliope na parang isang sakong bigas. Dahil sa maling paghagis nito ng bomba ay nagdulot ito ng pinsala sa mismong sarili n'ya. 

Napansin ko rin ang iilang galos sa mga mukha nila, at maging ako ay makakaramdam na ng pagod pero kailangan kong tiisin. Muli ko na namang ikinasa ang baril at dahan-dahang lumapit sa entrance, wala na akong nakikitang kalaban. 

"Anong nangyayari d'yan Nexus!?" Tanong ko dahil nakarinig ako ng putok ng baril. 

Matapos ng malakas na pagsabog na kinaroroonan nila ay nawala na ang koneksyon namin! Nilingon ko kung nasaang building nagbabantay sina Dia pero wala na rin sila! 

"Uncle Pabio?!" Tawag ko rito pero paputol-putol ang boses nito. 

Akmang tatakbo ako sa kinaroroonan nila Nexus ng bigla akong hatakin ng kung sino. Mabilis ako nitong inihagis sa pader at narinig ko ang mabilis na pagkasa ng baril ng lalaking nasa harapan ko. 

Iika-ika akong tumayo at agad na hinugot ang dagger at nagsisisigaw ito sa sakit dahil sa kaliwang mata n'ya bumaon iyon. Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon n'ya at agad na inagaw ang baril na hawak n'ya at agad s'yang sinipa. 

Galit itong tumingin sa akin at agad ko itong pinaulanan ng bala ng baril sa katawan. 

"E-EZRA!!"

Agad akong napatingin sa rooftop kung saan ako nanggaling kanina, si Marthinie ang nandoon at mahigpit na nakakapit sa pader, agad akong kumilos at itinali ang lubid sa bewang ko. Ito rin ang ginamit ko kanina sa pagtalon para maiwasan ang mga pagpapaulan nila ng bala. 

"Shit!"

Napamura ako ng dumulas ako sa pag-akyat sa pader. Mabuti nalang at hindi naalis dito ang hook kaya puwede pa akong umakyat ulit. 

"Ezra! Tulong!" Muli nitong sigaw kaya naman ay nagmadali na akong makaakyat. 

Isang palapag pa ng gusali ang kailangan kong akyatin para tuluyang mailigtas si Marthinie, nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat ng bigla nalang sumilip ang lalaki at nakangisi itong nakatingin sa akin.

Agad akong umusog para makasampa sa babang palapag at sakto namang pinutol nito ang tali. Agad akong tumalon sa pang siyam na palapag na ito at mabilis na tumayo. Hawak-hawak ko ang balakang ng tumayo at tuluyang hinawakan sa bewang si Marthinie at sabay kaming natumba.  

Umiiyak itong yumakap sa akin at nanginginig sa takot. 

"Nasaan si Chase?" Tanong ko rito at mas lalo s'yang umiyak dahil sa tanong ko. 

"Nasa loob s'ya Ezra! Kasama s'ya ni Don Alvazar!" Umiiyak nitong sagot. 

Tinulungan ko s'yang tumayo at iniabot ko sa kan'ya ang isang baril na puno pa ng bala. 

"Protektahan mo ang sarili mo Marthinie.." malamig kong saad at tango ang itinugon nito. 

Sakto namang dumating sina Dia sa kinaroroonan namin. 

"Captain! Mas magandang nasa sasakyan na ang iba para hindi tayo ma-stuck dito!" Aniya. 

Tumango ako at agad kaming tumakbo. Wala kaming dapat na sayanging oras! Nang makababa kami ay nakita ko sina Drake at Flare, hingal na hingal itong tumakbo sa direksyon namin. 

"Nasaan si Nexus?!" Kinakabahan kong tanong. 

"Nailabas na n'ya ang truck sakay ang mga bihag Captain! Ako na sana ang magda-drive palabas ang kaso biglang may sumugod sa amin kaya wala na kaming inaksayang panahon para maitakas sila!" Saad naman ni Flare. 

"Nasa sasakyan si Calliope at walang malay! Puwedeng-puwede na doong pumunta si Marthinie at si Odyssey na ang maghahatid sa kanila pabalik!" Saan naman ni Drake. 

Agad akong lumingon kay Marthinie at agad itong umiling. 

"Sabay kaming aalis ni Chase dito!" Umiiyak nitong saad. 

"Kukunin namin si Chase kahit anong mangyari! Pero sa ngayon sumunod ka muna sa mga plano namin Marthinie para mapadali ang lahat!" Seryosong saad ko at tuluyan nalang itong umiyak at sumama kay Drake papunta kung nasaan ang sasakyan. 

Nanguna naman ako sa pagtakbo kung nasaan ang entrance na kinaroroonan ni Chase. Hindi ako puwedeng magkamali, wala na silang iba pang tatakbuhan. Hindi na sila makakatakas dito dahil wala na silang ibang lulusutan kundi doon din mismo sa pinasukan namin. 

Dahan-dahan akong pumasok sa loob kasunod si Dia at Zack sa aking likuran.

Nakita ko rin si Commander Nazi na nasa unahan lang namin, Napansin din kami nito kaya naman ay panandalian itong huminto at humarap sa amin. 

"Nasaan na ang iba?" May halong pag-aalala sa boses nito. 

"Nawalan ng malay si Calliope at kasama s'ya nina Drake, Marthinie at Odyssey. Habang nakikipaglaban naman ang iba at si Nexus ang naglabas dito sa mga bihag!" lintaya ni Dia. 

Tumango naman si Commander Nazi sa amin at nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakataas ang mga hawak naming baril. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar, sigurado akong ito ang laboratory ni Franklin. 

"Captain? Commander? Nasa loob na ba kayo?!"

Boses iyon ni Alexis! 

"Nasaan kayo Alexis?" Tanong ni Commander. 

"Papasok na kami sa entrance kasama sina Zack, Drake at Flare at Justin." Sagot nito at lumingon ako sa likod, agad ko naman silang nakita. 

"Siguro akong mag-isa nalang 'yang demonyong Franklin na 'yan!" Saad ni Flare ng makalapit sila sa amin. 

Agad kaming napahinto sa paglalakad ng makita kung sino ang nasa gitnang espasyo at prenteng nakaupo sa sofa. Nakangisi ito sa amin at para bang enjoy an enjoy sa nakikita. 

Franklin. 

"Kamusta kayong lahat!" Nakangising saad nito at mas hinigpitan ko ang paghawak sa aking baril. "Nazi- anak ko, long time no see!"

"Hindi mo na kami maloloko Franklin!"

Sigaw ni Commander at umarte pa ang hudyo na parang nagulat sa narinig pero kalauna'y tumawa na parang isang baliw. 

"Grabe, buti naman at nalaman n'yo na! Sampung taon ko kayong pinaniwala na ako si Alvazar! Siyempre hindi ko magagawa ang planong ito kung mag-isa lang ako!" Saad nito at lumabas naman si Asher sa isang pinto. 

May hawak itong dalawang baril. At nakatutok ito kay Platinum at-

"Papa!" Sigaw ni Commander. 

Hinang-hina silang tumingin sa direksyon namin. Awang-awa ako sa naging sitwasyon nila dahil puro sugat ang mga katawan nila na halatang araw-araw atang nakakatanggap ng pananakit. 

"H'wag kayong kikilos ng masama kong ayaw n'yong patayin ko ang mga walang kuwentang uugod-ugod na mga matandang ito!" Sigaw ni Asher. 

"Hayop ka talaga Asher!" Sigaw ko pero ngumisi lang ito sa akin. 

"Alam ko iyon Ezra! Sinubukan kitang alisin sa gulong ito, kasi ayokong masaktan ka! Pero anong ginawa mo? Pinilit mo paring sumali sa labang hindi naman para sa iyo!" Sigaw nito. 

Laban na hindi para sa akin!? Kasali dito si Chase! 

"Bobo mo talaga Montague! Ano?! Saan na napunta 'yang utak mo? Sa talampakan na ba ha!? Malamang kasali na si Captain dito dahil kakambal s'ya ni Chase tanga!" Galit na sigaw naman ni Justin. 

Nakita ko naman ang inis na dumaan sa mga mata ni Asher at masyadong mabilis ang pangyayari ng barilin nito si Drake sa hita! 

Akmang babarilin na namin sila ng gawin nilang panangga ang dalawang matandang walang kalaban-laban! 

Mga tuso talaga ang mga gagong ito!

"Isang maling galaw, mamamatay kayo!" 

Ang mga executives! 

"Buti naman at dumating na kayo!" Masayang saad ni Franklin sa mga ito. 

"Nasa panig mo kami Franklin! Gusto din naming maambunan ng grasya!" Sabay-sabay silang nagtawanan. 

"Sigurado akong malalaman ng lahat ng tao ang mga nangyayari dito!" Masayang sabat naman ng isa sa kanila. 

"Ngayon Ezra, isa lang ang hihingiin ko sa iyo! Ibigay mo ang metallic triangle na kailangan ko at ilalabas at maisasama n'yo silang lahat sa pag-alis n'yo dito!" Diretsong nakatingin sa akin si Franklin. 

Nakita ko naman ang pag-iling ng dalawang matanda. Bumuntong hininga lamang ako bago muling ibaling ang atensyon kay Franklin.

"Ilabas mo ang metallic triangle na kailangan namin, at makakasama mo si Chase!" Sigaw ni naman ni Asher. 

"Captain.."

Agad kong inilabas ang metallic triangle na isinama ko sa pagpunta rito. Kung ito ang paraan para makuha si Chase ay gagawin ko. Iniangat ko ito at ipinakita sa kanila, napangisi naman sila sa nakita at nagkatinginan. 

"Ezra.. sigurado ka na ba sa gagawin mo?!" Seryosong tanong naman ni Commander Nazi. 

Mabilis akong tumango bilang tugon at nakita ko ang pag-aalangan sa mga mukha nila. Alam kong para sa kanila ito ang pinakamapanganib na desisyong gagawin ko- pero ito ang magdadala sa amin sa tama. 

"Captain! Hindi ito kasama sa plano!" Sigaw naman ni Justin pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon. 

Tumayo si Franklin at dahan-dahang nag akad papunta sa gitna. Hindi s'ya direktang lumapit sa amin pero alam kong sapat na iyon para masalo n'ya ang metallic triangle na matagal na n'yang inaasam. 

"Ibigay mo na sa akin iyan, Mendivel.. kapalit n'yan ay ang kakambal mo!" Sigaw nito. 

Agad naman akong hinawakan sa braso ni Commander at iniharap sa kanya. 

"H'wag Ezra! Hindi natin alam kong totoo ba ang sinasabi-"

"MANAHIMIK KA NAZI! H'WAG NGA KAYONG MANGIALAM SA PAGITAN NAMIN!" Nakakabinging sigaw ni Franklin kaya naman diretso kong tiningnan sa mga mata si Commander. 

"Ako na ang bahala Commander." Malamig kong saad at muling humarap sa demonyong nagpahirap sa amin sa mahabang panahon. "Paano ako makakasiguradong ilalabas mo nga si Chase?" 

Ngumisi muna ito bago sumagot. "You have my words, young lady."

Walang pag-aalinlangan kong inihagis sa direksyon n'ya ang metallic triangle, nang masalo n'ya ito ay humalakhak ito at nakuha pa nitong iwinagayway ang matagal na n'yang gustong makuha.  

"Ilabas mo si Chase!" Seryoso kong saad at ngumisi naman ito. 

Pumalakpak s'ya ng dalawang beses at agad na bumukas ang isang pinto. Nanatili doon ang mga mata ko, at maya-maya lang ay tanaw na tanaw ko na doon si Chase! 

"Chase!" Sigaw ko rito at agad s'yang tumingin sa akin. 

Akmang lalapit na ito sa akin ng pigilan s'ya ni Franklin habang nakatutok dito ang baril n'ya. 

"Teka lang, may surprise ako sayo para naman mas may thrill diba? Alam kong matalino ka Mendivel! Kaya subukan natin ang talino mo!" Natatawa nitong saad at muling pumalakpak. 

Bumukas muli ang kabilang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa nakita! Si, si-

"C-Chase?" Wala sa sarili kong naitanong. 

Dalawang Chase na ngayon ang nasa harapan ko!

Napatingin ako sa mga kasamahan ko at maging sila ay mukhang nagulat din. Pareho silang dalawa ng suot na damit. Wala akong makitang pinagkaiba sa mga pagmumukha nila! Magkatulad na magkatulad! 

"Ayan lang naman ang mumunting kong surpresa para sayo, Captain Mendivel! Inilabas ko si Chase, sobra pa nga eh. Now, piliin mo kung sino ang isasama mo pauwi!" Tumawa ito na parang baliw kaya naman ay napakuyom ako ng kamao. 

"Hayop ka talaga Franklin!" Sigaw ko at muling tumingin sa dalawang Chase na nasa harap ko. 

Pareho rin sila ng ekspresiyon! 

Palipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa at tinitingnang maigi ang bawat detalye na meron sila. 

"Ezra.. ako ito! Ako ang kakambal mo- please. Maniwala ka sa akin!" Saad ng nasa kaliwang Chase. 

"Hindi Ezra! H'wag kang maniwala sa kanya! Tayo ang magkakambal! Tayong dalawa! Umalis na tayo dito., iwan mo na s'ya! Umalis na tayo dito at hayaan mo na sila.." saad naman ng nasa kanan. 

"Choose wisely, Captain Mendivel!" Tatawa-tawang sabi pa ni Asher at halatang nang-aasar. 

Nakita ko namang lumapit na si Franklin sa isang kumukulong likido na parang acid, mukha itong masayang-masaya sa mga nangyayari.

Ibinalik ko ang tingin sa dalawang Chase at narinig ko pa ang bulungan nina Justin, maging sila ay iniisip kong sino ang tunay na Sanford Chase Mendivel. 

"Sa oras na maihalo ko na dito ang metallic triangle ay matutupad na ang pinapangarap ko! Mapapasaakin na ang lahat at wala ng makakapigil pa sa akin!" Rinig kong sabi ni Franklin at nakipag apir pa ito sa mga alipores niya. 

Magsaya ka hangga't gusto mo Franklin, pero hanggang d'yan lang ang lahat ng mga pinapangarap mo! Matatapos ito tulad ng mga plano ko at hindi ko hahayaang ikaw ang manalo sa labang ito! 

"It's time to choose Captain Mendivel, or else.. pareho ko nalang silang papatayin!" Sigaw nito sa akin. 

Ipinikit ko ang mga mata at inalala ang mga alaala naming magkasama ni Chase, muli akong dumilat at dahan-dahang naglakad. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.